Chapter 12

EREN JEAGER
6:12 PM
Eren: Happy birthday
9:24 PM
Allison: Salamat po hahahha
Eren: Kumusta ang birthday?
Allison: Okay naman po kuys hahahha
Allison: Nasurprise po ako nina Mama
Eren: Marami bang handa?
Allison: Sus kuys hahhaha para namang wala ka dun
Eren: HAHAHAHA
Allison: Tama ako dibaaaa
Allison: Pumunta ka sa bahay
Eren: Hahahhahaahha
Allison: Sus alam ko naman na kung sino ka e
Allison: May hint na po ako
Eren: Edi di na nakakaexcite
Eren: Sinong hula mo?
Allison: Secret hehehe
Allison: Bakit ko sasabihin hahahha
Allison: Ikaw nga hindi rin nagsasabi kung sino ka e
Allison: Mine hehehe
Eren: ¯\_( ͡° ͜ʖ ͡°)_/¯
Allison: Di na nga hahahahaaha
Allison: Anyway sure po ako na tama hula kk hehhee
Eren: Edi sige hahahha
Eren: Sana lang tama hula mo
Allison: Bakit mo nga pala ginawa yang dummy account mo?
Eren: Bored hahhaha
Eren: Naisip ko lang mantrip
Allison: Ganon? Hmp
Allison: Dami daming tao ako pa napagtripan
Eren: HAHAHA
Allison: Hmp
Eren: Ay farmer ka hahhaha
Allison: Hindi!
Eren: Sungit ah
Allison: Pamysterious effect ka pa kasi e
Allison: Alam ko namang nasa malapit ka lang
Eren: Paano pala kung hindi?
Allison: Edi...
Allison: Bahala na hahhaaha
Eren: hahahha kulit mo
Allison: Lah? Hindi naman kita kinukulit e
Allison: Ikaw nga bigla bigla nagmessage sa 'kin :<
Eren: Yaan mo na hahahha
Eren: Naging close naman tayo dahil sa fb
Allison: So hindi nga tayo close sa personal? Hmm 🤔
Eren: HAHAHAHAHA
Allison: Tawa siya o
Allison: Meaning truths
Eren: Meaning secret hahahhaa
Allison: Pasecret secret pa obvious naman
Allison: Basta sure akong isa ka ro'n sa dalawang pinaghihinalaan ko :>
Eren: Creepy naman ng smiley mo hahaha
Allison: Lah hindi kaya
Eren: Hhahahhaa oo na lang
Allison: Pero kuysss
Eren: O?
Allison: Isang clue lang po, please :<
Eren: Hahahahaa akala ko ba may hint ka na kung sino ako
Allison: Oo nga po pero need ko pa rin :<
Eren: Sige hahahha
Allison: Kahit isa lang po 🙏🙏
Eren: Sige isa lang
Eren: May balat ako sa dibdib
Allison: Eh???? Paano ko naman magiging clue 'yon???
Eren: Ikaw bahala ahhahhaa
Allison: Alangan namang silipin ko mga dibdib nila???
Eren: HAHAHAHAH
Allison: Magmumukha akong manyak no'n e
Eren: Atleast may clue hahhahaa
Allison: K
Eren: Hahhahahha yon lang maibibigay ko
Eren: Hindi ka pa ba matutulog?
Allison: Hmp
Allison: Sige na nga po
Allison: Salamat sa useful na clue ha?
Eren: HAHAHAHA
Allison: Good night po
Eren: Good night, Ally.
seen at 11:01 PM
Napailing-iling na lang ako saka natulog. Kung kinakailangang sundan ko si Rouie sa school gagawin ko. Para lang makasigurong siya si Eren.
---------
Ang init.
Tirik na tirik ang araw dahil pasado alas dose na sa tanghali. Lunch break kaya naman pagkatapos kong mananghalian, nagpaalam na ako kay Rowan na may mahalagang pupuntahan. At ito na 'yon.
Pinunasan ko ang noo gamit ang panyo. Ramdam ko ang namumuong butil butil ng pawis sa mukha ko. Wala man lang kasing masisilungan! Masusunog yata ako nito kainis.
Naalerto ako nang makitang palabas na sa room nila si Rouie. Kung paano ko nalaman ang classroom niya? Syempre nagtanong-tanong ako. Kahit sa College Department kalat ang pangalan niya. Iba talaga kapag gwapo at matalino.
Kinuha ko ulit ang panyo sa bulsa saka nagpunas ng pawis. Dapat presentable man lang kahit na wala akong balak magpakita sa kaniya.
May mga kausap si Rouie na kaklase niya. May bitbit siyang libro at nakasukbit sa balikat ang bag. Ang gwapo niya talaga!
Nahihimigan kong papunta sila sa Canteen para maglunch. Sa pagkakaalam ko, mayroon namang canteen sa Department nila pero ang mamahal daw ng mga pagkain kaya dumadayo pa sila sa High School department. Edi mas masaya kung gano'n, more chance para makasalubong ko sila 'pag lunch. 'Yon nga lang, sobrang madalang ko siyang makita. Siguro dahil sa schedule niya.
"Anong ginagawa mo riyan?"
"Ay palaka!" Sigaw ko saka napasapo sa dibdib. Nilingon ko si Rowan na siyang gumulat sa akin. "Peste ka!" Hasik ko saka siya pinagsusuntok sa braso.
"Aray naman." Reklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Takang tanong niya habang nangungunot noo.
"Ako dapat ang magtatanong niyan. Bakit nasa College Department ka?"
"Pinuntahan ko si Kuya." Tipid na sagot niya kaya napatango ako.
Hindi ko na siya kinausap pa saka muling binaling ang tingin kay Rouie at sa kasama niya. Medyo papalayo na sila kaya naman tumakbo na ako para mahabol sila. Ramdam ko ang presensya ni Rowan na nakabuntot sa akin kaya tumigil ako sa pagtakbo at inirapan siya.
"H'wag mo nga akong sundan!" Hasik ko saka siya sinamaan ng tingin.
"Eh bakit ka nagagalit? Sinusundan mo rin naman si Kuya?" Pilosopong sagot niya kaya napairap ulit ako. "Kung ikaw nga nagagalit, isipin mo mararamdaman niya 'pag nakita ka."
"Ang epal mo. May ginagawa nga kasi ako." Untag ko saka naglakad na lang. Tutal medyo nakahabol naman na ako kahit papaano.
Pumasok sila sa canteen kaya naupo ako sa bakanteng table na malapit sa kanila.
"Tapos ka na kumain ah?" Untag ni Rowan kaya kinurot ko siya sa braso. "Aray. Ba't ba ang hilig mo mangurot." Nakasimangot na wika niya saka bahagyang lumayo sa akin.
"May balat ba sa dibdib si Rouie?" Tanong ko habang nakafocus ang mata kay Rouie na katatapos lang mag-order at papunta na sa table nila.
"Ha?" Maang na tanong ni Rowan.
"Kung may balat ba sa dibdib ang Kuya mo?"
"Bakit? Anong gagawin mo? Bakit parang ang manyak mo?" Nakangiwi siya ng sabihin 'yon.
"Shunga! Kailangan ko lang. Ano? Meron ba?"
"Aba malay ko?" Napailing-iling ako saka siya inirapan.
"Wala kang kwentang kapatid." Untag ko kaya napahalakhak siya.
"Lah? Bakit? Ang gusto mo ba silipan ko si Kuya? Gaya ng gusto mong gawin?"
"Dibdib lang 'yon!" Giit ko kaya lalo siyang natawa. "Hindi ako manyak!"
"Wala naman akong sinabi ah?" Nakangising tanong niya. Tingin pa lang alam ko na ang naiisip niya. Ang judgmental talaga.
"Alam mo? Maghanap ka ng kausap mo." Lumipat na lang ako ng upuan kung saan sure na makikita ko pa rin si Rouie.
Wala naman ako gagawing masama e. Balak ko lang siyang obserbahan. Kung gaano siya kadalas magcellphone gano'n. Kung anong daily routine niya. Kahit kasi nakailang tanong na ako kay Rowan wala akong napapala sa kaniya. Hindi talaga siya naglalabas ng mga private information tungkol sa Kuya niya. Hindi ko tuloy alam kung mabibilib ako kasi ang astig niyang kapatid o maiinis dahil best friend niya naman ako pero ayaw pa ring magsabi.
"Alam mo? Wala kang mapapala sa ginagawa mo." Napalingon ako sa tabi ko at ayon, nandito na naman si Rowan. Lumipat sa tabi ko.
"Meron naman." Untag ko saka nagpatuloy sa pagmasid kay Rouie. Kung pwede lang siyang matunaw kanina pa nangyari. Buti na lang at hindi nakakalusaw ang titig ko.
"Ang creepy mo. Sumbong kita kay Kuya. Stalker ka niya."
"Sumbungero ka."
Natawa siya, "Biro lang."
"Hindi mo ba talaga nakitang may balat siya sa dibdib?" Napailing lang siya at hindi ako sinagot. "Edi 'wag. Makikita ko naman 'yon."
--------
"Sige na Rowan, please?" Pangungulit ko habang naglalakad kami pauwi. Pinipilit ko siyang isama ako sa bahay nila dahil sigurado akong nandoon sina Kuya Rouie at Kuya Levi. Narinig ko kasing nag-uusap sila sa phone kaninang lunch ('wag na kayong magtanong dahil nakabuntot na naman ako kanina kay Rouie). Hindi ko lang sigurado kung school related 'yon o hindi pero bahala na. Basta dapat makita ko 'yong balat sa dibdib kahit sino sa kanilang dalawa.
"Ayoko." Hasik niya saka inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Ang kulit."
"Eh payag ka na!"
"Ayoko nga! Mahiya ka nga sa kanila." Nakasimangot na sabi niya saka muling inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Hindi ako nagpatalo at patuloy na hinila ang suot niyang t-shirt, hindi kasi siya naka-uniform.
"Balak mo ba 'kong hubaran?" Hasik niya saka ako sinamaan ng tingin. Binitawan ko na lang din siya kaya agad niyang inayos ang damit.
"Sige na kasi, Ro." Untag ko. Sinubukan ko pang gawing malambing ang boses para mapapayag siya kahit papaano.
"Anong plano ba kasi 'yon?" Nakasimangot na tanong niya saka kami huminto sa gilid dahil malapit na kami sa bahay nila.
"Kunwari matatapunan sila ng juice tapos ikaw, titingnan mo kung may balat sa dibdib okay?" Lalo siyang napasimangot habang nag-eexplain ako kung anong gagawin niya.
"Pati kay Kuya?"
"Hindi na! Ako na bahala kay Rouie."
Sa huli, napapayag ko pa rin si Rowan sa plano namin. Ang balak ko lang naman ay tapunan ng juice si Kuya Levi para mapilitan siyang maghubad at magpalit ng damit at syempre dahil babae ako, hindi naman p'wedeng ako ang sisilip kaya si Rowan ang gagawa no'n. Pahihiramin kunwari ng damit, ididistract ko naman si Rouie. Plausible naman siguro ang plano namin 'no?
"Hindi maganda ang nararamdaman ko rito." Untag niya saka hinayaan akong hilain siya papasok sa bahay nila.
Hindi nga ako nagkamali, nandoon na si Kuya Levi at Rouie.
"Hello po!" Masiglang bati ko kaya sabay silang napalingon sa amin ni Rowan. Tinanguan ako ni Rouie habang tipid naman akong nginitian ni Kuya Levi.
"Dito kayo?" Tanong ni Rouie. Iginala ko ang paningin sa sala at nakitang may mga beer in can doon. May nga chichirya din. Nakabukas din ang TV at kasalukuyang nagpeplay ang isang western movie.
Bigla tuloy akong napaisip. Anong klaseng chismis naman kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Kuya Levi? Sobrang tahimik kasi nila e, nakakaintriga tuloy.
"Hindi. Doon kami sa taas. Linisan ko lang muna." Untag ni Rowan saka ako bahagyang sinulyapan. Tumango-tango naman ako.
Naiwan akong mag-isa sa sala kasama si Rouie at Kuya Levi nang makaakyat si Rowan. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan bago tumango si Rouie.
"Timplahan kita ng juice." Napalingon ako kay Kuya Levi nang sabihin niya 'yon, napangiti ako saka tumango-tango.
Hindi na ako naghintay pang ayain ni Rouie na maupo dahil alam ko namang hindi niya gagawin. Tahimik kaming dalawa habang nakatutok ang mga mata niya sa TV.
"Bakit mo ako sinusundan sa school?" Nanlaki yata ang mga mata ko nang marinig 'yon. "May gusto ka bang sabihin?"
Bukod sa kinakausap ako ni Rouie, alam niyang sinusundan ko siya sa school! Bigla tuloy akong nilamon ng kahihiyan. Parang umurong din ang dila ko.
"H-ha?"
"May gusto kang sabihin?" Napalunok ako ng sariling laway habang kinakabahang nakatingin sa kaniya. Titig na titig sa akin ang mga mata niya habang sinasabi 'yon.
Jusme! Hindi ko kinakaya! Bakit ba ang straightforward niya masyado? Gano'n ba talaga ang mga maglalawyer?
"G-gumagamit po ba k-kayo ng dummy--account?" Paputol-putol na tanong ko saka nag-iwas ng tingin.
"Hindi ako ang hinahanap mo." Untag niya saka binaling ang tingin TV.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga oras na 'yon. Dahil ba sobrang obvious ko kaya alam niyang may hinahanap akong tao na gumagamit ng dummy account? O 'Di kaya si Kuya Levi si Eren kaya naman alam niyang hinahanap ko ang kaibigan niya at hindi siya?
Ang gulo.
Naputol lang ako sa pag-iisip nang makarinig ng mga yabag ng tsinelas. Napaangat ako ng tingin at nakita si Rowan na papababa. Sakto namang paparating din si Kuya Levi mula sa kusina.
"Ako na." Untag ni Rowan saka nakipag-agawan sa juice na hawak ni Kuya Levi. Napakagat labi ako at nanatiling nakaabang sa susunod na mangyayari.
"Kaya ko na."
"Ako na magbibigay kay Allison." Pamimilit ni Rowan. Nakumbinse naman agad si Kuya Levi saka iniabot kay Rowan ang baso.
Dahil magaling na artista si Rowan, kunwaring nadulas ang kamay niya dahilan para matapon ang kulay orange na juice sa damit ni Kuya Levi.
"Shit. Sorry!" Bulalas ni Rowan saka ako bahagyang sinulyapan.
"Okay lang." Tipid na sagot ni Kuya Levi saka sila dumiretso sa kusina.
Sinundan ko sila at nagtago sa pinto. Nakikita kong winiwisikan ni Kuya Levi ng tubig mula sa sink ang damit niyang nabasa.
"Kuha ako ng damit." Paalam ni Rowan kaya hinila ko siya sa gilid.
"Tingnan mo kung may balat!" Bulong ko nang makitang hinubad na ng tuluyan ni Kuya Levi ang t-shirt na suot. Lalong napasimangot si Rowan.
"Ayoko nga." Aniya kaya tinulak ko na lang siya.
Sakto namang pagtulak ko kay Rowan ay ang pagharap ni Kuya Levi.
Napatakip ako ng kamay sa bibig dahil sa nakikita ngayon. Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi.
Walang damit na pang-itaas si Kuya Levi at si Rowan naman na tinulak ko palapit sa kaniya ay nakahawak sa dibdib o tiyan niya.
Ang epic ng mga reaction nilang dalawa.
"Bakla ka, Ro?" Tanong ni Kuya Levi dahilan para mamula ang tainga ni Rowan.
Hindi na ako nakapagpigil, humagalpak na ako ng tawa dahil sa itsura nilang dalawa. Napalingon sila sa akin kaya mabilis silang humiwalay sa isa't isa.
"Bihis ako sa kwarto ng kuya mo." Untag ni Kuya Levi bago kami tinalikuran ni Rowan.
Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang marka sa dibdib niya.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    PascualAngel

    <3super gandaa

    04/12/2024

      0
  • avatar
    De GuzmanJenrel

    dhdjjjajjshdhd

    20/10/2024

      0
  • avatar
    MariaMonina De Jesus

    it's so good

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata