Chapter 14

Travis' POV
“Saan kaya yun pupunta?” Mahinang bulong ni Maureen habang nakatingin kay Claire na paalis na.
I tapped her shoulder at nagpaalam na akong umalis na rin. Pero ang totoo, susundan ko lang si Aris. I have this gut feeling that what Claire said was true, na nagseselos talaga si Aris.
Ewan ko pero, kinikilig ako. Nababakla na yata ako. Masama bang umasa? Hindi naman diba? Malay natin, nagseselos nga siya. Pero kung hindi? Tama na nga siguro si Tyler, nababaliw na yata ako.
Naglalakad na ako papuntang parking lot, nagbabaka-sakaling nandun siya. At hindi nga ako nagkakamali, nandito nga siya.
"Aris!!!" sigaw ko sa kanya
Napahinto naman siya at tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinignan siya. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Yung dating masayahin, napalitan ng isang babaeng laging nakasimangot. Yung babaeng madaldal, naging sobrang tahimik. At yung babaeng minahal ko noon, kinalimutan na ako ngayon.
"Titignan mo lang ba ako?" tanong niya
Napatigil ako sa pag-iisip at tumikhim. Pano ko ba sisimulan 'to? Parang ang awkward naman ata pag itatanong ko agad sa kanya kung nagseselos nga ba siya. Ngayon lang ulit ako kinakabahan ng ganito.
"Ano bang kailangan mo? Alam mo parang hindi naman yan importante. Kung pwede—"
"Aris.. Please kahit ngayon lang, hayaan mo akong kausapin ka." pagputol ko sa sasabihin niya.
"Tsk, go on.." cold niyang pagkasabi
Ngumiti ako sa kanya. Atleast diba, binigyan niya ako ng chance na kausapin siya.
"May gusto sana akong tanungin sayo."
Tumingin lang siya sa akin na may blankong ekspresiyon. The Aris I've known is no longer here. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy magsalita.
"Nagseselos ka ba?" tanong ko sa kanya
Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko. Wala na akong ibang maisip eh! Pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa, pero iba yung tawa niya eh. Parang ang sarcastic ng tawa niya.
"Psh san naman ako magseselos?" tanong niya
"Sa amin ni Maureen." sagot ko
Natahimik naman siya at bumalik sa dating aura niya. Sana pala hindi na ako nag abalang kausapin siya. Baka mas malabong kausapin pa ako nito.
"Alam mo, stop assuming things. Bakit naman ako magseselos? I've already moved on Travis." sabi niya
"Bakit Aris? Bawal bang umasa na may pag asa pa tayo? Masama bang umasa na pwede pa natin ibalik yung dati?" tanong sa kanya
Ayaw kong magalit sa kanya, pero masakit eh. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako para hayaan na nangyari ang mga nangyari noon. Tumingin siya sa akin na may luhang tumutulo sa mga mata niya, pero bakas pa din dito ang galit at sakit na nararamdaman niya.
"Alam mo, wala ka nang balikan pa. Dahil simula't sapul pa lamang hindi ako ang pinili mo. Hindi ba? Tsk tapos ngayon babalik ka ng parang walang nangyari! The heck Travis! Could you just move on and find somebody else!" sigaw niya sa akin. Galit na galit siya habang umiiyak.
"Anong ibig mong sabihin? Kalimutan na lang ang lahat? Hindi yun ganun kadali Aris! Mahal kita Aris! Ano bang hindi mo maiintindihan dun? Bakit ba palagi mo nalang akong pinapalayo? Ganyan na ba katigas ang puso mo?" tanong ko sa kanya
Tanga na kung tanga. Pero mahal ko eh, Wala kayong magagawa dun. Mas lalo yata siyang nagalit sa sinabi ko. Pagalit niyang tinulak ang balikat ko.
"The hell I care kung mahal mo ako! Bakit ba Travis? Nung panahong iniwan mo ako, nakonsensya ka ba? Diba hindi?! Kasi nga tinapon mo ako na parang isang basura diba? Tsk ang tanga ko pa nga nun eh, naghahabol ako sa isang tao na iniwan na ako. Pinagpalit mo ako, Travis. Pero kahit ganun ang ginawa mo, nagmakaawa pa akong balikan mo ako. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo pa rin ako, tinalikuran mo ako. Ngayon Travis, sino ang mas matigas ang puso sa ating dalawa ha?!" sigaw niya
Natahimik ako sa sinabi niya. Parang nawala ang lahat ng sasabihin ko sana. Na guguilty ako. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko noon, hindi ko yun sinasadya. Wala akong ibang choice! Alam kong mas lalo kaming masasaktan pag pinatuloy namin yung relasyon namin noon.
"Tapos ngayon matatahimik ka. Lupet mo rin 'no. Tsk pano kasi totoo yung mga sinasabi ko. Ano?! Magsalit—"
Hinatak ko siya palapit sa akin at tinignan ko siya sa mga mata niya. Puno yun ng kasuklaman at sakit. Natahimik naman siya at umiwas ng tingin. Nilagay ko yung ibang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga, iiwas sana siya pero hinawakan ko ang pisngi niya.
Dahan dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa nararamdaman kong dumampi yung labi ko sa kanya. Unti unting gumagalaw yung labi ko. At parang ganun rin siya.
Teka, tumugon siya?! Lumagpas ang mga minuto ng nakalapat pa rin ang mga labi namin sa isa't isa hanggang sa tinulak niya ako at sinampal.
Hinawakan niya ang labi niya tsaka niya ako binigyan ng isang masamang tingin
"Arrgghh!! Wala ka talagang konsenysa! Magnanakaw ng halik! Bahala ka nga dyan!" sigaw niya at umalis na siya bago sumakay sa sasakyan niya. Mabilis niya itong pinatakbo at umuwi na siya.
Napangiti na lang ako ng maalala ko yung nangyari kanina. Hinalikan ko siya at tumugon naman siya. Ibig bang sabihin nun, may pag asa pa ba? Sana nga.
___________________

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    LawrenceFabregas

    It's nice

    14/02/2025

      0
  • avatar
    PialagoCamille

    Thankyou

    13/11/2024

      0
  • avatar
    LoquinarioDomelen

    ml games

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata