Chapter 17

Camille's POV
NAGISING ako ng alas sinko ng umaga dahil sa tunog ng alarm clock ko. Monday na naman kasi ulit at kailangan ko pang magready para sa school. Kahit mukha akong zombie na naglalakad papuntang banyo ginawa ko parin, nasanay lang kasi sa center na maaga akong gumising. Pumasok ako sa banyo at tumingin muna sa salamin ng makita ko ang itsura ko. Sumampa na ako shower area at binuksan yun para maligo.
Nang lumabas ako pagkatapos kong maligo ay siya namang may kumatok sa pinto ko at dali ko yung binuksan.
"Young lady Camille, ito nga po pala yung uniform ninyo...Binili po ito nina Senyorito at Senyorita sa school niyo po para magamit niyo. Kasi naiwan niyo daw po yung lumang uniform niyo sa center...nakalimutan ko nga lang po na ibigay sa inyo kagabi." sabi ng isang kasambahay na dinala yung bagong uniform ko.
"Naku ate! Nag-abala pa po kayong dalhin to sakin, ako na lang po sana ang kuhuha nito. Pero salamat po dito ate ha!" ngumiti na lang ako sa kanya saka ko sinarado ulit ng makita kong umalis na siya.
Sinuot ko narin yung bagong uniform ko ng BA at kasya lang sakin...Ngumiti ako ng makita ko ang ayos sa vanity mirror na ka-tapat lang ng kama ko.
Kinuha ko ang bag na nasa isang cabinet dahil doon ko lang nilagay yun.
Pinatuyo ko muna saglit ang buhok ko bago sinuklay gamit lang ang mga kamay ko.
Lumabas ako ng kwarto na maayos na at tiningnan ko ang oras. Mahigit isa at kalahating oras pala ang tinagal ko...Hindi naman ako ganito kung mag-ayos dati. Siguro marahil dala lang ito ng environment dahil bago pa ako sa mansyon.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Manang Dina at Jane na naghahanda ng almusal. Napalingon sila sakin ng marinig nila akong palapit.
"Young lady! Good morning po, umupo na po kayo at kumain ng breakfast. Niluto po namin ni Manang." may ngiting sabi ni Jane, tumango lang ako umupo sa kung saan ako nakaupo nung una dating ko dito sa mansyon at kukunin ko na sana ang lalagyan ng kanin pero daling kinuha yun ni Jane at siya mismo ang naglagay nun sa pinggan ko.
"Naku Jane ako na, kaya ko naman eh...Tsaka hindi mo naman ako dapat asikasuhin kasi meron naman akong kamay para kunin at ilagay sa pinggan ko, kaya okay lang." sabi ko ng ngitian ko lang siya pero hindi siya magpapa-pigil at siya na talaga ang ang nagalagay ng kung ano sa pinggan ko.
"Alam niyo, Young lady Camille... Mapapagalitan ako ni Manang kapag hindi ko ginawa ng maayos ang trabaho ko bilang maid mo, at isa pa nagpresinta ako na magiging maid mo kaya kung anong iutos mo sakin gagawin ko." pagdadahilan niya at nakikita kong gusto niya ang ginagawa.
"Ilang taon ka na ba? At bakit nagta-trabaho ka ng maaga, nag-aaral ka pa ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya ng magsimula akong kumain at nasa tabi ko lang nang magsalita siya.
"20 years old palang po ako, young lady Camille...Kailangan ko po kasi ang trabahong ito para may maibigay akong pera sa mga magulang ko. Mahirap lang po kasi kami at ika-tatlo ako sa walong magkakapatid, tungkol sa pag-aaral, opo nag-aaral po ako pero tuwing sabado at linggo dahil yun lang kasi ang kaya ng mga magulang ko." kwento niya, nagulat ako dahil ang dami niya palang kapatid at ang bata niya pa para magtrabaho.
Tumingin ako sa kanya, nung nagsasalita siya ay nakikita ko na malungkot ang kanyang mga mata ng tingnan niya ako.
"May maitutulong ba ako sayo? Mas matanda kapa pala sakin ng tatlong taon at inu-opo mo na ako, Camille na lang at pwede ba kitang tawaging Ate? Nami-miss ko kasi na meron akong tinatawag na ate eh. Kung okay lang sayo? " tanong ko, gusto ko lang pagaanin ang loob niya kaya ko sinabi ito sa kanya.
"Okay lang po young lady Camille, may konting ipon naman po ako para sa pamilya ko at sa sarili ko narin... Ma-swerte nga po kami at naging amo namin ang mga magulang niyo, hindi lang po mabait binibigay po kaagad yung sweldo namin at meron din po kaming benefits na nakukuha. Wag na po kayong mag-alala... Malalagpasan rin po namin ito, sige young lady Camille, ituloy niyo na po ang pagkain. Okay lang naman sakin na tawagin mo akong Ate kasi nami-miss ko rin kasi ang mga kapatid ko doon sa amin." ngumiti siya sakin bago umalis para maihanda ang sasakyan na gagamitin ko.
Masaya naman ako dahil doon.
Tapos na akong kumain ng marinig ko si Daddy na nagsalita.
"Good morning anak. Oh! It suits you very well, sweetie. Buti naman at nakuha mo ang uniform na yan." ngiting sabi ni Daddy at umupo sa usual spot niya at kasunod niya pala si Mommy.
"Good morning sweetie..." ngumiti rin si Mommy na nagpa-tango sakin.
"Good morning din po, Daddy...Mommy. Oo nga po eh, kanina ko lang po nakuha ng ihatid po ito ng isang kasambahay sakin, uhmm...Magpapaalam na po sana ako sa inyo at papasok sa school." yun lang ang sinabi ko at hinalikan ko sila sa kanilang pisngi.
I waved my hands to them as i walk outside the kitchen and in the living room when i noticed ate Jane.
"Young lady, Camille... Anjan kana po pala, ready na po ang sasakyan niyo. Sasama po ako sa inyo para ihatid kayo sa school." nahihiya niyang sabi dahil nakayuko pa siya.
"Talaga?! Sige...Pero okay lang naman sayo diba?" tumango lang siya at ngumiti.
NANG makarating kami sa Brentson, pagbaba ko ay nagsi-tinginan ang ibang mga studyante sakin na may pagtataka sa mga mukha nila.
"Oh my Gosh! Camille? Anong nangyari sayo?" sa loob ko na lang sasabihin sa kanya lahat.
"Young lady Camille, susunduin na lang po namin kayo dito pagkatapos ng klase ninyo dahil yun po ang bilin sakin eh. Sige po mauna na po kami." sabi niya at pumasok na ulit sa sasakyan at umalis na ito hanggang sa makalayo na.
Hinila ko lang si Kayla dahil naco-concious na naman ako sa mga tingin na ibinibigay ng mga studyante dahil nandito pa kami sa entrance.
Pumasok na kami sa classroom namin at naghintay ng subject teacher namin habang nagku-kwentuhan kami ni Kayla.
Hindi pa naman masyadong maraming studyante ang nandito sa room dahil maaga pa naman din.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari noong sabado at yung bonding namin nina Mommy at Daddy na magkasama kahapon.
"Wow! I didn't think that you are the daughter of one of the most famous and favorable family in the world. You know? The felipe family are known not in the asia but all over the world... Dahil sa mga malalaking business like the Therrany Comnmercial Agency and firm, at marami pang iba. Both of your grandparents are the founder ng mga business na hina-handle nila Carmel at Angelo Felipe, yun ang sabi sakin nila Mommy at Daddy." ganun pala yun? Ang akala ko tumutulong lang sila sa mga charity events katulad nung nasa center palang ako.
"Marami palang business sila Mommy at Daddy? May nabanggit sila sakin pero hindi naman nila sinabi sakin kung anong mga business yun eh. At yung Therrany...Kayla ang, totoo ko palang pangalan ay Therrany Camille Serrano Felipe, pero hindi ko alam kung saan kinuha yung unang pangalan ko." taka akong tumingin sa kanya.
"So that means, sayo pinangalan yung commercial agency na yun? Naku! Camille that commercial agency is very successful not here in the philippines but outside the country, like modelling sa france, cover magazine at marami pang iba. Ang swerte mo! Mas mayaman kapa pala sakin ah!" tinakpan ko kaagad yung bibig niya dahil baka may makarinig...unti-unti na kasing nagsi-datingan yung mga classmate namin.
"Wag kang maingay, Kayla. Ayaw pa kasing ipag-sabi nina Mommy at Daddy ang tungkol sakin, na nahanap na nila ako dahil baka maulit na naman yung nangyari noon, nung nawala ako and the worst part baka kung ano pang ang mangyari."
"Okay if thats what your parents want... I'll just zipper my mouth." yun nga ang ginawa niya ng pumasok ang english teacher namin.
PAGKATAPOS ng isang linggo, ay wala kaming pasok ngayong araw ng sabado dahil foundation day ngayon. At noong nakaraang araw lang ay sinabihan ako ni Senyorito Prince dahil hindi na raw ako pwedeng magback-out. Nainis ako sa kanya dahil pangalawang pagkakataon hindi niya sinabi sakin na contest pala ang sasalihan ko at hindi intermission number lang.
Nandito ako sa classroom namin na ginawa naming powder room at kung anu-ano pa para mailagay namin ang mga gamit namin. Isang araw lang ang foundation day dahil sa mga susunod na buwan pa gaganapin ang pinaka-mataas na araw na wala kaming pasok ang...intramurals.
Kinakabahan akong nagpalakad-lakad dito sa room habang nalilito namang nakatingin sakin ang ibang classmates pati na din si Kayla dahil kanina pa ako lakad ng lakad.
Kinakabahan ako para mamaya. Lumabas muna ako ng classroom at pumuntang comfort room dahil naiihi at hindi ako mapakali.
Papasok na sana ako ng makita ko si Prince na nakatitig sakin kaya dali-dali akong pumasok sa loob at nagtaka kung bakit ganun niya ako titigan.
Naghugas ako ng kamay ng may tatlong babaeng studyante ang pumasok na kinikilig. Ano kayang meron?
"Ahy! Andito pala siya? Diba Agnes isa siya sa contestant ng section Gallema? I think kinakabahan siyang talunin mo sila mamaya." sabi ng kasama niya, na kung makatingin sakin ay parang kakainin ako ng buhay.
"Ah? Yung palaging binubully ni Prince? Asa siya na mananalo sakin. Don't mind that freak! Let's go, sa ibang comfort room na lang tayo...baka kasi mahawaan tayo ng pagka-freak niyan, siya daw si Therrany? My foot! Hindi pa kaya nahahanap ang anak ng mga Felipe... I don't believe what i heard... Tsk!" umalis sila nung makita nila akong nakatayo lang at kahit narinig ko yung sinabi nila hindi ko na lang pinansin, baka mapa-sama pa sa pangalan nina Mommy at Daddy. Nang lumabas ako ay laking gulat ko ng hindi pa pala nakakaalis si Prince at dumikit lang siya sa wall habang seryoso ang mukhang nakatingin sakin.
Ano na naman kaya ang problema nito? Palagi ko na lang bang sasabihin ito sa isip ko?
Bahala nga siya jan! Naglakad na ako ng hindi siya pinapansin dahil hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya, ng hinigit niya ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"What's your problem?! Why are you ignoring me?" sigaw niya, buti na lang wala masydong studyante ang naglalagi dito malapit sa pwesto namin. Bumuntong hininga ako ng hindi ko mahanap ang dila sa maaari kong sabihin sa kanya.
Tiningnan ko siya ng masama bago sumagot.
"Ako pa talaga ang may problema, senyorito? Ikaw pa ang galit... Samantalang nilagay mo ako sa ganitong sitwasyon dahil una palang nagpadalos-dalos kayong mag-desisyon ng mga kasama mo! Hindi mo ba alam na marami ang galit sakin dahil sa pangbu-bully mo, oras na matapos itong contest na to ngayong araw ako na ang magsasabi sayo hindi mo na ako alila... Kahit patawarin mo ako o hindi, hindi ko na obligasyon ang mga ipapagawa mo sakin." pinigilan ko ang luha na wag tumulo dahil ayoko na makita niya akong umiiyak dito.
Hindi siya nakapag-salita ng sabihin ko sa kanya yun, ng lumuwag ang pagkaka-hawak niya sakin doon ko binawi ang braso ko sa kanya at iniwan na siya doon na nakatingin sakin.
Bumalik ako sa classroom at doon ko ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, nagtaka naman si Kayla ng bigla akong umiyak. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang nangyari...saka na lang siguro kapag okay na ako.
Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa lahat...Siya lang ang nakakaintindi sakin dito kaya naging bestfriend ko siya kahit minsan ay binabara niya ako, pero alam ko naman na pinapagaan niya lang ang loob ko... Nature niya na ang ugaling yan.
Tumahimik ako ng pumasok ang adviser teacher namin at sinabing mag-ready na raw ako at kailangan na naming pumunta sa gymanasium dahil doon gaganapin ang foundation day.
Nagsimula na kaming maglakad ni Kayla at hindi alintana ang ibang studyanteng panay ang sulyap sa aming dalawa.
"Wag mo silang pansinin, Camille. Alam mo naman kapag malaman nilang lahat na ikaw ang nawawalang anak ng mga Felipe baka hindi lang bully ang matanggap mo sa kanila baka saktan ka pa nila. But don't worry andito naman ako eh...I will protect you no matter what!" nakangiting sabi niya sakin. Napangiti na lang rin ako dahil sa sinabi niya, somehow gumaan ng konti ang loob ko dahil may bestfriend ako na ang pangalan ay Kayla Stephanie Asuncion.
PUMASOK kami sa gymnasium at marami ng tao ang nandoon. Makakapunta kaya sina Mommy at Daddy? Dahil ang sabi nila susubukan nilang pumunta dahil marami rin kasi silang gagawin ngayon.
Tumingin ako sa wrist watch ko at five thirty pm na pala at exact six pm ang start ng contest. Hindi na kasi ako pumunta sa kung anong program ang ginawa nila kanina at nandoon lang ako sa classroom, mabuti nalang sinamahan ako ni Kayla.
Pumunta kaming dalawa sa unahan dahil nandoon nakaupo yung mga contestant, iniwan na ako ni Kayla at umupo sa bench pero kitang kita niya parin ako. Lumingon lingon ako at nakita ko na nasa likurang nakaupo sina Mommy at Daddy kasama si Manang Dina at si kuya Blaire, yung driver nina Mom at Dad.
Ngumiti sila sakin and they mouthed the "you can do it!" sign, ngumiti rin ako sa kanila ng lumingon na ako sa harapan dahil merong hinandang speech ang dean namin sa mga dumalo sa foundation day.
"Thank you everyone that you able to come in our foundation, etc. etc." hindi kona masyadong naintindihan ang mga sinabi ng dean dahil kinakabahan ulit ako ng hindi ko alam ang dahilan.
Natapos na ang dean ng speech niya at ibinigay niya ang microphone sa baklang host at tinatawag na kaming mga contestant na pumunta ng backstage.
Lumingon ulit ako sa pwesto nila Mommy at todo cheer na sila sakin ngayon. Napangiti ako sa ginawa niya, kahit papano nabawasan ang kaba ko. Pati narin ang bestfriend ko na nasa bleachers. Nakalimutan ko palang sabihin na judge yung pitong SSC members at tutugtug sila mamaya para sa mananalong contestant, parang harana kumbaga.
Isa-isa ng tinawag ang mga kapwa ko contestant at ilang oras ang nakalipas ay tapos na ang iba at dalawa na lang kami ang natitira dito sa backstage ng naglakad siya at binunggo niya ako. Tinawag na siya ng baklang host at hindi ko na pinansin yung ginawa niya. Nagulat ako kanina ng makita niya akong naglakad papunta dito sa stage at baka kung ano pa ang gawin niya sakin pero pina-paringgan niya ako ng kung anong bagay pero hindi ko na yun pinansin pa.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na siyang kumanta, I admit na maganda rin talaga ng boses niya pero yung ugali niya ang may deperensya.
Bumaba siya dito sa backstage at nahuli ko na tumingin siya sakin habang naka-angat ang sulok ng labi niya. Yumuko na lang ako ng marinig ko silang nagtatawanan at may kasamang apir pa ng mga kaibigan niya.
"And last but not the least! Contestant number eight! May i call with Ms. Therrany Camille Serrano Felipe to come up her in stage?" sabi nung host na bakla at napasinghap yung mga nandito dahil sa narinig nilang pangalan.
Umakyat na rin ako kalaunan at kita ko rin yung gulat sa mga mata ng halos lahat na mga studyante at iba pang nandito.
"A round of applause please!"
Nung una medyo tahimik pa ang lahat pero hindi nagtagal ay may narinig akong mga palakpak na kahit papano nabawasan ang kabang nararamdaman ko. I wonder who is the person told that to the MC?
Binigay niya ang mic sakin at nagsimulang tumugtug yung kantang pinili ko. I started singing when I also hearing the loud cheers to the crowd.
Tapos na akong kumanta ng tumayo ang mga tao kasam na rin doon yung pitong judges, akala ko aalis na sila pero nagulat ako ng marinig ko ang palakpakan nilang lahat at malakas na sigaw na isang kanta pa ang narinig ko. Hindi ko inasahan na ganun ang gagawin nila dahil ang akala ko hindi nila gusto ang boses ko. Nagpasalamat ako and i just bowed to them before i went to the backstage at napanganga yung ilang contestant dahil hindi rin siguro nila inasahan na ganun ang reaction ng mga tao.
Naramdaman ko na lang ng may yumakap sakin at amoy pa lang ay alam ko na kung sino yun...Si Kayla at kasama niya sina Mommy at Daddy dito sa backstage.
Nanggagalaiti naman sa galit ng mapatingin ako sa kabila ng tumingin ako sa mga nandoon at masama akong tiningnan nung Agnes sabay walk-out kasama yung dalawang babae na kaibigan niya. Hindi ko na pinansin pa yun.
"You did great sweetie! Ang galing mong kumanta...Kaya mana ka pala sakin eh, marunong ka rin palang kumanta." masayang sabi ni Mommy ng yakapin niya ako pagkatapos akong yakapin ni Kayla at sumunod naman si Daddy.
"And now for our winner, I have the result in my hands now at sino ba dito ang may pinaka-magandang reaction sa mga contestant natin na nasa backstage ngayon?" rinig kong sabi at sigaw nung mga tao.
"Therrany! Therrany! Therrany! Therrany! Therrany! Therrany!" yun ang naririnig kong sigaw nila.
"Okay! Kalma lang tayo guys! Now for our winner today...This is unexpected, okay our winner is...... *drum rolls* Ms. Therrany Camille Serrano Felipe! Kindly get here in stage Ms. Felipe?" tawag sakin ng host at umakyat na rin ako doon.
"Here she goes! Congratulations to our winner, Ms. Felipe a round of applause again everyone!"
Ngumiti ako dahil hindi ko talaga inasahan na ako ang mananalo.
"And for our special performance, ready na ang ating school band with the leads by our SSC President and his members! The Squad band! A round of applause!" kung malakas yung mga tilian na nakuha ko sa crowd, mas malakas yung mga tili nila ngayon... Dahil ang mga heartthrob pala ang magpe-perform.
At ilang beses ba akong nagugulat ngayong araw? Nakita ko kasi na nasa tabi sila ng stage nung set up nila at nagsimula na silang tumugtug.
Now playing:
Dessert by: Dawin
At mas naging wild pa yung crowd dahil sa boses ni Prince na narinig nilang kumanta ulit.
Pumunta siya sa harapan ko at pinaharap niya ako sa kanya habang patuloy parin siyang kumakanta.
Parang nakalimutan ko saglit yung mga ginawa niya sakin, naramdaman ko ng kunin niya ang isang kamay ko at hinawakan niya ito hanggang sa mapatingin ako doon.
Anong ginagawa niya?
Dug! Dug! Dug! Dug! Nararamdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
PAGKATAPOS ng foundation day saka pa lang ako bumuntong hininga sa mga nangyari ngayong araw. Sinisiko pa ako ni Kayla kung kinilig ba ako sa harana raw na ginawa ni Prince.
Kilig na kilig din si Mommy dahil doon.
Hanggang sa makauwi kami ay hindi mawala sa utak ko na hinawakan niya ang kamay ko, iniling ko ang ulo at hinilig sa likod ng upuan sa sasakyan na katabi ko si Mommy at ng makauwi ng mansyon, hanggang nakahiga na ako dito sa kama ay yun parin ang nasa isip ko ng kalaunan ay nakatulugan ko narin.

Komento sa Aklat (198)

  • avatar
    John Jacob

    perfect

    28/05

      0
  • avatar
    Aicel Jakirani

    good

    13/03

      0
  • avatar
    John Adrian Ballono

    welcome to the club

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata