Homepage/Undeniable Love/
Chapter 26
Sabay kaming napabuntong hininga ni Krisha matapos kong ikwento sa kaniya lahat ng nangyari no'ng isang araw. Kinwento ko na rin pati 'yong tungkol sa pinag-usapan namin ni Rouie.
"Haba ng hair." Komento niya saka umaktong naaapakan ang imaginary long hair ko. Natawa kami pareho dahil doon. "Gosh, pengeng excess girl. Kahit 'yong mga split ends lang."
"Baliw ka talaga." Napahalakhak siya saka umayos ng upo. Hinarap niya ako bago nagsalita.
"Gets ko 'yong point ni Rouie. Medyo nagwoworry lang siya sa inyo, afterall mga bata pa kayo ni Rowan. Marami pang pwedeng mangyari." Napatango ako.
"Pero eto ha? The fact na iniisip at pinoproblema mo 'yan, meaning confirmed. May gusto ka nga kay Rowan." Nginisihan niya ako saka siniko. Nag-iwas naman ako ng tingin at hindi umimik. Hinayaan ko siyang asarin ako.
"Best friend ko si Rowan." Untag ko kaya inirapan niya ako.
"Okay, okay. Kailan ba tayo matatapos sa excuse na 'yan? Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko, Allison Jane Vergara." Sarcastic na sabi niya kaya natameme ako. "O ano? Sumagot ka. May gusto ka ba kay Rowan? Meron o wala? Yes or no? 'Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa 'te."
"Krisha..."
"At saka paano si Levi? Paaasahin mo ba 'yong tao? Hindi mo maamin na bet mo si Rowan? Tapos pinagkakalat mong si Levi ang bet mo? Alam mo, ang gulo mong tao."
"Sorry." Tugon ko kaya malakas siyang napabuga ng hangin. Napailing-iling siya.
"Bakit nagsosorry ka sa 'kin? Kahit ako sumasakit ulo ko dahil sa 'yo e." Reklamo niya saka maarteng hinawi ang buhok.
"Oo na. Akala ko ba nagpunta ka rito para magreview?" Pag-iiba ko sa usapan. Nandito kasi kami sa kwarto ko. Nagrereview ako kanina pero natigil lang no'ng pagdating niya. Aniya'y magrereview rin siya pero ayon, kung saan-saan na napunta ang pag-chichikahan naming dalawa.
"Hindi ah. Nagpunta ako rito para makipagchikahan." Pilyang saad niya saka iginala ang paningin sa kwarto ko. Una niyang napansin ang mga posters ng kpop saka siya napailing.
"Aanuhin mo naman ang mga 'yan. Hindi mo naman mahahawakan at makakasama."
"H'wag mo nang pagdiskitahan 'yan." Sinimangutan ko siya saka hinila para maupong muli sa kama ko.
Dahil sobrang bored siya, naisipan niya na lang na magfacebook habang hinahayaan akong magreview. Pinipigilan ko na lang ang sariling 'wag siyang punahin. Kahit ano kasing gawin ko hindi ko talaga 'yan mahihikayat na mag-aaral. Kung mahirap turuan si Rowan, mas sobra si Krisha. Wala talaga siyang amor sa pag-aaral. Mas gusto niya pa ang matulog o tumambay.
Ibinaba ko ang hawak na libro nang makarinig ng katok mula sa pinto. Nagkatinginan kami ni Krisha bago siya napaayos ng upo. Ako na ang nagbukas, bumungad sa akin ang mukha ni Mama.
"Nagrereview ba kayo, Anak? Hinahanap ka ni Rowan." Nakangiting sabi niya habang sumisilip sa kwarto ko. Muntik pa akong matawa nang makitang hawak ni Krisha ang math book at kunwaring nagbabasa roon.
"Sige po, Ma. Baba po kami." Tumango-tango si Mama saka muling isinara ang pinto.
Malakas kong hinampas kay Krisha ang unan, "Baliktad 'yang libro mo." Tumatawang sabi ko kaya mabilis niyang binaliktad 'yon.
"Kinabahan ako do'n." Nagtawanan ulit kami. Siguradong nahihiya pa rin siya kahit papaano kay Mama. "So, punta tayo kina Ro?"
"Ano pa nga ba?" Nagkibit-balikat ako saka iniligpit ang mga gamit. Inayos ko 'yon sa paraang madaling bitbitin just in case na magyaya si Rowan sa bahay nila. Ganito ang gawain no'n kapag magf-finals e. Sinusundo ako sa bahay para doon magreview sa kanila.
"Mukhang mas enjoy doon merong gwapo." Pilyang sabi ni Krisha habang sabay kaming bumababa sa hagdan. "Hindi ba ayaw mo na kay Rouie, akin na lang."
"Baliw." Sagot ko kaya natawa siya. Pinalo pa ako nito sa pwet kaya pinandilatan ko siya ng mata. Ang pilya talaga niyan. Laging nanghahampas sa pwet, minsan na nga rin niyang pinisil ang dibdib ko. Loka-loka talaga ang babaeng 'to. Ewan ko rin talaga at nagkakasundo kami kahit na sobrang laki ng pagkakaiba namin sa iba't-ibang aspeto ng buhay.
Nasunod ang gusto nilang doon na lang sa bahay ni Rowan magreview. Aniya'y, wala roon si Rouie at may lakad kaya bakante ang bahay. Kaso, imbes na magreview panay youtube lang ang bruha dahil may wifi, sulitin na lang daw.
Sa totoo lang, hindi ko inaakalang papansin ulit ako ni Rowan o babalik kami sa casual na pakikitungo sa isa't isa. Pagkatapos kasi no'ng napag-usapan namin, hindi ako nakatulog nang maayos ng gabing 'yon. Iniisip ko lahat ng mga possible idea kung bakit nagkakaganito ako at siya. Pati na rin 'yong sinabi ni Rouie.
"Mas malala pa 'yan sa 'yo." Naiiling na saad ko kaya tinawanan lang ako ni Rowan.
Mag-iisang oras yata kaming nagbabasa bago makarinig ng mga ingay sa labasan. Ibinaba ko ang librong hawak para tingnan kung sinong dumating, bumungad sa akin ang mukha ni Levi. Mukhang hindi niya inaasahang makikita ako rito.
Kinawayan ko siya at nginitian. Kasunod niya si Rouie na mayroong dalang supot, mukhang pagkain. "Ah. Nandito pala kayo." Walang emosyong untag niya kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Para kasi talaga siyang robot, walang emosyon.
Siniko ko si Rowan nang makitang nagdadabog na siya. Napabuntong hininga lang siya nang makita ako saka bumalik sa sinusulat niyang reviewer. Si Krisha naman ay may sarili na yatang mundo sa gilid. Nakaupo siya sa sahig at nanonood ng kung ano-ano. Binigyan din namin siya ng earphone para hindi maingay.
"Finals niyo na nga pala, 'no?" Naramdaman ko ang pagtabi sa 'kin ni Levi kaya napatango ako. Pinakita ko rin sa kaniya ang schedule ng test namin bukas.
"May maitutulong ba 'ko?" Pabuka pa lang ako ng bibig ay nakasagot na agad si Rowan.
"Wala." Aniya saka sinamaan ng tingin si Levi. Ang isa naman ay parang wala lang. Ni hindi man lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagscan ng notebook ko.
"Nagrereview ba ang isang 'yan?" Napalingon kaming lahat kay Rouie nang makita si Krisha.
"Patay." Bulong ko saka kinalabit sa Krisha. Ayaw kasi niyan ni Rouie na kapag oras ng review nagyo-youtube. Or 'yong gagamitin ang wifi sa walang kabuluhan, ika niya. Madalas din silang nag-aaway ni Rowan dahil diyan.
"Bakit?" Nilingon ako ni Krisha saka napaayos ng upo. Sinenyasan ko siyang alisina ng earphone at saka tinuro sina Rouie at Levi na nakatingin sa kaniya.
"Nagagalit." Wika ko na walang boses. Puro senyas lang. Napatango naman siya saka itinago ang cellphone, wala siyang ibang nagawa at nakisali sa amin sa mesa.
"Hindi mo naman sinabing darating kuya mo." Hasik niya kay Rowan saka pa ito siniko. Napailing na lang ako.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang maupo si Rouie sa sofa at may binabasa na namang libro. Ang strikto niya kasi kapag ganitong finals. Kaya nga minsan ayoko ring magreview dito. Daig ko pa ang nasa school e.
"Ano namang ginagawa mo rito?" Baling ni Krisha kay Levi na tinutulungan ako sa paghighlight ng mga important details.
"Tambay lang. Nasaktuhan lang na nandito kayo." Tipid na sagot niya saka muling bumalik sa ginagawa. Nagkibit-balikat na lang ako kaya inirapan ako ni Krisha.
Pagkaraan ng ilang minuto ay kaniya-kaniya na kami ng binabasa at ginagawa, walang pakialaman kaya medyo natutuwa ako nang makitang pati si Krisha ay nagpaparticipate.
-------
"Half day lang kayo ngayon, ano 'nak?" Tanong ni Mama habang pinupunasan si Papa. Ako naman ay kasalukuyang nagsisintas ng sapatos.
"Opo, Ma. Magchecheck na lang po ng papers." Nakangiting sagot ko kaya napatango siya. "Alis na po ako, Mama. Bye po Pa." Hinalikan ko ulit sila pareho sa pisngi bago tuluyang umalis.
Sa wakas, patapos na ang pinaka hell week. Natapos kasi ang finals ng isang araw kaya sigudo bilang pakunswelo ng school sa amin, half day lang kami ngayon. 'Yon ay para ayusin lahat ng mga aayusin, lalo na 'yong mga may kulang na grades at magchecheck ng papers.
Hindi pa ako nakakalayo sa bahay ay namataan ko na si Levi na paparating. Mukhang pupuntahan niya na naman ako sa bahay. Lately kasi palagi akong maagang pumapasok samantalang si Rowan naman ay late kaya madalas na si Levi ang kasabay ko.
"Good morning." Nakangiting bati niya na sinagot ko rin ng ngiti.
"Ang aga mo na naman. Feeling ko talaga naaabala ko schedule ng tulog at classes mo e." Komento ko dahilan para matawa siya.
"Okay lang." Aniya, hindi ko rin inaasahang bigla niya akong kikindatan kaya agad akong napaiwas ng tingin. Natawa lang siya ng mahina saka kami sabay na nagpatuloy sa paglalakad.
"Magchecheck na lang kayo ng papers 'di ba?" Napatango ako bilang sagot. Siguradong tuwang-tuwa na ang mga kaklase ko nito.
"Bakit po?"
"Wala naman. Gusto sana kitang dalhin ulit sa farm. Bagong ani kasi 'yong mga mais. Baka gusto mo?"
Napaisip ako saglit. Kung tutuusin nag-eenjoy naman akong kasama si Levi. Lalo na sa farm nila. Ang presko kasi roon at ang ganda ng ambiance. Pero sa loob-loob ko ay nagiguilty ako habang naaalala si Rowan. Hindi ko lang alam kung bakit.
I mean, ang weird lang. Naguguluhan na rin talaga 'ko sa utak ko.
"Sige po."
Pagdating sa school ay halos wala kaming ibang ginawa kundi tumunganga at magcellphone. Walang pumasok ni isang teacher. Anila'y next week na daw kasi ang pasahan ng grades namin kaya medyo busy sila. Majority rin sa klase ko ay excited sa practice.
"Allison," napalingon ako nang marinig ang boses ni Rowan. Nakangiti siya at halatant good mood.
"O?"
"Sama ka sa 'min?" Tanong niya saka tinuro si Krisha. Mukhang nagbabalak na naman silang magbluelights. Gusto ko sanang sumama dahil hindi na ako nakaulit doon, sayang. Kaso nga lang, nakapayag na ako kay Levi na pupunta kaming farm ngayong hapon. Alam ko namang magagabihan na naman kami.
"Hindi ako pwede e." Napawi ang ngiti niya bago nilingon si Krisha na tinaasan lang siya ng kilay.
"Sorry." Tipid niya 'kong nginitian.
"Okay lang. May sunod pa naman. Gusto lang naming magcelebrate."
"Celebrate? As if magaganda results ng grade natin." Nakasimangot na sabad ni Krisha kaya natawa ako.
"Ang nega mo naman." Komento ko na inirapan niya lang.
"At saka ikaw lang babagsak. Nagreview ako." Pang-aalaska pa ni Rowan.
"Nyenye whatever."
Napapailing na lang ako. Kailan kaya magbabago ang isang 'to.
------
Gaya ng napag-usapan, sinundo ako ni Levi bandang alas dos ng hapon at ipinagpaalam ulit ako kay Mama. As usual, tuwang-tuwa si Mama dahil makakagala na naman daw ako. Ang laki rin kasi ng tiwala niya kay Levi. Sino ba namang hindi? Hinahatid at sinusundo ako sa bahay tapos pinagpapaalam pa ako. Pag-uwi ay may dala pang pasalubong. Kahit si Papa, ramdam kong magaan ang loob niya kay Levi.
Tuwang-tuwa na naman sina Lolo at Lola nang makita ako. Busog na busog din ako ng mga meryendang inihanda nila. May buko juice pa. Buong maghapon yata kaming naglakad-lakad doon. May duyan din sa gilid na ang sarap pagtambayan dahil sa preskong hangin.
Kung hindi lang dahil sa tawag ni Lola, hindi namin mamamalayang alas sais na at kailangan ng umuwi.
"Napagod ka?" Napalingon ako kay Levi saka bahagyang napatango. Pauwi na kami at kasalukuyang nakasakay sa jeep. Malapit na rin kami sa waiting shed.
"Pero sulit naman po. Nag-enjoy talaga ako." Saka ako nagthumbs up. Napangiti siya bago kinatok ang bubong ng jeep.
"Buti naman kung gano'n."
"Sino ba namang hindi mag-eenjoy. Ang ganda kaya sa farm niyo, ang bait pa ng Lolo at Lola mo." Napangiti lang ulit siya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong proud siya sa family niya.
"Sayang wala akong dalang bulaklak." Bulong niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nang makita niyang nagtataka ako ay napailing siya, "Wala."
Natatanaw ko na ang bahay namin nang maramdaman kong tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Bakit po?" Tanong ko nang mapansing diretso siyang nakatingin sa akin ng seryoso. Bigla na naman tuloy akong naconscious sa mukha ko.
"Allison," panimula niya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat para tuluyang iharap sa kaniya. "Alam kong nagpaalam na ako kay Tita pero sa 'yo hindi pa."
"Ha? A-ano po 'yon?"
Nginitian niya 'ko, isang genuine na ngiti na kahit sino yata ay pwedeng matunaw dahil doon.
"Pwede ba kitang ligawan? Officially?"
Pakiramdam ko, nabingi ako dahil sa sinabi niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
<3super gandaa
04/12/2024
0dhdjjjajjshdhd
20/10/2024
0it's so good
25/07/2024
0Tingnan Lahat