Homepage/Undeniable Love/
Chapter 24
"Seryoso?" Bulalas ni Krisha dahilan para mapatingin sa gawi namin ang ibang estudaynte na kasalukuyang nagrerecess.
Tinanguan ko siya saka sinenyasang 'wag mag-ingay. Medyo OA pa man din si Krisha kung magreact. Kinukwento ko sa kaniya lahat ng nangyari noong nakaraang biyernes.
"Wow." Hindi makapaniwalang aniya saka ako niyugyog. "Ibang level si Levi, girl! Magmula no'ng lagi kayong magkasama hindi ko na siya nakikita sa bluelights. Grabe, ikaw lang pala ang makakapagbago sa fuckboy na 'yon." Mahabang litanya niya kaya napailing ako. Sinenyasan ko ulit siyang manahimik. Ayoko namang makalabas sa ibang tao 'to.
"Sige na, mananahimik ako." Saka siya umaktong sinasara ang bibig. "Tuloy mo kwento." Saka niya pa ako sinenyasang magpatuloy sa naudlot na kwento.
Napabuntong hininga ako, "Gusto niya raw ako matagal na."
Nanlaki ang mga mata niya bago nagtitili. Napatingin na naman tuloy ang ibang tao pero mukhang walang pakialam si Krisha. Ako ang nahihiya dahil sa kaniya e. Kulang na nga lang sitahin kami ng isang tindera.
"Krisha."
"Bakit ba? Kinikilig ako! Hindi mo ako mapipigilang 'wag kiligin dahil nakakakilig naman talaga si Levi! Ganiyan pala ang mga fuckboy 'pag nagseseryoso! Shuta!" Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang palad.
Parang anytime, bubulagta na siya sa sahig at mangingisay sa kilig. Kinikilig na siya kahit nakikinig lang, paano pa kaya kung sa kaniya 'yon sinabi ni Levi? Baka namatay na talaga siya dahil sa kilig.
"Pucha! Ang swerte mo, Allison!"
"Hindi pa kasi tapos 'yong kwento." Nakasimangot na untag ko. "Lagi mong pinuputol e."
"Wow, may kasunod pa? Grabe, Girl. Hindi ko kinakaya. Nilalanggam yata ako o." Saka pa siya umaktong may mga langgam sa paanan niya. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung nakabuti bang kinwento ko sa kaniya 'to o hindi.
"So? Anong next?" Excited at parang batang tanong niya.
"No'ng hinatid niya ako, nagpaalam siya kay Mama na nilagawan ako." This time, napasigaw na talaga si Krisha habang pinapalo ng mga kamay ang mesa. Tuluyan na rin kaming nasita ng tindera dahil nakakaabala daw kami sa mga ibang estudyante.
"Sorry po." Hinging paumanhin ko habang hinihila si Krisha palabas sa canteen.
Wala kaming choice kundi ang tumambay na lang sa malawak na soccer field para hindi makaabala.
"My Gash! Kinikilig ako para sa 'yo!" Untag niya habang inuulit pa ang ilan sa mga linyang nakwento kong sinabi ni Levi.
"Akala ko ba hater ka ni Levi?"
"Oo nga, pero nakakakilig kasi e. Hindi ko mapigilan." Tumatawang sabi niya kaya napailing na lang ako. Ang weird din ng isang 'to.
"Naalala ko, sinabi mong si Levi ang gusto mo 'di ba? O? Edi umoo ka na sa kaniya."
"Gano'n ba 'yon kasimple?" Namomroblemang tanong ko saka natulala sa mga estudyanteng paroon at parito.
Ang sabi kasi ni Mama, nasa akin ang desisyon dahil payag naman daw siya kung ligaw lang ang usapan. Kaso, hindi ako makapag-isip nang matino. Aminado naman akong medyo kinikilig ako pero kilig lang ba dapat?
Gusto ko ba si Levi?
Hindi ko alam.
"Ang gulo mo. Akala ko ba sinabi mong siya ang gusto mo? Bakit pinapakumplikado mo pa at bakit pinoproblema mo pa 'yan?"
Hindi ako nakasagot. May isang ideyang pumipigil sa akin na 'wag magpaligaw.
"Baka naman dahil kay Rowan?" Automatic akong napalingon kay Krisha dahil sa sinabi niya. Nagkibit-balikat siya.
"Bakit nadamay si Rowan?"
"Sino ba talagang gusto mo? Si Rowan o si Levi?"
"Kailangan ko bang mamili? Best friend ko si Rowan." Sagot ko kaya napailing siya. Para bang may hinihintay siyang sabihin ako na hindi ko masabi-sabi.
"Alam kong best friend mo si Rowan. Sagutin mo ang tanong ko, may gusto ka ba sa kaniya?"
"Best friend ko siya." Giit ko kaya napabuntong hininga siya bago napailing.
"Alam mo? Ang gulo mo kausap, Girl." Hinarap niya ako saka pinakita ang isa niyang hintuturo, "Kita mo 'to? Ito si Levi." Pinakita niya rin ang isa pang hintuturo sa kabilang kamay, "At ito si Rowan."
"Anong gagawin ko diyan?" Nakasimnagot na tanong ko saka hinawi ang mga kamay niyang nakaharap sa akin.
"Ewan ko rin." Sagot niya dahilan para magtawanan kaming dalawa.
Sa huli, nag-iba na lang kami ng topic dahil medyo magulo rin talagang kausap si Krisha. Ang dami niya kasing naisisingit e.
Pagsapit ng alas tres y media, mabilis kong niligpit ang mga gamit. May usapan kasi kami ni Levi na sasamahan siya sa Mall para bumili ng pamproject. Hindi naman ako makatanggi dahil ang dami rin naman niyang naitulong sa akin, lalo na no'ng preparation sa final defense.
Palabas na ako sa pinto nang marinig ang pangalan. Napalingon ako at nakita si Rowan.
"Bakit?" Takang tanong ko. Ngayon niya lang kasi ako ulit tinawag. Pagkatapos no'ng final defense, hindi pa kami ulit nakakapag-usap.
"Wala." Tipid niya akong nginitian bago sinabayan sa paglalakad.
Bigla akong nanibago kaya namalayan ko na lang ang sariling maya't-maya siyang sinusulyapan.
"Bakit?" Tanong niya nang mahuli akong nakatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hiya bago napailing-iling.
"W-wala."
'Yon ang tanging lumabas sa bibig ko kahit na gusto ko sanang itanong kung totoo bang girlfriend niya si Mina. Paano si Janelle? Hindi ko rin nakikitang may interaction sila ni Mina sa classroom, ganoon pa rin naman sila. May kaniya-kaniyang gawain. Kaya hindi ko alam kung paano itatanong kay Rowan ang tungkol doon. At isa pa, pakiramdam ko wala naman akong karapatang magtanong at makialam. Kaibigan lang naman ako.
Natigil ako sa paglalakad nang makitang hindi na humahakbang si Rowan. Nakatingin lang siya kay Levi na nasa harap namin.
Napakagat labi ako. Halos gusto kong sabunutan ang sarili. Nakalimutan kong sabihing may usapan nga pala kami ni Levi. Masyado lang akong nagalak na pinapansin na ako ni Rowan.
"Hi." Nakangiting bati ni Levi sa akin saka bahagyang sinulyapan si Rowan na nakatayo sa tabi ko.
Naestatwa tuloy ako sa kinatatayuan. Selfish ba ako kung sasabihin kong ayokong indian si Levi at ayoko ring iwan si Rowan?
"Ah." Rinig kong bulong ni Rowan bago ako binalingan ng tingin. "Bukas na lang." Aniya saka ako nginitian.
Mabilis siyang dumiretso sa paglalakad kaya naiwan ako kasama si Levi. Gusto ko sana siyang habulin pero ayoko namang maging bastos kay Levi.
"Okay na kayo?" Tanong niya nang tuluyang mawala si Rowan. Napatango na lang ako bilang sagot.
Kakaokay lang namin e. Hindi ko alam kung bukas hindi niya na naman ako papansinin. 'Wag naman sana.
"Tara na?" Tumango lang ulit ako saka hinayaan siyang igiya ako.
Lutang ako habang pareho kaming nag-iikot-ikot sa mga store. Matapos niyang makabili ng materials sa NBS inaya niya akong mag-ikot-ikot.
"Allison?" Napaigtad ako at napatingin sa kaniya. Saka ko lang napansin na kanina pa pala siya nagkukwento habang ako, tulala lang.
"P-po?"
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Tugon niya saka bahagyang pinat ang ulo ko.
"Sorry."
"Okay lang. Gusto mo bang kumain? Pagod ka na?"
Napatango na lang ako saka sinubukang alisin lahat ng nasa isip.
---------
Paandar na sana ang jeep nang huminto ulit 'yon dahilan para mauntog ako. Napakamot na lang ako sa ulo saka muling naupo ng maayos.
Nagulat ako nang makita si Rouie na pumasok sa jeep. Nagkatinginan kami saglit kaya binati ko siya. Tinanguan niya naman ako bago naupo sa pwestong kaharap ko.
Natawa na lang ako sa isip. Siguradong kung noon 'to, halos himatayin na ako sa kilig. Pero ngayon parang wala lang. Totoo palang natutunaw bigla ang pagkacrush natin sa isang tao.
Naalala kong wala akong ibang bukambibig noon kundi siya pero ngayon ewan ko. Nagulo yata 'yong utak at feelings ko simula nang lumitaw si Eren, idagdag pa si Levi. Tapos ngayon, si Rowan pabago-bago ng girlfriend. Hindi ko alam kung bakit apektado ako.
Napabuntong hininga na lang ako saka napatingin sa labas.
Sabay kaming bumaba sa tapat ng waiting shed. Mauuna na sana ako kung hindi niya lang ako tinawag.
"Po?"
"Pwede ka bang makausap?" Tanong niya kaya alangan akong napatango.
Hindi ko alam kung bakit biglang gusto niya akong kausapin. Medyo mas pinapansin niya na rin ako kaysa noong bali-balita na patay na patay daw ako sa kaniya. Pero ayoko ng balikan 'yon 'no. Past is past.
"Doon na lang." Tugon niya saka ako iginiya sa mga tindahang nasa kabilang kalsada. Tumango ulit ako at sumunod naman sa kaniya.
Hinayaan ko siyang tumingin sa mga tindahan, marami kasing mga nagtitinda ng streetfoods kapag ganitong oras dito. Marami ring tao. Nagmumukha nga 'tong palengke minsan e, kahit na puro meryenda lang ang mga nandito.
Tumigil kami sa tapat ng stall na barbeque. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pumipili siya ng bibilhin para ihawin.
"Pili ka."
"O-opo." Kahit medyo nahihiya, kumuha na lang din ako ng dalawang stick ng isaw saka 'yon binigay sa tindera.
I swear kahit hindi ko na crush si Rouie, nakakaintimidate pa rin talaga ang aura niya. Para bang siya 'yong tipo ng tao na kapag katabi mo, maiilang o mahihiya ka. Ang tahimik niya kasi at nag-uumapaw sa kaseryosohan. Bihira ko nga lang siyang makitang nakangiti e, o nagbibiro.
"Okay na ba kayo ni Rowan?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya. Busy pa rin siya sa pamimili ng iihawin.
Mukhang pati sina Tita Camille, napapansing hindi kami madalas magkasama ni Rowan ngayon. Masyado bang odd sa kanila 'yon?
Kung sabagay, halos hindi nga naman kami mapaghiwalay. Kulang na nga lang daw ay magpalitan kami ng mukha simula pagkabata.
Napabuntong hininga na lang ako, "Hindi ko po alam e."
"Alam mo ba kung bakit weird na maging magkasintahan ang dalawang taong matalik na magkaibigan?" Hindi ako umimik at hinayaan lang siya sa sasabihin.
Bihira ko lang siyang marinig na nagsasalita nang ganiyan kahaba kaya medyo naninibago ako.
"Hindi naman lahat ng relasyon nagtatagal. Magiging awkward lang kayo sa isa't-isa 'pag natapos ang relasyon na 'yon." Nilingon niya ako gamit ang seryosong mukha dahilan para mapayuko ako.
Gusto ko sanang itanong kung bakit niya sinasabi sa kin 'to. O kung ano ba talaga ang purpose ng pag-uusap na 'to.
"Nahanap mo na ba kung sinong hinahanap mo?"
"P-po?" Takang tanong ko. Para akong isang maamong tuta na halos hindi makagalaw at makapagsalita dahil sa kaniya.
"'Yong kachat mo gabi-gabi."
Napatango ako, "Ah. Si Levi po." Tugon ko kaya nagkibit-balikat siya. Kahit anong gawin kong pakikiramdam sa kaniya o pagtitig sa kaniya, wala akong mabasa. Hindi ko pa rin mahulaan kung anong nasa isip niya.
"May gusto ka ba kay Levi?" Diretsahang tanong niya kaya hindi ulit ako nakasagot. Daig ko pa ang nawalan ng dila at hindi makapagsalita.
"O gusto mo lang siya dahil siya 'yong inaakala mong taong hinahanap mo?" Tanong niya saka ako tinaasan ng kilay.
"P-po?"
"Wala. Kunin mo na lang 'yang iyo, bayad na 'yan." Tugon niya saka binayaran lahat ng pinaihaw niya. Dire-diretso siyang naglakad paalis na parang wala lang.
Na parang hindi niya ginulo ang isip ko.
Samantalang ako, naiwang tulala rito at pinoproseso lahat ng sinabi niya.
"Ito na, Ineng." Napaigtad ako at napalingon sa aleng nagbabalot ng dalawang isaw na pinili ko.
"Ang lalim naman ng pinag-uusapan niyo." Nakangiting komento niya kaya pilit akong napangiti. "Salamat."
"Salamat din po." Nginitian ko ulit siya bago tuluyang naglakad paalis.
Hindi pa nga ako nakakarating sa bahay, nakita ko si Levi at Rowan na nag-uusap sa gilid. Nagsusumigaw ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Seryoso rin ang mukha ni Levi habang nakakuyom ang mga kamao ni Rowan.
"Hindi ba sila nakita ni Rouie?" Takang tanong ko.
Lalapitan ko na sana sila pero natigilan ako nang makitang biglang sinuntok ni Rowan si Levi. Gulat ang bumalot sa sistema ko.
Ano na naman bang pinag-aawayan nila?
"Rowan!" Sigaw ko nang makitang aambahan niya ulit ng suntok si Levi.
Sabay silang napalingon sa akin. Mabilis na napatayo si Levi.
"Allison," aniya.
"Ano na naman bang pinag-aawayan niyo?" Tanong ko saka hinawakan si Rowan sa braso. "Rowan," pilit ko siyang pinapakalma dahil ramdam kong anumang oras, susuntukin niya ulit si Levi.
Hindi naman siya ganiyan kawarfreak, bihira ko rin siyang makitang nakikipag-away dahil hindi siya gano'n. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito sila.
"Ano bang pinag-aawayan niyo?" Pag-uulit ko habang nakatingin sa kaniya.
Inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya. Ramdam ko rin ang seryoso niyang mga matang nakatitig sa 'kin bago siya nagsalita.
"Ikaw."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
<3super gandaa
04/12/2024
0dhdjjjajjshdhd
20/10/2024
0it's so good
25/07/2024
0Tingnan Lahat