Homepage/My Bad Boy Prince And My Cold Hearted Princess/
Chapter 15
My Badboy Prince And My Coldhearted Princess 15
Miyeon Pov's
Is already past five na ng umaga at ito parin ako at dilat na dilat. Dahil siguro anong oras na rin ako nagising. Pagkaalis kasi nila Quinn sa kwarto ko hindi ko na namalayan na nakatulog pala ulit ako at gabi na ng magising ako. Sinulyapan ko si Quinn na tulog na tulog parin sa higaan niya. Well, gaya ng sinabi ko doon siya sa lapag natulog. Tumayo na ako para pumunta na sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo at magayos ng sarili bumaba na ako sa baba. Doon na lang siguro ako magpapalipas ng oras. Pagdating ko sa sala nakita ko sila Kuya Asher, si Tito Mavy at pati yung dalawang lalaki kahapon pati si Tito Azu na seryosong naguusap. Napatigil sa pagsasalita si Tito Azu ng makita ako. Nabaling rin ang atensyon ng lahat sakin. Tumayo si Kuya Asher at lumapit sakin.
"Bakit ang aga mong nagising bunso? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Asher.
"Hindi ako makatulog kaya bumaba ako dito akala ko wala pang tao. Aakyat muna ako mukhang seryoso yang pinaguusapan niyo." Walang emosyong wika ko. Aalis na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Tito Azu.
"Hindi muna kailangan umakyat. Tapos na rin naman kaming magusap." Seryosong wika ni Tito Azu. Iniwas ko yung tingin ko at pumunta doon sa sofa para umupo. Grabe nakakatakot tumingin itong si Tito Azu.
"Dito ka muna bunso magluluto lang ako ng almusal nating lahat." Tumango ako dito bilang tugon. Ngumiti sakin si kuya Asher bago umalis at pumunta sa kusina.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at yung earphone ko. Wala kasi akong balak makipagusap sa mga tao dito sa baba. Isa pa hindi ko naman sila kilala.
"So, pano pala kayo nagkakilala ni Zyair?" Bigla kong napatingin kay Tito Mavy na siyang nagsalita. Tsk!
"Well nakilala ko po si Zyair, doon sa school na pinapasukan namin dati." Tipid kong sagot.
"Pano naman kayo naging magkaibigan?" Sunod na tanong ni Tito Mavy.
"Hindi naman po ganun ka-special ang naging relasyon ko sa anak niyo, kaya hindi ko po masasagot kong pano kami nagkakilala. It's really necessary na kailangan niyo pang malaman kung paano kami nagkakilala ni Zyair. Kasi for me hindi ko naman na kailangan pang i-kwento yun." Nagulat naman ito sa isinagot ko sa kanya. "Don't mad at me Tito Mavy, pero ito talaga ang ugali ko wala akong pakealam sa ibang tao. Siguro po para kay Zyair kaibigan ang turing niya sakin, pero para po sakin wala akong tinuturing na kaibigan." Seryosong wika ko pa.
"Bastos ka pala magsalitang gago ka!" Galit na wika nung isang lalaki sakin.
"Fitzgerald easy kalang." Awat sa kanya ng lalaking pangalan ay Jiro.
"Well kung dating sayo ng pagsagot ko ay bastos na sasayo na yun. Pero gaya ng sinabi ko wala akong pakealam sa ibang tao."
"Mas bastos kapa kay Asher. Si Asher kahit medyo loko-loko may galang pero ikaw hindi mo kinikilala kong sino ang na sa harap mo. Ang laki lang talaga ng pagkakaiba niyo ni Asher." Wika niya pa.
"Well hindi naman kasi ako si Kuya Asher Alvarez, I'm Miyeon Kaythlyn Zachary, see sa pangalan palang magkaiba na sa ugali pa kaya." Nakangiting wika ko sa kanya. "Kung sa tutuusin ikaw nga itong bastos. Nangingisali ka sa usapang hindi mo naman usapan." Dagdag ko pa.
"Teka boss, ilalabas ko lang itong si Fitzgerald, papakalmahin ko lang." Nakangiting wika ni Kuya Jiro at sinama niya yung lalaki palabas ng mansion.
"If you don't mind Miyeon, can I ask you a question?" Binalingan ko ng tingin si Tito Azu na siyang nagsalita. "Why are you afraid to have a friend? Napansin ko lang lahat ng tao na gustong mapalapit sayo tinataboy mo even your lola and your brother. Why you just let go your pain. I think you are already suffering with that pain." Seryosong wika ni Tito Azu. Nagulat naman ako sa mga sinabi niya at hindi agad nakasagot.
"Azu, kanina kapa gising? Bakit hindi mo ko ginising?" Mabilis kong iniwas yung tingin ko kay Tito Azu ng dumating si Tita Aouie na kagigising lang. Sinalpak ko yung earphone sa taenga ko at nagpatugtog. Isinandal ko muna ang ulo ko sa sofa at pagkatapos ipinikit ko ang mata ko.
Tsk! Parang namang may alam siya sakin. Bwesit! Dapat kasi hindi ako pumayag sa gusto ni Lola. Tsk!
Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may humalik sa noo ko.
Nakita ko si Kenjie na nasa harapan ko at nakangiti. Gising na rin sila Calixta at nakabihis na rin silang lahat.
Tinanggal ko ang earphone sa taenga ko. Binuksan ko yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na and is already six thirty na ng umaga. And I think nakatulog ako ng hindi ko na namamalayan.
"Let's eat na, Darling Sour." Malambing na yaya sakin ni Kenjie. Inilagay ko sa bag ang earphone ko bago ako tumayo.
"Can you please stop calling me that stupid endearment." Iritableng wika ko dito.
"Ano ba yan Ate Miyeon ang aga-aga nag-aatitude ka."
"Kaya nga ang aga-aga naninira ka agad ng mood." Wika rin ni Elio.
"Tsk! Ang aga-aga Miyeon, makisama ka naman." Wika rin ni Quinn.
"May sasabihin rin kayong dalawa?" Tapos tinuro ko sila Calixta at Zyair. Mabilis itong umiling bilang sagot. "Good. Well, hindi ko naman kasi talaga ginusto ito. Hindi ko ginusto na tumira dito at makasama kayo." Wika ko. "Teka nga kayong tatlo." Tapos tinuro ko sila Kendric, Elio at Storm. "May mga bahay pa ba kayo? Bakit parang hindi kayo umuuwi sa mga bahay niyo? Ano kayo mga sampid?" Seryosong wika ko. Naglakad na ako papuntang dining area.
"Pano ba yan? Hindi lang ako nakapansin. Ang kakapal kasi ng mga mukha." Rinig kong wika ni Calixta. Natawa naman ako sa huli niyang sinabi.
Hindi naman ako nakapalag ng yakapin ako ni Tita Aouie pagkarating ko sa dining area. Mukhang hindi niya ako napansin kanina.
Hinila niya yung isang upuan na katabi lang ng upuan niya at doon niya ako pinaupo.
Ang sama parin ng tingin nung Fitzgerald sakin.
Muling nabaling ang paningin ko kay Tita Aouie ng lagyan niya ng spaghetti ang plato ko.
"Yan kumain kana." Nakangiting wika ni Tita Aouie. "Ako nagluto nan kaya masarap yan." Dagdag na wika pa niya.
Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Nagbuhat pa nga ng sariling bangko. Hahaha!
Sinimulan ko ng lamtakan yung spaghetti na ibinigay niya sakin.
"Tito Fitzgerald, bakit ang sama ba ng tingin mo sa asawa ko?"
Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Kenjie. Mabilis akong inabutan ng tubig ni Tita Aouie. Tinapik-tapik niya yung likod ko.
"Okay ka lang ba Miyeon?" May pagaalalang tanong nito. Mabilis akong tumango kay Tita Aouie bilang tugon.
"Fitzgerald, bakit mo kasi tinitingnan ng masama itong kapatid ko nagalit tuloy si Kenjie, kaya itong si bunso kinilig sa sinabi ni Kenjie." Pangungutyang wika ni Kuya Asher.
"Si Miyeon, chossy pa kinikilig din naman pala." Pangaasar ng wika ni Elio.
Wait nga, hindi ba pwedeng nasamid lang talaga ako sa sinabi niya? My god hindi ako kinilig. Bakit parang mali sila ng pagkaintindi sa reaksyon ko?
"Hinay-hinay lang sa pangaasar, baka mamaya may masabi na naman si Miyeon na ikasasama ng mga loob natin." Wika naman ni Zyair.
"Lagi namang may isasagot yang babaeng yan. Kahit alam niyang may nasasaktan na siya, panay parin siya salita, Hindi siya marunong manahimik." Inis na wika ni Quinn.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito para tingnan kong sino. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Well kaya kitang saktan ng bonggang-bongga na hindi kita hinawakan, pati na rin si Kendric once na sinagot ko itong tawag ni Zyron at sabihin sa kanya ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa pinakamamahal niyang kapatid." Nakangiting wika ko sa kanya. "Hindi ako mananahimik hanggat hindi ka lumuluhod at lumuluha ng dugo sa harapan ko. Ano kaya magiging reaksyon ni Zyron kapag nalaman niya?" Dagdag na wika ko pa.
"Napaka-demonyita mo talaga." Halata na ang pagkainis sa mukha nito.
"Ano gusto mo ba malaman ang magiging reaksyon niya? Wala naman mawawala sakin. Pero sayo meron at sure ako sobrang laki nun." Nakangiting wika ko dito at sinagot ko na yung tawag ni Zyron. Ni-loudspeaker ko ang cellphone para marinig rin ni Quinn.
"Hello, Young Lady Miyeon." Kumawala ang masayang boses ni Zyron sa kabilang linya.
Binalingan ko ng tingin si Kendric at nanginginig ito sa kinauupuan niya. Muli kong binalingan ng tingin si Quinn at nakita ko ang pagtulo ng pawis niya mula sa ulo niya.
"Miyeon, tumigil ka nga!" Saway ni Kuya Asher sakin.
"Just kidding." Nakangiting wika ko kay Quinn at pagkatapos kinindatan ko ito.
"Young Lady Miyeon?" Rinig kong wika ulit ni Zyron.
"Oh yes Zyron? May problema ba?" Seryosong tanong ko kay Zyron.
"Wala naman po Young Lady Miyeon. Pero dyan mukhang may problema. Narinig ko po kasi na sumigaw si Sir Atticus."
"MIYEON KAYTHLYN ZACHARY!" Rinig kong sigaw ni Lola sa kabilang linya.
Biglang nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang galit na galit na boses ni lola.
"ANO NA NAMANG GINAGAWA MONG KALUKOHAN BAKIT MO BINIBIGYAN NG SAKIT NG ULO SILA AOUIE." Rinig ko ulit na wika ni lola.
Hayst! Ang bilis ng karma ko. Putek!
"Lola, namali lang ng rinig si Zyron si Kuya Asher yung sumigaw hindi si Tito Azu." Paliwanag ko.
"Ayusin mo lang yang pagsisinungaling mo Miyeon. Malaman laman ko lang na binibigyan mo ng sakit ng ulo sila Aouie dyan babalik ako dyan at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mong kalokohan." Bantang sambit ni Lola. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni lola. Tsk! Kahit naman magpaliwanag ako hindi na siya maniniwala pa sa mga sasabihin ko.
"Tita Julie wala pa naman pong ginagawang kalokohan si Miyeon sa ngayon. Nagbibiruan lang po kami." Napataas naman ako ng kilay ng marinig ko iyon kay Tita Aouie. So naniniwala talaga siya na may gagawin akong kalokohan? Tsk! Akala ko pa naman kakampi ko na si Tita Aouie. Tsk!
"Kapag may ginawang kalokohan si Miyeon sabihin mo agad sakin." Wika ni lola.
"Opo Tita Julie." Mabilis na tugon ni Tita Aouie. Nagtawanan naman silang lahat.
Tsk! May nakakatawa ba dun?
Pagkatapos na makipag-usap ni lola kay Tita Aouie kinuha ko na yung cellphone ko. Pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko. Well hindi pa bakasyon kaya kailangan parin naming pumasok.
Hindi ako nakapalag ng biglang hatakin ni Kenjie yung bag ko mula sakin ng makalabas ako ng mansion. Napahawak ako sa balikat ko dahil medyo napalakas yung pagkuha niya sa bag ko. Nilagay niya iyon sa loob ng kotse. Binuksan niya yung pinto ng passenger seat ng kotse.
"Ano bang problema mo?" Reklamo ko.
"Bakit kasi ang bagal mo kumilos!?" Singhal niya sakin.
"Kung nagmamadali ka dapat na una ka ng umalis kaya ko namang pumunta magisa sa school na hindi ka kasama." Singhal ko rin sa kanya.
"Pwede ba wag ka ng makipagtalo sumakay ka na lang!"
"Miyeon, kita nalang tayo sa school." Nakangiting wika ni Zyair. Pagkatapos niyang sabihin iyon sumakay na ito sa isang kotse. Naiwan naman kaming dalawa ni Kenjie na nagtatalo parin hanggang ngayon.
"Sasakay kaba o makikipagtalo ka lang sakin?" Huminahon naman ang boses nito.
"Maglalakad ako." Tipid kong sagot. Nagsimula na akong maglakad. Mabilis niya akong hinawakan sa braso.
"Kung maglalakad ka aabutin ka ng mahigit isang oras. Malayo ang bahay namin sa school." Seryosong wika pa niya. "Ano hindi kapa sasakay?" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at pumasok doon sa loob ng kotse. Pumasok na rin ito sa loob ng kotse.
Tsk! Malayo nga pala itong bahay nila Kenjie sa school. Bwesit!
Shit! Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng mapagtanto ko na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mas lalo kong nakita ang kagantahan niyang lalaki. Ang kanyang matangos na ilong, ang kanyang manipis na labi at ang kanyang mahahabang pilikmata at ang pisnge niyang kay sarap kurutin ay sumisigaw ng kanyang pagkalalaki. Naramdaman ko ang malakas na kabog dito sa puso ko, may kakaiba rin akong naramdan dito sa tiyan ko. Para akong natatae na ewan. Kinuha niya yung seat belt at isinuot ito sakin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Shit! Sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas. Ramdam ko parin ang kabog dito sa puso ko. May sakit na ata ako. Bwesit!
"Teka hindi ito ang daan papuntang school?" Seryosong wika ko. Binalingan ko siya ng tingin na seryosong nagmamaneho. "Hoyy Kenjie saan mo ko dadalhin?" Dagdag na wika ko pa. Seryoso parin itong nagmamaneho. Mukhang wala rin siyang balak sagutin ang tanong ko sa kanya.
Saan naman kaya kami pupunta?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ok na ako dito
29/01/2025
0nice
29/01/2025
0next episode po pls
13/01/2025
0Tingnan Lahat