Homepage/In My War, I Found Love/
8
Her Pov
Matapos kong malinisan at mabihisan ang sanggol ay narito ako ngayon at inihehele ito.
Pero panay lang ang ngiti nito at para bang walang balak pagpahingahin ako.
Hindi ko alam kailan at bakit siya nagising.
Maingat naman ako sa pagpupunas dito at sa pagbibihis pero no'ng akmang ilalagay ko na siya sa crib ay biglang nagmulat ang mga mata niya.
Nasubukan ko na ring painomin ng gatas pero iniluluwa lang niya ang dila niya. Tanda na hindi siya gutom.
Hindi ko alam na ganito pala kahirap alagaan ang batang ito. Gustong-gusto ko nang matulog dahil sa kapaguran ko pero hindi ko magawa dahil sa batang ito.
It's already 2:00 a.m. for Pete's sake!
Napabuntong hininga nalamang ako at tinapakan ang isang parte ng sahig ko. Agad lumabas doon ang isang hagdanan habang ang kisame naman ay awtomatikong bumukas.
"Baka maunahan pa kitang matulog kung ipagpapatuloy ko 'tong ginagawa ko," pangungusap ko sa bata na inilagay lang sa bandang bibig niya ang isang kamay niyang may gloves pa.
Napailing nalang ako saka dahan-dahang umakyat sa hagdan. Hindi naman gano'n kataas ang hagdan kaya madali akong nakarating sa office ko.
Tumambad sa akin ang limang naglalakihang TV monitors na nakaconnect sa iba't-ibang area ng lupa ko. Pawang mga nakakabit sa dingding sa kwartong 'to.
Dalawang computers, ang isa ay ginagamit ko sa legal business doings habang ang isa ay gamit sa iba pa na masyadong confidential ang laman. Maraming aktibidades ang naroon and of course, lahat confidential.
At dahil nga adik ako sa kulay na blue ay kulay asul din ang kwarto ko. Maging ang hagdan kanina ay glass blue.
Pumunta ako sa isa sa mga monitors nang may mapansing kakaiba.
Isang tao ang nakatayo malapit sa intrada ng lupain ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil bukod sa malayo ang kinaroroonan niya mula sa cctv ay balot na balot pa ang katawan niya. Mata lang ang nakikita ko sa kaniya.
Mga matang maihahalintulad sa mata ko.
Naka-uklo siya sa isang paanan ng puno, at mukhang walang balak sumugod. Animo'y nagmamasid lang ito sa isang bagay na balak niyang kunin.
Hinintay kong gumawa siya ng hakbang pero natanawan ko nalang na tulog na si Flea wala pa rin siyang ginagawa. Akmang tatalikod na ako nang bigla itong tumayo.
Bigla siyang may hinugot sa likod niya. Isang narolyong papel! Nang bigla ay itinaas niya 'yon at binuka.
Revenge can't make it any better. It'll just hurt everyone. Including you and your special someone. :)
Dali-dali akong umupo sa harap ng isa sa dalawang computers ko. Connected din dito ang mga cctv footage kaya mazozoom ko.
"Peste! Peste! Peste!" Inis na sabi ko nang hindi ko na makita ang kung sinong tao man 'yon!
Inis kong sinuklay ang buhok ko kahit alam kong mas gugulo lang 'yon sa ginawa ko saka padaklot na kinuha ang selpon ko at kinonekta ito sa airpiece ko.
"Be alert. I spotted one person. Mukhang pinagmamasidan tayo." Pangunguna ko sa linya.
"What?! Bakit hindi ko alam?!" Si Rin. Siya ang assigned sa monitoring.
"'Yon nga ang pinagtatakhan ko. Bakit hindi mo alam?" Sarkastiko kong tugon. Gunggong rin eh, ako pa talaga ang tinanong.
"S-sorry."
"Tsk. Nasa kaniya-kaniyang pwesto naman kayo hindi ba? Huwag kayong tutulog-tulog. Be on guard everytime."
"Yeah."
"Copy."
"Of course."
"Hindi mo ba nakita ang mukha?" Si Kin naman. Kakambal ni Rin. Bibihira itong magsalita at walang kwenta kapag nagsalita.
Kung gaano katalino ang isa ay siya namang bobo ng isa pa. Kung gaano naman ka lakas no'ng isa ay siya namang lampa ng isa.
"Ito kaya ang ginagawa ko ngayon kung nakita ko ang mukha no'n?!" Magkaano-ano naman kaya ito at si Kulog?! Puro walang common sense!
"Oo na. Huwag ka nang magtatalak. Teka....sino nga ba 'yong mga bisita mo?!" Si Billy. Ang pinakamalaki pero siyang pinakamakulit!
"None of your fvcking wonderful bussiness idiot!"
"Aba! H-hoy! Haha! Okay lang makikila ko naman sila bukas! Dediskartihan ko 'yong magandang malii-----" hindi ko na pinatapos at pinatay na ang tawag.
Matapos no'n ay nagdisisyon akong ilagay na ang natutulog na sanggol sa crib. Lumabas ako at naglakad-lakad sa harap ng pinto ko.
Dahil ang harap ko lang ang walang inside terrace ang tapat ng room ko ay malaya akong nagpalakad-lakad sa laki ng lugar.
Hindi mawala sa isip ko ang nakasulat sa papel.
Sino ka? At anong mayroon ka para maglakas loob na pumunta sa lupain ko? At bakit may pasmiley pa sa dulo?!
Doon biglang sumulpot si Kulog. Ang akala ko talaga ay nakatulog na siya kaya sobrang gulat ako nang makitang nakasandal siya sa pinto at nakatingin sa akin.
Hinalikan pa 'ko ng gunggong! Aghhh! Pastilan! Mukhang mababaliw ako kakaisip ro'n ah?
"Aba eh...hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa binatang kasama mo Airsia?!" Ang malakas na boses na 'yon ang siyang pumukaw sa akin mula sa pag-iisip.
Ramdam ko ang paglapat ng tingin ng karamihan sa pwesto namin. Inangat ko ang ulo ko para matagpuan ang mga mata niya.
"At bakit ka naman naging interesado?" Walang gana kong tanong kay Miss Eeyah alyas Dragona. Isa siya sa seniors dito.
Nasa forties na siya at talaga namang hindi mo mahahalatang nasa gano'ng edad na dahil ang mukha at katawan ay batang-bata pa kung titignan.
And as usual, pinapaypayan niya na naman ang sarili niya gamit ang isang napakalaking abaniko.
Nakasuot din siya ng sinaunang suot pambabae. Filipino teacher kase siya sa isang kilalang unibersidad kaya parating ganiyan ang get up niya. Maganda naman tignan sa kaniya dahil bukod sa maganda pa ang pangangatawan ay literal na dalagang Pilipina siya.
"Dahil interesado ako." Isa siya sa mga naging tapat na taohan ng aking ina noong ito pa ang namumuno.
Kaya lang dahil siguro sa katandaan ay nagiging irita na. O mas tamang sabihin na sa akin siya iritang-irita.
Napailing ako.
Hindi ko alam kung bakit. Basta kapag nalalapit ako sa kaniya tataasan niya kaagad ako ng kilay. Tsk.
"Asawa ko siya. Ano masaya ka na ha, Dragona?" Dinig ko ang hagikhikan ng mga nakapalibot sa 'min ngayon. Hindi ko na ipinagtataka iyon dahil likas na chismoso ang mga taong naririto.
"A-anong asawa?! Bakit hindi ko nalalaman iyan ha?! Kailan ka nagpakasal?! Sino ang nagkasal?! Napakasuwail mo talagang bata ka!!" Talak niya. Siya lang ata ang gulat na gulat. Tsk, hindi ba niya nakita ang sanggol? Parang pinagbiyak na bunga kami no'n eh!
Napabuntong hininga ako. Here we are again, acting like mother and daughter. Siguro dahil wala siyang anak na magsesermonan ay ako palagi ang hilig niyang pagbuntunan.
"Ahm...e-exuse me madam," biglang singit ni kulog kaya agad napalingon sa kaniya si Dragona. Napayuko ako ng wala sa oras. Nahagip ko pa ang naawang tingin ni Mil na nasa harapan ko lang.
Lalo akong napayuko nang maramdaman ang init ng titig ni Miyaki.
Sakyan mo ang kalokohan ko please...kapag hindi ay paniguradong taob tayo.
"Ng-ngayong asawa ko na si Ai-err-Airsia. Pwede namana po kaming magsama sa iisang kwarto hindi po ba?" Wala sa sariling napatingala ako at napa-ubo sa sinabi niyang 'yon.
"A-ano kamo?!!" Tanging naiusal ni Dragona habang nanlalaki ang mata.
Dinig ko rin ang napakalakas na tunog ng mga kubyertos at nasisiguro kong si Miyaki ang may kagagawan no'n.
Napatiim-bagang ako.
Ito ang gusto mo, panindigan mo..
Napangiti ako ng mapait nang marinig ko ang mapang-usig na boses na 'yon. Dammit!
"Ikinasal po kami last year sa Iceland. Naghoneymoon kami sa Paris. Ipinanganak si Flea no'ng sinicelebrate namin ang birthday ko. Noong January 3 at nandoon pa kami sa Paris no'n. Kahapon lang kami bumalik mula Paris. Bagong panganak palang si Hangin kaya kung pwede po ay huwag niyo munang ulanin ng tanong? Baka po mastress eh, hindi ako makatulog sa tabi niya 'gaya kagabi."
Hindi ko alam kung magagalit o papalakpak ba ako sa nakanguso niyang paliwanag! Ang galing naman nitong magsinungaling?!
"Hangin?! Bakit hangin?!" Tanong ni Klea. Isa sa mga tauhan ko na ikinangiti ni Kulog.
" Dahil Airsia ang pangalan niya in tagalog Hangin siya. Gets niyo ba? Hahahah"
"Ang korni no'n ah! Hindi ko alam na mahilig ka sa korni impress!" Sinamaan ko lang ng tingin si Billy.
Umugong ang tawanan sa ikalawang bulwagan at kay Dragona ang pinakamalakas!
"Oh eh...gusto kong malaman kung anong tawag mo naman Hangin kay, ano nga bang pangalan mo iho?"
"Tawagin niyo nalang ho akong TH. Kapital TH! Hahaha" napakurap-kurap sila.
"Iyon talaga ang pangalan mo?!"
"Hindi ho! Nickname ko lang!... Hehehe," para namang nakahinga ng maluwag si Dragona.
"Ah...akala ko naman...oh Airsia! Bakit hindi mo pa ako sinasagot na bata ka?!
"Kulog. 'Yon ang tawag ko sa kaniya, Dragona." Tapos ay ngumisi ako ng napakalaki.
"Kulog?! Thunder sa ingles?! Aba'y bakit naman?!" Si mang Tasyo 'yon. Katabi ni Dragona. Pahaba kase ang table, as in napaka haba. Sa side namin ay ang mga junior elites ang katapat namin ay mga senior elites.
Hindi ko sinagot si mang Tasyo bagkos ay nagkibit-balikat lang ako na ikinailing niya.
"At anak ninyo ito? Ganoon ba iho?" Ngayon ay nakangiti na siyang tinatanong si Kulog.
Tumango naman si Kulog.
Sinipat ni Dragona ang sanggol at malaking ngiting bumaling kay Kulog. "Hindi naman maipagkakailang sa inyo ito dahil nasa kaniya ang iyong mga mata at sa kasamaang palad ay nakuha niya ang buong mukha ni Airsia," sumama ang mukha niya matapos sabihin ang pangalan ko. Gano'n pa man ay kita pa rin sa mga mata niya na naniniwala siya.
"Tsk," ungot ko kahit alam ko namang totoo ang sinabi niya. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o ano pero mukha talagang anak namin si Flea.
Sino mang makakakita ay aakalain na ako at si Kulog ang magulang ng batang 'to. Kakatwang si Miss Eeyah pa ang kumbinsidong-kombinsido na anak namin ang sanggol, eh sa lahat ng nandito ay siya ang pinaka istrikto. Palibhasa'y isa siya sa mga tagapag-usisa ng mga.. bagay-bagay.
Ang pagkakaroon ni Flea ng resemblance namin ay isa sa mga rason kung bakit ko mas piniling magsinungaling imbis na sabihin ang totoo.
"At ikaw naman Merlia?! Asawa mo na rin ba itong binatilyong dinala mo rito?!" Naninindak na ani ni Dragona kay Mil na wala namang ibang ginawa kung hindi ang sumubo ng sumubo. Akala mo'y isang taong hindi pinakain.
Si Jay naman ay suntok-suntok ang dibdib dahil nabilaukan kaya tatawa-tawang binigyan ito ni Kulog ng tubig.
Matunog ang paglunok niya habang sinisikap na magsalita. "Guaruabe nuamuan!" Hindi naiintindihang aniya. Punong-puno kase ang bibig.
"Ano?! Ayusin mo ang pagsasalita mo kapag ako ang kaharap mo! Aba! Baka naman kakasama mo rito kay Airsia ay maging bastos ka na rin?!!" Napangiwi ako.
"Ahh..." Gilalas na napatingin si Kulog kay Mil nang biglang umungol ito matapos malunok lahat ng nasa bibig.
"What the... You're really gross!!" Pero inirapan lang siya ni Mil.
"Napaka-arte mo talaga! Kalalaki mong tao!" Saka siya bumaling kay Dragona. "At saka Inang! Ano ba naman! Hindi porke't may asawa na si Sia ay may asawa na rin ako! Hindi ba pwedeng nobyo muna?! Ha?! Ha?!"
"Ah...ibig sabihin ay nobyo mo ang isang ito?"
"O-opo! Opo!" Utal na sagot ni Mil. Si Jay naman ay pulang-pula na. Hindi nila tinitigan ang isa't-isa pero sigurado akong abot langit ang hiya nila.
"Eh ba't parang nagdadalawang isip ka pa?" Marahan pero mapang-usisang tanong ni Dragona. Dahil do'n ay tiyak na hindi naging komportable ang dalawa.
Tumikhim pa siya bago sumagot. "Ano ba naman inang! 'Wag mo nga akong tanongin ng ganiyan! Sabi ko na diba?! Nobya ko siya at nobyo niya ako!"
Sabay kami ni Kulog na napasapo sa noo nang magkabaliktad ang salita niya! Nagkatinginan pa kami pero sabay ding nag-iwas para umiling.
Hindi talaga marunong magsinungaling ang gaga...
Walang experience sa relasyon si Mil at dala na rin siguro ng komportableng-komportable na pang-uusisa ni Dragona ay nagkabuhol-buhol pa ang mga salita niya.
"B-bakit?! Boyfriend ko siya! Girlfriend niya ako! Bakit natahimik kayo?!" Bumuka na ang bibig ni Dragona para sana sagotin siya pero biglang may naunang magsalita kesa sa kaniya.
"Why aren't you wearing your wedding rings?" I stilled. Every word he said gives shivers to my system.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano sasagotin ang katanungan niya. Mas lalong hindi ko iyon gustong sagotin sa mismong harapan niya.
"Oh! Thank you for that wonderful question mister! Haha! Ngayon ko lang rin narealise na wala ni isa sa amin ang may wedding ring eh..and for your question's answer? Nasa iisang room kami, kase nga mag-asawa kami. Inasar ko siya ng inasar matapos ko siyang halikan kaya ayon pinagpapalo niya ako ng unan eh bagong ligo lang ako no'n, nakatapis nga lang eh! At saka nakalagay sa bedside table namin ang ring ko kaya no'ng pinalayas niya ako ay naiwan ko ro'n. Kaninang umaga no'ng kinuha ko ang anak namin ay hindi ko na makita ro'n. Naisip kong baka itinago muna ng asawa ko kase baka mawala kaya pati ako ay nagtataka kung bakit wala siyang singsing ngayon. Bakit nga ba, baby?" Nakangusong aniya at parang nagtatampo pa. Hindi ko mapigilang mapangisi. Ang galing umakting ng isang 'to!
Ha! This man is unbelievable! Paano siya makapagpaliwanag ng ganoon ka rami at dere-deretso samantalang kasinungalingan ang halos lahat ng sinabi niya?!
"Ah.." pinutol ko ang pagsagot ko sana nang mahagip ng paningin ko ang madilim na mukha at nag-aalab na mga mata ni Miyaki.
Lumunok ako ng tatlong bises bago nagpatuloy uli.
"Kase nga..sobrang pikon ako sa kan'ya no'n kaya tinanggal ko ang ring ko kasabay ng kaniya at inilagay sa drawer. Hindi pa nawawala ang inis ko sa kaniya hanggang ngayon kaya hindi ko pa isinusuot." Sabi ko habang nakatingin kay Miyaki.
Kita ko kung paano bumalatay ang sakit sa mukha niya. Sinikap kong panatilihing blanko ang mukha ko upang hindi niya makita kung gaano kasakit sa 'kin ang mga pinagsasabi ko.
"May witnesses ba kayo?" Mababa pero mapang-usisang tanong niya.
"Ano ka ba naman iho! May anak na nga oh? Ano pang witness ang hinahanap mo?" Singit ni Dragona kaya natahimik ito saka walang pasabing umalis.
"Kulog..." Lahat sila ay napatingala sa akin nang bigla akong tumayo.
"O-oh? Sa'n ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.
"May mahalagang gagawin lang ako."
"Ha? P-pero hindi ka pa tapos," tumingin siya sa pagkain kong hindi man lang lumaki ang bawas.
Bumuntong hininga ako saka yumuko sa kaniya.
"Babalik ako mamaya at kakain ako, hindi ko gusto ang luto nila, lutuan mo ako ng adobong manok," saka ko siya hinalikan sa noo. Dinig ko ang mahinang pagsinghap niya."Okay ba?" Dahan-dahan siyang tumango kaya inabot ko naman ang ulo ng sanggol para halikan din.
Nang makatayo ulit ako ay nasa amin pa rin ang tingin ng lahat at kita ko ang saya sa mukha nila. Tsk.
Walang patumpik-tumpik na lumabas ako sa ikalawang bulwagan. Kakatwang hindi man 'yon kasing laki ng una ay hindi naman 'yon maliit. Pero parang hindi ako makahinga, lalo na no'ng lumabas ang hangin ko.
Muli akong napangiti ng mapait nang makita ko ang isang bultong nakatayo sa harapan ko. Inabotan ko siya rito sa tapat ng ikaapat na bulwagan, kung saan nagt-training at nags-sparring ang mga tauhan.
Walang sino man ang nandirito ngayon dahil nandoon ang lahat sa ikalawang bulwagan, ang lugar kung saan kumakain ang lahat.
"Umalis ka...." Walang emosyon kong pangunguna. Dahilan para lumingon siya sa'kin ng may magkahalong pagkamiss at lungkot sa mga mata. Pero unti-unti 'yong tinabunan ng galit.
"Kailan pa Rain? Kailan pa?!!" Galit na sigaw niya. Gusto kong umiyak. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako.
Napayuko ako. "Sinabi ko na hindi ba? Ngayon, ay tiyak na klarong-klaro na sa'yo kung bakit sinabi ko noon sa 'yong huwag kang umasa."
"Pero hindi mo sinabing maaaring ang magkagusto ka sa iba ang isa sa mga dahilan! Ang buong akala ko ay dahil sa buhay na kumukulong sa 'yo!" Sinabunutan niya ang mga buhok niya. Naging magulo 'yon pero hindi 'yon naging hadlang upang sumilip ang kagwapuhan niya.
"Pero nagawa ko na. Siya ang nagdala ng susi sa hawlang kulongan ko..." Pinigilan kong umiyak. Pinipigilan kong paalpasin ang hikbi ko. Pinipilit kong huwag manubig ang mga mata ko.
"Ha! Siya?! Siya?! A-alam mo ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon?! Tapos sasabihin mo pa 'yan!? Napakawalang konsensya mo!" Pinigilan kong tumingala para makita ang mukha niya na ngayon ay nasisiguro kong puno na ng luha.
"Wala ka nang magagawa. May asawa na ako, sana huwag mo na akong guluhin."
"A-asan na 'yong sinasabi mong...walang puwang ang pagmamahal diyan sa puso mo dahil masasaktan ka lang?! Asan na ha?!" Humihikbing aniya kaya hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatayo at nakayuko sa harapan niya.
"Alam kong m-mahal mo 'ko eh! Alam kong mahal mo pa ako! 'Yong mga pinupukol mo sa 'king tingin no'n ay hindi ang ipinupukol mong tingin sa kaniya!"
"Arghh" angal ko nang bigla niya ako yakapin. 'Yong yakap na nagsasabi kung gaano niya ako ka mahal. 'Yong yakap na nagpapasaya sa 'kin.
"Please...please! Bumalik ka na sa 'kin! Hindi ko alam kung bakit! Bakit! Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?!" Nanginginig na aniya.
"Para hindi ka na umasa pa. At kahit anong gawin mo, h-hindi na ako babalik sa 'yo dahil may anak na ako, anak na kailangan kong bigyan ng ama. Ng kumpletong pamilya, at proteksyon kasama ng ama niya."
"Tangina!" Hinawakan niya ako sa balikat at bahayang lumayo sa akin. "Tumingin sa mga mata ko! Sabihin mong hindi mo na ako mahal! M-maniniwala ako kase...ang sakit na eh! Dali! Sabihin mo!" Utos niya.
Kaya 'yon ang ginawa ko. Unti-unti kong itinaas ang ulo ko at sinalubong ang lumuluhang mga mata niya. Tiim bagang tumitig ako sa kaniya. Pigil ang emosyong iniusal ko ang mga salitang gusto niya.
"Hindi na kita mahal. Wala na akong nararamdaman sa 'yo. At hindi na kita mamahalin pa," duon mas lalong bumuhos ang luha niya. His tears fell like a rain. Walang tigil.
"B-bigyan mo 'ko n-ng rason.."
"I'm in a dim room when a light suddenly flashed through me. And that light is him, my Thane," ngumiti siya ng mapait sa kabila ng pagluha. Pawang kasinungalingan.
"Did you know that I am also there? You just didn't noticed my presence. You know Rain, You're the reason why I like rain, now you're also the reason why my tears are flowing like Rain." Saka siya umalis...doon ako napasandal sa isang puno at humagol-hol ng humagol-hol.
"I did noticed you....I did...but I decided not to come to you because they might also see you.." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
10/12/2024
0this super super nice
29/10/2024
0wow.
10/08/2024
0Tingnan Lahat