Homepage/Tristan, The Rebel Guy (Campus Prince Series #1)/
Chapter 12
Chapter 12
I glanced at the door, then there I finally saw Bea entered. Agad na nagliwanag ang mukha ko.
“Bea!”
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya. “Let's talk.” Para akong bata na kumapit sa braso niya.
Alanganin siyang ngumiti sa ‘kin. “Sure. Let's talk outside.”
Napatango naman ako at hinila na siya palabas.
Pagkarating namin sa corridor ay sumandal kami sa bakal na railings, pagkatapos ay nilingon ko siya. “Are you mad at me? Kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko, eh. Hindi ka rin nag-sleep-over sa ‘min kagabi.” Napanguso ako.
“Dinaanan din kita sa inyo kanina pero maaga ka raw umalis. Pagkarating ko naman dito ay wala ka pa pala. Pero salamat nga pala sa pagdadala ng gamit ko sa bahay kagabi.” I paused for a while when I remembered something. “Ahm, about what happened yesterday, it’s... it’s...” paano ko nga ba sasabihin?
She laughed, then pinched my cheeks. “Crazy! What made you think that I’m mad at you? May dapat ba akong ikagalit?”
Umiling ako. Wala naman kasi talaga akong maisip na dahilan para magalit siya.
“Oh. ‘Yon naman pala, eh. Kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano riyan. But I’m really, really sorry for not responding to your text and calls. Pagkauwi kasi galing sa inyo ay naligo lang ako at nag-ayos tapos umalis ulit. May kinailangan kasi akong puntahan at gawin. Unfortunately, I left my cellphone.” She smiled apologetically.
“Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa ‘yo dahil hindi kita natulungan ng hilahin ka kahapon ni Tristan. Pinagdasal ko lang na sana ay wala naman siyang gagawing hindi maganda sa ‘yo. At sinabihan ko rin ang mga katulong n’yo at si Mang Ben kung sino ang kasama mo para aware sila.”
I smiled at her. “Ayos lang. Wala namang nangyari sa ‘kin na masama. Pasensya na rin. Umiral na naman ang pagiging overthinker ko.”
Tumango siya bago yumuko at nilaro-laro ang mga daliri niya. “Pati ginabi na rin kasi ako ng uwi kaya napagpasyahan ko na wag ng pumunta sa inyo. Pero dahil na-sense ko na magtatampo ka, maaga talaga akong umalis kanina. It’s because I bought you something.” May kinuha siya saglit sa loob ng bag niya at iniabot sa ‘kin. It is a…
“Here! A best friend bracelet!” Isinuot niya sa ‘kin ang bracelet.
Hindi agad ako nakapagsalita. Manghang napatitig ako sa bracelet pagkatapos niya ‘tong ikabit sa palapulsuhan ko.
It's a gold mesh bracelet chain with alphabet charms. Ang mga letra na nakakabit dito ay bumubuo ng salitang “BEST” sa sentro nito. Ang sweet naman ng besty ko!
Napatingin naman ako sa palapulsuhan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may suot din siya.
“Mayroon ka rin?” Ang salitang “FRIEND” naman ang mabubuo sa bawat letra na nasa bracelet niya.
She looked at me in disbelief. Tila nakarinig siya ng hindi nakakatawang joke. “Malamang! SM talaga, o! Best friend bracelet nga, eh!” Inirapan niya ako.
Napalabi naman ako bago ko siya niyakap nang mahigpit. “Thank you!”
Tinapik-tapik niya ang likod ko. “You're welcome. Kinulit ko pa ang kakilala ni Mom na may-ari ng isang jewelry store na magbukas ng maaga para magpagawa niyan.” She chuckled. Ngunit ng maghiwalay kami sa yakap ay unti-unting kumunot ang noo niya.
“Pero, Sam, ano nga ba talaga ang nangyari kahapon?”
Napasimangot naman ako bigla nang maalala ko ang hudyo na ‘yon.
Pero kahit gano’n ay ipinaliwanag ko pa rin kay Bea ang nangyari pati na rin noong umalis kami. Though there are some parts that I didn’t include.
It was when Tristan kissed me again in his car and when I almost got hit by a car. Mahirap na at baka maghisterikal na lang bigla ‘tong kaibigan ko at sugurin pa si Tristan.
Hindi naman sa ayokong gawin niya ‘yon. Pabor pa nga, eh. Kaya lang ayoko naman ng malaman pa ng ibang tao. I hate hot issues!
“He did that?” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya matapos kong magkuwento. Sumigaw ba raw?
“Yeah. Ang kapal talaga ng mukha! Matapos akong kidnapin ay bigla na lang akong ibinaba sa kung saan! Mabuti na nga lang talaga at tiga roon si Bryan.”
Naiinis pa rin ako pero aminado akong mas gumaan ang pakiramdam ko dahil nga sa ipinapakitang concerns nina Bryan at Bea. Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay muling bumabalik ang bigat ng loob ko.
“Hindi kaya may gusto siya sa ‘yo?” She looked away.
Peste! Hindi ba siya nakinig ng husto sa kuwento ko?
“Wala nga! Nabanggit ko naman na sa ‘yo kanina, ‘di ba? Siya mismo ang nagsabi na wala siyang gusto sa ‘kin at hindi niya ako magugustuhan.”
Teka. Bakit parang kinurot na naman ang puso ko dahil sa sinabi ko?
Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Bea. Did I just see her smile?
Well, siguro ay kampante siya na hindi na ako lalapitan pa ng lalaking ‘yon. I know that she’s worried, too.
“Sammy!”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang dalawang pamilyar na boses na sabay tumawag sa ‘kin.
“Oh. Kailan pa kayo naging close?” Napataas ang kilay ko kina Drew at Francis nang makalapit sila. Magkasama kasi silang dalawa.
“Are you alright?”
Ay, ang galing. Sagutin raw ba ako ng tanong din?
Teka nga. Tinanong din ako ni Bryan ng ganyan kanina, ah. Nalaman kaya nila na muntik na akong maaksidente kahapon?
“Oo naman. Okay lang ako.” Nginitian ko sila para naman hindi na sila mag-alala pa.
They both sighed in relief. “Good. We know that you are a strong woman. Just—”
“Nandiyan na si Sir! Tara na!”
Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni Drew dahil hinila na ako ni Bea papasok ng silid namin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ambutt lang
04/12/2024
0happy
03/12/2024
0nice
03/12/2024
0Tingnan Lahat