Homepage/Tristan, The Rebel Guy (Campus Prince Series #1)/
Chapter 18
Chapter 18
Napalunok ako bigla. God! Ano na naman ba ‘tong mga iniisip at napapansin ko?
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga nagmamadaling yabag paakyat dito sa rooftop.
That made my senses back to reality. I was about to stand up when he held my nape and pulled me closer to kiss me! My eyes widened in shock.
I froze.
Then I heard the door opened.
“Oh, my God!”
“Sammy!”
Narinig ko ang sabay na sigaw nina Bea at Drew.
Bigla akong nataranta. Kaya naman ay mabilis akong kumawala mula kay TM at tumayo nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Magsasalita pa sana ako ng tuluyan na akong bumagsak.
Naramdaman ko pa ang mabilis na pagsalo sa ‘kin ni Tristan. Then everything went blank.
-----
Ilang minuto na rin ang dumaan magmula ng magising ako. Pero hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Gusto kong kumilos pero parang tamad na tamad naman ang katawan ko. Ano ba’ng nangyari?
I tried to recall everything that happened. And when the realization finally hit me, my eyes automatically flew open and I immediately get up.
“Ouch!” Wrong move. My head hurts. Napahawak ako sa sentido ko at minasahe ito.
Nang mahimasmasan ay saka ko lang nilibot ng tingin ang paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin ko na nandito pala ako sa mismong loob ng aking kuwarto.
Napatingin ako sa maliit na orasan na nakalagay sa ibabaw ng study table ko sa tabi ng kama. Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtantong ala-una na pala ng hapon!
God! Ang tagal ko namang nakatulog!
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko itong bumukas. “Thank God you’re already awake! Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Bea asked worriedly.
Nang makalapit ay agad niyang inilapat ang likod ng kanyang kanang palad sa noo at leeg ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Agad ko naman itong tinanggal at mahinang pinisil.
“Ayos lang ako. Ano pala ang nangyari?” tanong ko.
She sighed. “Hinimatay ka kagabi. Ang taas na pala kasi ng lagnat mo. That witch! Kung alam ko lang na may hindi magandang mangyayari, sana ay hindi na kita iniwan.” May halong pagkadismaya at inis ang kanyang boses.
Binatukan ko nga. Hindi ako sanay na nagdadrama ang besty ko! “Ano ka ba? Wag ka na ngang magdrama riyan! Ayos naman na ko, eh. Anyway, how did you guys know that we’re there?” I asked curiously.
Umupo siya sa gilid ng kama ko, bago inabot ang dalawang kamay ko. “Pinuntahan kasi ako ni Bryan sa bahay namin kagabi. Sakto naman na kauuwi ko lang noong oras na ‘yon. He wants to know if you’re with me. Galing daw kasi siya sa inyo dahil mayroon sana siyang sasabihin. Pero ang sabi nga ng katulong n’yo ay hindi ka pa umuuwi.”
Tumungo siya at nilaro-laro ang mga daliri ko. “Dahil doon ay naisipan na naming pumunta sa school. Nagbabakasakali na baka nandoon ka pa. Pagkarating ay agad naming nakita si Drew at ang isa sa mga guwardiya na may kausap na isang medyo may edad ng lalaki.”
Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ‘yon?
“Lumapit kami sa kanila at nalaman naming katiwala pala siya ng mga Guevarra. He told us that Tristan texted him that he was trapped with someone on the rooftop. Inisip kaagad namin na baka ikaw ang kasama niya kaya dali-dali kaming umakyat.”
Oh. That information reminds me of something. Noong mga panahon na may kinuha si Tristan sa bulsa ng slacks niya bago siya tumalikod sa ‘kin. So, nakahingi na pala siya ng tulong sa mga oras na ‘yon. Pero pinili pa rin niyang i-deny nang itanong ko ‘yon sa kanya.
Biglang naging malikot ang mga mata ni Bea. Halatang may gusto siyang sabihin pero tila may kung anong pumipigil sa kanya.
“What is it?” I urge her.
Muli siyang napabuntonghininga. “Sa totoo lang ay hindi namin inaasahan ang nakita namin. The two of you… you… were kissing.” Halos ibulong na niya ang huling salita.
Natampal ko na lang ang noo ko. Oo nga pala. Issue na naman ito! Pahamak talaga ang lalaking ‘yon kahit kailan!
Hinawakan ko si Bea sa magkabilang balikat at matiim siyang tiningnan.
“Listen to me. We’re not kissing that time!” Kwinento ko sa kanya ang buong pangyayari dahil kailangan kong linisin ang pangalan ko na nadungisan na naman ng Tristan na ‘yon!
She smiled at me after. Pero halatang pilit ito. “Ang swerte mo naman. Palagi mo kasi siyang nakakasama at nahahalikan ka pa.” Pagak siyang natawa.
Nalaglag ang panga ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saang parte ng kuwento ko ang sinasabi niyang suwerte!
“Tumigil ka nga! Kilabutan ka naman sa mga pinagsasabi mo. Kamalasan ang tawag doon, okay? At wala akong pakielam sa kanya. Dahil isa lang siya sa napakalaking balakid sa buhay ko!” Niyugyog ko ang balikat niya at baka sakaling matauhan.
Siya ata ang may sakit sa 'ming dalawa, eh!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ambutt lang
04/12/2024
0happy
03/12/2024
0nice
03/12/2024
0Tingnan Lahat