Chapter 47

Camille's POV
Natataranta na ang tatlong babae dito sa loob ng unit, lumabas narin si Kayla para humingi ng tulong sa baba kung sakaling hindi pa maka-karating sina Prince.
"Ahhhh!!! Hindi ko na kaya! Hoo! Hoo! Hoo!" habol ko sa aking hininga dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Sumisigaw narin ako dito ng bigla nalang bumukas ulit pintuan at pumasok si Kayla kasunod niya si Prince at ang mga kaibigan namin. Kahit papikit-pikit na ang mga mata ko ay kita ko parin na hindi nag-iimikan si Kayla at Aidan.
"Baby! It's okay, i'm already here." he said that to calm me. Binuhat niya kaagad ako ng bridal style, pero bago pa kami makalabas ng tuluyan sa unit ni Kayla ay sumigaw ako sa kanila dalawa.
"Kapag h-hindi pa kayo magba-bating d-dalawa...hindi ko talaga kayo kukuning ninang at ninong!! Tandaan niyong dalawa yan!" yun lang ang sinabi ko at naka-alalay naman si Prince kaagad pati na ang mga kaibigan niyang mga wala pang jowa! Uma-alalay din papasok sa elevator.
Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari dahil bigla nalang akong hinimatay kahit ramdam ko parin ang sakit ng tiyan ko na parang binibiyak. May umagos na luha sa mga mata ko, naririnig ko rin ang pagtawag sakin ni Prince, maging ang mga kaibigan namin na tinatawag din ang pangalan ko. But my visions are turning black already.
***
[Prince]
Dinala ko kaagad si Camille sa kotse ko at pinasok siya passenger seats sa likod, at magd-drive na sana pero nagsalita si Bryle sa likuran ko. Nagpa-panicked na ako. Anumang oras ay baka tuluyan ng lumabas ang triplets hindi pa namin siya nadadala sa ospital.
"Prince, I'll drive. Samahan mo na si Camille jan sa likod, give me your keys!" sinunod ko ang sinabi niya at siya na nga yung nagdrive papunta sa St. Lukes Medical Hospital.
"Baby, please! Can you hear me? Please! Wag ka namang pumikit oh, Camille! Talk to me, *sob!* *sob!*" sinubukan ko siyang kausapin baka sakaling dumilat siya kapag narinig niya ang boses ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko, i dialled Doc. Miguelito's number but i can't contact him. Pabagsak kong binato ang cellphone sa paanan ko, niyakap ko nalang si Camille. She's not responding to me everytime i tried to call her name.
"Prince malapit na tayo, kausapin mo lang siya ng kausapin baka magising siya." nag-aaalalang sambit ni Bryle sakin, umiiyak narin kasi ako pero tinatagan ko ang loob ko. I will gonna stay by your side always, Camille.
Saktong pagdating namin sa labas ng ospital ay katulad lang rin noon nung sinugod ko dito sa Camille. Tinawag ko yung isang nurse na may bina-babang hospital bed sa ambulansya at parang nataranta narin siya ng lumapit siya sakin.
"S-Sir, ihiga niyo na po si Maam dito." sinunod ko lang ang sinabi niya at hinawakan ko lang ang kamay niya, kahit wala siyang malay, alam ko lalaban siya. Lalabanan niya ang pasubok na kina-kaharap namin ngayon!
Nang maka-pasok ay agad sumalubong sakin si Doc. Miguelito na alalang-alala ng makita ako kasama ang hinihigaan ni Camille.
"Prince, anong nangyari?" takang tanong niya.
"Manganganak na si Camille Doc! Please, save them! Silang apat, hindi ko kayang may mawala man sa kanila. Sila ang buhay ko, sila ang bumuo sa pagkatao ko. Kaya please, Doc! Save them!" hagulgol kong sambit kay Doc. Miguelito. Nararamdaman ko ang kabang kanina pa nandito sa dibdib ko, sumunod na siya sa nurse na siyang nagdala kay Camille sa loob ng operating room. Naiwan na naman ako dito na mag-isa, parang naulit lang yung nangyari dati. Nang isinugod ko siya dito dahil lang may naka-alitan siya sa restaurant nun.
Tanging ang iyak ko lang ang maririnig ko dito sa hallway, nanginginig ang aking mga kamay na napa-titig habang ang mga luha ko ay hindi parin tumitigil sa pagtulo nun mula sa mga mata ko. Duma-usdos lang ako pa-upo dito sa sulok, alam ko nahihirapan narin ang asawa ko. Hindi ko maiwasan na hindi magalit sa sarili ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, tumayo ako at maglalalad na sana pa-labas ng bigla nalang lumabas si Doc. Miguelito sa operating room. Naka-suot na siya ngayon ng hospital gown, mask, at hairnet pero parang hindi siya mapakali ng makita niya ako na may kasamang senyas, pina-lapit niya ako sa kanya.
Bumundol ang kaba sa dibdibko, mas malakas pa kesa kanina. Lumingon naman ako ng marinig ko ang pamilya naming dalawa ni Camille, pati narin ang mga kaibigan namin na tumatakbong palapit dito sa pwesto namin ni Doc.
"Mabuti at nandito na kayong lahat. Prince can you come with me inside the operating room? I want you to support Camille for the safety delivery kasi hindi niya kayang mag-isa lang siya doon sa loob. Give her strenght, Prince." tugon ni Doc. Miguelito. Sumunod kaagad ako sa kanya sa loob ng pumasok siya at sinalubong naman ako ng dalawang nurse. May pinasuot sila sakin na kagaya ng suot nila, a hospital gown.
"Dito po, Sir." sabi naman ng isang nurse at sumunod agad ako. Nang maka-pasok ay gusto ko sanang lumabas ulit dahil kitang-kita ko kung paano nahihirapan si Camille, pero hindi ako nagpa-talo sa nararamdaman ko. Nilapitan ko siya at dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya gamig ang nanginginig kong kamay.
"C-Camille, baby. You can do this, huh? A-Andito lang ako sa tabi m-mo." pagpapa-alala ko sa kanya, nakikita kong halos puno na ng pawis ang buong mukha niya, butil-butil yun. Dumilat siya ng mata atsaka nagka-salubong ang tingin namin, pikit-mata siyang tumingin sakin na nahihirapan, sumisigaw na siya sa paraang alam niya para mailabas na ang panganay namin na isa sa mga triplets.
"Ahhhh!!!! P-Prince, wag kang umalis sa tabi ko! Ahhhh!!! Hoo! Hoo! Hoo!" sigaw niya na nagawa niya pang sabihin sakin yun.
"Oo baby, hindi ako aalis sa tabi mo. I will be here, mga babies labas na please! Nahihirapan na si Mommy niyo eh."
"Push lang misis! Nakikita ko na ulo ng bata, isang push pa!...lalabas na ang panganay!" sabi ni Doc.
"Ahhhhhhhhhh!!!!! Ahhhhhhh!!!!" sigaw ni Camille. Tanging ang ang boses niya lang ang naririnig namin at ang iyak ng bata.
Natulala ako ng ipakita sakin ni Doc. Miguelito ang panganay namin, inutusan niya ang isang nurse na babae na kumuha na pwedeng ipang-balot sa anak ko. Binigay naman ito ni Doc. sakin at nanginginig akong kunin siya pero ginawa ko nalang at binuhat siya saking mga bisig. Ipina-kita ko rin siya mismo kay Camille na nagsu-sumamong makita ang anak namin. Isang sanggol na lalaki.
"Camille, ito na ang panganay natin. Our baby boy, he's so cute! At-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumigaw na naman siya at kinuha ng isang nurse ang anak kong nasa bisig ko lang ngayon-ngayon lang. Nakita ko itong nilagay niya ang anak ko sa isang higaan na para sa sanggol, tatlo yun.
"Sige, push pa misis! You have to do this! Prince, just say a memorable one so that she became to be easy to deliver the babies normal." utos sakin ni Doc. Miguelito. Ginawa ko nalang ang sinabi niya, dahil nararamdaman ko narin ang tensyon sa pagitan ni Camille at ni Doc. Nag-uunahan namag naglandas ang mga luha ni Camille, wala man lang akonv magawa para alisin ang sakit na nararamdaman niya.
Taimtim akong nanalaangin sa itaas, Lord sana maging maayos din ang lahat. Wag niyo po sanang pababayaan ang mag-iina ko, sila ang buhay ko, ang kaligayahan ko, ang kumo-kompleto sa pagkatao ko. Kung wala sila, my life it doesn't matter anyway. Ipina-pangako ko na aalagaan sila ng mabuti, maging mabuting asawa at maging mabuting ama sa mga anak ko. Amen.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" malakas na sigaw ni Camille, napa-lundag ako dahil sa sigaw niya ngayon, pero kasabay nun ang pag-iyak ng isang sanggol ulit.
Kagaya ng ginawa ni Doc. sa panganay namin, ay binalutan niyo ito ng tela at binigay sakin.
"A baby boy again, Prince." naka-ngiting sabi ni Doc. Pinunasan ko naman ang mga luha ko gamit ang isang kamay, at katulad ng ginawa ko ay pinakita ko rin siya kay Camille na pilit ang ngiting pinapakita sakin.
"Baby, a our second baby boy again. Kaya mo yan, isa nalang talaga asawa ko. At magiging okay narin ang lahat. Hmmm?" bulong ko sa kanya ng nilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga. Nakita ko lang siyang tumango at pagkatapos ay sumigaw ulit.
Dali-dali ko namang ibingay agad ang pangalawa naming anak sa babaeng nurse at nilagay niya rin ito sa higaan nila. Mas nahihirapan ngayon si Camille dahil ang sabi Doc. ay parang ayaw pang lumabas ng kahuli-hulihang anak namin.
"Sige misis, konti nalang at kita ko na ang ulo ng last baby niyo, push lang misis." hinawakan ko narin ang kamay niya at kita ko ang dalawang sing-sing na sumisimbolo ng pagmamahalan naming dalawa. Ang engagement ring at wedding ring niya.
"Ahhhhhhhhhhhh!!! Ahhhhhhhh!!! Hoo! Hoo! Hoo! Hoo! Ahhhhhhh!!!! Prince, mabibigwasan na kita sa sobrang sakit! Hindi kana makaka-ulit sakin! Hooo!! Ahhhhhhh!!!" rinig kong sigaw niya, kahit naka-sigaw ay nagawa niyang sabihin yun sakin. And that's the last thing i've heard, ang iyak ng aming bunso.
"Prince, a baby girl!" ginawa niya ulit ang pagbalot niya sa tela ng anak ko at nilagay sa aking bisig sabay pakita ko rin kay Camille. Naka-ngiti siya kahit halata sa mukha niya ang pagod, pero halos manlumo ako dahil unti-unti, naririnig namin yung aparatu na tumunog at dali-daling kinuha nang nurse ang baby sa bisig ko, atsaka ko palang nalapitan ulit si Camille na nanginginig ang buong katawan, kinu-kumbulsyon siya.
"Prince, i think you can go out now. Naging critical ang condition ng asawa mo, dahil sunod-sunod niyang nilabas ang tatlong bata. I will update you later, okay? For now, lumabas ka muna kami na ang bahala sa kanya." tanging na-sabi ni Doc. Miguelito, pero hindi ako nagpa-tinag. Asawa ko ang nandito.
"Doc. kailangan ako ng asawa ko ngayon, please just let me stay! Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya iiwan dito! Please!" pagmama-kaawa ko, tiningnan ni Doc. ang isang nurse at pilit niya akong pina-tatayo at lumabas sa operating room. Damn! I don't know what to do!
Kahit labag sa loob kong ayaw lumabas, ay ginawa ko lang. Tiningnan ko muna ang pintong nilabasan ko bago ako tumalikod. Sinalubong naman ako ng pamilya namin dito sa labas maging ang mga lolo at lola namin pareho, ay nandito silang lahat.
"Prince? Kamusta!? Anong lagay ni Camille at triplets? Hooy! Sumagot ka!" alalang tanong ni Kayla, sumunod rin pala sila ni Aidan dito.
"Maayos naman ang panganganak niya, nailabas niya ang tatlo. Pero....pero..." naiiyak na ako, hindi ko na na-ituloy ang sinasabi ng magsimula akong umiyak.
Agrrhhh!!! Nagmama-kaawa po ako sa inyo, wag niyo pong kukunin sakin ang pinakamamahal ko?! Sabi ko sa aking isipan.
Bigla namang lumabas sa pinto si Doc. Miguelito na may lungkot sa kanyang mukha.
No!!!!!! It can't be!! Gusto kong tumakbo papasok sa loob ng operating room, pero hindi ko magawa. Naririnig ko sila na na-iiyak narin at halatang malungkot sa sinapit ng asawa ko.

Komento sa Aklat (198)

  • avatar
    John Jacob

    perfect

    28/05

      0
  • avatar
    Aicel Jakirani

    good

    13/03

      0
  • avatar
    John Adrian Ballono

    welcome to the club

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata