Chapter 23

"Aish."
Kinakabahan ako. Kanina pa ako palakad-lakad habang ang mga kagrupo ko ay abala sa pagmememorize ng mga notes na binigay ko sa kanila. Malaki ang pasasalamat ko kay Levi, ang laki ng tulong niya kahapon.
Napaangat ako ng tingin at nakita si Rowan na pinagagalitan ng group leader niya. Hindi rin nakabawas sa kaba ko 'yong nangyari kahapon. Kung cold siya noong mga nakaraang araw, mas naging cold pa siya kahapon. To the point na umiikot pa siya para hindi ako makasabay.
Napabuntong hininga na lang ako saka naupo. Nakisilip ako sa classroom naming nakasarado ang mga kurtina sa bintana. Nakikita ko ang group 2 na nakalinya at mukhang nagtatanungan na. Halos atakihin tuloy ako sa puso nang makitang nagsisilabasan na sila habang naghihiyawan.
"Geez, tayo na!" Sigaw ng isa kong kagrupo saka ako hinila.
Confident naman ako kahit papaano sa sarili ko pero syempre nandiyan 'yong kaba, lalo na para sa mga kagrupo ko.
Mula sa sulok ng mga mata ko, kitang kita ko si Rowan na nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi.
Napabuga na lang ako ng hangin bago tumalikod papasok na lang ako sa room bago naramdaman ang isang kamay sa braso ko. Napaangat ako ng tingin at nakita si Rowan.
"Kaya mo 'yan." Nakangiting aniya. Ngayon niya lang ulit ako nginitian nang ganiyan.
"S-salamat." Tugon ko saka nakayukong pumasok sa room. Habang hawak ko ang doorknob at isasara ang pinto, nandoon pa rin siya sa tapat at nakatingin sa akin.
Pakiramdam ko, lalong lumakas ang loob ko.
--------
Natapos ang final defense na maganda naman ang kinalabasan ng grupo namin. So far, naideliver at naexplain namin lahat ng kailangang sabihin tungkol sa research paper namin. Infairness naman at biniyayaan ako ng mga kagrupong magagaling at competitive. Sabi naman ni Krisha, magaling daw akong leader kaya naman nadadala ko sila.
"Wala na tayong klase 'di ba?" Tanong ni Krisha na siyang kasa-kasama ko ngayon.
"Hoy, ang haba ng leeg mo. Sino bang hinahanap mo? Si Rowan o si Levi?" Napalingon ako sa kaniya saka napailing.
Pagkalabas ko kasi kanina sa classroom wala na si Rowan, grupo rin naman nila ang pinakaunang natapos kaya nagliwaliw na siguro. Wala na rin namang klase mamayang hapon at bukas naman ay sabado.
"Ahh mukhang si Rowan." Tumatango-tangong saad niya saka ako siniko. "Umuwi na yata e. Pero may nasagap ulit akong chismis."
"O? Alam mo? Ang chismosa mo." Untag ko kaya natawa siya.
"Tungkol kay Rowan 'yon."
"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko saka siya hinarap. Curious naman ako kahit papaano. Napangisi siya nang makitang interesado ako sa balak niyang ichismis. Napailing na lang ako bago idiniretso ang tingin sa corridor.
"May bago na naman siyang girlfriend." Napatigil ako sa paglalakad saka siya nilingon. "Relax, 'wag mo 'kong tingnan nang ganiyan." Nakapout na sabi niya.
"Bagong girlfriend?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ko. Napatango siya bago ako hinawakan sa braso at hinila sa canteen.
Nakahanap agad kami ng pwesto saka naupo ro'n.
"Kagabi, nasa bluelights na naman siya kasama 'yong bagong babae. Pinakilala niyang girlfriend." Bulong niya habang sinisigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.
"At classmate natin 'yong girl." Dagdag niya kaya lalo akong nagulat. Napabuntong hininga ako saka napasandal sa upuan.
"Ano bang nangyayari kay Rowan?" Napailing-iling din siya.
"Hinuhulaan ko nga kung sino 'yong babae. Wala naman ako sa bluelights kagabi e. Kinwento lang sa 'kin ni Leila." Tugon niya.
Hindi ko rin talaga alam kung anong nangyayari sa kaibigan kong 'yon. Ang weird niya na. Hindi ko rin sigurado kung saan at paano nagsimulang ganiyan siya.
"Sigurado bang si Rowan 'yon?" Paniniguro ko kaya napatango siya.
"Saglit lang," mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa ng uniform bago may kinalikot doon.
Maya-maya pa'y iniharap niya sa akin 'yon at tumambad ang isang litrato. Nangingibabaw ang kulay asul na ilaw sa kapaligiran. Groufie 'yon nina Leila kasama ang iba niya pang mga kaibigan. Sa pinakagilid, nandoon si Rowan katabi ang isa naming kaklaseng babae.
"Tingnan mo," zinoom niya ang picture dahilan para makita ko ang kamay ng babaeng nakapatong sa hita ni Rowan.
"Wow 'di ba?"
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko yata nagugustuhan ang nakikitang picture.
"Sinend 'yan sa 'kin ni Leila. Hindi ko nga akalaing may tinatago palang landi si Mina." Natatawang sabi niya. Parang galak na galak siya sa nakikita at nalaman.
Masyado kasing competitive sa school si Mina. Siya 'yong tipo ng kaklase na magtatanong ng scores ng mga nasa top at ikukumpara sa score niya. 'Yong magtatanong ng kung ano tapos irerecite niya. Hindi ko ineexpect na makakakita ako ng picture na gano'n.
"Grabe. To think na final defense natin ngayon, naghappy happy pala ang bruha sa bluelights kagabi."
Hindi na lang ako umimik.
"Ay mukhang eexit na ako. Nandito na si Levi e." Napalingon ako sa tinitingnan niya at nakita nga si Levi na paparating. Wala itong dalang bag kaya sigurado akong hindi pa niya uwian.
"Bye bye. 'wag mong dibdibin 'yon ha?" Bulong niya saka ako tinapik sa balikat.
"Hi." Tipid akong napangiti nang maramdaman ang presensya ni Levi sa tabi ko. "Kumusta?"
"O-okay 'yong kinalabasan ng defense." Tugon ko kaya napangiti siya.
"Alam ko namang kaya mo 'yon, ikaw pa." Nagkibit-balikat siya saka iginala ang paningin sa kabuuan ng canteen, waring nag-iisip kung anong bibilhin.
"Gusto mong kumain?" Umiling lang ako bilang sagot.
"Si Janelle," panimula ko kaya napatingin agad siya sa akin. "Wala na ba sila agad ni Rowan?"
Napakunot noo siya, "Ewan? Parang wala na. Mukha ring galit 'yong kapatid ko kay Rowan." Aniya saka muling nagkibit-balikat.
"Ah." Napatango ako.
"Bakit?"
"W-wala po."
Napabuntong hininga siya, "Mukhang stressed ka pa hanggang ngayon sa research ah?" Komento niya kaya wala sa sariling napatango ako.
"Uwian niyo na 'di ba?" Tumango ulit ako kaya napangiti siya bago napatayo. "Tara."
"Saan?"
"Magcecelebrate." Nakangiti pa ring sabi niya kaya nag-aalangan akong napatayo rin. Mabilis siyang naglakad kaya nakasunod naman ako sa kaniya.
"Teka po, paano 'yong next class mo?" Natigil siya sa paglalakad saka napakamot sa batok nang marealize na may klase pa siya at nandoon sa room nila ang bag niya. "Hindi niyo pa naman uwian e." Dugtong ko.
"Oo nga pala," bulong niya na parang kinakausap ang sarili. Napagawi ang tingin niya sa labas bago ako muling tiningnan, "Hayaan mo na. Tara?"
"Teka lang po," pinigilan ko siya sa braso. Nakakakonsensya naman kung magc-cutting class siya dahil lang sa 'kin hindi ba?
"Bakit?" Inosenteng tanong niya. Para tuloy kaming mga tangang naghihilaan sa canteen.
"Hindi pwede."
"Ha? Anong hindi pwede?" Napabuntong hininga ako bago umiling-iling.
"Balik ka na po sa room niyo at saka ang layo ng nilalakad mo para pumunta lang dito." Untag ko kaya natawa siya.
Naalala ko ngang pagod na pagod ako noong minsang sinusundan ko si Rouie. Ang layo kaya ng college department! Kailangan ko pang daanan 'yong malaking oval. Kulang na nga lang sumakay ako ng tricycle. Pero tingnan mo si Levi at palaging nagpupunta rito, kahit tanghaling tapat.
"Okay lang naman?" Alangang saad niya.
"Hindi okay 'yon! Nagiguilty tuloy ako. Hindi naman po kita pinapapunta rito palagi e." Giit ko kaya natawa na naman siya. Ayan na naman siya at tatawanan lang ako.
"Ikaw naman ang pinupuntahan ko rito kaya worth it naman."
"H-ha?"
"Ang sabi ko tara na." Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat saka marahang tinulak. Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang maglakad.
"Teka," inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko saka siya muling hinarap. "May klase ka pa e."
"Okay lang nga. Hayaan mo sila ro'n."
"Pero..."
"Ang kulit mo." Natatawang sabi niya kaya napasimangot ako.
"Ang weird mo." Balik ko kaya lalo siyang natawa. "H'wag mo po akong sisisihin kapag bumagsak ka."
"Pag-iisipan ko." Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya.
Sa huli, namalayan ko na lang ang sariling nakasakay sa jeep. Hindi sinasabi ni Levi kung saan kami pupunta, aniya'y magcecelebrate kami dahil successful ang defense at malapit na ang finals. Pagkatapos no'n, college na ako.
"Ano palang balak mo sa college?" Biglang tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya saka napaisip.
Naalala kong gusto kong magpolitical science dahil balak kong mag-law. At si Rouie ang inspirasyon ko noon. Pero ngayong hindi ko na siya crush, gusto ko pa rin namang maglaw.
"Gusto ko pong maglaw."
"Wow. Ganda 'yan." Komento niya bago kinatok ang bubong ng jeep, senyales na kailangan na naming bumaba. "Tingin ko bagay sa 'yo." Dugtong niya.
"Pero napepressure ako. Mahirap yata ang law."
"Matagal pa naman 'yon, pre-law pa naman ang Political Science. Makakaya mo 'yon. Nga lang, sabi ni Roy mahirap daw talaga." Litanya niya habang naglalakad kami.
"Tanungin ko pa rin po si Mama." Nakangiting sabi ko bago pinasadahan ng tingin ang paligid. "Nasaan po pala tayo?"
"Farm." Tipid na sabi niya kaya napatango ako. Hinayaan ko ang mga mata kong tingnan ang kapaligiran.
"Kanino pong farm 'to?" Tanong ko habang naglalakad kami sa walang katapusang daan. Puno ng niyog sa tigkabilaan at mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ang isang kubo.
"Kay Lolo. Medyo weird bang dito kita dinala?"
"Hindi naman po. Ang presko nga rito e." Tugon ko saka nakangiting tumingala sa langit. Nasilaw ako kaya agad ding napayuko. Nagsisi tuloy akong tumingala. Nakalimutan kong meron pa palang araw.
Kahit kasi mainit pa, hindi ko nararamdaman sa balat ang hapdi ng sikat ng araw dahil sa malamig na hangin.
"Hindi ko alam na may farm po pala kayo." Manghang sabi ko kaya napangiti siya.
Nang makalapit kami, narealize kong hindi lang pala basta kubo ang natanaw kanina. Bahay 'yon na two-storey pero gawa sa mga kawayan ang materyales na ginamit. Ang presko tuloy tingnan.
"O si Levi." Napalingon kami pareho sa matandang lalaki na nakasuot ng sumbrerong gawa sa abaniko.
"Lo," nakangiting bati ni Levi saka nagmano. Nagmano na lang din ako bilang paggalang. Nakangiti sa akin 'yong matanda kaya nginitian ko rin siya.
"Kay ganda naman ng kasintahan mo, apo." Tugon niya saka tiningnan si Levi.
"Hindi ko pa po, girlfriend 'lo." Untag niya kaya bahagyang uminit ang pisngi ko.
"Hindi pa ba? Ay bakit naman. Mabait na bata 'yang si Levi, ineng."
"Oo nga po e." Nahihiyang tugon ko. Hindi naman ako makatutol o makasingit dahil nahihiya ako.
"Gusto niyo bang meryenda? Sayang wala si Lola mo, nandoon sa palengke." Iginiya kami ni Lolo, (makikitawag na rin akong Lolo) na makapasok sa loob.
Bumungad sa akin ang malinis na sala. Lahat din ng kagamitan ay gawa sa mga kawayan kaya nakakaengganyong tingnan. Mayroon ding mga palamuti na sea shells. Ang mga kurtina sa bintana ay gawa sa recycled na balat ng junkfoods, 'yong ikinorteng triangle tapos nakatusok. Basta. Ang hirap idescribe.
"Maganda ba?" Tanong ni Levi saka naupo sa tabi ko.
"Sobra!" Masayang wika ko. Nawiwili akong tingnan ang mga kagamitan dito. Ang fresh sa paningin. Feeling ko tuloy nasa sinaunang panahon ako.
"Buti naman at nagustuhan mo. Bihira nga 'kong dumalaw dito e. Gusto ko lang ipakita sa 'yo," aniya saka iginala ang paningin sa sala.
"At may gusto rin sana akong sabihin."
"Ano po 'yon?"
"Hindi ka naman siguro maarte 'no. Okay lang kahit hindi magical?" Tanong niya kaya natawa ako.
"Ha? Anong magical? Hindi po kita magets." Untag ko. Natawa rin siya bago napakamot sa batok niya.
"Hindi ba mga babae gusto 'yong magical kapag may aamin sa kanila?"
Para na naman akong mabibilaukan dahil sa narinig. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpatay malisya o hindi?
"H-ha?" Nahihiya at kinakabahang tanong ko. Napangiti siya bago ako hinarap.
"Gusto kasi kita, Allison. Matagal na."
At boom, nagkaroon nga ako ng mini heart attack.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    PascualAngel

    <3super gandaa

    04/12/2024

      0
  • avatar
    De GuzmanJenrel

    dhdjjjajjshdhd

    20/10/2024

      0
  • avatar
    MariaMonina De Jesus

    it's so good

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata