Chapter 10

Maureen's POV
2nd day ng foundation day ngayon at hindi pa din ako nakaka-get over sa away nina ate at Travis. Grabe! Ang intense ng away nila! Halos lahat siguro kami ng mga kaklase ko ay hindi alam kung ano ang pinag-aawayan nila.
-Flashback-
"Whatever you say Margaux, whatever you say."
Sasagutin ko pa sana si Tyler ng biglang sumigaw ang isa sa aming kaklase.
"Uyy dali! Nag-aaway sina Aris at Travis dun sa backstage!"
Nagkatinginan kami ni Tyler at dali dali kaming tumakbo papuntang backstage. Kakapanalo lang nila pero may away na agad na nangyayari?
"WHY CAN'T YOU JUST MOVE ON?! THE PAST IS IN THE PAST, TRAVIS!" sigaw ni ate kay Travis.
"WHY? WHY ARE YOU ASKING ME TO MOVE ON?! ALAM MO ANG SAGOT KUNG BAKIT HINDI AKO MAG MO-MOVE ON!" sigaw din ni Travis na nagsimula ng magsitulo ang mga luha niya.
Ano ba kasi ang pinag-aawayan nila? Ang tindi naman dahilan ng pag-aaway nila at hahantong pa sa iyakan at englishan.
"What is happening here?" sabi ng adviser namin na bago pa lang nakakapasok.
Nauna nang lumabas si ate Aris kaya agad ko itong sinundan. Ano ba talaga ang pinag-aawayan nila?
-End of flashback-
Nandito na ako sa booth namin, naghihintay kay Marga para ibigay sa amin ang schedule ng shifting sa pagbabantay dito sa booth.
Speaking of, nandito na sila Marga. Kasama nga lang ang lalaking pinanggigilan ko sa lahat ng tao sa buong mundo.
"Ok guys, alam niyo naman siguro ang booth natin diba?" sabi ni marga habang tinuro ang booth na nasa likod niya.
Tumango kaming lahat sa kanya. Obvious na obvious na oh, malamang shooting booth! Pinagbigyan kasi si Tyler na yun ang gawing booth namin. Sabi nila dapat daw memorable booth namin kasi last year na daw. Anong memorable dito? Edi siya na yung malakas!
"So dahil alam niyo na ang booth natin. Dapat alam niyo na din ang dapat gawin." sabi ni Marga sabay kuha ng lista ng mga magka-partner sa magbabantay dito sa booth namin.
"Ok first pair, Maureen at..Wait lang." pagbitin ni Marga. Haist grabe ha! Nabitin ako ehh!
"Ang kapartner mo ay si Tyler." sabi ni marga at nagpatuloy na sa pag-papartner sa amin.
WHAT!?! Bakit ba sa lahat ng tao si tyler nalang palagi ang kasama ko?! Pwede namang si Claire o si ate. Ang sarap mag-reklamo, pero wala akong magagawa dahil si Marga na ang nag-assign sa amin. Mahirap kumontra sa President. Bumuntong hininga na lang ako saka tumabi kay Tyler.
"Hindi naman siguro obvious diba na hindi mo ako gusto makasama?" sarcastic na tanong ni tyler sa akin.
Nagtanong pa siya? Eh noon pa naman mainit na talaga ang dugo ko sa lalaking 'to.
"Ay obvious ba? Sabagay sino ba naman ang gugustuhing makasama ka dito?" naiirita kong tanong sa kanya. Bigla na lang siyang ngumiti sa akin, nakakainis yang ngiti niya.
"Marami. Marami ang gustong makasama ang isang katulad ko dito." mayabang niyang sagot niya sa akin.
"Wow kapal ha! Parang humangin ng todo ah. Grabe ang lamig!" sabi ko habang umarteng giniginaw.
Sinamaan niya naman ako ng tingin, ganun din ako sa kanya. Aba hindi ako magpapatalo!
"Hep hep tama na ang bangayan. Baka mamaya wala ng gustong pumunta dito sa booth natin." pang-aasar sa amin ni Marga.
Nang-aasar na naman 'tong si Marga. Umalis na yung iba naming kaklase at kami nalang tatlo ang nandito. Sana naman hindi kami iiwan ni Marga dito.
"So ano, okay na? Alis na ako ha. Bantayan niyo ng maigi ang booth natin. Naku kung hindi.. Basta bantayan niyo lang!" sabi niya at tuluyan na siyang lumabas.
Kakasabi ko lang na sana hindi siya aalis eh! Inis ko namang tinignan itong kasama ko na siyang nahuli kong nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at umiwas naman siya agad ng tingin.
Pumunta na ako sa mga prize para tingnan ang mga ito. Ng makita ko ang isang teddy bear na nakabaliktad, kumuha ako ng upuan at pumatong dun para ayusin ang naka-baliktad na teddy bear. Sino ba kasing tangang mag arrange nito at iniwan ang teddy bear na baliktad?
Natapos na akong ayusin ito ng maramdaman kong parang gumewang gewang ang upuan na pinatungan ko. I already expected na matutumba ako kaya’t nakapikit ako ng mahigpit ng tumagilid na talaga ang upuan, pero bakit hindi ako nahuhulog? Dumilat ako unti unti at napatigil ako dahil sobrang lapit ng mukha namin ni Tyler. As in sobrang lapit! Napalunok ako ng marahan.Parang biglang huminto ang tibok ng puso ko. B-bakit ganito?
"Ehem hindi niyo po ba kami papalaruin sa booth niyo?" sabi ng isang babae.
Iniwas ko ang tingin kay Tyler at agad naman akong bumaba mula sa pagkabuhat niya. May first costumer na pala kami at ang mas masaklap, couple pa.
"Babe ko, anong gusto mong prize?" sabi ng lalaki sa girlfriend niya.
Nabulunan ako bigla dahil sa sinabi ng lalaki. What the?! Babe ko?! Grabe ang tindi ng endearment nila. Hindi ko kinaya bes!
Napansin ata ako ng batang 'to at tinaasan naman ako ng kilay ni ate girl. Binigyan ko naman siya ng isang matamis na may halong plastik na ngiti.
"Babe ko, gusto ko yung teddy bear na yun oh!" sabi ni ate girl sabay turo dun sa teddy bear na nakabaliktad kanina.
Sana pala hindi ko na inayos yun. Kinuha na nung lalaki ang laruan na baril at nagsimula na siyang maglaro.
Infairness, magaling mag-shoot si kuya. Nagulat na lang ako ng biglang hatakin ni kuya si ate girl at naka-back hug sila habang nagsho-shoot si kuya. Jusko partida na mas bata pa sila sa amin tapos ganyan na sila. Ansakit sa mata.
At dahil magaling nga si kuya nakuha niya yung prize na inaasam ni ate girl na prize.
"Thanks babe! I love you talaga!" sabi ni ate girl at hinalikan ang labi ni kuya.
Umiwas ako ng tingin dahil bigla kong naalala yung nangyari na naman kanina. Putek muntik na yun.
Tuluyan ng umalis yung dalawa saka ako nakahinga ng maluwag. Hay salamat at umalis na din yung dalawa, nakaka-umay ang ganun ka sweet no!
Napagpasiyahan ko na lang na papalitan yung mga target board para pag may maglalaro ready na. Pero sadyang mataas talaga ito naka-lagay, siyempre hindi kinaya ng powers ko. In short, hindi ko maabot. Pilit ko itong inaabot hanggang sa pakiramdam kong may tao sa likod ko.
"Huy! Wag ka ngang makialam dito! Dun ka—"
Naputol ang dapat kong sasabihin ng paglingon ko sa kanya nagkatapat ang aming mga ilong. Parang tumigil na naman ang tibok ng puso ko. Bigla ko siyang natulak at lumayo sa kanya ng konti.
"S-sa labas muna ako. M-magtatawag lang ako ng costumer." Dali dali kong sabi sa kanya at lumabas na sa booth namin.
Napahawak ako bigla sa banda ng aking puso. Shemay bakit ganito 'to? Bakit ang bilis na naman nito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Jusko Maureen Margaux kumalma ka!
____________________________

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    LawrenceFabregas

    It's nice

    14/02/2025

      0
  • avatar
    PialagoCamille

    Thankyou

    13/11/2024

      0
  • avatar
    LoquinarioDomelen

    ml games

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata