Chapter 14

My Badboy Prince And My Coldhearted Princess 14
Calixta Pov's
Tanghali na at tulog parin si Miyeon sa kwarto niya. Hindi na rin kami nakapasok dahil tanghali narin kami nagising. Dito na rin natulog sila Storm, well hindi na nakakapagtaka yun makakapal kasi mga mukha nila.
"Wala pa ba siyang balak gumising?" Inis na wika ni Kenjie.
Umandar na naman pagkatanga ni Kenjie. Hayst!
Mabilis naman siyang binatukan ni Tita Aouie.
"Hayaan mo nga muna siyang makapag-pahinga, Kenjie." Wika ni Tita Aouie. "Hayaan muna natin siya makatulog ng mahaba, dalawang araw siyang walang tulog kaya pabayaan mo muna." Dagdag pa ni Tita.
Bigla namang pumasok si Tito Jiro na kakagaling lang sa labas.
"Ma'am Aouie, meron pong dalaga na nasa labas at hinahanap raw po niya si Miyeon." Seryosong wika ni Tito Jiro. "Quinn Brooklyn po pangalan niya, may dala rin itong isang truck." Dagdag na wika pa ni Tito Jiro.
"Si Quinn? Ano naman ang ginawa niya dito?" Takang tanong ni Kendric. Tumayo ito at pinuntahan sa labas si Quinn.
"Kilala niyo yung dalaga na nasa labas?" Tanong ni Tita Aouie.
"Opo Tita, kapatid po siya ni Zyron." Tugon ko.
"Kung ganun papasukin mo." Mabilis na tugon ni Tita Aouie.
Lumabas naman si Tito Jiro para sabihin kila Quinn na pumasok.
Pagpasok ni Quinn mabilis itong bumati kay Tita Aouie at Tito Azu. Nasa tabi niya naman si Kendric at may dala na itong isang malaking kahon. Nilapag ni Kenric ang dala-dala niyang kahon sa lamesa dito sa may sala.
"Gamit ba yan ni Miyeon? Tulog pa kasi siya. Makakapaghintay kaba?" Sunod-sunod na wika ni Tita Aouie.
"Gamit niya nga po yan lahat." Mabilis na tugon ni Quinn. "Pwede ko na po ba siyang akyatin sa kwarto niya?" Dagdag na wika ni Quinn.
"Tulog pa si Ate Miyeon, ilang araw siyang walang tulog kaya hayaan muna natin siyang magpahinga." Singit ni Kendric sa usapan tapos binuksan niya yung kahon at tumambad ang isang familiar na bulaklak.
Teka ayan yung bulaklak na binigay ni Kenjie sa kanya noong biyernes. Kahit lanta na yun alam kong ayun yung bulaklak na binili namin.
"Gising na yun tumawag nga siya sakin kaninang madaling araw. Para utusan akong ayusin ang gamit niya at dalhin dito." Mabilis na tugon ni Quinn.
"Hindi pala tinapon ni Ate Miyeon itong bulaklak na binigay sa kanya ni Kenjie?"
"Buti tinanggap niya." Hindi makapaniwalang wika ko.
"Sinabi ko na diba hindi masasayang ang effort ni Kenjie." Nakangiting wika ni Quinn.
Tinanggap niya kaya talaga yan?
Kinuha ni Kenjie yung bulaklak mula kay Kendic.
"Kung ganun hindi niya pala ito tinapon." Bakas ang saya sa mga mata ni Kenjie habang sinasabi iyon. Kinilig si gago. Hahahahaha!
Bigla naman nabaling ang atensyon namin kay Miyeon na kararating lang dito sa sala at kagigising lang. Nag-stretching muna ito doon sa kinatatayuan niya.
"Kanina kapa?" Tanong ni Miyeon dito.
"Oo, dala ko na rin lahat ng mga gamit mo." Malditang wika ni Quinn.
"Ano pang hinihintay mo ayusin muna. Ano ako pa magaayos?" Malditang wika naman ni Miyeon dito.
"Teka ako magaayus?" Hindi makapaniwalang wika ni Quinn.
"Kung gusto mo palit tayo ako na utusan, ikaw na amo." Wika ni Miyeon. Labag man sa loob ni Quinn wala itong nagawa kundi sundin ang inuutos ni Miyeon. Kinuha niya yung malaking kahon na nilapag doon ni Kendric sa lamesa.
Hindi naman nakapalag si Miyeon ng akbayan siya ni Tito Asher na kanina pa nakikinig sa usapan namin.
"Ikaw bunso, kunyare kapa na hindi mo gusto itong si Kenjie pero tinanggap mo rin pala yung bulaklak na binigay niya sayo." Pangaasar ni Tito Asher dito. Tinanggal naman ni Miyeon ang kamay ni Tito Asher sa braso niya.
"Pinagsasabi mo kuya." Walang ganang sambit ni Miyeon. Tapos bigla itong humigab kaya mabilis niyang tinakpan ang bunganga niya.
Naglakad naman si Kenjie palapit kay Miyeon at niyakap niya ito na siyang ikinagulat ni Miyeon.
Mabilis niyang tinulak palayo si Kenjie.
"Boss, si Kenjie kuhang-kuha mga galawan mo." Nakangiting sambit ni Tito Asher.
Ipinakita ni Kenjie kay Miyeon yung bulaklak na ibinigay ni Kenjie noon sa kanya. Mabilis na iniwas ni Miyeon ang tingin niya.
"Sa-saan mo na kuha yan?" Naiilang na wika ni Miyeon. Habang nakaiwas parin ang tingin nito kay Kenjie.
"Nakita namin ito sa mga gamit mo." Nanlilisik ang mga mata ni Miyeon na tumingin kay Kenjie.
"Bukod sa pagiging demonyo mo, naging pakealamero ka na rin" Wika ni Miyeon.
Hinapit ni Kenjie ang baywang ni Miyeon palapit sa kanya. Biglang naman nangamatis ang mukha ni Miyeon ng gawin iyon ni Kenjie.
"Halos isampal mo sakin ang salitang AYUKO SAYO. Kung ayaw mo sakin bakit itinago mo itong bulaklak na ibinigay ko sayo?" Seryosong tanong ni Kenjie.
Whaaa! Pigilan niyo ko titili na ako dito dahil sa kilig. Bwesit!
"Hoy! Kenjie live na live rin yang ginagawa mo, kuhang kuha mo talaga galawan ni boss." Pangaasar ulit ni Tito Asher. Muling tinulak ni Miyeon palayo si Kenjie sakanya.
Pagkatapos niyang gawin iyon kinuha rin niya yung bulaklak nahawak-hawak ni Kenjie na ibinigay noon sakanya.
"Don't you dare to touch my things again." Mariin na wika ni Miyeon.
Naglakad na ito paalis dito sa sala. Tumakbo naman si Kenjie para sundan si Miyeon.
"Naku, paniguradong mapipikon na naman itong si Ate Miyeon kay Kenjie ngayong araw na ito kapag hindi tinantanan ni Kenjie ang pangungulit niya." Natatawang wika ni Kendric.
"Hayaan niyo na si Kenjie, siya lang naman mabubungangaan ni Miyeon kapag hindi niya tinigil ang pangungulit niya." Singit ni Storm.
Jusko! Hindi talaga siya tatantanan ni Kenjie kung itatanggi niya ulit yung tungkol doon sa bulaklak.
Miyeon Pov's
Pagkadating ko sa kwarto mabilis kong inilabag yung lantang bulaklak doon sa lamesa na nasa kwarto ko. Tumambad rin si Quinn na inaayos ang mga gamit ko.
"Ako na bahala dyan, pwede ka ng umalis sa kwarto ko." Iritableng wika ko. "Bakit mo nga pala hinayaan na pakealaman ng iba ang gamit ko?" Iritableng tanong ko sakanya.
"Pati pa naman yun dapat ko pang problemahin?" Inis na wika nito.
"Alangan naman problema ko. Ikaw itong may hawak ng gamit ko." Inis kong wika. "Napakasimple lang ng inuutos ko sayo Quinn hindi mo magawa ng maayos. Umalis kana nga, wala ako sa mood na marinig payang mga palusot mo." Dagdag ko pa. Pumunta na ako sa cr para maligo. Hindi parin kasi ako nagpapalit ng damit simula kagabi.
Holy fucking shit! Ano naman kaya ang ginawa ng demonyong ito sa kwarto ko?
"What the fuck Kenjie, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Shit! Naka-tapis lang ako ng towel. Nakaupo ito sa study table na nakalagay dito sa kwarto kung saan ko nilagay yung bulaklak at hawak-hawak niya na rin yung bulaklak. Tiningnan niya ako habang may mga ngiti sa kanyang labi.
Bwesit! Ano naman kaya ang nginingiti ng demonyong ito. Bigla itong naglakad papunta sa direksyon ko na siyang nagpakaba sakin. Fuck!
"A-ano naman yang binabalak mo?" Nauutal kong tanong. Hinawi niya ang aking baywang palapit sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko ng magdikit ang aming katawan. Naramdaman ko rin yung umbok niya. Shit!
Bwesit! Napapanood ko lang ito sa mga kdrama pero bakit nangyayari ngayon sakin. Ramdam ko na rin ang init ng aking mukha.
Narinig kong itong natawa kaya mabilis kong binalik ang tingin ko sa kanya. Nakatingin parin ito sakin habang nakangiti ito.
"Nangangamatis na yang mukha mo dahil sa sobrang pula, Darling Sour." Nakangiti nitong sambit.
Darling Sour?
Tinulak ko siya palayo pero mabilis niya ulit akong inilapit sa kanya.
"Bakit akala mo ba makakatakas ka sakin?" Malambing na wika nito. Bitch! Wala ba siyang balak pabihisin ako.
Dahan-dahan niya akong inihiga hanggang sa maramdaman ko na ang malambot na kama. Ikinulong niya ako gamit ang braso niya na nakalagay sa magkabila kong gilid.
Bwesit! Ano naman kaya ang sunod na gagawin ng demonyong ito?
Pinagmamasdan niya lang ako habang may ngiti sa labi niya. Habang yung pwesto namin ay nakaibabaw siya sakin.
Iniwas ko ang tingin ko at pinigilan ko ang paghinga ko ng dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sakin.
"Wala ka bang balak huminga? Mamatay ka sa ginagawa mo." Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
Fuck! Puta bakit nagiinit ako?
Hindi ko parin siya binibigyan ng tingin.
"A-ano na naman bayang binabalak mo?" Nauutal ko paring wika.
"Pinagmamasdan ko lang ang magandang mukha ng magiging asawa ko." Mabilis na tugon nito. Napapikit ako ng muli ko ulit maramdaman ang hininga nito sa leeg ko. "Fuck!" Rinig kong wika nito.
Nakahinga na ako ng maluwang ng lumayo ito. Pero hindi ko parin siya binibigyan ng tingin. Naramdaman ko ang pagupo nito sa gilid ko. Tumayo ako sa pagkakahiga pero hindi ko parin ito binigyan ng tingin.
"Hindi kaba aalis sa kwarto?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Magbihis kana hindi naman kita sisilipan." Binalingan ko siya ng tingin na ngayon ay nakahiga sa kama ko. Nakapikit ang mga mata nito. "Kung hindi ka naniniwala doon kana lang sa cr magbihis." Wika pa niya.
Tsk! So ako mag-aadjust para sa kanya. Bwesit!
Tumayo na ako at kinuha yung damit na inihanda ni Quinn kanina sakin. Pumunta na ako sa cr para magbihis. Pagkalabas ko ng cr wala na siya sa kwarto ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaba para kumain.
Pagdating ko sa sala tumambad sila Zyair at ang iba na nakaupo doon at nagkwekwentuhan.
"Hi!"Nakangiting wika nito sakin. Ngumiti rin yung isang lalaki na nakaakbay sa kanya. Tiningnan ko lang siya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
"Jiro Hernandez, nice to meet you." Nakangiting wika niya tapos inabot niya yung kamay niya sakin.
"Miyeon." Tapos inabot ko rin yung kamay ko sa kanya.
"Miyeon!" Binalingan ko ng tingin si Kenjie na galit na galit na naglalakad papunta sa direksyon ko. Problema na naman ng demonyong ito? Mahigpit niyang hinawakan yung braso ko.
"Bakit lagi mo kong pinaghihintay ng matagal!" Singhal nito sakin. Ano na naman ba ginawa ko? "Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo, kanina pa lumamig yung pagkain. Bakit ang tagal mo bang magbihis?" Sighal niya parin sakin. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Kenjie, hindi dapat sinasaktan ang mga babae." Wika nung lalaki kanina.
"Tito Jiro wag ka pong mangealam." Singhal rin niya dito. "Hoyy babae sumagot ka! Ano bang ginawa mo bakit ang tagal mong magbihis?" Singhal niya ulit sakin.
"Hoyy Kenjie Atlas Atticus, hindi ko sinabing maghintay ka!" Singhal ko rin sa kanya tapos binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Atsaka isa pa hindi ko naman hiniling na gawan mo ko ng makakain ko." Wika ko pa.
"Agh!" Inda ko ng muli niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko. "Problema mo!?" Reklamo ko sa kanya. Kinaladkad niya ko papunta ng dining area. Habang sobrang higpit parin ng pagkakahawak niya sa braso ko. Pagdating namin sa dining area niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Hinila niya yung isang upuan at doon niya ko pinaupo. Kinuha niya yung pagkain na ginawa niya at inilagay iyon sa harap ko.
"Kumain kana." Seryosong wika nito. Problema ba ng lalaking ito? Okay pa naman siya kanina. Bakit ngayon inatake na naman siya ng pagiging demonyo niya? Kinuha ko yung kutsara at sinimulan ko ng lamtakan yung pagkain na ginawa niya. Tumayo ito at pumunta doon sa refrigerator at kumuha ng tubig. Muli kong binaling ang tingin ko sa pagkain ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Shit!
"Masarap ba?" Malambing na tanong nito. Binalingan ko siya ng tingin at seryoso itong nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba sa mga tingin niya. Parang inaakit ako ng mga titig niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Wag mo nga akong titigan ng ganya. Nakakailang kasi." Wika ko.
"Then don't mind me Darling Sour, let me scan your face, let me see your eyes, your nose and your lips." Putek! Ano bang nangyayari kay Kenjie? Siguro ito na yung sign para tumigil na ako sa kakanood ng kdrama. Naiilang man muli kong binaling ang tingin ko sa kanya.
"Yung totoo Kenjie naka drugs ka ba? Ano bang nakain mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Umayos ka nga naiilang na ako sa ginagawa mo." Dagdag ko pa.
"Yeah, I think I'm on Drugs that's why I'm addicted to you." Wika niya.
"Ah!" Tili ko ng muli ko ulit marinig ang banat niya. Tinakpan ko ang taenga ko gamit ang dalawa kong kamay. Fuck! Hindi ba siya nanindig sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panghihina. Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Kenjie!" Rinig kong sigaw ni Tita Aouie. Tinggal ko ang dalawang kamay ko sa taenga at binalingan ng tingin si Tita Aouie. Nagsipuntahan rin sila Calixta dito sa dinning area. Tumayo ako ng lumapit sakin si Tita Aouie.
"Miyeon okay ka lang ba? Hindi kaba sinaktan ni Kenjie?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Aouie sakin.
"Ilayo niyo muna sakin ang anak niyo Tita, mukhang nababaliw na siya." Seryosong wika ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Tita Aouie sa kamay ko at naglakad na paalis sa dinning area.
Calixta Pov's
"Mukhang hindi kinayanan ni Ate Miyeon ang mga banatan mo Kenjie." Tawang-tawang wika ni Kendric.
"Dapat kasi hinay-hinay lang sa pagbanat Kenjie." Wika rin ni Elio.
"Grabe ka boy, mas malala ka pa kay boss." Natatawang wika rin ni Tito Asher. "Si boss pasimpleng suprise lang ikaw hindi, banatan ang labanan mo." Wika ulit ni Tito Asher.
"Masyado mo kasing minamadali lahat Kenjie." Nakangiting wika rin ni Tito Jiro.
"Mukhang hindi niya ata nagustuhan." Ginulo-gulo ni Kenjie ang buhok niya.
"Ikaw kasi binigla mo." Wika rin ni Storm.
Akala ko talaga sinaktan na ni Kenjie itong si Miyeon. Noong marinig namin si Miyeon na tumili mabilis kaming napagtakbo papunta roon sa dinning area. Pagdating namin doon naabutan namin si Miyeon na tinakpan ang taenga niya. Habang itong si Kenjie seryosong nakatingin dito kay Miyeon. Nang i-angat ni Miyeon ang ulo niya nangangamatis na ang mukha nito dahil sa sobrang pula. Medyo na mumunlat rin ito.
Hindi parin lumalabas si Miyeon sa kwarto niya.
"Pupuntahan ko lang si Miyeon." Wika ni Quinn.
"Sasamahan na kita." Nakangiting wika ko.
Tumayo na ako at sumunod na kay Quinn. Pagdating namin sa labas ng kwarto ni Miyeon. Kumatok ng tatlong beses si Quinn bago pumasok.
"Anong ginagawa niyo dito?" Bungad na tanong ni Miyeon pagkapasok namin.
"Okay kalang ba?" Tanong ni Quinn tapos umupo ito doon sa kama ni Miyeon. Isinandal ko naman yung pwet ko doon sa study table niya.
"Wala naman ako sakit kaya hindi mo na ako kailangan kamustahin." Walang emosyong wika ni Miyeon.
Hayst! Natatakot tuloy akong magsalita. Kapag ganyan siya magsalita.
"Bakit hindi ka na lang magpasalamat na pumunta kami dito para kamustahin ka." Mukhang walang balak na magpatolo itong si Quinn dito kay Miyeon.
"Hindi ko naman hiniling na pumunta kayo dito para kamustahin ako." Walang emosyong wika ulit ni Miyeon. "Isa pa wala namang nangyaring masama sakin kaya walang dahilan para kamustahin niyo ko. Kaya pwede na kayong umalis sa kwarto ko." Wika ulit ni Miyeon.
"Okay fine, hindi na ako makikipagtalo sayo."
"Wala naman kasing nagutos sayo na makipagtali ka sakin, Quinn."
"Kailangan talaga bawat sagot ko sayo may ibabanat ka agad na salita sakin."
"Oh my god Quinn, naging bobo kana. Anong silbi ng bunganga ko kung hindi ako sasagot. My god."
Okay! Hindi na ako magsasalita mananahimik na lang ako dito sa pwesto ko. At tahimik na manonood.
"Bahala kana sa buhay mo. Uuwi na lang ako." Pagsuko ni Quinn.
"At sinong may sabing uuwi ka? Pinapaalis ko lang kayong dalawa sa kwarto ko pero hindi ko sinabing umuwi ka." Seryosong wika ni Miyeon.
"So wala na rin akong karapatang umuwi?" Hindi makapaniwalang wika ni Quinn.
"So kailangan ko pang sagutin, kahit alam mo na ang sagot?" Balik na tanong na wika ni Miyeon. "Atsaka isa pa hindi kita pwedeng pabayaan na matulog magisa sa bahay na yun. Isang linggong wala si Zyron kaya dito ka sa ayaw at sa gusto mo." Muling wika ni Miyeon. Tumingin ito kay Quinn na may ngiti sa mga labi niya.
"Isa pa pabor pa nga itong ginawa ko. Malaya mong makakasama si Kendric ng isang linggo na walang sagabal." Nakangiting wika ni Miyeon. "Pero wag kang masyadong magdiwang, dahil dito ka matutulog sa kwarto ko. Para siguradong walang mangyayaring hindi maganda. Syempre hindi ka dito sa kama ko doon ka sa lapag." Nakangiting wika ulit ni Miyeon.
"Napaka demonyo talaga ng ugali mo. Alam mo ba yun?" Inis na wika ni Quinn.
"Hindi mo na kailangan sabihin dahil aware naman ako doon." Nakangiting wika ni Miyeon. Hindi na natiisan pa ni Quinn na makipagtalo dito kay Miyeon siya na ang kusang sumuko at lumabas sa kwarto ni Miyeon. "Ano pa hinihintay mo Calixta, bakit hindi kapa umalis." Binalingan ko ng tingin si Miyeon na ngayon ay nakatingin sakin ng seryoso.
Hindi ko na nagawa pang sumagot sakanya. Natataranta akong lumabas dito sa kwarto niya. Pagdating ko sa labas wala na sila Kenjie. Sila Tita Aouie at Lola Alaina na lang ang natira dito sa sala.
"Sila Kenjie po Tita Aouie?" Takang tanong ko.
"Nagbasketball sila." Nakangiting wika ni Tita Aouie.
Binalingan ko ng tingin si Quinn doon sa kinauupuan niya at hindi maipinta ang mukha nito. Halata rin sa mukha nito ang pagkainis.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    SyPrincess Jannah

    ok na ako dito

    29/01/2025

      0
  • avatar
    NaragaJohn Lourince

    nice

    29/01/2025

      0
  • avatar
    Nia Verastigue

    next episode po pls

    13/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata