Chapter 27

"P-po?" Gulat na tanong ko. Hindi pa rin ako nakakarecover sa sinabi niya kanina.
"Ang sabi ko, kung pwede ba kitang ligawan? Officially?" Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin. Inalis niya ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat saka niya ginulo ang buhok ko.
"Nagulat ka ba?" Agad akong napatango at napayuko sa tanong niya. Ito ang unang pagkakataon na may magpapaalam sa akin kung pwedeng manligaw. Unang pagkakataong may nagkagusto sa akin. Sino ba namang hindi magugulat?
"Sorry po." Lalo akong napayuko.
"Bakit ka nagsosorry? Feeling ko tuloy basted agad ako." Pagbibiro niya para pagaanin man lang ang mabigat na atmosphere. Tiyak na ako lang ang gumagawa ng awkward na mood.
"Sorry po. Naninibago lang po ako. First time kasi..."
"Naiintindihan ko. Masaya akong maging una mong manliligaw," tumigil siya saglit nang marealize ang sinabi saka natawa. "Iyon ay kung papayag kang ligawan kita."
"Aatakihin po yata ako sa puso dahil sa 'yo." Komento ko dahilan para mapahalakhak siya. Bahagya niya pang pinisil ang pisngi ko.
"Hindi kita pinepressure. Sige, pag-isipan mo muna within this week. Ligaw pa lang naman e pero Allison,"
"Po?" Napaangat ako ng tingin saka ko natitigan ang mga mata niya. Mababakas doon na masaya siya. Ngayon ko narealize 'yong sinasabi nilang, 'matang nakangiti.'
"Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Tinama ko lahat bago umamin sa 'yo. Hindi ko akalaing, darating ang araw na makakausap kita at malalapitan. Tulad nito." Nakangiting sabi niya.
"Ligaw pa lang 'to pero gusto kong ipaalam sa 'yo na seryoso ako." Dugtong niya kaya napalunok ako ng sariling laway. Naputulan na naman yata ako ng dila kaya halos hindi ako makapagsalita.
"Pag-isipan mo." Saka niya ako ulit nginitian at pinisil sa pisngi. Pagkatapos no'n ay hinatid niya ako sa mismong tapat ng bahay. 'Yon nga lang, hindi na siya nagpakita pa kay Mama at Papa.
Lutang ako pagpasok sa bahay kaya hindi ko inaasahang makikita ro'n si Rowan. Nakaupo siya sa sala at nanonood ng TV katabi si Papa. Bihis na bihis din siya.
"R-rowan." Napalingon agad siya nang marinig ang boses ko. Hindi siya nakangiti. Hindi ko alam pero nandito na naman 'yong guilt sa loob-loob ko. Para bang may ginawa na naman akong masama.
Siguro dahil hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung ano ang ginawa ko kanina. Hindi ko rin sinabi sa kaniyang kasama ko si Levi.
"Hindi mo sinabing si Levi pala kasama mo." Tugon niya bago muling ibinaling ang tingin sa TV. Napakagat labi ako saka nag-iwas din ng tingin. Mabuti na lang at dumating si Mama na mukhang galing sa labas.
"O? Nakauwi ka na pala, 'nak. Nandiyan si Rowan." Saad niya habang tinatanggal ang suot na tsinelas. Napatango lang ako bilang sagot.
"Sinabi kong kasama mo si Levi."
Maya-maya lang ay napatayo si Rowan, "Alis na po ako, Tita."
"O sige. Pakumusta na lang ako sa Mama mo!" Sigaw pabalik ni Mama kaya napabuntong hininga ako.
"O? Bakit mukhang problemado ka?" Tanong niya nang makita akong mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Hindi ka ba nag-enjoy sa pinuntahan niyo?"
"Nag-enjoy naman po, Ma."
"Ayon naman pala, ba't nakasimangot ka?"
"Wala po. Akyat na po ako." Hindi ko na hinintay pa ang kasunod ng sasabihin ni Ma. Agad na akong umakyat sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama.
Parang noon lang walang ganito. Nagdisi otso lang ako bigla nang nagkaroon ng manliligaw. Jusme.
--------
"Hello po?" Kumatok ako sa medyo nakaawang na pinto. Nandito kasi ako sa tapat ng bahay nina Rowan. Sabado naman pero nagchat kasi sa akin isa naming teacher. Hindi niya raw macontact si Rowan kaya ako na lang. Hindi rin naman kasi 'yon nagbibigay ng number ni Tita Camille, ewan ko sa taong 'yan. Ako tuloy ang palaging cinocontact ng school 'pag tungkol sa kaniya. Daig ko pa ang guardian niya.
"Ba't hindi ka pa pumasok?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Rouie. May dala siyang supot na hindi ko alam kung anong laman. "Tulog pa 'yon si Rowan." Dugtong niya saka ako sinenyasan na pumasok na.
"Chinat po kasi ako ni Ma'am, bagsak daw po siya sa DIASS dahil hindi nakapagreport. Sabi naman po ni Ma'am, sabihan ko si Rowan na gumawa na lang po ng powerpoint presentation saka ipresent niya sa monday sa faculty."
"Ah. Pasaway talaga. Pasok ka." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto kaya pumasok na rin ako.
Ngayong hindi ko na crush si Rouie, nakakausap niya na ako nang maayos. Hindi tulad dati na palagi akong sinisimangutan. Natatawa na lang talaga ako 'pag naaalala lahat ng pinaggagawa ko mapansin niya lang. Nakakahiya, pinagkakalat ko pa man ding magiging asawa siya in the future.
"Gisingin ko lang si Rowan." Napatango ako saka naupo sa sofa nila. Binuksan din ni Rouie ang TV para manood muna ako. Mabagal kasi 'yon kumilos si Rowan kapag bagong gising.
Ilang minuto rin yata ang lumipas bago bumaba si Rouie. Aniya'y hintayin ko na lang si Rowan. Tumango na lang ulit ako saka nanood na lang sa cartoon network. Hays tingnan mo nga naman at doon niya pa nilagay sa channel ng mga pambata. Hinayaan ko na lang, tutal nakakamiss din namang manood ng cartoons.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga yabag ng paang bumababa sa hagdan. Nakita ko na si Rowan na halatang bagong gising pero bakit gano'n? Ang fresh niyang tingnan kahit naghilamos lang. Samantalang ako na bagong ligo haggard na agad. Ang unfair talaga ng Earth.
"Bakit?" Napabuntong hininga ako. Naalala kong medyo hindi nga pala kami okay kagabi. Inexplain ko na lang sa kaniya 'yong nangyari at 'yong mga sinabi ni Ma'am. Patango tango lang din siya habang nakikinig.
"Gusto mo bang tulungan kita sa paggawa ng powerpoint presentation?" Tanong ko matapoa mag-explain sa kaniya. Tango lang ulit ang isinagot niya dahilan para mapabuntong hininga ako. Ang hirap kausap ng isang 'to.
"Doon tayo sa taas." Pag-aaya niya kaya napatango ako.
"Teka, hindi ka ba muna magbebreakfast?" Nilingon niya 'ko kaya bigla akong nahiya. "Nagsusuggest lang naman e." Bulong ko dahilan para bahagya siyang matawa.
"Sige, mauna ka na sa taas. Kakain lang ako ng mabilis."
"Hindi na. Hintayin na kita rito." Sagot ko saka siya nginitian. Mabuti na lang at okay na kami ulit. Baka nag-overthink lang talaga ako kagabi. Ang gulo kasi nila ni Levi, swear.
"Sige. Kumain ka na ba? Gusto mong sumabay?"
Umiling ako, "Hindi na. Hintayin na lang kita rito." Napatango siya saka naglakad papuntang kusina. Naupo na lang ulit ako sa sofa at nanood ng cartoons.
Tinotoo nga ni Rowan na mabilis lang siya. 15 minutes pa nga lang yata at tapos na agad siya. Siguradong konti lang ang nakain niya sa pagmamadali.
"Tara na." Tumango ako at sumunod na sa kaniya. Gaya ng usual, sa study room nila kami gagawa ng special project niya.
Naging maayos naman ang paggawa namin ng powerpoint presentation. Siya ang nagtatype sa laptop ng kuya niya habang ako naman ang taga bigay ng information na itatype niya. Ginawan ko na rin siya ng notes na kailangan niyang sabihin kapag pinareport siya ni ma'am sa faculty sa lunes.
"Tapos na?" Tanong niya nang mapansing nagliligpit na ako. Napatango ako kaya pabagsak siyang nahiga sa sahig.
"Pasaway ka kasi. Dapat ayusin mo na pag-aaral mo next school year. College ka na."
"Oo na." Sagot niya pa saka ako tinalikuran.
"Nga pala, pwedeng paonline? Nakalimutan ko phone ko sa bahay." Napatihaya siya saka tumango. "Akin na."
"Sa kwarto. Sa drawer." Sagot niya kaya napatango ako.
"Ang tamad mo." Hasik ko kaya natawa siya. "Iligpit mo na 'yan ha?" Bilin ko pa bago tuluyang lumabas sa study room. Katabi lang naman nito ang kwarto niya kaya mabilis din akong nakapasok.
Infairness naman, malinis. Last time na pumasok ako rito sobrang gulo. Para yatang binagyo. Nakakapanibago tuloy. Naupo ako sa kama niya saka kinalikot ang drawer na sinasabi niya. Nakita ko naman agad ang cellphone niya at agad na binuksan 'yon.
Napakunot noo ako nang makitang anime ang wallpaper niya. 'Yong babaeng cute na may kawayan sa bibig. Nezuko yata ang name pero hindi ako sigurado. Naririnig ko lang kay Rowan.
Inopen ko agad ang wifi nito saka binuksan ang facebook lite. Wala siyang facebook app e. Bumungad sa akin ang account niya pero syempre privacy pa rin kaya mabilis kong inscroll pababa para sana maglog-out.
Laking gulat ko lang nang makita ang pamilyar na pangalan ng account.
"Eren Jeager." Mahinang pagbasa ko rito. Nakadeact 'yon base sa itsura ng profile pero nagbabakasali pa rin akong mabuksan.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nagloloading.
Siguro dahil nakasave ang informations ng account na 'yon sa cellphone niya, nabuksan ko pa rin kahit nakadeactivate. Napasingap ako nang buksan ang inbox. Walang ibang thread doon maliban sa facebook account ko.
Sa puntong 'yon, alam ko na kung anong ibig sabihin nito.
Binuksan ko pa rin ang nag-iisang thread doon. Bumungad sa akin ang pamilyar na conversation. 'Yon ang huling pag-uusap namin bago siya nagdeactivate.
Napahawak ako sa bibig. Saka inexit lahat ng apps na binuksan ko. Mabilis ko ring isinilid ang cellphone sa dati nitong lalagyan. Gulat na gulat ang buong sistema ko.
Pakiramdan ko rin, halos nagwawala ang puso ko sa loob ng ribcage nito.
Si Rowan, siya si Eren. 'Yong kachat ko palagi noon.
Hindi ako makapaniwala. All this time, si Rowan na best friend ko lang pala ang taong hinahanap ko. Out of the blue, bigla kong naalala at naisip lahat ng nga scenario na nagtuturo sa aking siya nga si Eren.
'Yong unang beses na nagsend sa akin si Eren ng picture ng waiting shed. Nakita ko rin siya malapit doon. 'Yong hood na hiniram niya kay Levi. 'Yong part na hinuhuli ko si Rouie, nakita ko rin siyang hawak ang cellphone niya no'n!
"Fudge." Anas ko nang marealize lahat 'yon. Naalala ko ring mayroon nga namang maliit na balat si Rowan sa dibdib. Nakikita ko 'yon noong mga bata pa kami, kapag naliligo sa ulan at nakahubad siya ng pang-itaas.
Ang tanga ko. All this time...
"Allison?" Napaigtad ako at napalingon sa pinto. Bukas na 'yon at nakatayo si Rowan.
"Ang tagal mo. Nakita mo ba 'yong cellphone ko?" Tanong niya kaya napailing-iling ako.
"H-hindi." Untag ko saka nag-iwas ng tingin.
Napabuntong hininga siya saka naglakad palapit sa akin, binuksan niya 'yong drawer saka kinuha ang cellphone niya. "O."
"H-hindi na. Uuwi na lang pala ako." Mabilis na sabi ko saka nagtatakbo palabas doon.
Nakasalubong ko pa nga si Rouie sa hagdan pero hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko may karerang nagaganap sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pintig nito. Pinoproseso din ng utak ko lahat ng nangyari.
Paano si Levi? Akala ko siya 'yon. Hindi ba sabi niya siya nga si Eren?
"Fudge." Naupo ako sa gilid. Gulong-gulo ang isip. Hindi ko na naman alam kung sinong paniniwalaan at kung anong iisipin.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit mas pinili kong umakto kanina na walang alam. Imbes na kausapin ko si Rowan at kumprontahin, nagawa ko pang magsinungaling at magkunwaring walang alam.
"Ang gulo na." Bulong ko saka sinabunutan ang sarili. "Ang tanga ko."

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    PascualAngel

    <3super gandaa

    04/12/2024

      0
  • avatar
    De GuzmanJenrel

    dhdjjjajjshdhd

    20/10/2024

      0
  • avatar
    MariaMonina De Jesus

    it's so good

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata