Chapter 8

Maureen's POV
Sabado na ngayon at siyempre walang klase. Ito talaga ang hinihintay ko eh. Matutulog lang ako buong araw at chill lang. Di ko muna iisipin yung mga schoolworks ko putek. Nakakasira kaya ng mood.
Pero hindi pala ngayon. Hindi matutuloy ang lahat ng plano ko dahil pupunta dito yung ibang kaklase namin dito sa bahay para turuan sina ate at Travis para sa Mr. And Ms. foundation day.
Kasalukuyan akong naka-higa dito sa kama ko sa kwarto. Hindi pa kasi dumadating yung mga kaklase namin.
Ang sabi mga nine ay andito na sila, eh ano na bang oras? It’s already ten-thirty! Filipino time nga naman.
"Ma'am andyan na po yung mga kaklase niyo."
Napabalikwas ako ng higa dahil sa sinabi ni ate Ming, isa sa mga katulong namin dito sa bahay. Tumungo ako sa bintana at dinungaw ko ang mga tao sa labas. Isa isang lumalabas yung mga kaklase namin at hindi ko inaasahan na kasama pala si Tyler sa kanila. Bakit kailangang nandito siya?!
"Kayo po muna magpatuloy sa kanila ate!" Sigaw ko habang naghahanap ng maisuot.
Ano bang susuotin ko? Pants? Eh ang init init kung magpa-pants ako. Napahinto ako bigla ng may naalala ako.
Bakit ko nga ba pinoproblema kung ano ang susuotin ko? Sinabunutan ko ang sarili ko saka padabog na umupo sa kama ko. Mga kaklase ko lang naman ang nasa baba ah! Wag kang masyadong mataranta Maureen Margaux.
Kumuha na lang ako ng shorts at t-shirt bago pumunta sa banyo para magbihis. Nang matapos na ako, lumabas na ako sa banyo at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Malinis kong tinali ang buhok ko at tinignan ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas na sa kwarto ko.
***
Hindi pa man ako nakaka-baba dito sa hagdanan ay rinig na rinig ko na ang ingay nila doon sa baba.
"Wooh chicks." Napalingon ako bigla ng may magsalita galing sa sala.
Paglingon ko nakita ko sina Brylle, Renzo, Claire, Ellaine, Marga, at siyempre mawawala pa ba ang mag-best friend na si Travis at Tyler. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang kitang kita ko naman ang pag-smirk sa akin ni Tyler. Ano na naman problema niya?! Dukutin ko kaya yang mata niya.
Nasa baba na ako ng bigla akong salubungin ng yakap ni Claire.
"Bakit nangyayakap ka bigla?" Kuryuso kong tanong sa kanya nang bumitaw na siya sa akin.
"Wala lang. Na-miss kita eh." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Grabe miss niya agad ako, eh nagkita pa nga kami kahapon.
"Sweet niyo naman, para kayong mag-jowa." Sabi ni Marga habang nakangiti sa aming dalawa ni Claire.
Ngumiti naman si claire saka luminga linga sa paligid. Ano namang hinahanap nito?
"Uhh asan si ate Aris hehe?"
Yan tayo ehh. Kanina sabi niya miss niya ako eh parang si ate lang ata ang habol niya.
"I dunno."
Kumunot naman ang noo nila pero mas kumunot yung noo ni Travis. Psh nagmumukha silang angry birds.
"Bakit nakakunot ang noo niyo? Hindi ko naman talaga alam kung nasaan si—" naputol ang sasabihin ko ng biglang kumulabog ang front door ng bahay.
Speaking of. Nandito na si ate dala ang helmet niya. Saan kaya siya galing? Biglang lumapit si manang fe kay ate at inagaw nito ang helmet na bitbit ni ate.
"Naku! Anong nangyari sayo'ng bata ka at saan ka na naman nag-susuot?" Nag-aalalang tanong ni manang fe kang ate, nilingon lang siya ni ate at bored itong tiningnan sabay sabi ng,
"Diyan lang po. May dinaanan lang. Magbibihis lang po ako sa taas para makapag-practice na kami."
Nagsimula na siyang umakyat sa taas kaya't nilingon ko naman si manang at nginitian pero hindi umubra, nag-alala pa rin ang mukha niya.
"Ok lang po yun, manang." Sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat. Nginitian niya naman ako pero kulang iyon para masigurado kong maayos lang siya.
"Sana nga. Naku pag nakita ko talaga yang ex ng ate mo!"
Tumikhim ako dahil sa sinabi ni manang while nabulunan naman si Tyler sa iniinom niyang juice. Ano kayang gagawin ni manang pag malaman nandito yung ex ni ate.
"Oh okay ka lang ba, hijo?" Tanong ni manang kay Tyler. Tumango naman siya at nagpaalam na si manang na pumunta sa kusina para tumulong dun.
"So guys. practice na kayo. Tara sa garden." Pag-suhestiyon ko sa kanila. Tumango naman sila at nagsimula na kaming maglakad papunta sa garden.
***
Pagkadating namin dito sa garden nagsimula ng mag-assign si marga para sa mga gagawin namin.
"So start tayo, Ellaine at Brylle kayo ang magsasama sa pagtuturo kay Aris at Travis. While kami na natitira ay mag-plaplano para sa ating booth. Walang aangal?"
Tumango na kaming lahat kaya nag kanya kanya na kami. Sina Ate doon sila malapit sa swimming pool at kami naman ay naiwan dito.
"Ok so dahil last year na natin sa university, kailangan maganda at memorable ang booth natin ngayon." Pagkasabi ni Marga nun ay kumuha na si claire ng papel para siya ang mag-susulat ng mga suggestion.
"Oh dali suggest na kayo." Excited namang nagpa-taas ng kamay si Claire.
"Uhm kung pwede.." Naiilang niyang tanong. Alam ko na kung ano ang isusuggest niya.
"Sige na wag kana mag-pakipot, alam na namin kung ano ang gusto mong booth." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Well, gusto ko lang naman ng FOOD BOOTH!" sabi niya habang sumasayaw na parang nanalo siya sa lotto.
Literal na napatampal kami sa aming mga noo, well except ni Tyler.
"Hay naku claire, yan na naman ang sinusuggest mong booth." Naiiling na sabi ni Marga
"Alam mo naman na yan lang talaga ang gusto niyang booth simula junior high pa tayo." Sabi ko kay Marga
Sumimangot naman si claire na parang batang inagawan ng candy.
"Yaan niyo na, baka naman gusto niya talaga ang booth na yun." Sabi naman ni Renzo
Bumuntong hininga naman si Marga saka tinignan si Claire na ngayon ay nagpu-puppy eyes.
"Sige mamaya pag-usapan natin yan Claire. Second suggestion, ikaw Tyler? May gusto ka bang i-suggest?"
Tumingin naman kaming lahat kay Tyler. May alam ba'to sa mga booth?
"Shooting booth." Maikli niyang sagot sa amin
Biglang pumalakpak si Renzo na parang tanga, anong trip nito? Ano naman ang isho-shoot nila? At saan isho-shoot?
"Ikaw maureen, anong gusto mong booth?"
Napahinto ako saka nag-isip. Hmm ano nga ba?
"Gusto ko ng booth na may maraming libro." Sabi ko
"Kung maraming libro pala ang hanap mo, edi sa library ka na lang."
Sinamaan ko ng tingin si Tyler ng dahil sa bigla bigla niyang pag-salita. Nung siya ba ang tinanong, may sinabi ba ako? Diba wala?!
"Bakit anong problema mo sa libro?! Mas ok na nga yun keysa sa shooting booth mo! Eh ano naman ang isho-shoot niyo? Yang- yang— yang ano niyo?!"
Huli na ng nalaman ko kung ano ang sinabi ko. My ghad! Kadiri ang sinabi ko! They were all looking at me na parang may sinabi ako na di nila inaasahan. Kahit ako, di ko inasahan na masasabi ko yun.
"Bes, ngayon ko lang nalaman na ang dumi pala ng utak mo." Sabi ni Claire habang nagpipigil ng tawa. Hindi lang pala siya ang nagpipigil ng tawa, pati pala sina marga at renzo.
"Ehem okay change topic. Ang gusto ko namang booth ay. Merchandise ng Anime!" suhestiyon naman ni Marga
Iba na talaga ang pagiging anime addict niya. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Nakita ata ni Marga ang pag iling ko at tinignan niya ako.
"What? Maganda naman ang anime ahh." Sabi niya
Ano na kaya ang kalalabasan ng booth namin ngayon kung pare-pareho kaming nauubusan ng suggestions.
_______________________

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    LawrenceFabregas

    It's nice

    14/02/2025

      0
  • avatar
    PialagoCamille

    Thankyou

    13/11/2024

      0
  • avatar
    LoquinarioDomelen

    ml games

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata