Homepage/My Bad Boy Prince And My Cold Hearted Princess/
Chapter 8
My Badboy Prince And My Coldhearted Princess 8
Zyron Pov's
Naghahanda ako ngayon ng pagkain para kay Quinn at Young Lady.
Hindi rin kasi kumain kagabi si Young Lady, sigurado akong pagkagising nun didiretso yun dito sa baba para kumain bago siya mag-ayos ng sarili.
Nagluluto ako ngayon ng carbonara para sa almusal namin, nilabas ko na rin ang ham para sa pandesal. Nagpakulo na rin ako ng tubig para sa gatas ni Quinn at para sa coffee ni Young Lady.
Pagkatapos kong magluto ng carbonara tinikpan ko muna ito para hindi lumamig.
Nag-aayos ako ng lamesa ng may biglang kumatok sa pinto. Dali-dali akong pumunta sa pinto para malaman kung sino ang kumakatok.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin yung babaeng nakita ko kahapon sa school ni Young Lady nung sinundo ko ito.
May kasama itong mga lalaki, apat na lalaki siguro yung kasama niya.
"Hello po, good morning! Ito po ba ang bahay ni Miyeon Kaythyn Zachary?" Mga kakalase niya po kami." Nakangiting aniya nito.
Oww, buti naman at hindi paisa-isa ang mga sinasabi niya. Hindi na ako mahihirapang pang magtanong dahil na sabi niya na lahat.
"Ganon ba? Sige tuloy muna kayo." Nakangiting aniya ko rin sa kanya.
Pina-upo ko muna sila sa sofa at binigyan sila ng maiinom.
"Thank you po!" Nakangiti ulit nitong sambit sakin.
"Gigisingin ko lang si Young Lady Miyeon." Nakangiti ko ring aniya sa kanya.
"Young Lady Miyeon? Ibig-sabihin hindi mo siya girlfriend?" Takang tanong nito sakin.
Hayst! Kahit kailan talaga itong si Young Lady Miyeon.
" Ayun ba yung sabi niya? Nagbibiro lang yun." Nakangiting sambit ko dito.
Umakyat na ako sa taas para puntahan sa kwarto niya si Young Lady Miyeon at para gisingin siya.
Kumatok muna ako ng tatlong beses sa kwarto niya bago ako pumasok.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya mahimbing itong natutulog sa sahig.
Alam niyo yung feeling na wala ring silbi yung kama niya, dahil sa sobrang kalikutan niyang matulog ayun sa sahig din yung bagsak niya.
Bumili pa ako ng dalawang extrang foam para kapag nalaglag siya sa kama hindi siya masasaktan at para na rin walang bukol ang ulo niya sa tuwing gigising siya.
Masakit malaglag lalo na kung wala naman sasalo sayo. Aww!
Bukod sa malikot siyang matulog, sobrang kalat rin ng kwarto nito . Nakakalat rin ang mga tape niya kung saan saan, pati yung mga malinis at marumi niyang damit nagsama-sama na rin. Hindi ko na tuloy alam kung saan doon ang malinis at marumi.
Tinapik ko siya ng tatlong beses sa braso niya.
Ito ang gusto ko kay Young Lady, dahil mabilis lang siyang gisingin.
Dinilat niya yung isang mata niya.
"Why?"
"May bisita po kayo Young Lady, tumayo na po kayo diyan at mag-ayos na kayo ng sarili niyo. Malalate na rin po kayo."
"Anong bisita? Ang aga-aga pa eh."
Bumangon ito sa pagkakahiga at umupo.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko mula sa kanya.
Nakasando lang kasi ito at walang bra. Mabilis kong kinuha yung damit malapit sa cabinet at ibinigay iyon sa kanya.
Kinuha niya naman iyon, hindi ko pa rin binabalik ang tingin ko sa kanya hanggat hindi ito nagsasalita.
"Okay na."
Binalik ko na ang tingin ko sa kanya at nanlilisik ang mata nitong nakatingin sakin.
"Young Lady kung ayaw niyong maniwala sakin, bakit po hindi kayo bumaba at kayo mismo ang mag-kompirma para malaman niyo." Nakangiting sambit ko dito bago ako bumaba.
Pagkababa ko, bumaba na rin si Young Lady Miyeon at mabilis na umupo doon sa harap ng lamesa.
Pumunta naman ako sa kusina para kunin ang carbonara na niluto ko.
"Kumain na ba kayo?"
Napatingin ako sa mga kaklase ni Young Lady at gulat na gulat ito sa tanong sa kanila ni Young Lady Miyeon.
Minsan na papaisip ako kung paano pakitunguhan ni Young Lady Miyeon ang mga kaklase niya? Masyado bang ganun kasama si Young Lady sa kanila para magulat sila ng ganun? Samantalang niyaya lang naman silang kumain nito.
"Kung hindi pa sumabay na kayo dito, Zyron maglabas ka pa ng plato. Sumabay ka na rin maaga kapang aalis diba?"
"Yes po Young Lady."
Pumunta ako sa cabinet para maglabas pa ng plato.
Nagsiupo na rin yung mga kaklase ni Young Lady sa harap ng lamesa.
"Si Quinn, hindi pa ba siya lalabas sa kwarto niya?"
"Teka dito rin nakatira si Quinn?" Aniya ni Calixta.
"Hindi naman kayo pumunta dito para mag-imbistiga sa buhay ko diba? Bakit kailangan maraming tanong?" Young Lady Miyeon.
Tsk! Kahit kailan talaga itong si Young Lady, parang isang tanong palang marami na agad.
Tumayo si Young Lady at pinuntahan ang kwarto ni Quinn na katapat lang ng kusina.
"Oww, mukhang hindi umuwi ang kapatid mo Zyron."
Nakangiting sambit nito, bago ulit umupo sa harap ng lamesa.
"Anong ginagawa niyo sa bahay ko ng ganito kaaga Zyair?"
Miyeon Pov's
Putek! Ano naman kaya ginagawa ng mga demonyong ito sa bahay ko?
"Ang totoo nan Miyeon, tinutulungan lang namin itong si Kenjie."
Tinutulungan? Bakit kailangan may pagpunta sa bahay ko?
Kinuha ko yung kapeng ginawa ni Zyron para humigop at para narin mainitan ang sikmura ko.
"Nandito kami para hingin ang permission mo na ligawan ka ni Kenjie." Zyair.
Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Kenjie na seryosong nakatingin sakin ngayon.
Bigla ko naman naalala yung nangyaring samin doon sa stock room.
Bigla akong nasamid, at na i-buga ko yung kape na i-niinom ko sa kanila. Mabilis akong tumayo para pumunta sa lababo para maghilamos.
Putek! Bakit bigla kong naalala yung scene na yun?
"Young Lady okay lang po ba kayo?"
Nilingon ko si Zyron na nasa likuran ko.
"Young Lady... Na-na mumula kayo."
Halata sa boses niya ang pagkagulat. Halata rin sa mukha nito ang pagpipigil ng tawa.
Bwesit!
Pinuntahan ko sila Zyair para paalisin na sa bahay ko.
"Kung tapos na kayong kumain, pwede na kayong umalis sa bahay ko. Ang aga-aga pa may nakapasok na agad na demonyo."
Pagkatapos kong sabihin iyon umakyat na ako sa taas para maligo at magbihis. Pagkatapos kong maligo at magbihis humiga muna ako doon sa kama.
Nakangiting pumasok sa kwarto ko si Zyron pero kumatok naman ito bago siya pumasok.
"Aalis na po ako Young Lady, bukas pa ang balik ko, wala sanang mangyaring kaguluhan habang wala ako."
"Diba dapat sa kapatid mo yan sabihin?"
"Hahaha, mas gusto ko pong sabihin iyon sainyo kasi mas pikunin po kayo kaysa sakanya."
Napikon naman ako sa sinabi niya.
"By the way Young Lady, first time ko pong makita na mamula kayo ng ganun sa loob ng limang taon na pangangalaga ko po sainyo."
Nakangiting sambit nito sakin bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Tsk!
Isang oras pa akong nag-stay dito sa kwarto ko.
P.E lang namin kasi ngayon at higit sa lahat ayuko maglaro ng volleyball. Volleyball kasi ang P.E namin ngayon.
Tumayo na ako para pumasok na sa school.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko sila Calixta na hinihintay ako doon sa baba.
Shit! Akala ko umalis na rin sila?
"Hindi parin kayo umaalis?"
Mabilis silang napatingin sa direksyon ko.
Napaatras ako ng tumayo si Kenjie at naglalakad papunta sa direksyon ko.
Fuck! Ano naman kaya ang balak niya?
Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Bakit ngayon ka lang bumaba? Alam mo bang kanina pa kami naghihintay dito!?"
Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Hindi ko naman kasi hiniling na hintayin niyo ko."
Hinila niya ko palapit sa kanya.
Sobrang lapit na ng mukha niya sakin ngayon. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Ayuko sa lahat yung pinaghihintay ako ng matagal!"
Binitawan niya na ang pagkakahawak sa braso ko at padabog na lumabas ng bahay.
Tsk! Wala naman kasing nagsabing maghintay ka.
Zyair Pov's
Hindi ko alam kung nagwowork ba itong nangyayari. Pero kung patuloy na ginagawa ni Miyeon ang mga bagay na ayaw ni Kenjie kahit hindi niya ito sinasadya, paniguradong masasaktan siya ni Kenjie.
Masyado kasing mainitin ang ulo ni Kenjie. Ayaw na ayaw niya rin na pinaghihintay siya ng matagal.
Andito kami ngayon sa Volleyball court ng school.
"It's really necessary to ponytail my hair Ma'am?"
Nabaling lahat ang atensyon namin kay Miyeon na seryoso ang mukha habang nakatingin kay Ma'am.
"Yes of course ! Dahil kung hindi mo itatali ang buhok mo magiging sagabal ito sa laro mo."
"But ponytail is not my style."
Umiinit naman ang ulo ni Ma'am ng marinig niya iyon kay Miyeon.
"Miyeon Kaythyn Zachary, papayag ako na hindi ka magtali basta tatalunin mo ang tatlo sa magagaling sa team ko ng ikaw lang magisa."
Bigla naman pumasok si Quinn at yung isa niyang kasama. Pumunta rin si Calixta doon satabi ni Ma'am.
"Silang tatlo ang magagaling sa team ko. Ngayon mo ipakita sakin ang yabang mo!" Aniya ni Ma'am. "Isang score lang ang kailangan ko at papayagan kitang hindi magtali."
Naglakad si Miyeon sa pwesto niya. Habang si Calixta na sa serving zone, habang sila Quinn naman pumunta na rin sa pwesto niya.
Sa unang bato ng bola ni Calixta. Hindi ito nahabol ni Miyeon. Nag dive pa nga ito para maabutan niya yung bola.
Sa pangalawang bato ulit ni Calixta hindi ulit ito nasalo ni Miyeon.
Sa pangatlo si Quinn ang bumato, biglang nag-dive si Miyeon kahit medyo malayo ito. Naipa-angat niya yung bola paitaas, mabilis na tumayo si Miyeon para hampasin ang bola.
Napatayo ako sa kaba at sa excitement.
Paghampas ni Miyeon sa gitna nila Calixta ito tumama at dahil medyo malayo sila sa middle hindi nila ito nasalo at dahil doon naka i-score si Miyeon.
"Satisfied?"
Pagkatapos niyang sabihin iyon naglakad na ito.
Miyeon Pov's
Maglalakad na sana ako paalis ng makita ko si Kenjie na papalapit sakin at tuwang-tuwa ito. Hindi na ako makagalaw pa ng yakapin niya ako, parang akong naistatwa doon sa kinatatayuan ko.
Teka nga ano ba itong nangyayari sakin, bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko?
Shi! Mamamatay na ba ako?
Quinn Pov's
Tsk! Hindi ko na inaasahan pa na mananalo kami laban kay Miyeon. Hindi ko na rin inaasahan pa na matatalo siya sa pinapagawa sa kanya.
Si Miyeon ang team captain noon sa volleyball at siya rin ang mentor ko.
Paalis na sana kami ng kasama ko ng biglang may pumasok na mga lalaki. Mahigit sa sampung mga lalaki ang pumasok dito sa volleyball court at lahat sila ay may mga hawak na mga kahoy.
"Kenjie Atlas Zachary!"
Sigaw nung lalaki sa unahan na may benda sa ulo at may block eye pa sa mukha.
"Natatandaan mo pa ba ako?"
"Hindi sino ka ba?" Mabilis na tugon ni Kenjie.
"Fuck!" Wag mo kong sasagutin hanggat hindi ko sinasabing magsalita ka!"
"Nagtatanong ka alangan naman hindi kita sasagutin."
Halata naman ang pagkapikon nung lalaki kay Kenjie.
Putek! Kapag nagsimula na silang magrambulan dito paniguradong maghehestirikal itong si Miyeon. Mabilis kong pinuntahan si Miyeon na nasa likod lang ni Kenjie.
Hinawakan ko sa kamay si Miyeon at sobrang nanginginig ito. Wala rin ito sa sarili niya. Hinatak ko siya paalis, pero mahigpit pala siyang hinahawakan ni Kenjie.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Kenjie? Ikaw ang pinuntahan nila dito, wag mong idadamay si Miyeon."
Putek! Mukhang idadamay niya pa ata si Miyeon sa gulong pinasok niya.
Lumapit ito kay Miyeon na hanggang ngayon ay wala sa sarili. Hinalikan niya ito sa noo at pagkatapos may ibinulong ito.
Pagkatapos niyang gawin iyon hinila ko na si Miyeon paalis sa lugar na iyon. Inuwi ko sa bahay si Miyeon. Pagdating namin sa bahay nagtago ito sa sulok at doon umupo. Nagsimula na rin itong umiyak doon.
Tsk! Putek! Bakit ngayon pa nawala si Kuya. Hindi ko pa naman alam kung paano siya papatahanin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ok na ako dito
29/01/2025
0nice
29/01/2025
0next episode po pls
13/01/2025
0Tingnan Lahat