Nakalabas na ng silid si Dam Reun. Hindi na si Sten tinapunan pa ng tingin nito pagkatapos nang naging pag-uusap nila. Mukhang may hindi maganda sa kaniyang reaksyon at parang galit dahil sa naging sagutan ng pag-uusap nila. Malamang ay naintindihan naman siguro siya nito dahil alam naman nito ang kanilang salita. Napahalukipkip na lamang si Loisa sa kama. Maayos-ayos naman ang kaniyang pakiramdam at...bigla na lang siyang sumigaw nang mapagtantong t-shirt na kulay gray lamang ang kaniyang suot. Boxer brief naman ang panloob niyon. Pinamulahan ng mukha si Loisa. Nasisiguro niyang kay Dam Reun itong sinusuot niya. Inamoy pa niya ito at napakabango...parang amoy nga ito ni Dam Reun dahil no'ng nag-uusap sila at sa tuwing lumalapit sa kaniya si Dam Reun ay naamoy niya ang baho nito. At natitiyak niya nga iyong amoy ng lalaking 'yon. Wala na ang kasuotan niya na panloob at uniporme. Anong nangyari? Sa isip-isip niya. Sino naman kaya ang nagbihis sa kaniya? Alangan naman na si Dam Reun iyon? Hindi naman siguro nito idadampi sa kaniyang balat ang mga kamay nitong singkinis pa ng puting sabon. Kaya siguro sinabi nitong bukas na siya uuwi, malamang wala pa ang kaniyang kasuotan ngayon. Bakit naman no’n hinubad sa kaniya? Tama nga naman, dalawang araw na ngayon ang suot niyang uniporme kung hindi pa siya pinagbihis. Mabaho na siya kapag gano’n. Hindi naman siya nakaligo sapagkat nilalagnat siya. Matagal na niya iniinda ang pananakit ng kaniyang katawan at minsanang pagkahilo. Malamang naging bunga ito ng kaniyang kakulangan sa tulog, idagdag pa ang pagod na nararamdaman niya. Kahit kasi mas matalino ang kaniyang kakambal na si Sophia ay nagsusumikap pa rin siya para mapanatili niyang mataas pa rin ang kaniyang grado. Iyon naman kasi ang basehan kapag nagkolehiyo na, ang nakuha mong marka sa iyong pagsekondarya. Muling bumalik si Loisa sa kaniyang paghiga saka muling nakatulog sa malalim na pag-iisip. Nasa eskuwelahan ngayon sa Farmington High School si Dam Reun, kasama sina Manager Do at Assistant Num. Nasa sekretong opisina sila ni Dam Reun nag-me-meeting. Sa may likuran ng school dumaan ang sasakyan ni Dam Reun nang pumasok sila. Sumunod naman ang dalawang bodyguard nito na may sarili ring sasakyan. Hindi pa rin ipinaalam ang pagpunta ni Dam Reun sa eskuwelahan upang hindi magkagulo ang mga estudyante. Isinagawa nila ang pagpupulong para sa gagawin na pag-aanunsyo ngayong darating na pagtatapos ng mga estudyante sa taong ito. May sariling silid-opisina si Dam Reun sa eskuwelahan na pinagmamay-arian niya dahil ito ‘yong silid na ginagamit dati ng kaniyang Lolo. Tanging siya lang ang may access nito kaya naman sa tinagal ng panahon ay ngayon pa ito nabuksan. Hindi kasi nito pinapagalaw lalo pa’t pribado ang mga nasa loob ng silid na dating opisina ng kaniyang Lolo. Tanging si Mrs. Dominguez lang din ang nakakakita kay Dam Reun. Hindi pa rin ito nagpapakita maging sa ibang mga guro. Ang opisina ni Dam Reun na dating silid-opisina ng kaniyang Lolo ay nasa pinakataas na palapag ng secondary building sa pinakahuling building na nakatayo sa loob ng eskuwelahan. May daanan itong hagdan at lihim na daan na hindi nakikita o nadadaanan ng mga estudyante. Ngayon lang din ang lahat ng ito nagamit nang dumating si Dam Reun. Kasalukuyan na sila ngayong nasa pagpupulong. “So, are we clear for this conversation meeting?” tanong ni Manager Do sa kasamahan nito sa loob ng opisina. Mataman lang din nakikinig si Dam Reun habang nakaupo sa isang lumang swivel chair na pagmamay-ari pa ng kaniyang Lolo. Nakaharap siya sa labas ng bintana ng opisina at doon din nakatuon ang kaniyang paningin. “Is it okay to face them all on that event?” tanong ni Dam Reun sa mga ito habang doon pa rin ang kaniyang presensya. Nang walang magsalita at nagpalitan lang ng tingin ay iniharap ni Dam Reun ang swivel chair sa kaniyang mga kasama sa loob ng opisina. “I mean, is it okay to show myself to them? But be assured that the news will be spread after that event. I don’t want all my fans to know that I am here in Farmington on that day. I don’t want to face fans for now. Manager Do?” anas ni Dam Reun na napabaling ang tingin sa kaniyang Manager Do. “Y-yes?” agad na sagot naman nito. “You will handle that,” dagdag pa niyang tugon kay Manager Do. “Well, you don’t have to worry about anything, Master Dam Ren. My SSG student already prepared in handling as this best for the preparation. All you have to do on that day is your announcement and speech,” segundang pahayag ng principal. “I believe in you. I know that there is no problem with that. Just be secure first my entrance, as well as the exit,” muli’y paalala niya sa principal. “It is an honor to be here, especially the willingness and the potential of our students that up to now, they are all loyal in this school.” Nagpakawala siya ng buntong hininga saka tumayo. Tumayo na rin ang principal para makipagkamay sa kay Dam Reun. Habang si Assistant Num ay nagmamadaling nag-take note ng mahalagang napag-usapan sa meeting. Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam ang mga estudyante sa Farmington High School na nasa loob pala ang kinababaliwan nilang sikat at pinakaguwapong artista ng South, Korea. “Puwedeng magtanong?” Si Dhale na nakatayo na sa harapan ng mga kaibigan ni Loisa. Nagpalitan naman ng tingin sina Ava at Mia. “Puwede bang magtanong kung nasaan si Loisa at kung bakit absent siya ngayon?” seryosong tanong ni Dhale sa kanila. “Pasensya ka na Dhale pero hindi namin alam eh,” ang tanging sagot na lang ni Mia sa kaniya. “Bigla kasi iyon naglaho nang walang pasabi kaya makakatikim sa amin iyon kapag pumasok ‘yon!” may diing galit ang turan na iyon ni Ava. “Ms. Gementiza was under in the work of principal. It’s private, after all. Kung may kailangan kayong mahalaga sa kaniya ay ipaalam niyo na lang kapag nakabalik na siya.” Naglakad na paalis ang masungit na guro nila sa Mathemathics. Narinig siguro sila nito na nag-uusap sa gitna ng daan kaya ito na ang sumagot. Hindi na nila nagawa pang magsalita dahil nilampasan na sila ng guro. Tunganga silang nakasunod sa lakad ng guro palayo. Nakaupo si Loisa sa upuan malapit sa bintana ng kuwarto ni Dam Reun. Nilibot na niya ang buong silid nang wala si Dam Reun kanina kaya nang mapagod siya ay naupo na lang siya sa upuan na iyon malapit sa bintana. Korteng pabilog ang upuan na iyon kaya kasyang-kasya ang pamamaluktot ni Loisa roon na tila nilalamig. Suot pa rin niya ang gray t-shirt ni Dam Reun na hanggang sa siko niya ang manggas nito. Nasa ganoong posisyon siya nang pumasok si Dam Reun sa kuwarto nito. Napalingon naman siya sa pumasok. Nagtama pa ang paningin nila. Natuod naman ito saglit nang makita siya ngunit bumalik rin sa huwestiyo saka isinara ang pinto. Ibinaling na lang ni Loisa ang paningin sa labas ng bintana. Aaliwin na lamang niya ang kaniyang paningin sa tanawin sa labas. Malapit na rin kasing magdapit hapon kaya nag-aagawan na ang araw at kadiliman. “You’re still here inside. You did not go out.” Boses ni Dam Reun ang narinig ni Loisa na nagsalita. May sinabi ba ito o nagtatanong sa kaniya. Tanong na naman ni Loisa sa kaniyang isip. Pero ayos na rin at kinausap siya. Bigla itong nag-walk out kanina kaya nabahala siyang baka tuluyan nga itong nagalit sa kaniya. Kung tutuusin ay dapat niya itong igalang dahil pakiramdam niya ngayon na nakita niya ito sa personal ay mas ahead ‘ata edad nito sa kaniya. Parang Kuya? Napa-iling pa siya sa kaniyang mga iniisip. Ayaw niyang mag-isip sana ng kung anu-ano dahil baka tuluyan na siya mariraan ng bait. Sobra pa sa nagkasakit siya dahil mas malala pa. Kaya sinagot na niya ito. “Oo. Ayokong lumabas kasi baka pagkamalan mo pa akong magnanakaw kaya rito lang ako,” pilosopong turan ni Loisa rito. Napansin niyang parang nagngitngit ang lalaki nang balingan niya ito ng tingin. Magsisisi ba siya sa binitawan niyang salita rito gayong tinitikis lang naman niya ang mga salitang gusto sana niyang sabihin dito. Naramdaman niyang lumakad ito papunta sa kaniyang kinaroonan. Agad bumulatay ang kaba sa kaniyang dibdib. Para pa tuloy siya may kasalanan nito dahil sa kaniyang ikinikilos. Pilit siyang tumatalikod dito at isinisiksik ang sarili sa upuan sabay yakap niya sa unan. Ang kaniyang mahabang buhok ay nakalugay lamang. Napahinto sa kaniyang puwesto si Dam Reun. Gano’n na lang ang gulat niya nang kunin nito ang kanan niyang kamay at hinawakan ito ni Dam Reun nang napakahigpit. Pilit niyang binabawi ang kamay niya ngunit malakas itong nakahawak sa kamay niya at walang emosyon ang mukhang nakatingin sa kaniya. Ang kabang naramdaman niya kanina ay mas lalong dumagundong sa kaniyang pandinig na para na siyang mabibingi. Hindi siya makahinga. “B-bitawan mo ngang kamay ko!” sita ni Loisa rito nang makahuma siya sa pagkatigil. “Don’t do things that can lose my temper or else, you will not know what I’m going to do to you,” diing salita ni Dam Reun kay Loisa. Parang mangiyak-ngiyak pa siya dahil lagi itong may galit sa kaniya kung kausapin siya. Laging marahas kung kumilos at ngayon naman parang babaliin pa ‘ata ang kamay niyang hinahawakan pa rin nito. “Wala k-ka na bang ibang magandang gawin sa 'kin kun’di pagalitan ako? Wala ka bang emosyon? Puwede ba magsalita ka naman ng pormal na parang kaibigan lang ang kinakausap mo hindi iyong parang ka-business partner mo ‘ko. Tinulungan kita at tinulungan mo rin ako, maging patas ka naman. Wala naman akong ibang hangad na masama sa ‘yo. Wala akong binabalak na gawin kun’di makasama ka hanggang sa araw na ‘to. Dahil alam ko pagkatapos nito hindi na kita makikita pa. Napakasuwerti ko na nga ngayon, oh, kasi sa ‘kin ka pa bumagsak,” mahabang litanya niya na mababakasan na ng lungkot. Gano’n pa rin ang reaksyon ng mukha nito parang inaarok pa nito ang kaniyang mga sinasabi. Ngunit ang mahigpit na hawak ni Dam Reun sa kaniyang kamay ay lumuwag. “Hindi dahil sa artista ka na, sikat ka ay ganiyan ka na dapat kung umasta. Huwag ka naman pakitang tao lang. Magpakatotoo ka. Ano ngayon kung isa rin ako sa mga fan mo. Pagagalitan mo ‘ko? Katulad ng pagiging artista mo ay may iba’t iba rin kaming karakter kaya huwag mo ako itulad sa ibang tagahanga mo. Hindi ko hilig ang magkalat ng usapan. Hindi ako katulad nila! Naiintindihan mo?” galit na ngang sabi ni Loisa. Bumitiw na si Loisa sa pagkakahawak ni Dam Reun sa kaniyang kamay. Tumayo na siya upang umalis sa harap nito ngunit hinawakan siya ulit ni Dam Reun sa kaniyang kamay. Hinila siya nito at walang pasubali na niyakap ni Dam Reun si Loisa. Hindi nakakilos si Loisa sa ginawa ni Dam Reun. Niyakap siya ni Dam Reun.
Ang mga kamay nito na nasa baywang at likod ni Loisa nakayapos. Itutulak na sana ni Loisa ito ngunit napakahigpit ng yakap ni Dam Reun na kahit ang pagtibok ng puso nito at paghinga ay nararamdaman na niya. Hindi niya na rin maintindihan ang kaniyang sarili. Hindi na siya makahinga dahil naiipit na ang kaniyang dibdib sa dibdib din nito. Wala siyang emosyong makuha sa yakap nito kun’di ang higpit lang ng pagkakayakap nito. Tumagal lamang ng dalawang tatlong minuto ang yakap na iyon na hindi na namamalayan ni Loisa na bumitiw na sa pagkakayakap sa kaniya si Dam Reun. Nanlaki pa rin ang mga matang nanatiling nakatulala sa ere habang nasa likod at baywang pa rin ni Loisa ang mga kamay ni Dam Reun. Titig na titig na ngayon si Dam Reun sa mukha ni Loisa. Tumaas ang sulok ng labi nito na hindi napaghalataan ni Loisa. “There you go... I know what is your weakness is and I’d love to do it over and over again,” ngising turan ni Dam Reun sa nakatangang si Loisa. Muli’y inilapit ni Dam Reun ang kaniyang mukha sa mukha ni Loisa at bumulong. “Don’t make it hard for me. You may like it but I don’t.” Saka kumawala na ito sa kaniya at tinalikuran si Loisa. Lumakad itong mabigat ang pag-apak ng mga paa sa marmol na sahig ng kaniyang kuwarto. Malakas nitong isinara ang pinto.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goood
31/12/2024
0100
30/10/2024
0I love it
01/10/2024
0Tingnan Lahat