Chapter 18

Maureen's POV
I walked towards my sister’s car when I noticed something strange. Nasa labas lang siya ng sasakyan niya at nakatingin lang ito kawalan. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Lunes na lunes pero parang biyernes santo na. Tumikhim ako para makuha ko ang atensiyon niya.
"Ate, tara alis na tayo." sabi ko sa kanya
Tumango naman siya at pumasok na ito sa sasakyan niya kaya sumunod na rin ako. I took a glimpse at her at mararamdaman mo talaga ang na may kakaiba. Sana kung ano man ito, hindi sana yun makaka-sira ng araw niya.
***
Sabay kaming lumabas ni ate sa sasakyan niya at naglakad kami papuntang classroom. Habang naglalakad kami ay ayan na naman ang mga matang nakatingin kay ate. Kung makatitig naman 'tong mga 'to parang nakakita na sila ng artista. Sabagay hindi ko sila masisi kasi maganda naman talaga si ate.
My insecurities are trying to kick in. Iba talaga ang nakukuha ko kapag magkatabi kami ni ate. Insecurities. Ang dami ng pinagkaiba namin. She's almost perfect, yung ugali na nga lang ang kulang.
Pagkadating namin ni ate sa room ay dumeretso na siya sa upuan niya at natulog sa armchair niya. Tinignan ko ang upuan kung saan nakaupo si Claire at nakita kong wala siya dun. Nasan na naman pumunta ang babaeng yun?
Nilagay ko na lang ang ulo ko sa mesa ko at napagpasiyahan kong matutulog muna ako. Ang boring naman. Wala akong nakakausap dito sa room.
I was about to doze off when I felt something poking my cheek. Dinilat ko ang isa kong mata at tinignan ko kung sino ito ngunit inis kong pinikit ulit ang mata ko ng makita ko kung sino ito. Ano na naman ang kailangan nito?! Nakakainis talaga ang pagmumukha niya.
"Wag ka ngang matulog! Malapit na magsimula ang klase oh!" Pabulong na sigaw niya sa tenga ko
Inis akong bumangon sa desk ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba?! Ano bang pake mo kung matutulog ako?!" Inis kong tanong sa kanya
Bigla naman itong ngumuso sa akin ng dahil sa sinabi ko. Feel niya ba cute na siya sa lagay na yan? Jusme kadiri!
"Bakit? Bawal bang magpaalala sa kaibigan mo na malapit na magsimula ang klase?" Tanong niya
Tumaas naman ang isang kilay ko at pinitik ko ang noo niya.
"Aba't? Hoy! Sinong nagsabing kaibigan tayo?!"
Napahawak siya sa noo niya habang hinimas-himas ito. Ang kapal rin ng pagmumukha ng isang 'to.
"Wow, tinulungan nga kita dun sa village niyo tapos sasabihin mo sa aking hindi tayo magkaibigan? Wala ka ring utang na loob 'no?" Tanong niya
Kumunot naman ang kilay ko sa sinabi niya. Okay, what was that? Anong masamang espirito ang sumanib sa lalaking ito at parang naging mabait sa akin?
"Aba't ik—"
"Everybody, please settle down." naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si sir.
Inismiran ko na lang si Tyler at umayos ng upo. Napansin ko namang ngumiti siya mula sa peripheral vision ko. Anong nginiti ngiti niya diyan? Minsan di ko talaga naiintindihan ang galaw ng bituka ng lalaking ito.
***
"Class dismissed." Sabi ni sir at umalis na ito ng room
Tumayo naman ako at nag-inat inat ng buto habang nakapikit. Nakakapagod! Ang sakit ng likod ko dun ah! Ininat ko naman ang leeg ko bago binuksan ang mga mata ko. Agad kong sinamaan ng tingin si Tyler na siyang naka-tingin sa akin.
"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Inis kong tanong sa kanya
Ngumisi lang ito sa akin at kinuha niya na ang bag niya bago siya nagsalita.
"What? I'm just enjoying the view." Sabi niya at umalis na siya ng room
Napanganga na lang ako habang nakatingin pa din sa pintong nilabasan niya. Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Dahil ba sa sinabi niya?
"What? I'm just enjoying the view."
I shaked my head to clear those thoughts. Bakit ganito?! Tinapik-tapik ko ang dibdib ko at huminga ng paulit ulit. Kinakabahan tuloy ako, what if magka heart attack ako dito?
"Okay ka lang? Gusto mo sa clinic muna tayo?" biglang sulpot ni Claire
Binaba ko naman ang kamay ko at umiling sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at tinapik-tapik ang balikat ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin?
"Sure ka ha? Baka may masakit talaga sayo at hindi mo lang sinasabi. Ngayon pa lang sabihin mo na dahil baka matumba ka na lang bigla. Naku! Sa liit kong ‘to, hindi kita kayang kargahin." nag-alalang sabi niya. Tumango na lang ako at nginitian siya habang naglalakad kami palabas ng room.
"Wag kang mag-alala. Promise, maayos lang ako." sabi ko sa kanya. Mukhang kumbinsido na siya kaya’t nakahinga na siya ng maluwag.
Pumasok na kaming dalawa sa loob ng cafeteria at dahil medyo late kaming dumating, pansin na ang pagdami ng mga tao.
"Andami namang tao dito." sabi ni Claire habang inilibot niya ang paningin niya sa cafeteria
Inilibot ko rin ang mga mata ko sa mga tao sa loob nang huminto ito sa lamesa nina Tyler. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at napahawak na naman ako sa tapat ng puso ko. Bakit ang bumubilis na naman ng tibok ng puso ko?
"Oyy Maureen anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Teka hoy ba't ka namumutla? Ano? Dalhin na ba kita sa clinic?! Ano na?!" Natatarantang sabi niya
Nginitian ko lang siya at hinila papunta sa counter para pumila na kami.
"Set A po ate." sabi ko sa cashier
"Ate ganun rin yung akin." sabi ni Claire
Kinuha niya muna ang bayad namin saka niya inilapag sa lamesa ang order namin. Kukunin ko na sana ang pagkain ko ng may nakauna nang kumuha nun.
Nilingon ko naman kung sino ito at laking pagkakamali pala yun dahil nararamdaman ko na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.
"W-woy akin na yan!" Sigaw ko kay Tyler
Ngunit nakalayo na ito sa akin at inilagay niya ang pagkain ko sa lamesa nila. Ano na naman na trip niya?! Inirapan ko nal ang siya at binaling ko ang atensiyon ko kay Claire. Kinuha niya na ang pagkain niya at nagsisimula na kaming naglalakad na kami
"Oh? Nasan yung sayo?" Tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga na lamang ako at tinuro ang pagkain ko na nasa lamesa nina Tyler.
"Nandun. Kukunin ko lang saka hahanap tayo ng mesa na para sa atin." Sagot ko sa kanya
Tumango naman siya at pumunta na kami sa table nila Tyler. Akmang kukunin ko na sana ang pagkain ko ng tinabig ni Tyler ang kamay ko.
"Hoy akin na nga yan! Akin yan! Kung gust—" Naputol ang sasabihin ko ng hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya.
"Ano ba--" Naputol na naman ang sasabihin ko ng nilagyan niya ng pagkain ang bibig ko.
"Pwede ba, wag kang sumigaw. Kumain ka na lang diyan.” Lumingon naman ito kay Claire na nakatayo pa rin habang nakamaang ang bibig niyang nakatingin sa amin dalawa ni Tyler. “Claire, umupo ka na diyan sa kabilang upuan at kumain ka na rin." seryosong sabi niya
Umupo naman si Claire at kumain na din siya. Tiningnan ko naman si Tyler pero normal lang siyang kumakain.
Bakit mo ba ginagawa 'to? Wag ka namang paasa oh. Baka kasi na lang akong mahulog, at hindi mo naman pala ako sasaluhin.
___________________________

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    LawrenceFabregas

    It's nice

    14/02/2025

      0
  • avatar
    PialagoCamille

    Thankyou

    13/11/2024

      0
  • avatar
    LoquinarioDomelen

    ml games

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo