Homepage/Doctor's goal to the Actor/
Parang may kulang?
Nagising si Loisa na tumatama sa kaniya ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kuwarto ni Dam Reun kaya agad na siyang bumangon. Nagpalinga-linga pa siya sa kaniyang paligid. Tantiya niyang nasa alas otso na ng umaga. Nataranta pa siya sa pagkakaupo sa kama nang may matandaan siya sa nangyari sa kaniya kagabi. Ang alam niya ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil nakaramdam siya ng antok. Sa pagkakaalam din niya ay iniwanan siya ni Dam Reun sa veranda kagabi kaya papaanong napunta na siya rito sa kama? At hindi man lang siya nagising dahil ang sarap-sarap ng kaniyang tulog sa higaan ni Dam Reun.
“Oh my God! Kailangan ko ng pumasok dahil dalawang araw na akong hindi nakapasok, baka kabawasan pa ito sa magiging grado ko,” ang naibulalas na lamang ni Loisa habang hawak pa sa kaniyang kamay ang kumot.
Bumukas ang pinto sa kuwarto ni Dam Reun. Iniluwa niyon ang mayordoma.
“Mabuti naman at nagising ka na,” anang mayordoma kay Loisa.
“Manang, papasok po ako ngayon.” Saka dali-daling bumangon sa pagkakaupo sa kama dahil sa taranta.
“Ano ka ba namang bata ka, huminahon ka nga. Heto na ang uniporme mo, suotin mo na ito pero bago iyon maligo ka na muna pagkatapos bumama ka na at para makakain,” turan ni Manang Melly kay Loisa.
Napatingin naman si Loisa sa dala ng mayordoma.
“Papasok po ako ngayon, Manang Melly. Baka hindi na ako makakahabol sa unang subject namin at ang magulang ko baka hinahanap na nila ako,” pag-alalang pahayag niya sa mayordoma. Hinawakan siya ni Manang Melly sa kaniyang pisngi.
“Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Kaya sige na, kumilos ka na.”
Manunubig pa ‘ata ang mga mata niya. Animoy isang ina ang nagbigay sa kaniya ng simulang pag-asa. Kaya tumango na siya sa mayordoma at tinungo na ang banyo upang maligo.
Napapangiti pa ang mayordoma na sinundan siya ng tingin.
Ilang minuto lang at tapos na maligo si Loisa saka nakapagbihis na rin siya. Bumaba na siya para tunguhin ang kusina. Nang makababa na siya mula sa hagdanan ay hinagilap pa niya si Manang Melly pero hindi niya ito nakita. Tahimik ang buong kabahayan, tila walang katulong siyang nakita bukod kay Manang Melly at sa guwardiya na nasa malaking gate nagbabantay. Kaya napagdesisyonan na niyang pumunta ng kusina kung saan naroon ang kainan na sinasabi ni Manang Melly sa kaniya. Wala man lang siyang naramdaman na pagkailang o pagkapahiya sa bahay na ito. Parang welcome na welcome pa siya’t komportable.
Natunton ni Loisa kung nasaan ang kanilang kusina. Malawak na kusina iyon at may malaking mesa na pinalilibutan din ng maraming upuan. Lalo siyang namangha sa karangyaan ng mansyon, ng bahay ni Dam Reun. Lumapit siya sa malaking mesa at nakita niya nga ang nakahain na mga pagkain kaya naman kusa na siyang naupo roon. Naupo siya kung saan may nakalaan ng plato, kubyertos at may baso pa ng gatas. Pinagkunotan niya ng noo ang baso ng gatas. Tanghali na pero may tinempla pang gatas. Pagtataka niya sa kaniyang isip. Hinawakan ni Loisa ang baso ng gatas, mainit-init pa nga. Sabagay ay bagong paligo siya kaya sakto lamang na may mainom muna siyang mainit para hindi sumakit ang kaniyang tiyan.
Sinimulan na ni Loisa ang pagkain.
Napapaisip pa siya na susulitin niya ang natitira niyang kaunting oras dito sa mansyon ni Dam Reun. Isa siya sa napakasuwerting tagahanga niya na nakapunta sa mundo ni Dam Reun. Nakasalamuha niya si Dam Reun, nakasama at nakausap. Katulad na lamang ng mga sinabi nito sa kaniya na kahit tila nanunumbat ito pero para sa kaniya ay totoo ang mga sinabi niyang iyon. Tumahimik na lamang siya nang mga sandaling iyon dahil sapul na sapul siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi niya tuloy mawari kung may kabutihan ba ito dahil para rito, ang lahat ay trabaho lang sa kaniya. Siguro ni minsan ay hindi ito sumubok na makipagkaibigan o gumala man lang kasama ang malalapit nito na pamilya, kaibigan o kamag-anak. Pero meron ba talaga itong kinakasama para aliwin ang sarili o pulos trabaho lang si Dam Reun? Napapatanong na naman siya sa kaniyang isipan.
Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagkain habang nag-iisip nang lumabas mula sa ibang pintuan si Manang Melly.
“Kumusta, Hija? Masarap ba ang pagkain na inihanda ko?” ang tanong ni Manang Melly nang makalapit na ito sa puwesto ni Loisa. Napaangat naman ng tingin si Loisa.
“O-opo.” Medyo nagulat pa siya sa pagsulpot ng mayordoma. “Ang sarap nga po eh, ikaw po ba ang nagluto ng mga ‘to, Manang Melly?” tanong naman niya rito.
Napangisi pa ang mayordoma sa naging reaksyon ni Loisa.
“Oo naman. Saka ang gatas, huwag mo kalimutang inomin, ha, kasi iyan ang bilin sa akin ni Dam Reun. Hindi mo kasi nainom ang gatas na tinempla niya sa ‘yo kagabi kaya hayan tinemplahan na kita para makainom ka at may lakas ka para sa ‘yong pagpasok,” anang mayordoma sa kaniya na kinindatan pa siya nito. Natawa naman ng bahagya si Loisa.
“Manang, hindi naman po ako bata para uminom ng gatas. Dalaga na po ako at mas gusto ko ang uminom ng kape,” sabat niya sa mungkahi na iyon ni Manang Melly.
“Hija, mas nakakabuti ang gatas kaysa sa kape. Kaya lagi mo iyan tatandaan. Mas kailangan ng katawan mo ang sustansiya lalo na ngayon na nagsusumikap ka sa iyong pag-aaral,” pahayag ni Manang Melly kay Loisa.
“Opo.” Saka nginitian ang nag-aalalang mayordoma sa kaniya.
“Maraming salamat nga po pala Manang Melly sa iyong tulong. Napakabuti mo po sa ‘kin,” seryosong sabi ni Loisa sa mayordoma.
Umupo naman ang mayordoma sa kalapit na upuan na kinauupoan din ni Loisa. Kinuha ni Manang Melly ang kaniyang kamay at pinisil-pisil iyon. Natigilan naman si Loisa sa ginawa sa kaniya ng mayordoma.
“Alam mo ba no’ng una kong makita ang mukha mo, gumaan na agad ng loob ko sa ‘yo. Aaminin kong may dating na pakasuplada ang mukha mo pero kung titigan iyon ng mabuti ay napakaamo. Iyong tipong maaawa ka talaga,” tapat na litanya ni Manang Melly kay Loisa. Napangiti naman si Loisa sa tinurang iyon ni Manang Melly.
“Talaga po? Pati rin po pala kayo ay napaghalata ang istriktang mukha ko. Talagang gan’to talaga minsan ang itsura ko lalo na kapag nagseryoso. Ewan ko nga po eh, pero maraming salamat talaga ulit ng lahat ng ito Manang ha, mahirap lang po talaga kami. Mabuti na lang at walang umaapi sa akin dito kahit na ang Dam Reun na iyon na may pagkasuplado at manhid. Nakakainis talaga siya, Manang!” pahayag ulit ni Loisa na may pagsusumbong sa huli.
Tumawa lang ang mayordoma sa sinabi ni Loisa. Tagpo naman ang kilay ni Loisa na sa pagkalito sa naging reaksyon ng matanda.
“Alam mo, Hija. Tama ka nga na suplado, manhid at hindi masyadong nagsasalita o nakikihalubilo iyang si Dam Reun pero natutuwa ako kasi nagagawa niya ang mga bagay sa ‘yo na hindi pa niya nagagawa. Kaya naman labis ang pasasalamat ko at nanatili ka rito ng kahit kaunting araw man lang,” sagot ng mayordoma kay Loisa.
“Ano po’ng ibig niyong sabihin?” pagtatakang tanong ni Loisa sa mayordoma.
“Naku... atin-atin lang ito, ha.”
Matapos sabihin sa kaniya iyon ng mayordoma ay nagpabalik-balik iyon sa utak ni Loisa na parang isang sirang plaka.
Nakarating na rin sa wakas si Loisa sa eskuwelahan. Bale half day na lang ang ipinasok niya dahil tanghali na siyang nakaalis ng mansyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Manang Melly. Tila close na close sila at matagal nang may pinagsamahan kung makapagbitiw ng salita sa isa’t isa kaya gano’n na lang din ang tuwa ni Loisa.
Inihatid si Loisa ng driver sa mansyon nila Dam Reun. Dumating kasi ito bandang alas-onse ng umaga kaya nakakain pa ng pananghalian ang driver saka nito isinabay si Loisa para maihatid. Pinauwi kasi ito ni Dam Reun at pina-check kung nandiyan pa ba si Loisa dahil para maihatid na lang din daw ito pauwi at hindi naman nagkamali dahil sakto lang din ang pag-uwi ng driver nila sa mansyon.
Pagpasok ni Loisa sa kaniyang klase ay agad siyang nilapitan ng kaniyang mga kaibigan nang makita siya. Nahagip din ng kaniyang paningin si Dhale na biglang tumayo ngunit nanatili lang ito sa kaniyang puwesto at hindi na siya nagawa pa na lapitan nito. Marahil ay dahil sa kaibigan niyang lumapit sa kaniya na hindi magkamayaw ang mga tanong mula sa kanila kahit wala pa naman na sinasagot si Loisa sa kanila.
“Oo nga, Xandria. Bakit ngayon ka lang nakapasok? Dinaig mo pa’ ata ang Scicur 1 niyan, uh,” banat sa kaniya ni Ava.
“Nag-alala talaga kami sa ‘yo dahil wala na man lang pasabi. Ano, ayos ka lang ba? Ha, Loisa?” pag-alalang banat na salita sa kaniya ni Mia. Napangisi naman si Loisa sa kanila.
“O-okay lang ako. Ano ba? Wala na akong sakit, ayos ako.” Pakamot-kamot pa si Loisa sa kaniyang ulo kahit hindi naman makati. “Kaya huwag na kayong mag-alala sa akin. Nandito na ako, oh, pumasok na,” ngiti niya sa kanila sabay sabi niyon sa masiglang boses.
“Sa susunod kasi magsabi ka naman!” inis na turan sa kaniya ni Ava.
“Biglaan kasi eh, saka alam niyo naman na wala akong gadget, ‘di ba?” sagot niya rin sa mga ito.
Sabay na nagkibit-balikat ang dalawa saka nagtawanan na silang tatlo. Nang lingunin ni Loisa ang kanina’y puwesto ni Dhale, nakatayo pa rin ito at nakatingin sa kaniya. Nang makita siya nitong nakatingin sa kaniya ay ngumiti ito agad sa kaniya dahilan para sumingkit ang mga mata nito at labasan ng biloy sa mgakabilang-pisngi. Ginantihan din naman ito ng ngiti ni Loisa ngunit naiisip niyang mas nakakaakit pa pala ang malukong ngisi sa kaniya ni Dam Reun. Ang irish sa mga mata nito na sumasabay sa pagkinang sa tuwing ito ay napapangiti. Agad na ipinilig ni Loisa ang kaniyang ulo. Ano ba’ng mga iniisip ko? Bakit ko kinukumpara si Dam Reun kay Dhale? Nababaliw na ‘ata ako. Anas ng isipan ni Loisa. Saka hindi na niya binalingan pa ng tingin si Dhale at diretso ng naupo sa kaniya-kaniya nilang upuan.
Kinagabihan ay nakauwi na si Dam Reun sa mansyon ng kaniyang Grandfather. Agad na nagsipanhik sa kani-kanilang kuwarto sina Manager Do at Assistant Num. Pagkatapos maupo ni Dam Reun sa couch sa salas ng mansyon ay agad niya inutusan si Manang Melly na dalhan siya ng maiinom sa kaniyang kuwarto kaya agad naman tumalima ang mayordoma. Umakyat na rin sa ikalawang palapag ng mansyon si Dam Reun at tinunton ang kaniyang kuwarto. Pagpasok niya sa kaniyang kuwarto ay agad siyang napatingin sa kaniyang kama. Ang kama na hinihigaan ni Loisa nang magkasakit ito. Napailing pa siya sa kaniyang ulo saka iniisang tinatanggalan ng botones ang suot niyang polo shirt sa kaniyang naging meeting at photoshoot kanina. Pagkatapos pumunta na siya sa banyo upang mag-shower.
Nang matapos siya sa paglilinis ng kaniyang katawan, kinuha niya ang kulay abo na tuwalya saka ipinunas sa basa niyang katawan. Napahinto pa siya sa kaniyang ginagawa nang matapat sa kaniyang mukha ang tuwalya. Ilang segundo siyang nanatili sa hindi pagkuha sa tuwalyang nasa ilong niya mismo tumapat. Naamoy pa niya ang amoy ni Loisa. Marahil ay naligo ito kanina bago umalis para pumasok sa klase nito. Hindi pa kasi gano’n katuyo ang tuwalya at may natitira pang namamasa na tubig. Napapikit pa siya pagkatapos ipinagpatuloy ang ginawang pagpupunas saka nagtapis ng tuwalya sa kaniyang pambaba at lumabas na ng banyo.
Nagtungo na siya sa kaniyang closet para kumuha ng kaniyang masusuot. Pagkatapos na makapagbihis ay dumiretso siya kaagad sa terrace ng kaniyang kuwarto. Umupo siya sa upuan na nandoon nang mabaling ang kaniyang atensyon sa kaharap na upuan. Napatayo pa siya bigla at kinaklaru ang nakasampay sa upuan. Muntik pa siyang napamura nang makita ang isinuot na iyon ni Loisa. Marahil nilabhan nito ang mga iyon at sa terrace pinatuyo. Napasabunot pa siya sa bouncy niyang itim na buhok pagkatapos nameywang. Sa ganoong posisyon siya naabutan ni Manang Melly habang bitbit nito ang inomin saka pagkain na rin na pampares sa inomin ni Dam Reun. Alam na kasi nito ang gusto ng binata kahit pa noon na naging alaga niya ito no’ng maliit pa ito.
“Oh, para kang timang diyan. May problema ba? Para ka nakakita ng multo,” pansin sa kaniya ni Manang Melly dahil sa naabutan nitong kilos niya. Napatayo na siya ng tuwid saka hindi na nakapameywang. Saka itinuro kay Manang Melly ang damit at short brief na isinuot ni Loisa.
Nagpakawala ng tawa si Manang Melly saka napailing-iling.
“Ang batang iyon talaga,” ang tanging nasabi na lang ni Manang Melly.
“Did you let her do to wash my clothes?” tanong ni Dam Reun kay Manang Melly.
“Naku, hindi. Siguro nahihiya ang batang iyon kaya siya na naglaba ng pinagsuotan niya. Kawawa naman siya.
Marunong pala maka-survive ang batang iyon,” napapangiting tugon ni Manang Melly na sa kabila naman ay may paghanga.
“Why you called her ‘bata’? She’s not a kid, Manang Melly.” Sabi rin niya na napabuntong-hininga.
“She’s cute. Ano ka ba, kapag malaki na ba hindi na maaaring tawagin ng mga ganiyang palayaw? Minsan gusto ko rin gan’yan itawag sa ‘yo nang sa gano’n ay mawala man lang minsan iyang pagkaseryoso mo,” dagdag pa ni Manang Melly. Hindi na si Dam Reun nakapagsalita.
“Oh, siya at aalisin ko na ito nang hindi ka na maalibadbaran diyan,” ani na lang ni Manang Melly kay Dam Reun.
Akma na sanang kukunin ni Manang Melly ang pinagsuotan ni Loisa nang dakmain ito bigla ni Dam Reun sa pinagsampayan na upuan. Nagulat pa ang mayordoma na nakatingala kay Dam Reun.
“Oh, akala ko ba ayaw mo na nakikita iyan diyan nakakalat?” takang tanong sa kaniya ni Manang Melly.
“No. It’s fine with me. Why you did not give it to her instead? She’s already worn it.”
Tanging nasabi ni Dam Reun kay Manang Melly saka mabilis na iniwan ang matanda at pumasok sa loob ng kuwarto.
Napapangiti na lamang si Manang Melly na sinundan ng tingin si Dam Reun.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (95)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goood
31/12/2024
0100
30/10/2024
0I love it
01/10/2024
0Tingnan Lahat