Homepage/Ang Love Story Ni Bek-Bek/
Finally, The Ending
Tuloy-tuloy na pumasok si Becky sa gym hanggang
sa opisina ni Brix. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang binata na may isinasalansan na naglalakihang kahon.
"So, totoo nga pala na aalis ka na, Brix."
Halatang nagulat ang binata sa biglaang pagsasalita niya dahil sa pagpitlag nito habang hawag ang libro na iaakyat sana sa shelf. "Becky! Diyos ko po! Ang puso ko naman." Ipinagpag nito ang mga kamay sa suot na pantalon bago siya hinarap. "Bakit nandito ka?"
"N-nakapag-empake kana pala?" sa halip ay tanong
niya.
"Oo, nasa labas na rin ang pickup at isasakay ko na
rin itong mga kahon mayamaya lang."
"B-bakit? Kailan na ba ang alis mo?"
"Palis na kami mayamaya."
Natutop ni Becky ang bibig sa sinabi ni Brix. Nagsimula nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
Kumunot ang noo nito, mukhang nagtaka sa
reaksiyon niya. "Bakit? Anong problema?"
"Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na aalis ka
na pala?" malungkot na tanong niya bago lumapit dito.
"I didn't know that it mattered to you that much?" tila naguguluhang patanong na sagot ni Brix.
"Alam na ba ito ni Brenda? Hindi ka man lang ba niya ihahatid?"
Natawa nang mahina ang binata. "Hindi niya ako kailangang ihatid at hindi rin niya kailangang malaman ang mga personal na lakad ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpasimula ng tsismis na kami na noong si Brenda. Pero hindi totoo iyon."
"Talaga?" namimilog ang mga matang tanong niya. "Hindi mo siya bet?"
Napangiti si Brix. "The attention she was giving me
was flattering but, no. Hindi ko siya bet."
Bahagya nang napapangiti si Becky pero agad ding
napawi ion nang maalala na paalis na ito. "Hindi rin
kami ni Hanz!" bulalas niya.
Halatang nagulat si Brix sa sinabi niya. Tumaas ang
isang sulok ng mga labi nito. "Interesting. Kailan kayo naghiwalay?"
"Hindi naging kami. Sinabi ko lang 'yon noon kasi... nabubuwisit ako sa 'yo!" pag-amin niya.
"Bakit na naman? Ano namang ginawa ko?"
"Gusto kong malaman mo na may nagkakagusto
sa akin na katulad ni Hanz. FYI, an almost perfect guy courted me and he was really into me," pagdiriin niya habang dinudutdot ng daliri ang dibdib ng binata. "Tandaan mo 'yan, Brix Anthony!"
Nagulat siya nang hagipin ni Brix ang kamay niya at
hawakan. Bigla ring naging seryoso ang mukha nito.
"Sa totoo lang ay hindi ko na ikinagulat iyon, Becky. Siguro mas magugulat pa ako kung hindi ka niya nagustuhan. At hindi mo rin kailangang ipaalala sa 'kin yon. Tandang-tanda ko ang araw na iyon. You broke my heart into pieces that day."
Natigilan si Becky nang makita ang pagdaan ng
kalungkutan sa mga mata ni Brix, lalo pa at hawak
pa rin nito ang kamay niya na hindi rin naman niya magawang hilahin. "Mabuti na rin siguro na nandito ka, Becky." anito habang nakatingin sa magkahugpong nilang mga kamay.
"Una sa lahat, gusto kong mag-sorry sa lahat ng pang- aasar ko sa 'yo magmula pa noong mga bata pa tayo. I'm sorry if I made you feel less than how you should ever feel about yourself. You're a wonderful woman Becky, regardless if you're slim or a plus-size woman."
Napalabi si Becky. "Weh?! Bakit magmula pa noon
wala ka nang ginawa kundi sarin ako?"
Tumawa nang mahina ang binata. "Nagpapapansin kasi ako sa 'yo magmula pa noon. Ikaw naman kasi. Wala na 'kong ginawa kundi magpa-cute sa 'yo kapag
tumatambay ako sa bahay ninyo. Kinaibigan ko na nga ang kuya mo para lang makilala at makausap ka. Hayun, napansin mo nga ako pero tuwing kinakausap mo ako, palagi ka namang nakaangil sa akin. Nakaalis na 'ko at lahat-lahat, ganito pa rin ang nararamdaman ko. Okay na sana ako, eh, naka-move on na 'ko.
"Ang kaso, pagbalik ko nalaman ko na single ka pa rin. Ano pa ba ang gagawin ko kundi magpapansin uli? 'Kaso nga Becky, ang hirap mo namang ligawan. Lalapit pa lang ako, beast mode ka na agad sa akin," tatawa-tawang sabi nito.
Ilang beses na napakurap si Becky. "B-balak mo akong ligawan?"
"Oo sana. Pero kung kailan naman handa na 'kong mabasted mo saka naman dumating si Hanz. Ano namang binatbat ko sa kanya, 'di ba? Sa porma at kotse pa lang niya talo na 'ko."
Napamaang siya sa binata bago huminga nang
malalim nang lang beses. "Ligawan mo ako uli."bulong niya.
"Ha?"
"Ligawan mo ako." mas malakas nang ulit niya.
Napamulagat si Nate.
"Hindi naman importante sa akin ang kotse, porma o kahit kasing yaman pa siyni Mark Zuckerberg. Basta mahal niya 'ko at aalagaan hanggang sa pagtanda namin, okay na sa akin "yon."
Tumango-tango ang binata. "Sasabayan pa kitang
mag-food trip tuwing gusto mo at sabay din tayong mag-e-xercise tuwing umaga kapag hindi tayo tinatamad. We could grow old and wrinkly and fat, but who cares? As long as we are with each other, nothing else matters. Does that sound good to you?"
"Y-yes,"naluluha ngunit nakangiting sang-ayon ni Becky. We'll have those late night talks about how stupid we were for not hooking up any sooner."
"Absolutely." Itinaas ni Brix ang kamay niya sa mga
labi nito at hinagkan.
"Courting Miss Becky Montemayor Francisco starts now."
"Okay," nakangiting sabi niya nang may maalala. "Pero paalis ka na nga pala! Diyos ko naman, Brix Anthony! 'Wag ka nang tumuloy sa Syria or Lebanon ba 'yon! Utang-na-loob naman."
"What are you talking about? Hindi ako pupunta sa Syria o sa Lebanon o sa kahit saang mang lugar na malayo sa 'yo,'' tatawa-tawang sabi nito.
"Pero ang sabi ni Hei...
"Bruha ka talaga, bru!" Tili niya sa isip nang mapagtantong niloko lamang siya ng kaibigan. "San ka pupunta kung gano'n? Saka bakit ang daming kahon dito?"
"May pupuntahan lang kami diyan sa Santa Rosa, Laguna. Mga lumang damit ang laman ng mga kahon na 'yan para sa mga less fortunate nating kababayan. Nag-donate din ang iba nating kabarangay. "Ngumisi si Brix.
"O, ano? Nakikita ko sa mukha mo na nai-in love kana sa akin. Liligawan pa ba kita, eh, mukhang mahal mo na yata ako?" pa-cute na namaywang ito sa harap niya.
Natawa si Becky bago kinurot ang tagiliran ng binata. "Ang feeling mo talaga, Brix! Ikaw yata ang patay na
patay sa akin, eh."
Nagkibit-balikat ito. "Aminado naman ako. Eh, i-ikaw ba?"
Namula ang buong mukha niya sa tanong na iyon.
Inihilamos nito ang kamay sa mukha niya. "G-gusto mo rin naman ako, hindi ba?" nakangiti pa ring tanong nito bagaman mababakas sa mukha na kinakabahan din ito sa pwedeng isasagot niya.
"Gusto," mahinang sagot niya.
Ang lawak ng naging ngiti ni Brix. "Tayo na, 'di ba?"
"Ano sa tingin mo?" nakangiti na ring balik-tanong niya sa binata.
"Tayo na."
Walang ano-ano ay biglang dumukwang si Brix at hinalikan siya sa mga labi. Ilang sandali pa ay naramdaman na lamang niya na isinasara na ni Brix ang pinto ng opisina bago mas lumalim ang paghalik nito sa kanya.
" Hindi ba pupunta kayo sa Santa Rosa?" hinihingal na tanong niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"This can't wait," anito bago muling sinakop ang kanyang mga labi. "Bago ko makalimutan, I love you
pala, Becky."
Napahagikgik siya. "I love you, too, Brix."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
good
16/10
0ilove this story
15/01/2025
0I like it
21/12/2024
0Tingnan Lahat