Chapter 18

"O eto pa, Anak." Napasimangot ako nang makitang kung ano-ano na lang ang inilalagay ni Mama sa bag ko. Puno na yata ng pagkain. Halos ipabitbit niya na nga yata sa akin 'yong ref.
"Mama, hindi po kami magpipicnic doon." Komento ko na hindi niya man lang pinansin. Busy siya sa paglalagay ng mga pagkain at kung ano-ano. "Ang dami na po niyan."
"Okay lang 'nak, suportahan mo si Rowan ha? Saka si Krisha bigyan mo rin." Aniya saka naglagay ng towel sa bag ko. Tumango na lang ako.
"O siya sige na, alis na. Maiiwan kayo ng bus." Saka niya ako tinulak palabas ng bahay.
Napabuntong hininga na lang ako na waring pasan ang mundo. Ang bigat kasi ng bag ko. Ang daming laman, nakita kong may nilagay si Mama na dalawang bote ng vitasoy, para kay Rowan 'yon. May mga sandwich at pang lunch. Dalawang putahe pa nga ang pinabaon sa akin. Hay nako, si Mama talaga.
"Tara na." Napalingon ako kay Rowan na bagong labas ng bahay nila. Fresh na fresh ang aura niya at akala mo'y nakatulog ng mahimbing kagabi.
Automatic akong napangiti nang mapansing good mood siya. May bitbit din siyang bag at sa likod niya ay si Rouie. Infareness naman sa kuya niya, masyadong supportive. Hindi kasi palaging nakakasama si Tita Camille kaya si Rouie ang sumasama. Walang palya 'yon. Kung kinakailangang umabsent, aabsent siya para lang manood ng laro ng kapatid niya. Ang sweet lang 'di ba?
Tinanguan lang ako ni Rouie kaya bahagya ko siyang nginitian.
"Ang laki na naman ng bag mo." Komento niya saka kinuha ang bag na nasa likod ko. Hindi na ako umangal nang kunin niya 'yon at bitbitin nang walang kahirap-hirap.
Sa school kami nagpunta at nakahilera doon ang mga bus na gagamitin pero nangingibabaw ang bus na para lang sa mga players.
Nakakainggit, bakit kaya walang paganito sa ibang athlete? Masyadong mataas ang tingin nila sa mga basketball player. Ang unfair.
"Ro!" Napalingon kaming tatlo sa kaparehong player ni Rowan, nakasuot na ito agad ng jersey samantalang si Rowan ay nakaputing t-shirt pa lang.
"Tara na! Kanina ka pa hinahanap ni Coach." Aniya saka kami sinulyapan. Binati nito si Rouie habang ako naman ay nakatingin at nakikinig lang sa kanila.
"Doon ako sa ordinary sasakay." Sagot ni Rowan kaya nagkatinginan sila ng kuya niya.
"Saan naman ako sasakay?"
"Ikaw na lang do'n sa pwesto ko, kuya. Salamat." Mabilis na sabi ni Rowan saka ako hinila paalis doon. Hindi na nga nakaangal pa si Rouie dahil agad kaming nakasakay sa bus na lulan ang mga kaklase namin at kabilang section. Dalawang section kasi sa isang bus.
"Loko ka ah. Maoop 'yon doon." Natatawang komento ko habang sinisilip si Rouie na bagsak balikat na umaakyat sa bus ng mga player. Kilala naman siya ng mga kalaro ni Rowan kaya walang kaso 'yon, weird nga lang dahil ang star player kuno nila ay wala roon.
"O? Bakit nandito ka?" Bungad ni Krisha nang makita kaming papaakyat sa bus, si Rowan ang tinatanong niya. Nagkibit balikat lang ang katabi ko bilang sagot.
"Dito kayo!" Masiglang alok niya habang tinuturo ang dalawa pang pwesto sa tabi niya, as usual wala na namang may gustong tumabi sa kaniya. Pokpok daw kasi siya.
"Bakit?" Takang tanong ko nang makita ang mga tinginan nina Mina at ng friends niya.
"Wala." Aniya saka nag-iwas ng tingin.
Napasandal agad ako sa upuan pagkaupo, nakakapagod maglakad e, kahit na si Rowan ang nagbitbit ng mabigat kong bag. Napapagitnaan ako ni Rowan at Krisha na siyang nakaupo sa tabi ng bintana.
"Saan ko ilalagay 'to?" Tanong niya habang hindi magkamayaw sa kakadungaw sa baba kung ilalapag ba ro'n ang bag ko o hindi.
"Mga pagkain 'yan. Ang dami nga e," inagaw ko sa kaniya ang bag saka binuksan. Agad bumungad sa amin ang isang litro ng tubig, at kung ano anong pagkain. Wala nga lang junkfood dahil hindi si Mama mahilig bumili ng gano'n.
"Wow. Ang supportive naman ni Tita." Komento ni Krisha habang nakikisilip sa bag ko.
"Kuha lang kayo 'pag nagutom." Binigay ko na rin kay Rowan ang dalawang bote ng vitasoy kaya lalong umaliwalas ang mukha niya.
"Daig mo pa ang magpipicnic, 'te." Natatawang saad ni Krisha habang nilalantakan ang sandwich na ginawa ni Mama. Natawa na lang din ako.
Tuwang tuwa kasi si Mama na may iba na raw akong kaibigan bukod kay Rowan, kaya ganiyan. At isa pa, hindi niya rin ako binigyan ng pera. Maghapon din yata kami rito. Ganoon kasi palagi ang nangyayari kapag may championship.
"Kinakabahan ako para sa inyo, medyo mahigpit pa man din ang laban last year." Wika ni Krisha habang nakatingin kay Rowan. Nakinig na lang ako sa usapan nila tungkol sa game last year dahil wala talaga akong magets. Nanood lang ako at nakikisigaw kapag feeling ko dapat sumigaw, o kapag nakakashoot si Rowan. Ang dami pa man ding fangirl niyan.
"Eto na. Kinakabahan ako." Bulalas ni Krisha saka kumapit sa braso ko.
Pagkarating sa venue o school na paggaganapan ng game, agad humiwalay sa 'min si Rowan para makisali sa mga co-player niya.
Nakahanap din kami agad ni Krisha ng magandang pwesto sa unahan, kasama ng mga schoolmate namin. Magmula no'ng nakakasama at nakakausap ko siya, hindi na rin ako pinapansin ng mga kaklase namin. Para bang naging invisible din ako sa isang iglap. Gano'n.
Napaangat ako ng tingin nang makitang tumatakbo si Rowan palapit sa 'min, bumagay sa kaniya ang kulay berde na jersey ng school namin. Nagtitilian tuloy ang iba kong schoolmate. Napapasana-all na nga lang ako.
"Pahinging tubig." Aniya habang pinapasadahan ng tingin ang mga supporters kuno niya.
"Hindi naman ako water girl, ayon o may tubig." Nakasimangot na sabi ko habang tinuturo ang mga players ng school namin na nakakumpol sa gilid at nagreready para sa game.
"Bigyan mo na! Pampaswerte 'yan!" Sigaw ni Krisha saka ako niyugyog. Kinuha ko na lang ang tubig sa bag saka binigay kay Rowan.
"Salamat." Saka niya 'ko nginitian, nagtilian na naman tuloy ang iba.
"Sana all, sikat." Komento ko kaya natawa si Krisha sa tabi ko.
Maya-maya lang ay nagstart na ang game. Kahit medyo hindi ko gets ang mechanics ng larong basketball, kapansin-pansin agad na mas lumalamang ang school namin. Halos magwala tuloy ang mga schoolmate ko. Lalo na nang mag three point shot ang isa, na hindi ko kilala.
Napatakip ako sa tainga nang magsigawan. Nakisigaw na lang din ako. Para kaming bangag ni Krisha na nagtatawanan at nakikisigaw.
Maghapon kaming nagstay sa school na 'to dahil sa panghuling game, ang championship. Masaya dahil nanalo ang school namin pero medyo malungkot dahil hindi si Rowan ang star player/MVP.
Umaalingangaw ang sigawan sa buong gymnasium, majority ay galing sa school namin. Syempre isa itong karangalan na dapat ipagdiwang.
"Sayang 'no? Kung kailan graduating si Gabriel, saka naman hindi nag MVP."
"Oo nga e. Distracted yata." Napalingon ako sa dalawa kong schoolmate na nag-uusap. Nag-iwas lang sila pareho ng tingin nang makita ako.
Kahit ako ay nanghihinayang, graduating pa man din siya. Pero alam ko namang ginawa niya ang best niya.
"Tara na?" Napalingon ako kay Rowan na kasama ang kuya niya. Sa mismong inuupuan kasi ng mga players naupo si Rouie kanina kaya hindi namin siya gaanong nakausap o nakasama.
"Okay lang 'yan." Rinig kong sabi ni Rouie saka bahagyang tinapik sa balikat ang kapatid.
Mag aalas-sais na yata kami tuluyang nakasakay sa bus at gaya kaninang umaga, sa amin ulit sumabay si Rowan. Rinig kong bulungan ng iba na baka raw nahihiya o disappointed sa sarili pero habang pinagmamasdan ko si Rowan parang hindi naman. In fact, good mood ang aura niya. Nakangiti siya at para bang sobrang saya niya talaga.
"Bakit?" Tanong niya nang mapansing nakatingin lang ako sa kaniya. "May dumi ba 'ko sa mukha?"
"W-wala 'no!" Agad akong nag-iwas ng tingin saka nakipag-usap kay Krisha hanggang sa tuluyang umandar ang bus.
-------
Pabagsak akong nahiga sa kama dahil sa pagod. Tuwang-tuwa si Mama nang malaman na panalo ang school at lalo na no'ng nakita niyang naubos lahat ng pinadala niyang pagkain. Binigyan ko rin kasi si Rouie kanina.
Napabangon ako nang makitang umiilaw ang cellphone ko mula sa notification. Lumitaw ang pangalan ni kuya Levi. Naalala kong sinabi niya nga pala na doon niya na ako kakausapin dahil nakadeactivate siya.
LEVI MARQUEZ
8:28 PM
Levi: Hi
Allison: Hello po kuys
Allison: Kapagod :<
Allison: Ba't po pala 'di kayo sumama sa game ni Rowan, kuys?
Levi: Kuys?
Allison: Opo?
Allison: Bakit po?
Allison: Grabe ah ang tagal na po kitang tinatawag na kuys ngayon mo lang tinanong kung ano 'yon??????
Allison: Kuya po 'yon hahahhaha
Levi: Ay ganon hahaha
Levi: Sorry medyo lutang lang
Allison: Bakit po?
Allison: Okay lang po
Allison: Busy na kayo sa school?
Levi: Oo e. Daming pinagagawa
Levi: Kayo ba?
Allison: Gano'n din po. Malapit na po kasi 'yong defense namin sa research tapos finals gano'n
Allison: Graduating po e hahaahha
Allison: Buti nga po at tapos na 'yong laro nabobothered ako kay Rowan e
Napabuntong hininga ako habang naghihintay ng reply. Hindi ako sanay. Bigla tuloy akong nanibago. Dati-rati kasi ang bilis niyang magreply, tipong typing pa lang ako may chat na agad. Ngayon inaabot ng ilang minuto.
"Baka naman busy lang." Untag ko saka inoff ang data.
Bigla ko tuloy naisip 'yong tanong ni Rowan last time, kung sigurado na ba talaga akong si kuya Levi si Eren.
Siya naman 'yon 'di ba? Kasi kung hindi siya, edi sino pala?

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    PascualAngel

    <3super gandaa

    04/12/2024

      0
  • avatar
    De GuzmanJenrel

    dhdjjjajjshdhd

    20/10/2024

      0
  • avatar
    MariaMonina De Jesus

    it's so good

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata