Homepage/Ang Love Story Ni Bek-Bek/
Ang Pinakanakakainis Na Lalaki Sa Buong Mundo
Kasalukuyang nagbubuhat ng dumbbells si Becky at kanina pa siya hindi mapakali. Magmula nang sabihin ni Heidi sa kanya na tila nagseselos daw si Brix kay Hanz ilang gabi na ang nakakaraan ay nagsimula na siyang mapa-isip.
Kasalanan mo 'to, Heidi! Kung hindi mo sana sinabi sa akin 'yon, eh, 'di sana hindi ako nagkakaganito! Bruha ka talagang babae ka! sa loob-loob niya. Binilisan niya ang pagtaas-baba ng mga kamay.
Matatapos na lamang ang kanyang gym session ay hindi pa rin niya namamataan ni anino man lang ni Brix. Hindi na siya nakatiis, kaya naman ibinaba niya ang dumbbells saka tumingin kay Manolo. "Manolo, wala ata ang amo mong si Brix?"
"Nandiyan naman si Sir Alfred kapag wala si Sir Brix." Si Alfred ang co-owner ng gym.
"I mean... Bakit wala si Brix?"
"Ahhh... Si Sir Brix, ba? May aasikasuhin lamang daw. Babalik din daw siya agad once natapos na siya doon."
Tumango si Becky. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay natagpuan niya ang sarili na binabagalan ang pagkilos. Maya't maya ay nagwa-water break din siya, tila sinasadya niyang tumagal ang kanyang pamamalagi sa gym. Paminsan ay tumitingin din siya sa pintuan ng opisina nito. Pero nang sumapit na ang alas-singko at wala pa rin si Brix ay nagpasya na siyang maghanda pauwi.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit naiinis siya. Suot pa naman niya ang kanyang bagong pink na t-shirt na milagrong large na lamang ang size at ang itim niyang leggings na hindi na nai-stretch nang todo kapag isinusuot niya. Palabas pa lamang siya ng shower room nang may makasalubong na siyang lalaki na nakaharang sa kanyang dadaanan. "Excuse me," pasintabi niya, pero tila bingi naman itong walang reaksiyon na nakatayo padin. Hindi man lang ito natinag sa pwesto at nanatili lamang na nakatayo kaya naman nakaharang parin ito sa dadaanan niya habang hindi umiiimik na parang bingi o pipi.
"Alam kong mataba ako pero hindi ko inookupa ang dadaanan mo, kaya kung dadaan ka, dumaan ka na. Wala ako sa mood na makipag-gitgitan sayo." pagtataray niya.
Tumawa ang lalaki. "Ikaw talaga, Becky, napaka-taray mo. Menopause ka na ba?"
Napamata si Becky sa kaharap. Umawang ang mga labi niya nang mapagsino ito. "B... Brix?"
Nakangiting hinaplos ni Brix ang malinis nang baba at nguso. "Hindi mo na ba ako nakilala Bekbek? Napaka-guwapo ko talaga ano? Para nag-ahit lang naman ako saka nagpagupit eh."
Biglang nag-init ang mga pisngi niya nang matitigan ng husto ang mukha ng binatang nakatayo sa harapan niya. Guwapo ngang talaga ito. Hindi niya akalaing ganito ito kaguwapo kapag ito'y naglinis ng mukha at bawasan ang buhok. "A-ano'ng nangyari? Bakit naisipan mong mag-ahit at magpagupit?"
"Wala lang naman." Ngumiti uli ito at saka humalukipkip at sumandal sa dingding.
Nanatili lang naman siyang nakatayo at nakatingin dito, ilang sandali pa ay kumurap-kurap siya saka tumikhim. "Pauwi na rin ako. Sige, ha." Akmang lalagpasan na niya ito nang hawakan nito ang kamay niya. "B-bakit?" kinakabahan niyang tanong. Pakiramdam niya ay nanggaling siya sa katatapos lang na marathon dahil sa mabilis na pintig ng puso niya.
"Samahan mo 'ko Becky, food trip tayo."
"Ha? Ako? Bakit?"
Kumunot bahagya ang kilay nito habang nag-iisip nang sasabihin. "Gutom na ako eh, saka matagal-tagal na rin kasi akong hindi kumakain ng street foods dito sa atin. Hinahanap ng katawan ko. Sige na, samahan mo na 'ko. Hindi ka pa ba gutom?Come on, ililibre kita."
Matagal na nakamata si Becky kay Brix. Kay daling tumanggi lalo na kapag si Brix ang nagyaya sa kanya, kagaya ng dati. Pero may bahagi niya na gustong pumayag at gustong ngitian ang binata. Kalahati naman ng utak niya ay sinasabing baka kasunod ng pagyayaya nito sa kanya ay ang pang-aasar at panglalait na naman nito sa kanya.
Unti-unti nang nabubura ang pagkakangiti ng binata at unti-unti ring lumuluwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. She did not want to see him disappointed.
"Okay, sige." bigla ay nasabi niya.
Kaylawak ng naging pagkakangiti nito na tila tumama sa lotto. Kahit gusto niyang pagsisihan ang isinagot ay hindi niya magawa. "Let's go."
"Kuya, anim na barbeque, anim na isaw, apat na Betamax, apat na tainga ng baboy, saka dalawang gulaman din pala. Paki-plastic na lang 'yong gulaman."
"Hoy! Ang dami naman ng in-order mo kay kuya Ysmael, mauubos ba natin 'to?" Saway niya kay Brix na humuhugot ng pera sa bulsa nito.
"Wala munang diet-diet ngayon. Mamaya ay maghahanap naman tayo ng fish ball vendor, saka gusto ko rin ng kwek-kwek."
"Para namang bibitayin na tayo nito mamaya. Saka, sure ka bang mauubos natin ang lahat ng 'yan? Parang mawawalan ng silbi ang halos dalawang oras na itinakbo ko sa treadmill sa dami ng kakainin natin."
"Baka mamaya magsuka ako."
Tumawa lamang si Brix sa sinabi niya. "It's your cheat day, Becky. You deserve this for working really hard at the gym. Anyway, ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo ngayong isinara mo na ang karinderya mo, hindi ka ba nalulungkot o hindi mo ba namimiss ang dati mong ginagawang pagluluto?"
Sumimsim muna si Becky sa straw ng hawak na sago't gulaman bago sumagot. "Online English tutor ako. Maganda ang kita at flextime pa. Ang kailangan ko lang ay Internet, laptop at headset at iyon na. About my old routine, cooking... syempre namimiss ko. Ilang taon ko na rin 'yong ginagawa. Pero alam ko namang kailangan ko rin munang pansamantalang itigil 'yon. Para din makontrol ko ang sarili ko at hindi ako matuksong kumain ng marami. May ipon pa naman ako kahit papaano kaya okay lang na hindi ko muna buksan ang karinderya ko."
"Wala ka na ba talagang planong bumalik pa sa pagluluto? I know you love cooking that's why you studied HRM to master your talent more. Nakakamiss din ang mga lutong-ulam mo. Pati ang mga tauhan ko sa gym ay nami-miss na 'yon. You really are a good cook."
Napangiti siya sa narinig sa binata. "Kung seseryosuhin ko talaga ang pagpapayat, I think mahihirapan lang ako kung patuloy pa rin akong magluluto kahit na 'yon ang nakasanayan ko. Sa kakatikim ko pa lamang sa mga niluluto ko, siguradong babalik ang mga tabang nawawala na sana sa katawan ko. Isa pa, kapag may tira paminsan-minsan, natutukso ako na ubusin ito lalo na kung kaunti na lang. It's really hard for me to control myself when I smell my own cooking. Masasayang lang ang pagod at pawis ko sa gym mo kapag gano'n."
"Oh, well. Nasa sa'yo naman talaga 'yan kung mapapakain ka ng madami o magpadala sa tukso, Becky. But it's still your decision so..."
"Sandali nga pala at kukunin ko lang ang mga in-order natin." Sunod na sabi mg binata.
"Okay. Pakisawsaw iyong sa akin sa sukang maanghang ha?"
"Pareho tayo, iyon din ang gusto ko," naiiling na sabi nito sa kanya bago magtungo sa nagluluto ng barbeque.
Sinundan ng tingin ni Becky ang papalayong pigura ni Brix habang hindi mawala-wala ang mga ngiti sa mga labi. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ano ba ang ginagawa niya at sumama pa siya sa lalaking bwisit na bwisit siya at pinaka-kinaiinisan noon pa? At bakit tila unti-unti ay nawawala na yata ang galit at inis niya dito? Dahil ba ngayon lang sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap at kwentuhan simula pa noong mga high school pa lamang sila? Dahil ba tila palagay na rin ang loob nito sa kanya at hindi na siya nito iniinis o nilalait? Maybe Brix had changed into a gentleman and decided to be friendly with her and stopped himself being a bully. Kung ano man ang dahilan ay lalo lang siyang nababagabag sa weirdong nararamdaman niya sa ngayon.
Nang bumalik ang binata na bitbit ang kakainin nila at umupo sa tabi niya ay pareho silang tahimik na kumain.
"I really missed eating these kinds of street foods," komento nito maya-maya na alam niyang may pagkain pa sa bibig base sa boses nito.
"Alin?"
"What do you mean alin?"
Napa-ubo siya ng kaunti pero pinigil niyang lakasan iyon. "You mean this?" Itinaas niya ang hawak na barbeque habang nasa pagitan siya ng pagnguya.
"Hindi. Ikaw." Seryosong sagot nito bagi inumin ang hawak na gulaman.
Sa gulat ay nalunok niya ang isang malaking piraso ng karne. Hindi na niya napigilan ang malakas na pag-ubo kaya naman mabilis niyang inisang lagok ang hawak na gulaman.
"Are you okay, Becky?" Nag-aalalang tanong ni Brix habang tinatapik-tapik ng marahan ang kanyang likod.
Tumango naman siya na pigil ang muling pag-ubo dahil sa tila naiwang kung ano sa lalamunan.
"Tama ba ang narinig ko kanina? Na na-miss mo ako?" Muli siyang tumikhim para mawala ang nakasabit sa lalamunan niya.
Sandaling natigilan si Brix at tumingin sa kanya. Tinitigan siya nito ng ilang minuto bago humagalpak ng tawa. "Ikaw talaga Bekbek! Binibiro lang kita 'no." Dinunggol pa nito ang braso niya kaya naman halos matapon ang baso ng sukang hawak niya.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Okay, whatever! Because for the moment there, you really scared me." Seryoso niyang sabi dito bago inirapan ang binata.
"Akin na nga 'yan." Biglang sabi ulit niya na inagaw pa ang hawak ng binatang plastic cups na may lamang sago't gulaman saka nilagok iyon.
Nagtataka namang napatingin si Brix sa kanya. Hindi dahil sa paglagok niua ng gulaman kundi ay sa sinabi niya.
"S-scared you? Why? What do you mean, I scared you?"
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Oo, kasi 'wag kang magugulat, ha? Pero kailan lang kasi nabanggit sa akin ni Heidi noong isang gabing nagpunta ka sa bahay na nandoon ang bisita kong si Hanz na---"
"Anong sinabi niya?" Interesadong tanong ng binata na pinutol pa ang pagsasalita niya.
"Na parang nagseselos ka raw." Umirap siya dito.
"What? Me?" Tumawa ulit ng malakas si Brix na ikinatayo nito. Tawa ito ng tawa na tila ba totoong may nakakatawa sa kanyang sinabi. Pakiramdam naman niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya dahil sa naramdamang insulto sa pagtawa nito.
"Wow, ha? Ang ligaya mo naman masyado diyan," komento niya na bahagyang nainis sa reaksiyon ng binata. Pilit niyang itinatago ang pagkakapika dito dahil baka matusok niya lang ito ng hawak na stick ng barbeque.
"Because what you just said is simply incredible! Why would I be jealous of that Hanz? It's not like we're going out or anything, right? We're not even that close for me to get jealous of him." Natatawang sabi ng binata na tila ikina-init na ng tainga niya pagkatapos marinig.
"Bakit? Iniisip ba ni Heidi na may gusto ako sa'yo?" Tanong nito ulit.
Napakapit siya nang mahigpit sa hawak na plastic cups at piraso ng stick ng barbeque. Natatakot siyang baka sa sobrang pikon niya sa lalaki ay maibuhos na talaga niya ang hawak na sukang maanghang na pinagsawsawan ng barbeque kanina.
Hindi maintindihan ni Becky kung saan nagmunula ang matinding inis na nararamdaman nang mga oras na 'yon. Ipagpalagay nang hindi nga ito nagseselos kay Hanz, pero bakit kailangan pa nitong ipagduldulan iyon sa kanya na tila nadidiri pa sa kanya kung totoo man ito o hindi. Para ba ipakitang wala talaga itong ni katiting na interes sa kanya? Pilit niyang pinigilan ang sariling bibig na magbuga ng apoy at bungangaan si Brix dahil sa inis na nararamdaman. Kailangang iparamdam niya dito na hindi siya naapektuhan sa sinabi nito. Na wala lang din sa kanya ang mga sinabi nito ngayon-ngayon lang.
"Iyon nga ang sinabi ko kay Heidi. Sabi ko na malabong-malabo ang sinabi niya. I mean, we can't even stand each other, right? So, that's just impossible to happen. Saka, hello?! Sa palagay din ba niya ay magkakagusto ako sa 'yo? Sa iyo pa talaga, ha?" Napahagalpak pa siya ng pekeng tawa para lamang iparamdam dito na seryoso siya sa sinasabi niya.
"Yeah, it's absurd." Nakita niya ang pagseryoso nito habang nilalaro ng stick ang suka na nakalagay sa plastic cup na hawak nito.
"Plain ridiculous," sang-ayon niya, gigil na gigil na kinagat niya ang natitirang Betamax na hawak niya. "That's just impossible."
"Uh-huh," ani Brix bago sila natahimik pareho. Parang nagkaroon na naman ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
Laking pasalamat ni Becky nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Si Heidi ang tumatawag. "Hel---" hindi pa man niya na natatapos ang sinasabi ay narinig niya ang nakakabasag-tengang pagtili ng kaibigang si Heidi sa cell phone niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
16/10/2025
0ilove this story
15/01/2025
0I like it
21/12/2024
0Tingnan Lahat