Chapter 18

"Apo!"
Napatakbo ako papunta sakanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Lola!"
"Salbahe ka talagang bata ka! Sabi ko sayo dalawin mo kami kada linggo ah!" Napa hiyaw ako dahil sa pag kurot nya saaking tagiliran.
"La naman e!" naka ngusong wika ko.
"Sino yan?"
Tsaka lang ako napatayo ng maayos dahil sa pag pepeke ng ubo ni Harry
"Ah la. Si harry po. Boss ko. Harry ang lola ko pala"
"Goodmorning po" I was amazed dahil nagmano ito kay lola.
"Halika't pumasok na kayo. Parating narin ang lolo cardeng mo" kumapit ako sa braso ni lola at masayang pumasok sa loob.
"Carlos!" sigaw agad ni lola pagpasok.
"La! Sigaw ka ng sigaw dyan ah!" natawa ako ng mahina.
"Ano ba yon?" sumilip ito sa binta. Kinawayan ko sya ng mapako ang tingin nito saakin.
"Clareng!" Dali dali syang tumakbo palabas ng kwarto nya at yumakap saakin ng mahigpit.
"Let me go. I can't breath" I push him not that hard.
Nagiba ang timpla ng mukha nito, hinatak nya ako at itinago sa likuran nya.
"Sino ka?" malamig na tanong nito kay kupal.
At syempre papatalo ba naman si Kupal sa pagiging cold.
"Harry Hemsworth. Clarrise boyfriend"
My jaw literally drop and the next thing I knew harry was already lying on the floor.
"GAGO KABA?!" Galit na sigaw ni Kuya carlos.
"Carlos!" Impit na sigaw din ni Lola.
Nilapitan ko si harry at tinulungang tumayo.
"Kuya naman!" Naiiritang sigaw ko sakanya
"Anong boyfriend pinagsasabi nyan?!" Dinuro duro pa nya si kupal na tahimik lang sa isang tabi.
"Pumasok ka nga sa loob ikaw talagang bata ka! Ganyan lagi ang reaksyon mo kapag may nanliligaw sa pinsan mo!" Kinurot sya sa tagiliran ni Lola at hinatak papasok sa kwarto nya.
"Aray la! Kakausapin ko pa yan! Anong boyfriend na pinagsasabi nya!"
Hinatak ko nalang papasok sa kwarto ko si Harry para hindi na sila mag away pa ni Kuya carlos. Ganyan talaga lagi ang reaksyon nya kapag may nakikita syang lalaki na umaaligid saakin.
Ewan ko ba ang OA nya. Nakakahiya talaga sya kahit kailan.
"That's hurt"
Napalingon ako kay harry, hawak hawak nya ang labi nya na pumutok dahil sa suntok ni kuya carlos.
Kinuha ko ang first aid kit sa cabinet.
"Hayaan mo na wala namang masisira sa mukha mo e"
agad na sumama ang tingin nito saakin.
"Joke lang joke. Stop introducing me as your girlfriend from now on. Para hindi kana masaktan"
I started cleaning his wounds and I felt him staring at my face.
"Don't stare" naiinis na suway ko sakanya.
"The more I look at you the I more I realized I love you"
Diniinan ko ang pagdadampi ng bulak sa sugat nya.
"Ouch!" Impit na sigaw nito.
"Clareng!" napa pikit ako ng mariin dahil sa pag sigaw ni Kuya carlos.
Damn. "Let me face him"
Hinayaan kong lumabas si kupal at hinarap nya si kuya carlos na hangga ngayon ay pulang pula parin ang mukha sa galit.
"Kuya ano ba." Inis na suway ko sakanya.
"Nililigawan mo ba tong pinsan ko?" tanong nya kay kupal.
Walang pagdadalawang isip na sumagot si Kupal.
"Yes"
Dahil sa inis ko iniwan ko silang dalawa sa sala at pinuntahan si lola sa kusina na busy sa pagluluto.
"La wala po yata si lolo?" umupo ako sa harapan nya at tinulungan syang mang hiwa ng gulay.
"Na kina lasco tumutulong sa pagkatay ng baboy. Kasal kasi ng anak ni lasco ngayon"
Kahit kailan talaga napaka matulungin ni lolo.
"Nahimasmasan naba ang kuya carlos mo?" natatawang tanong ni lola saakin.
Napanguso ako "Ewan ko ba don andami nyang arte sa katawan. Akala mo sya ang nililigawan"
"Nililigawan kaba ng lalaking iyon?" This time naka tingin na saakin si lola. Tutok na tutok sya at halatang hinihintay ang sagot ko.
"Ewan ko la. Dikit ng dikit saakin e" Kinurot ako sa tagiliran ni lola dahil sa naging sagot ko.
"Apo hindi naman sa nangengealam ako pero matanda kana. Wag mong sabihin saakin na hindi mo pa nakakalimutan si Erwan?"
Nag iwas ako ng tingin at tumayo para kumuha ng tubig.
"Matagal na yon la. Wag na po natin pag usapan"
"Kamukhang kamukha mo talaga si theressa apo. Napaka amo ng mukha at bait. Kumusta na kaya sya? Walang lumipas na araw na hindi sya pumasik sa aking isipan. Kung kumakain ba sya ng maayos. Kung may maayos na syang tulugan. Kung naaalala nya rin ba tayo"
I felt a hot liquid running in my cheeks. Mabilis ko iyong pinunasan at niyakap si lola.
"Malapit na po natin syang makita lola"
"Carlos! Carlos!" nagtitigan kami ni lola at sabay na lumabas dahil sa sigaw na nang gagaling sa labas.
"Ano bang isinisigaw sigaw mo dyan ah?!" Inis na tanong ni kuya carlos sa kaibigan nya na hingal na hingal.
Huminto ang kulay itim na montero sa harapan ng bahay ni Lola.
"may naghahanap sa kay lolo carding. ayan oh"
Naramdaman ako ang paghawak ni harry saaking braso.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?! TARANTADO KA AH!" Hinawakan ko sa may pulsuhan si Kuya carlos.
"Paki pasok muna si lola sa loob" sinunod naman ni harry ang utos ko.
"What are you doing here?" malamig na tanong ko sakanya even though I know kung bakit sya nandito. I receive a text from him awhile ago.
He smirked and look around "What kind of trash is this place?" pang mamaliit nito.
I smirked "ABA GAGO KA TALAGA AH! AKALA MO KUNG SINO KA!"
"Trash? Bagay ka nga dito e. Dahil mukha kang basura"
Nagbago ang timpla ng mukha nito.
"Buttler Lee. Take her with us"
"Mr. Knox" biglang lumabas si harry at hinawakan ako sa may pulsuhan.
"Oh Mr. Hemsworth, what brings you here?"
Biglang dumating si Lolo Cardeng napako ang tingin nito sa magaling kong ama.
"Michael! Anong ginagawa mo dito? Mahiya kana man dito kapa gagawa ng eskandalo"
"OO TANG*NA TALAGA YANG LALAKING YAN EH! ANG LAKAS NG APOG NA PUMUNTA DITO MATAPOS NYANG ITAGO SI TITA THERESSA!"
"Kuya calm down okey?"
"Wag na wag mo akong hahayaan na maka lapit sayo dahil babangasan ko yang pagmumukha mo" dagdag pa ni kuya carlos.
"Pang squater talaga ang ugali mo" pang mamaliit pa nito.
"You crossed the line this time Mr. Knox. I think you look more trash than this place. Making a scene in the middle of the day?" Hinayaan ko na si harry na sya nalang ang humarap sa magaling kong ama at ipinasok si lolo cardeng at kuya carlos sa loob ng bahay.
"Walanghiya talaga yang ama mo" niyakap ako ni lolo. Gusto kong umiyak dahil saakin inaapak apakan ang pagkatao nila.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sakanila "Stay here okey? stay with them kuya carlos. Please. Let me handle this"
Kahit may pag aalinlangan sinunod nalang ako ni Kuya carlos. Lumabas ako at hangga ngayon ay nandoon parin sya nakiki pagtalo kay harry.
"Do you even know who I am?" naka ngising tanong nito kay harry.
"I don't care and I don't want to know who you are." balik sagot naman ni harry.
"What?" di maka paniwalang tanong nito.
"Althea! Just fckin come with me dahil hindi ko na maatim ang magtagal sa ganitong klaseng lugar!"
I felt harry's hand at my back. "Don't come" he whispher.
and for the first time in a while I face him and smile.
A sincere one.
"Im going to be okey. I promise. Just take good care of my lola and lolo today okey? I'll come back"

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    BalquinMilyn

    The story is really great.Highly recommended.. Thanks author.

    29/10

      0
  • avatar
    Heazelljoy Gades

    so good

    10/07/2024

      0
  • avatar
    LemosJay-L

    good

    05/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata