Homepage/My Bad Boy Prince And My Cold Hearted Princess/
Chapter 13
My Badboy Prince And My Coldhearted Princess 13
Miyeon Pov's
Ten o'clock na at nandito parin kami sa bahay nila Kenjie. Ngayon ko lang napagtanto na mala palasyon pala itong bahay nila Kenjie. Pagpasok mo kasi sa bahay nila tatambad agad ang
malawak nilang hagdan na may roong red carpet at dalawang daan pakyat. Sa kanan ang sala dito sa baba habang nasa kaliwa ang dining area nila. Wala ka rin makikitang kahit isang room dito sa first floor ng bahay nila. Bukod pa dito masyado ding maraming bantay sa bahay nila.
Eleven o'clock ang flight ni lola pabalik ng america. Hanggang ngayon nagkwekwentuhan parin sila ni Lola Aliana mukhang hindi niya na napapansin ang oras. Antok na antok na rin ako at gusto ko na ding makapagpahinga.
"Sleepy?" Binalingan ko ng tingin si Kenjie na umupo sa tabi ko at may dalang isang basong gatas.
Pinapatakam niya ba ako? Gusto ko din ng gatas. Bwesit! Hindi pa ba tapos sila Lola gusto ko ng umuwi.
Inirapan ko siya at sinandal ang ulo ko sa sofa at ipinikit ang mata ko. Natatakam kasi ako doon sa gatas. Bwesit!
"Uminom ko muna ng gatas. Sabi kasi sakin ni Zyron bago ka raw matulog umiinom ka muna ng gatas, paborito mo din daw ito." Wika nito.
Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa kanya na nakatingin ngayon sakin.
"Bilisan mo na para maihatid na kita sa kwarto mo. Ilang araw ka na ring walang tulog diba? Inumin mo na yan para makapagpahinga kana, halata na rin dyan sa mukha mo ang pagod." Lumambing naman ang boses nito na siyang ikinailang ko.
Inabot niya sakin yung gatas na hawak-hawak niya, dahil nga paborito ko yung gatas na iyon. Hindi ko matatanggihan iyon. Hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon.
Ngumiti naman ito ng kunin ko yun. Tsk! Pasalamat ka at paborito ko itong gatas dahil kung hindi, hindi ko talaga tatanggapin yan. Tsk!
Hmmm, Ang sarap talaga ng gatas. Hehehehe!
Pagkatapos kong ubusin yung gatas inilapag ko ito sa lamesa at muli kong isinandal ang ulo ko sa upuan.
Hayst! Hindi pa kasi ako pwede matulog kailangan ko pang hintayin na makaalis sila Lola. Hindi ko rin naman alam kung makakatulog ako ng maayos ngayon dahil first time kong matutulog sa ibang bahay. Bwesit!
Napatayo ako ng mapatayo sila Lola sa kinauupuan nila.
"Masaya ako na makita ka talaga ngayon Alaina." Wika ni Lola bago niya ni yakap si Lola Aliana.
Lumapit rin si Lola kay Tita Aouie at niyakap ito.
"Aalis na agad kayo? Pwede pa naman kayo matagal dito." Malungkot na wika ni Tita Aouie. Mahigpit niyang niyakap si Lola. "Mamimiss ko po kayo Tita Julie, dumalaw po ulit kayo Tita." Dagdag na wika pa ni Tita Aouie.
"Magkikita pa naman tayo, Aouie." Nakangiting wika ni lola.
"Lola Julie, magiingat po kayo. Wag niyong pababayaan ang sarili niyo." Mangiyak-ngiyak na wika ni Kuya Asher. Tapos mahigpit niyang niyakap si Lola. Feeling tunay na apo ding ito si Kuya Asher.
Magkapatid kami ni Kuya sa ina, si Lola Julie ang anak niya ay si papa. Ayaw ni Lola kay mama kasi kaladkarang babae ito. Pero walang nagawa si Lola ng i-uwi ni papa si mama sa bahay kasama si Kuya Asher noon. Habang si Kuya Asher naman hindi niya kilala ang tunay niyang tatay.
"Wag mo ring papabayaan ang sarili mo apo ko." Wika ni lola. Mahal na mahal ni Lola si Kuya Asher mas malapit pa nga sila ni lola kesa sakin. Kaya nga noong umalis si Kuya Asher noon sa bahay dinamdam talaga yun ni Lola kaya pumunta ito ng america at iniwan ako sa pangangalaga ni mama yan ang kwento ng isa naming kasambabay. Kinuha lang ako ni lola ng malaman niyang sinasaktan ako ni mama. Yun ang unang pagkikita namin ni lola.
Muli bumalik ang diwa ko ng maramdaman ko ang mabigat na kamay ni Lola sa ulo ko.
Bwesit! Nakakailang batok na siya ngayong araw na ito.
"Ayusin mo yang ugali mo Miyeon Kaythlyn Zachary." Mariin na sambit ni lola.
Tsk!
"Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sila Azu at Aouie, naiintindihan mo ba?" Seryosong wika nito.
"Parang sobrang sama naman ng ugali ko lola." Wika ko.
"Sasabihin ko ba ang lahat ng yan kung mabuti yang paguugali mo." Mabilis na tugon ni lola.
"Lola, hindi naman ako magkakaganito kung hindi niyo ko binalik sa demonyong babaeng yun." Nakangiting wika ko kay lola. "Tingin niyo Lola gusto ko pang mabuhay sa kabila ng nangyari sakin. Magpasalamat kayo kay papa at buhay pa ko." Seryosong wika ko .
"Young Lady Miyeon!" Saway ni Zyron sakin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at hindi na nagsalita.
Tsk! Bwesit!
Kasama sila Lola Alaina, inihatid namin sila lola at si Zyron sa labas.
"Young lady Miyeon, magpakabait po kayo habang wala ako." Wika ni Zyron. "Wag po kayong gagawa ng kahit ano na ikakasakit ng ulo ni Young master Asher at nila Sir. Atticus." Dagdag niya.
"Hindi mo na kailangan sabihin sakin lahat ng yan Zyron, kaya ko na ang sarili ko. Ang intindihin mo si lola Julie hindi ako." Iritang wika ko rito. "Isang linggo ka lang doon Zyron naiintindihan mo? Hindi ka hihigit ng isang linggo doon." Seryosong wika ko pa.
"Naiintindihan ko po Young Lady Miyeon." Mabilis na tugon nito.
"Magiingat po kayo lola, wag niyo po papabayaan ang sarili niyo." Tapos nginitian ko si lola bago ito pumasok sa loob ng kotse. Pinagmasdan kong makalayo ang kotse nila lola dito sa mansion nila Kenjie.
"Miyeon, sobra kana. Kahit si lola Julie binabastos mo!" Galit na wika ni kuya Asher. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Kuya, sinabi ko lang ang totoo. Kung bastos ako wala ako dito. Hindi ko dapat sinunod ang sinabi niya at mga pinaguutos niya sakin." Nakangiting wika ko. "Isa pa kuya, hindi na ko yung batang masayahin, makulit na nakilala at iniwan mo noon. Kaya masanay kana." Dagdag ko pa bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mansion nila Kenjie.
Calixta Pov's
Bakit ganun ang sakit niya magsalita kapag kausap niya si Tito Asher? Feeling ko sinisisi niya si Tito Asher sa nangyari sakanya. Bakit ganun siya kung ano man ang nangyari sakanya hindi naman ginusto yun ni Tito Asher.
Pumasok na rin kami sa loob ng bahay. Pagpasok namin sa loob naabutan namin si Miyeon na nakatayo doon malapit sa hagdanan.
"Kuya saan pala ako matutulog?" Naging malumanay naman ang boses nito. "Saan ang kwarto ko?" Dagdag na tanong niya pa. Minsan napapaisip ako kung dalawa ang katangian ni Miyeon. Minsan kasi mabait siya, minsan may saltik.
"Miyeon gusto mo doon ka na lang sa kwarto ko, share tayo." Nakangiting alok ko sa kanya.
"Nakapatay ang ilaw o hindi?" Seryosong tanong nito.
"Nakapatay ang ilaw?" Mabilis kong tugon.
"Ayuko kasi matulog na nakapatay ang ilaw." Tapos bigla itong umiwas ng tingin. "Sabi ni Kenjie ihahatid niya raw ako sa kwarto ko. Saan ba kwarto ko dito?" Naiilang na tanong nito. Bigla ko naman naalala yung nangyari sa stock room. Naglakad ito papunta sa hagdanan at umupo doon. "Kuya, inaantok na ko." Wika pa nito.
Naglakad naman palapit si Kenjie sa pwesto niya.
"Tumayo kana dyan, ihahatid na kita sa kwarto mo." Tumayo naman agad ito.
"Bye, goodnight!" Nakangiting wika nito samin. Umakyat na sila sa taas ni Kenjie.
Teka, bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya?
"Bakit parang naging mabait si ate Miyeon?"
"Ngayon lang yan, bukas babalik na naman yan sa dating ugali niya." Wika ni Storm.
"Ang laki talaga ng pinagbago ng batang yan." Nabaling naman ang atensyon namin kay lola Alaina.
"Bakit po lola hindi po ba siya ganyan dati?" Tanong ni Kuya Zyair.
"Napaka masiyahin ng batang yan at sobrang kulit, bukod pa doon napakalambing rin niya." Nakangiting wika ni lola.
"Bakit kaya bigla na lang nagiba ang ugali ng batang yan?" Wika naman ni lolo Charlie.
Kahit sila lola nagulat rin sa pagbabago sa ugali ni Miyeon.
Kung ganun nga siya kabait dati, anong nangyari sakanya? Bakit bigla na lang siya nagbago at sumama ang ugali?
Bigla tuloy akong na-curious sa nangyari kay Miyeon. Kahit din siguro si Tito Asher palaisipan din siguro sa kanya ang nangyari sa kapatid niya.
"Boss!" Sabay na nabaling ang atensyon namin kila Tito Jiro na kararating lang. Tumango lang si Tito Azu dito.
"Sila Collins nga pala asan?" Seryosong tanong ni Tito Fitzgerald.
"Gusto na rin nilang magbagong buhay." Mabilis na tugon ni Tito Azu. Nalungkot naman ang mukha nila Tito Fitzgerald ng marinig iyon.
"Tsk! Hindi lang naman nilang nagawang magpaalam sakin." Wika naman ni Tito Asher.
"Pabawas na tayo ng pabawas." Malungkot na wika rin ni papa.
"Tao pa rin naman sila, kailangan din nilang sumaya at gawin ang mga gusto nilang gawin para sa sarili nila." Seryosong wika ni Lolo Charlie.
"Kahit naman umalis sila may iniwan naman silang magandang memories. Memories na andito lang satin at hindi mawawala kahit na wala na sila sa piling natin." Wika ni Tita Aouie.
Panes! May nasabi rin na maganda si Tita Aouie!
Tumawa naman ng malakas si Tito Asher na siyang ipinagtaka ni Tita Aouie.
"First time na may nasabing maganda si Ma'am Aouie." Nakangiting wika ni Tito Asher.
"Whaaa Azu, lagi bang panget ang mga sinasabi ko araw-araw?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Tita Aouie kay Tito Azu.
"Asher!" Nanlilisik ang mga mata ni Tito Azu ng tingnan niya si Tito Asher.
"Boss, tatahimik na ako promise!" Mabilis na tinaas ni Tito Asher ang dalawa niyang kamay ng tutukan siya ng baril ni Tito Azu. Pero hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi niya.
Hahahaha! Kahit kailan talaga itong si Tito Asher, ang hilig niya talagang asarin itong si Tita Aouie.
Miyeon Pov's
Inihatid ako ni Kenjie dito sa kwarto ko. Mabilis akong humiga doon sa kama ng makarating ako dito sa kwarto. Isinubsob ko ang mukha ko doon sa unan. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
"Magpalit ka muna ng damit, bago ka matulog." Rinig kong wika ni Kenjie. "Wait, Manghihiram ako ng damit kay Calixta." Rinig ko pang wika nito.
"Hindi na kailangan bukas na lang ako magpapalit." Inaantok na sambit ko hanggang sa tuluyang kinain na ako antok.
Zyair Pov's
"Oh, nahatid mo na ba siya sa kwarto niya? Nakapagpahinga na ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Aouie kay Kenjie ng makarating ito dito sa sala.
"Tulog na Ma, hindi niya na nga nagawang magpalit ng damit." Tugon ni Kenjie atsaka umupo.
"Hayaan muna mukhang pagod na pagod siya, kawawa naman." Naawang wika ni Tita Aouie.
"Sino nga pala ang Fiance mo Kenjie?" Seryosong tanong ni Tito Jiro.
"Kapatid ni Tito Asher." Tipid na sagot ni Kenjie.
"Nice!" Tapos nakipag-appear si Tito Jiro kay Tito Asher.
"Nalulungkot nga ako dahil hindi na kami pwede ni boss." Pinalupot ni Tito Asher yung kamay niya doon sa braso ni Tito Azu.
"Whaaa Mama." Mangiyak-ngiyak na lumapit si Tita Aouie kay Lola Aliana. "Mama, matagal na po nila akong pinagtataksilan." Sunod na wika ni Tita Aouie.
"ASHER ALVAREZ!" Sigaw ni Tito Azu. Mabilis na tumakbo si Tito Asher doon sa likuran ni Lolo Charlie. Sabay sabay naman kaming nagtawanan dahil sa ginawang pambibiro ni Tito Asher at sa naging reaksyon ni Tita Aouie doon.
Tawang-tawa naman si Tito Asher sa ginawa niya. Pumunta naman si Tito Azu kay Tita Aouie para suyuin ito. Nasuyo niya naman agad si Tita Aouie na ngayon ay nakayap kay Tito Azu ng mahigpit.
"Ma'am Aouie, pwede na po ba ako ulit umupo?" Nabaling ang atensyon namin kay Tito Asher na hanggang ngayon ay nasa likod ni Lolo Charlie.
"Kapag umupo ka sisiguraduhin kong hindi kana aabutin ng bukas." Bantang sambit ni Tito Azu.
Dahil sa bantang yun hindi na nagbalak na umupo si Tito Asher, nagtago na lang ito sa likod ni Lolo Charlie.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ok na ako dito
29/01/2025
0nice
29/01/2025
0next episode po pls
13/01/2025
0Tingnan Lahat