Homepage/My Bad Boy Prince And My Cold Hearted Princess/
Chapter 9
My Badboy Prince And My Coldhearted Princess 9
Miyeon Pov's
Kinapa-kapa ko yung cellphone ko sa gilid ng unan ng marinig ko itong tumunog. "Hello?" Inaantok ko pang sagot.
"Young Lady, nag-extend po ang meeting ko ng isang araw kaya po hindi ako makakauwi ngayon."
"Seriously Zyron? Tinawagan mo ko ng ganito kaaga para lang sabihin yan?" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Young Lady tinawagan ko kayo paragisingin at para hindi kayo malate. Wala po ako diyan kaya paniguradong walang gigising sainyo." Sagot nito bago ako pinatayan ng tawag.
Wow! First time niyang gawin sakin iyon. Hayst!
Padabog akong pumunta sa cr para maligo. Hindi ko sinasadyang mapatingin doon sa salamin ng makapasok ako sa cr.
Wow! Sobrang namumugto ng mata ko dahil sa kakaiyak. Iyak pa more!
Magdamag kasi akong umiyak. Hindi ko rin mapatahan ang sarili ko. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.
Bakit kasi kailangan ko pang maalala ang bagay na yun? Bakit kailangan ko pa ulit maramdaman ang takot na ito?
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako para magluto ng almusal ko. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Quinn na naghahanda ng almusal.
Nagulat ito ng makita ako pero mabilis rin iyon nawala.
"Gising kana pala umupo kana para makakain kana" Seryosong sambit nito. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan dito sa kusina, baka magkaroon pa ng sunog kapag ikaw pa ang magluluto. Sayang naman itong bahay ang liit-liit na nga masusunog pa ." Dadag pa nito bago umupo sa harap ng lamesa.
Tsk! inaamin ko na kahit medyo masama ang pakikitungo ko sa kanya minsan, hindi ko parin inaasahan na gagawin niya yan.
Sampong taon ko na silang kasama, maliit pa noon si Quinn at kahit na kailan hindi ko siya pinakitaan ng maganda at dahil doon kaya medyo malayo ang loob niya sakin. Sampong taon na rin nilang pinagtitiisan ang ugali ko. Sa sampong taon na iyon wala pa siguro akong nagagawang mabuti sa kanila.
Pumunta na ako doon sa harap ng lamesa para umupo at kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng may biglang lumabas na lalaki sa kwarto ni Quinn.
Nakahubad ito ng pang itaas na damit, habang nakatakip naman ng tualya ang baba nito. At sobrang familiar ng mukha ng lalaki.
Gulat na gulat ito ng makita ako.
"Kendric Octavous, anong ginagawa mo sa kwarto ni Quinn?" Takang tanong ko. "Kaya pala may naririnig akong ungol kagabi." Pabirong sambit ko pa.
Mabilis na tumayo si Quinn at pumunta sa tabi ko at lumuhod na siyang ikinagulat ko.
"Anong ginagawa mo Quinn, bakit ka naka-luhod?" Takang tanong ko. "Nagbibiro lang naman ako." Dagdag ko pa.
"Nakikiusap ako wag mong sasabihin kay kuya." Pagmamakaawa nito. "I swear to god na wala talagang nangyari samin." Dagdag nito.
"Edi mas maganda kung walang nangyari, nagbibiro lang naman ako eh. Bakit ka kinakabahan?" Nakangiting aniya ko at tumayo na ako para kuhain na ang gamit ko. " Kita na lang tayo sa school Kendric Octavous." Nakangiting sambit ko dito na hanggang ngayon ay nakatulala parin.
Tsk! Kahit na kapatid pa siya ni Zyron wala naman akong pakealam sa buhay niya.
Malapit na ako sa Atticus Academy ng makita ko si Storm na nakatayo doon sa harap ng gate. Seryoso itong tumingin sakin ng makita ako.
Problema nito?
Naglakad ito papunta sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Gusto ko lang malaman mo na ayuko talaga sayo, kahit na gusto ka pa ni Kenjie. Noong una akala ko okay yang ugali mo pero katagalan naiinis na ako sayo, wag ka sa nang mapanatag na buto kami sayo. Dahil nagkakamali ka." Seryosong aniya nito sakin. "Na-love at first sight daw siya sayo. Isang kalokohan." Dagdag pa nito bago tumalikod sakin at naglakad
"Pumasok ka ng maaga para lang sabihin yan?" Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko. " Sana lang tinanong mo muna kung may pake ako bago mo sabihin sakin yan! Hindi ko naman kasi hinihingi yang opinyon mo, kahit ano pa ang sabihin mo ito na talaga ang ugali ko at hindi na magbabago yun." Seryosong sambit ko sa kanya at naglakad na ako palayo.
Tsk! Akala niya matatalikuran niya ako ng ganun-ganun lang. Sorry siya yun kasi ang pinaka-ayaw ko. Dapat ako ang unang tatalikod at alis hindi siya.
Zyair Pov's
"Kahit ano pa ang sabihin mo wala siyang pakealam sa iniisip ng ibang tao."
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at laking gulat ni Storm ng makita ako.
"Ang mahalaga sa kanya kilala niya ang sarili niya."
"Tsk!"
Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.
"Ayaw mo sa kanya kasi nasasapawan niya ang pagiging lalaki mo, tama ba ako?"
"A-anong pinagsasabi mo?"
"Wag ka ng magmaang-maangan pa, dahil dumaan rin ako sa pakiramdam na yan." Nakangiting sambit ko dito. Umiwas naman ito ng tingin . "Ganyan talaga si Miyeon, kahit babaeng-babae siya ibang-iba naman siya kung paano makisama sa ibang tao. Talo niya pa tayong mga lalaking tumingin, bukod dun ang cold-cold niya din at yun ang isang katangian na gusto ng mga babae satin na nakikita naman natin kay Miyeon."
Napatawa na lang ako sa naging reaksyon nito.
"Pero kung sa tingin mo panget talaga ang ugali niya nagkakamali ka. May mabuti rin naman siyang kalooban."
Napabuntong hininga naman ito at hindi na nagsalita pa.
Sabay na kaming pumunta sa room. Pagdating namin sa room andun na rin si Calixta na nakikipag-usap kay Miyeon na hindi lang naman magawang magsalita.
Pagkatapos ng nangyari kahapon hindi na namin nakita si Miyeon. Kaya pinuntahan namin ito sa bahay nila pero hindi din ito pinakiusap samin ni Quinn. Halos magwala na si Kenjie doon sa tapat ng bahay ni Miyeon para lang makita at makausap niya si Miyeon. Pero sinaraduhan lang kami ng pinto ni Quinn.
Mabilis na nabaling ang atensyon namin doon sa pinto ng pumasok si Kenjie. Dali-dali itong pumunta sa pwesto ni Miyeon para yakapin ito, pero mabilis siyang tinulak ni Miyeon palayo.
"Lumayo-layo ka nga nakaka-irita ka ang aga-aga!" Inis na sambit ni Miyeon dito.
Mabilis siyang hinawakan ni Kenjie sa braso.
"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo kahapon?"
"Wag ka ngang magover-acting diyan Kenjie alam kong alam mo na nilayo ako doon kahapon ni Quinn at saka isa pa wala namang nagsabing mag-alala ka." Seryosong sambit ni Miyeon at binawi niya ang braso niya kay Kenjie.
"Teka nga umiyak kaba? Bakit namamaga yang mata mo?" Maypag-aalalang tanong ni Kenjie. Mabilis na umiwas ng tingin si Miyeon.
"Wala kang pakealam kung umiyak ako o masaktan man ako. Hindi naman kasi kita boyfriend kaya wala kang karapatang mag-alala." Seryosong sambit ni Miyeon at umupo ito pagkatapos. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kenjie dahil sa sinabi ni Miyeon.
"Good morning ate Miyeon!"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Kendric at ngiting-ngiti itong pumunta rin sa pwesto ni Miyeon.
Ate Miyeon?
Napatingin kami sa isa't isa ni Storm bago namin ibinalik ang tingin namin kila Miyeon.
"Anong ate? Nababaliw kana rin Kendric? Kailan mo pa naging kapatid si Miyeon?" Aniya ni Calixta.
"Bakit hindi ba pwede yun?" Seryosong sambit naman ni Kenjie.
"Hoyy Kendric manahimik ka nga! Baka mamaya nan mas matanda ka pa pala kaysa kay Miyeon." Aniya naman ni Elio.
"Hoyy, Kendric manahimik ka diyan. Wala akong nakababatang kapatid. Tigil-tigilan mo ang pagtawag sakin ng ate!" Seryosong aniya ni Miyeon. "Pwede ba kayong dalawa." Aniya ulit ni Miyeon at tinuro niya sila Kenjie at Kendric. "Lumayo-layo nga kayo sa tabi ko. Wala akong panahon sainyo at wala akong balak magbigay ng kunting panahon para kausapin kayo." Seryosong sambit niya pa. "Elio hatakin mo na nga yang mga kaibigan mo palayo sa harapan ko. Ang aga-aga napapaligiran agad ako ng mga demonyo." Dagdag pa nito.
Sinunod naman ni Elio ang sinabi ni Miyeon hinatak niya paalis sila Kenjie at Kendric palayo kay Miyeon.
"Tsk! Ang aga-aga ang init agad ng ulo." Aniya ni Kenjie."Pasalamat talaga siya at nakakapagtimpi pa ako." Dagdag pa nito.
Miyeon Pov's
Mabilis akong tumayo ng marinig kong tumunog ang bell. Pumunta agad ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pagdating ko sa cafeteria pumunta agad ako sa counter para pumili ng kakainin ko.
"Sandwich, carbonara, pizza and isang vanila ice cream, please." Nakangiting sambit ko. "Vegetable salad din pala." Pahabol na sambit ko pa.
Nakangiting inabot ni ate na nasa counter ang order ko.
"Thank-"
"Ito bayad niya."
Mabilis akong napatingin kay Kenjie na nasa tabi ko na ngayon.
"Thank you po ulit, ito po ang bayad ko." Nakangiting sambit ko ulit kay ate girl. Tapos inabot ko yung bayad ko.
Hindi naman alam ni ate girl kung kaninong bayad ang kukunin niya.
"Ate girl common sense ako po ang bumili, kaya po kunin niyo itong bayad ko." Iritable kong sambit.
"Kunin mo itong bayad ko dahil kung hindi you FIRED!"
Pagkasabing pagkasabi nun ni Kenjie natatarantang kinuha ni ate girl yung pera mula kay Kenjie.
Tiningnan ko ng masama si Kenjie at nginitian niya lang ako.
Tsk!
Grrr.....
Padabog kong nilapag ulit sa counter ang mga pagkaing inorder ko. Aaalis na sana ako ng hawakan ako sa braso ni Kenjie.
"Keep the change." aniya niya
Tapos kinuha niya yung inorder kong pagkain at hinatak ako doon papunta sa pwesto nila.
"Simula ngayon dito kana samin sasabay."
"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo naman susunod ako?" Inalis ko yung kamay niya sa braso ko.
"No choice ka, wala na yung favorite spot mo."
Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria at wala na nga yung paborito kong upuan at lamesa dito sa cafeteria.
Grrr........
"Edi hindi na lang ako kakain kung ikaw lang din naman ang makakasabay ko." Seryosong sambit ko dito.
Hindi agad ako nakapalag ng hatakin niya ako at paupuin doon sa pwesto nila at pagkatapos umupo na ito sa tabi ko.
"Wow, sa wakas makakasabay na natin kumain si Ate Miyeon."
Grrr... Tuwang-tuwa ka pa talaga!
Teka nga saan sila kumuha ng pagkain? Hindi ko naman sila nakitang bumili sa counter? At saka yung mga pagkain nila wala sa counter?
Ang mamahal ng mga pagkain nila dahil puro ito karne at iba-iba ang pagkakaluto sa mga ito. Merong beef steak, meron ding grilled staek at lasagna.
"Ang mga pagkain na yan ay para lang talaga samin, medyo may pagkaarte kasi itong si Kenjie kaya hiwalay ang pagkaluto ng pagkain namin."
Napatingin ako kay Zyair na nakangiti sakin.
Tsk! Halata ba sa mukha ko ang pagtataka?
Hayy naku, sobra pala pagkaarte ng demonyong ito.
"Ah!" Inda ko ng mahigpit akong hinawakan ni Kenjie sa braso.
"Hoyy babae alam ko yang iniisip mo. Kahit demonyo ako sa paningin mo. Hindi naman ako maarte gaya ng iniisp mo."
"Wow, atleast advanced ka mag-isip at na depensahan mo agad ang sarili mo." Nakangiting sambit ko. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Ah! Diba nanliligaw ka? Bakit ang harass mo sakin?"
Binitawan niya ako pagkasabi ko nun.
"Ahem! Hoyy kayong dalawang lovable hindi lang kayo ang tao dito." Elio.
Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa kanila.
"Ayiee ang ibig bang sabihin pumapayag ka ng ligawan ka ni Kenjie?" Calixta.
"N-no way!"
Sabay sabay naman silang nagtawanan pagkasagot ko.
Tsk! Ano bang nakakatawa?
Kinuha ko yung ice cream na binili ko sa counter ay hindi yung binili pala ni Kenjie at kinain natutunaw na kasi siya.
Parang kaming dalawa ni Kenjie natutunaw na kasi kaming dalawa dahil sa mga tingin nila.
Pagkatapos naming kumain tumayo na kami para makaalis na at makabalik na sa room.
Palabas na kami ng cafeteria ng may biglang bumanga sakin. Dahil sa sobrang lakas ng pagkabangga niya sakin. Napaupo ako ganundin yung lalaki.
Naramdaman kong basa ang damit ko sa harap. Natapunan pala ako ng juice na dala-dala nung lalaking nakabangga sakin.
Tinulungan akong makatayo nila Calixta at Zyair. Mabilis na tumayo yung lalaking bumangga sakin.
"Sor-"
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa ni Kenjie doon sa lalaki.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ok na ako dito
29/01/2025
0nice
29/01/2025
0next episode po pls
13/01/2025
0Tingnan Lahat