logo text

GO TO SCHOOL TOGETHER Nico Robin

         "Ate, what really happened last night?" Tumingin ako sa kapatid kong lalaki.
         "Nothing." Umiwas ako ng tingin dito.
I can't tell them the truth. Mag-aalala lang sila sa akin. Hindi ko rin inaasahan na mapagtitripan ako ng mga yun.
Hindi ko rin naman sila pinatulan dahil lalaki lang ang gulo. That's why I don't want to participate in any kind of competitions. Mapapaaway ka nalang talaga dahil maraming negative comments ang maririnig mo.
But because of my professor, nasa akin na naman ang atensyon ng lahat. I don't want to blame her but she's the reason why those other students bullied me for nonsense reason.
Naiinis ako sa kanya but I'm thankful na dumating siya on time. Gustong-gusto ko ng patulan ang mga iyon pero nangako ako na hindi na muling lalaban sa walang kwentang bagay. And I'm used to it anyway.
Last time when I was bullied, nung nasa SU pa ako. They bullied me for some reason pero ang ayaw ko sa lahat ang idamay ang mga magulang kong nananahimik na. Nagalit ako at hindi ko sinadya na magiging ganun ang kahihinatnan ng pangyayari. Those students who bullied me were in the hospital after I beat them.
Kaya mula ng mangyari yun, natigil na ang pambubully sa akin at mabuti nalang wala akong record dahil sa nangyaring yun because they know that I am not the one who started it.
Dingdong! Dingdong!
Napatingin kami sa isa't isa nang may nagdoorbell at this early morning. Tuesday ngayon at may pasok kami kaya sino na naman kaya ang pupunta dito.
          "Ate, may bisita ba ulit tayo?" Inosenteng tanong ni Love.
          "No way Love, may pasok tayo ngayon." Sagot ni Gwy sa kanya.
          "Let's see. Ate Nic?"
Tiningnan ko sila na parang nagtatanong kung anong gagawin.
          "Buksan po ang gate." He sighed.
The nerve of this boy!
Pagsasabihan ko pa sana pero nauna na silang naglakad palabas ng bahay. Napabuntong-hininga nalang akong sumunod sa kanila.
Seriously! Sino naman kaya ang pupunta dito ng napakaaga. Hindi naman pwedeng si Nanay Ersa dahil wala naman siyang sinabi na uuwi siya ngayon.
Hindi pa nga ako nakakalapit ng marinig kong tumili si Lovely. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa marating ko ang gate.
        "What happen?" Kabang tanong ko sa kanila.
Hindi naman sila nagsalita at mukhang may tinuturo dahil nakanguso itong tumingin sa akin papunta sa harapan. Sinundan ko naman ang mga ito and I saw a lady standing in front of us wearing a smile on her lips.
Damn it! Not again.
         "Hi." Kumaway pa ito sa amin.
What the hell is she doing here, again?
         "Ate Zamara, I'm happy to see you again!" Halatang masayang-masaya ang mga kapatid ko nang makita muli ang babaeng ito, lalo na si bunso.
          "Good morning Love. Good morning Nicolo and Ruth." Bati niya sa kanila.
Napairap naman ako sa kanya. Andito kaya ako pero hindi man lang ako binati. Tsk. Nakakasira ng umaga.
          "What are doing here, Miss Boa? Akala ko ba mamaya pa tayo magsisimula, so what brought you here in this early morning, again?" Hindi ko mapigilan ang magtaray sa harap niya at sa mga kapatid ko.
I'm upset. I don't know kung saan or dahil hindi niya ako binati kahit nandito ako sa harapan niya at nakikita naman siguro niya ako.
Nakita ko pa ang pagtawa nito ng mahina. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Pati mga kapatid ko pinagtatawanan ako. What's happening here?
          "Ate Jane, don't make it obvious too much." Nahihimigan ko ang boses ni Gwy na may kasamang pang-aasar.
          "Ate Zamara, batiin niyo na po baka magtampo pa po siya sa inyo." Segunda naman ni Lourd.
What the hell did he say? Magtampo? Sino? Ako? Kanino?
Bago ko pa masagot ang mga tanong na nasa isip ko ay nagsalita siya na nagpatigil sandali ng paghinga ko.
And again, this feeling na hindi ko mapoint out kung ano ba itong nararamdaman ko kapag kaharap ko siya or kinakausap niya ako.
          "Good morning to you too, Robin." Nakangiti pa ito habang binabati ako.
Okay na! Okay na ako, hindi na ako naiinis. This strange feeling that I felt towards her is really new to me. Kanina lang, naiinis ako sa kanya tapos biglang *boom* wala na dahil lang sa isang simpleng ngiti niya.
           "Okay na po siya ate Zamara, she's smiling again." Wika ni Lovely.
Napahawak ako sa labi ko. Anong nagsmile? Wala akong maalala na ngumiti ako. Pero nung mahawakan ko ang labi ko na nakangiti, napaiwas ako ng tingin.
Napahiya na naman ako sa kanya at sa mga kapatid ko.
           "Pero bakit po kayo nandito ate Zamara?" Curious na tanong ni Gwy.
Tiningnan ko rin siya at naghintay na sumagot ito.
          "May review kasi kami ng ate Robin niyo about dun sa quiz bee. Remember last time when I came here?" Tumango naman ang mga kapatid ko. "Ngayon na kasi kami mag-uumpisa."
           "Hindi po kayo papasok sa school?" That innocent look of Lovely again.
           "No Love, syempre papasok kami. Dun na kami sa school magrereview. I'll give your ate a pass slip so she'll be excused in her class today." Mahinahon niyang paliwanag sa bunso namin.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Masaya ako, oo. Masayang-masaya na nakikita kong okay sila kay Miss Boa. See? I'm weird! Naguguluhan man ako sa sarili ko pero hindi ko maitatanggi na masaya ako kapag nakikita ko siya.
Ano ba ang pakiramdam na 'to? Can you please tell me what is it? Kasi hindi ko alam kong nagugustuhan ko siya bilang nakakatandang kapatid ko or it was something else?
Pinagsawalang-bahala ko muna ang nasa isip ko at binalingan ang nasa harapan ko.
          "Then why are you here?" Curious kong tanong sa kanya kaya napatingin ito sa akin. "Bakit ka po nandito kung mamaya pa pala ang review natin?"
         "Nothing. Gusto ko lang kayong sunduin."
Kung may iniinom lang sana ako ngayon, for sure naibuga ko na. Napakaprangka pala nitong si Miss Boa. Tsaka bakit naman niya kami susunduin? Pero sa isipang makakasama namin siya sa byahe ay nagbibigay ito ng tuwa sa aking puso.
          "We can manage, Miss Boa. Hindi niyo naman po kelangang gawin ang bagay na iyon." Mahinahon kong wika sa kanya.
          "Ate Nic is right, ate Zamara. You don't have to fetch us because ate Nic is here to drive us to school." Segunda ni Lourd.
I'm glad he can understand what I'm trying to say. She's my professor and I don't get her point why she's wasting her time for us. Ni hindi naman siya nakasama ng matagal ng mga kapatid ko and I'm just her student para bigyan kami nito ng pansin.
          "I know. Gusto ko lang gawin." Nakangiti siya habang sinasabi ang mga katagang iyon na hindi ko nagustuhan.
Gusto niyang gawin? Hindi niya obligasyon ang paghatid sa amin sa school at hindi ko sinabi iyon sa kanya. Kaya ko namang magmaneho at ihatid ang mga kapatid ko.
          "Really ate Zamara, ikaw ang maghahatid sa amin sa school?"
Lovely is so happy when she heard what Miss Boa said.
Napangiwi naman ako sa tinuran ng kapatid ko dahil hindi na naman ako makakatanggi nito sa kanya.
          "Yes, of course. Kahit araw-araw pa." Kinurot nito ang ang pisngi ng bunso ko. Wala namang angal si Love sa ginawa niya. "So, let's go guys."
Hindi man lang ba niya aantayin ang pagpayag ko. She's really a bossy one. Gusto niya nasusunod palagi ang desisyon niya.
Walang gana akong pumasok sa passenger seat. Wala na akong mauupuan sa backseat so I have no choice to sit here beside her, again.
Gusto kong tigilan niya na kami at layuan dahil mukhang ngayon palang ay naaattach na masyado ang mga kapatid ko sa kanya.
Buong byahe ay wala kaming imikan ng katabi ko. Sila lang ang palaging nag-uusap simula kanina hanggang sa makarating kami sa school nilang tatlo.
         "See you later, ate Robin at ate Zamara. Take care." Masayang paalam ni Love sa amin habang pababa ng kotse ni Miss Boa.
Yeah, kotse na niya ang ginamit dahil ihahatid nalang daw niya ako sa bahay mamayang uwian. I said no and she don't need to do that but Lovely, again, did a decision for me and she agreed to let Miss Boa to send me home na wala dapat galos.
See, papaano ako tatanggi kong sobrang cute ng kapatid ko.
         "Ate, are you okay? I can feel your aura at halatang-halata na wala ka sa mood mo." Gwyneth asking me.
I tapped her head and smiled like she don't need to worry about me. Ngumiti naman ito ng may pag-alinlangan sa akin kaya nilakihan ko pa ang ang ngiti ko hanggang maniwala siyang okay lang ako.
         "'Te, bad mood ka pa simula kanina." Wika ni Lourd. "But I understand what you feel kaya hayaan mo nalang muna ito." He kissed me on my cheek before he wave his hand.
Tinanguan niya lang si Miss Boa na nasa loob ng kotse. Bumaba kasi ako nung bumaba si Lovely para ihatid siya ng tingin.
         "See you later ate Jane."
Huli ng nagpaalam si Gwyneth at nagpaalam rin kay Miss Boa bago niya ako hinalikan sa pisngi. Inihatid ko muna sila ng tingin hanggang sa makapasok ng gate at hindi ko na makita pa.
Buntong-hininga ang ginawa ko bago ako pumasok sa loob ng kotse. Now, it's only me and her. What will happen to us?
Pinaandar na niya ang kotse niya. Sa labas lang ako nakatingin at pinipilit ang sarili na huwag tumingin sa katabi ko. Ramdam ko yung mga pasulyap-sulyap niya sa akin but I chose to ignore her.
Tahimik lang naming binabagtas ang daan patungo sa HU. Ang bagal ng oras. Bakit kapag ako ang nagdadrive, ang bilis, pero bakit ngayon parang kalahating oras na kaming nagbabyahe.
          "Hey! Are you angry? May nagawa ba akong hindi mo magustuhan?" She calmly asked me.
No Nico Robin Jane, ignore her. Ignore her presence and act like you're peacefully sleeping.
Pero papano ko iyon gagawin kung she knows that I'm awake. What now?! Bakit parang umiiwas ako sa kanya?
           "No. Hindi ako galit Miss Boa."
Sumagot ako sa tanong niya pero hindi ko man lang ito tiningnan, dahil kapag tumingin ako baka matunaw ang inis ko sa kanya. Impossible man mangyari yun pero nagagawa niya iyon sa akin.
Ang weird ng pakiramdam na 'to. Hindi ko ito gusto.
          "Are you sure? Mukha kasing---"
For the first time, I cut her words. Nagulat man ako sa ginawa ko but I just did.
          "Yes Miss. Give me a favor, gusto ko ng tahimik. Thank you."
I know it's rude to treat her like this but I just can't control my feelings. Pati sa sarili kong damdamin, naguguluhan ako. Nakakabaliw kapag naguguluhan ka sa sarili mo.
Nababaliw ako ng dahil sa babaeng katabi ko ngayon. She makes me insane. Puso ko pati yung isip ko, ginugulo niya.

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    EncaMhoctar

    very nice planning to have and get more big opportunities

    03/09/2024

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po graveh napaka iyakin ko haha

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Mike Gulam

    it's nice story

    31/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata