26

HIS PoV
Some gaped us with awe, pero karamihan sa kanila'y para bang nagtataka kung bakit ako o kami naririto. Wala akong naririnig na bulongan pero ramdam na ramdam kong may kakaiba sa tingin nila. Nakasunod lang ako kay Hangin habang naglalakad. Hindi naman karamihan ang tao. Ang totoo'y napakaluwag ng unang bulwagan para sa amin.
Oo, nasa unang bulwagan kami. Ito siguro talaga ang purpose ng unang bulwagan. Ang maging venue ng mga ganitong pangyayari. Hindi ko alam anong gagawin namin. Kung bakit iba ang ayos ng unang bulwagan kesa noong una kong pagtapak rito.
Sa pinakaharap ay naroon ang parang C curve na nakaharap sa dereksiyon kung nasaan ang mga lamesang pabilog na kinalalagakan ng mga tao. May mga tao nang nakahilera sa magkabilang gilid no'n, kung hindi ako nagkakamali ay 10 ang upuan sa bawat side ng curve. Sa left side ay naukupa na lahat ngunit may isa pang bakante. Habang sa right side naman, may apat pang bakante sa gitna. Gagi, feeling ko nasa court of justice ako. 
Sa pagkagulat ko ay dumeretso si Hangin roon sa harapan. Ako naman na hindi alam ang gagawin ay basta nalang sumunod sa kaniya at umupo sa kanang gawi kung saan naroon sina Dragona at ang pamilya ni Hangin, pati si Mil. Nahagip ko pa ang matatalas na paningin ng ama niya, ang malanding ngisi ng babaeng kapatid niya at ang seryosong mukha ng boss ko. Hanggang ngayon, hindi ko akalaing may pinagtatakpan si boss na sindikato. 
Nasa harap namin ang mga ipinakilalang impress ni Air kanina sa 'kin. Si ate ay naroon rin. May kasama pa silang lima pang nakatatanda. Seryosong-seryoso ang mga mukha nila. At nang suyurin ko ang mga upuan nila ay napahinto ako sa tabi ng babaeng may halos umaapoy na mata. Siya 'yong babae kanina. Walang nakaupo sa katabi niyang upuan na naruon sa pinakadulo, bago ang bakante sa curve na sinundan naman ni Boss. 
Bigla akong napabaling kay hangin nang marinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.
"Anong nangyayari? Kinakabahan ka ba?" Tanong ko na ikinalingon nito sa 'kin.
"Oo." Simpleng aniya na ikinangiwi ko lang dahil napakarelax ng pagkakasabi niya. Hindi ako maniniwalang kinakabahan siya kung hindi ko lang narinig ang pagbuntong hininga niya ulit. But this time, hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi sa babaeng nakasagotan ko kanina. Kung tama ako ay Heno ang pangalan niya. Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
"Akin na si Flea..." Sabi ko na ikinalingon niyang muli sa akin. Hindi naman siya tumanggi at tumango lang bago ibinigay sa mga bisig ko ang bata.
"Kapag nalaman nila na hindi akin si Flea, ora mismo, mawawala ako sa mundong 'to." Gulat akong napatingin sa kaniya matapos siyang bumulong niyon.
"Why? K-kaya ka ba kinakabahan?" Muli siyang bumuntong hininga saka ngumiti. Gzz...creep!
"Sino bang hindi kakabahan? This is like a trial in the court. Espesyal ito, dahil isa ako sa kanila ngunit ngayon, ako ang lilitisin nila." Napaangat ako bigla ng tingin nang may marinig kaming malakas na tunog. "Alas syete na.." bulong niya.
"A-anong meron?" Takhang tanong ko. Ngunit bago pa man ako makakuha ng sagot mula sa kaniya ay nagsalita ulit ang MC.
"The trial is now officially starting. Please be in silence everyone." Nang sabihin niya iyon ay dagling tumahimik ang paligid kasabay ng pagtayo ng mga nasa harapan namin.
Naunang magsalita ang matandang nasa pinakaunang upuan na siya ring pinakamalapit sa mga bisita. 
"Bilang pagsisimula... Ako na unang nakatatanda sa organisasyon ay opisyal nang sisimulan ang hapunang ito." As if on cue ay sunod-sunod na lumapit sa dalawang lamesang nasa harap namin ang mga katulong. May dala silang tubig, wines, juices at mga pagkaing may ba't-ibang klase. Agad akong napatingin sa matanda nang tumikhim ito. "Huwag kayong mahiya't isiping ito'y inyong karaniwang hapunan lamang." 
Nakita kong agad na kinuha nila Hangin ang mga gamit pangkain nila at walang sabi-sabing sumubo. Para bang normal lang talaga ito sa kanila. Agad akong napangiwi. Anong pangkaraniwan? Paano ko iisipin 'yon? Eh parang napaka-engrande nito eh!
"Hoy! Ano pang hinihintay mo? Eat." Pampukaw ni Hangin sa akin na mas lalo kong ikinangiwi. "Kakain ka sa ayaw mo't sa gusto Thane. Huwag mo akong ipahiya!" Mariing bulong niya. I whined like a child. Wala akong gana! Ni hindi ko nga alam ano ba talagang dahilan kung ba't ako naririto ngayon eh!
"Wala akong ga-" hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ay napahinto nalang ako't napanguya ng wala sa wisyo dahil sa biglaan niyang pagsubo ng pagkain sa bibig ko. 
She leaned on me more closely and whispered, "Kumain ka! Gusto mo bang makita ka ng elders bilang suwail kong asawa?! Dapat nilang malaman na karapatdapat ka bilang asawa ko Thane, umayos kang gunggong ka!" Mas lalong napasimangot ako.
"Gunggong ba talaga ako sa paningin mo?" Hindi ko maiwasang malungkot, para namang natigilan siya dahil do'n. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang may dumaang kakaibang emosyon sa mga mata niya.
"S-sorry. Ikaw kasi eh! Tsk!" Napangiti naman ako at agad na sumubo. Unang beses na nagsorry siya sa'kin. Hindi ko maiwasang matuwa. 
Sa tuwa ko ay muntik ko nang masubuan si Flea na inosenteng nakatunghay sa akin pero naurong nang maalalang hindi pa pala pwede ng ganitong mga pagkain ang bata. Nakakatawa dahil ngumanga na si Flea pero iniliko ko pa. Kumawala pa ang hagikhik sa aking labi nang kinampay niya pa ang mga kamay. Waring kinukuha ang kutsarang hawak ko. 
"Kulog!" Mahinang singhal ni Hangin. Inosente naman akong napatingin sa kaniya.
"Why?" Kunot ang noo niya at para bang rending-rendi na siya. Ano bang nagawa ko? Kumakain lang naman ako ah?
"Ehem.." Naagaw isang tikhim ang atensiyon namin. Akala ko ay ang matanda iyon kanina, pero hindi. Ang nasa pangalawang upuan na may hawak ng mikropono. Isa ito sa may pinakaseryusong mga mukha kanina. Ngunit ngayon ay may malaking ngisi na sa labi niya. "Masarap ba ang pagkain, Mr. Thompson?" Ako ba?
"Masarap po! Hehehehe!" Masayang tugon ko habang nakathumbs-up pa ang isang kamay. Nakarinig ako ng mga mahihinang palatak pero hindi ko iyon pinansin.
Tila naman aliw na aliw sa akin ang lalaking mayhawak ng mikropono. Malaki ang naging ngiti nito sa tugon ko.
"Magaling. Kumain ka pa kung ganoon. Kumain kayo. Walang mahihiya, ayos ba?" Magiliw na anito. Tsh, para namang 'di ko alam na kinukuha niya lang ang loob ko. 
Umupo siya at muling bumalik katahimikan sa paligid. 
"So... It's nice to see you again after a very long time Empress Demi." Seryosong sabi bigla ng ginang na nakaupo sa pangatlong pwesto.Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Hangin. Natatawang umiling-iling nalang ang ginang. Naalala kong sinabi niya sa'kin kanina na hindi siya bumabati pabalik kapag binabati siya.
"As usual, ikaw pa rin talaga ang tagapagmana ni Gracia. Mas malala nga lang." Malakas itong humalakhak. Sigurado akong dinig iyon sa buong bulwagan. Sa totoo lang, nakakatakot siya. Kahit nakangiti siya ay nararamdaman kong may itinatago siyang dahas. Panganib... Ang kabuuan niya ay sumisigaw ng panganib. Hindi gaya ni Hangin na kahit ngumisi ng napakacreepy ay hindi ako nakakaramdam ng panganib.
"Tumigil nga kayo. Pwede bang magseryoso na tayo? Sisimulan ko na. Thunder Thane Santiago Thompson, may surpresa kami sa 'yo." Nakangising ani ng lalaki sa ikaapat na upuan. Mukhang napakatanda niya na, nasa 70s na siguro niya. Ano naman kaya ang surpresa niya?
Natigil ako nang makarinig ng mga kalansing ng kadena kasabay ng mga yabag ng paa at agad napatingin kay Hangin. Mas dumoble pa ang kaba ko nang makitang nakatiim bagang siya. 
"W-what's happening Air?" Kabadong ani ko. Nilingon niya ako at kinuha si Flea sa akin kaya mas lalong nagtaka ako.
"I'm sorry... I promise I'll make it up to you after this. Sorry-" pinutol ko Ang sinasabi niya.
"Te-teka nga! Bakit ka ba nagso-sorry-"
"Thane." Tila natuod ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Kahit alam ko na ay hindi ako lumingon. Rinig na rinig ko rin ang mga singhapan sa paligid na para bang nakikita sila ng napakashocking na pelikula.
"Airsia, please. Sabihin mong mali ang pumapasok sa isip ko." Pero halos malunod ako sa sariling hininga ko nang 'patawad' lang ang isinagot niya.
"Narito ang mga magulang mo Thane. May kaunting tanong kami sa iyo, at kapag hindi mo sinagot 'yon, magulang mo ang magbabayad." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Ayaw ko, ayokong tignan sila Mommy. Hindi! Hindi ko kayang makita silang nahihirapan. 
Napatingin ako kay ate na ngayon ay nakayuko lang. Paano?! Paano nila nakuha sila Mommy!?! 
"Anak... We're okay. Look at us." Dahil sa sinabi ni Daddy ay dagli akong tumingin sa kanila. Hindi ko inaasahang nasa magandang kalagayan sila. They are wearing formals except that, they are coiled by those big chains, preventing them to move freely. Oh God. 
"Labas sila rito." Lahat ay napatingin kay Hangin nang magsalita siya bigla, liban na lamang sa matandang babaeng nakaupo sa panlimang upuan. Napakalamig niyon at bakas sa tuno niya pinalidad ng desisyon.
"Simula't-sapol alam mong maaaring mangyari ito Demi." Waring nakakalokong sambit ni Heno. Bakas sa mukha niya ang pang-uuyam. Para bang, napakatanga ni Hangin sa salitang binitawan niya.
"At alam mo rin na walang makakapako sa desisyon ko, Heno." Balik na bato ni Hangin na biglang ikinangisi ng tatlo pang empress. Lalong-lalo na ng babaeng nagtangkang barilin si Hangin, kung hindi ako nagkakamali ay Talo ang pangalan noon.
"Kung hindi sila, sino?" Tanong noong Talo habang malawak ang ngisi. 
"Ako." Biglang utas ni Hangin. 
"Anak!"
"Airsia!"
"Demi!"
"Lara!"
"Hangin.."
Halos sabay-sabay naming untag sa kaniya sa pagkabigla. 
"Tss, demonyo talaga." Singhal ni Hangin habang blankong nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Heno na may ibinubulong sa babaeng nakaupo sa ikalimang upuan.
Nakita kong tumango-tango ang matanda. Habang nakangisi namang tumingin sa gawi namin si Heno bago umupo muli sa kaniyang upuan.
"Kung ganoon. Kalasin ang kadena at ibigay sa Emperatris Demi." Pinal na sabi ng babae sa ikalimang upuan.
"Anak ng pating, seryoso ba 'to?" Singhal ni Jax, ang boss ko nang biglang kalasin ng mga tauhan ang kadena kela mommy. 
"She deserves it." Sabi pa no'ng kapatid na babae ni Hangin. Marahas siyang nilingon ni Mil.
"Tumahimik ka nga, Anasthasia! Mas deserve mo 'yon, tangina mo." Inis na singhal ni Mil dito na mabilis namang inawat ni Jay.
Hinawakan ko ang isang kamay ni Hangin nang akmang tatayo siya. Hindi, alam kong sa oras na tumayo siya ay igagapos siya sa kadena pero bumaling siya sa akin nang may ngisi sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ko nang iangat niya isang kamay at hinaplos iyon sa pisnge ko. Napakalambot!
"Tiwala akong hindi mo hahayaang masaktan ako." Masuyong aniya. Para akong nahihipnotismo sa mga berdeng mata niya. Kaya naman tumango ako kahit wala ako sa wisyo at hindi ko alam ano ang nangyayari. "Magaling... Ngayon Thane, I want you to align your heart and brain first before answering their questions, alright?" Wala akong nagawa kung hindi tumango nalang ulit.
"A-ano bang klaseng tanong ang ibibigay nila, Hangin?" Kinakabahang tanong ko pa. Pero magaan siyang ngumiti dahilan para unti-unti akong makaramdam ng ginhawa.
"Hindi ko rin alam." Agad bumagsak ang balikat ko. "Basta, sagutin mo lang sila sa kung anong napagkasunduan ng puso at isip mong sagot, got that?"
"Times up!" Agad akong napabaling sa gawi ni Heno nang sabihin niya iyon. "Tumayo ka na Demi, tapos na ang briefing niyo." Natatawang anito pero blanko pa rin ang mga matang nagbabaga. Gzzz, creep.
Akmang ibibigay na ni Hangin si Flea kay Dragona nang biglang sumingit si Heno.
"Oh, no dear. You have to carry your child with you, Demi." Sabi nito habang may pamatay na ngisi sa mga labi. Malakas na napasinghap ako.
"What?!" Hindi mapigilang singhal ko. Sinaway naman kaagad ako nina mommy habang masama naman ang tingin sa akin ni Ate. 
"Shut up, Thunder Thane..." Mapanganib na wika ni Ate. I shook my head on disbelief. Bata. Pati bata idadamay?!
"That's our child, ate! Your niece! What the heck?! Paano kung mapaano si Flea?!" Mariing pumikit si Ate habang nakakuyom ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
"We aren't even sure if that child is really my niece." Napanganga ako. Oo nga naman. Tangina. Gusto rin niyang mabuking ako. Ha! Hindi pwede 'yon! Alam kong sa oras na malaman nilang nagsinungaling kami ay baka gawan nila ng masama ang bata. 
Kailangan kong maging best actor! Go Thane! Go! Laban para sa bayan!
"She has my resemblance! What else do you want people?! Why the hell do we need to involve the child on this crap and set aside the possibility that she'll be hurt when we can actually do DNA test for your concern?!" Hinihingal akong huminto sa pagsasalita. Pero wala man lang nagbago sa reaksiyon nila. Patay talaga kami nito. Paano kung hindi ko alam ang isasagot sa tanong nila?! Wala sa sariling napalingon ako kay Hangin at naabutan kong salubong na salubong ang kilay niya.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang tungkol sa DNA test. Siguro dahil may kung ano sa loob kong nagsasabi na malaki ang koneksiyon ko sa bata.
"I said, ako ang sasalo. Hindi ang anak ko, Heno." Tumaas ang kilay ni Heno at naging mas blanko pa ang mukha pero mukha pa ring nag-aalab ang mga mata.
"Sinong masusunod sa ating dalawa, Demi?" Imbis na si Hangin ay ako ang napalunok nang marinig ang nakakakilabot na boses nito.
"Alam mong mas mataas ako sa 'yo." Hangin gritted her teeth tightly while saying that. Ikinangisi naman iyon ni Heno.
"Alam mong wala ka sa pwesto mo ngayon, tanda. Hindi ba?" Anito saka bumaling sa mga matatanda sa linya nila. Pero ang mga ito ay tumingin lang sa matandang binulungan ni Heno kanina. 
Bumuntong hininga ito. Para bang hirap na hirap sa pagdedesisyon.
"You have to bring your child with you, Airsia..." Mahinahon at pinal na anito. 
Nanlulumong napatingin si Hangin sa matanda.
"But...---"
"No buts, Airsia."
"My child will be hurt!" Dumagundong ang malakas at mariing boses ni Hangin sa buong lugar. Tinignan lang siya ng
"That's final and no one will disobey my order." 
"But Lola!" Nanlaki ang mga mata ko. Really? Lola niya 'yan?! 
Nakita ko kung paano nag-iba ng bahagya ang expresyon ng matanda. Pero hindi iyon nagtagal at napalitan din kaagad ng malamig na tingin. 
"That's final, Airsia." The coldness is really visible in her voice. Halos kapareho iyon ng kay Hangin. Kasunod niyon ang pagkilos ng mga tauhan para ikadena si Hangin habang bitbit si Flea.
Parang nanlulumong napayuko si Hangin. Walang nagawa kung hindi marahang umiling-iling. Halatang hindi tanggap ang sinabi ng Lola.
"Why can't you be my grandmother just for once?" Mahina at bigong ani ni Hangin. 
Sa totoo lang, hindi ko rin talaga maintindihan itong si Hangin. Alam naming dalawa na hindi naman amin ang bata. If I were to decide, I'll just probably do some digging to know the child's mother, than being on this situation. Hindi sana siya magsisinungaling... Hindi sana malalagay sa pilegro ang mga buhay namin. Ewan ko, anong trip niya..tsh, weirdo talaga.
Tapos pinatulan mo?
Anak ng! Tahimik isip!
"Don't use that tone on me, young lady." Marahan pero napakalamig na tugon ng Lola niya. Matunog na ngumisi naman si Hangin.
"I don't have a family here...yeah." 
"Airsia!" Babalang singhal ng ama niya.
"Let's get this over with... At kapag napatunayan kong anak at kadugo ko ang batang ito, you all will suffer beautifuly." Malakas na suminghap ang mga nasa harap namin.
"Even us?!" Eksahederang ani ng Empress Talo. Sa tingin ko, sa kanilang lima, siya ang pinakaisip-bata.
"Even you." Sambit ni Hangin saka dahan-dahang naglakas papunta sa gitna ng curve... Iyong walang upuang nakalagay.
Nang makarating ay dahan-dahang lumingon siya. 
"What? You're gonna interrogate us or what?" Pagkasabi niya no'n ay matunog na ngumisi si Heno at pumunta sa harapan ni Hangin. 
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang umasta siyang parang may keyboard sa bakanteng mesa. Hanggang sa sunod ko nalang namalayan ay ang pagbubukas ng ding-ding sa harap nila, kasabay ng paghihiwalay ng mesang pinindot-pindot niya kanina. 
"Access Granted." Kasabay no'n ang pagababago ng porma ng curve. Mula sa C ay gumalaw ito ng bahagya upang naging parallel lines ang kinauupuan namin. 
Nang tumayo ang lola ni Hangin ay pumailanlang ang singhapan ng mga naroon. 
"Ako ang magtatatanong." Kalamado nitong ani na marahas ikinalingon ni Hangin.
"What?!" Frustration is evident in her voice. Pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito at dere-deretsong pumasok na sa bagong bukas na silid. Nagulat ang lahat nang lapitan ni Hangin si Heno at marahas na hinila ang kwelyo nito. "What the hell did you fvcking say to her, Heno?!" Pigil na singhal ni Hangin sa mukha ng babae. Halatang nagpipigil ito ng galit na ano mang oras ay maaaring lumabas.
Matunog na ngumisi ang huli. Ganoon pa man ay nakikita ko pa rin sa mga mata nito ang pangamba na dulot ng napakalaking boses ni Hangin. 
Napalunok ako. That grip must also be hurtful.
Kung ako ang nasa kalagayan niya, malamang ay namawis na ako sa kaba. Buong buhay ko, si Hangin lang nakita kong ganito. Nakakatakot na siya sa estado niyang 'to, ano pa kaya kapag pinakawalan niya na lahat sa isang tao?-
"Thunder Thane..." Bigla akong napaangat ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko. Laging gulat ko nang nasa harapan ko na ang lola ni Hangin. B-bumalik siya? Akala ko ba nakapasok na siya?! 
Seryoso siyang nakatunghay sa akin. And it's making me feel uneasy. Napatingin ako bigla sa kinaroroonan ni Hangin kanina pero laking gulat ko nang makitang wala na sila ni Heno roon.
"P-po?" I managed to utter despite of the shaking status of my whole system.
"Follow me." Iyon lang at tumalikod na siya. 
Wala sa sariling napatayo ako at akmang iikot na para pumasok nang iharang ng ama ni Hangin ang isang kamay niya sa daraanan ko. Blanko ang mukha niya nang matignan ko.
"My daughter is brave, young man. So you need to be brave, for her." Iyon lang at hinayaan niya na akong makadaan. Wala ako sa wisyo habang naglalakad. Bago ako pumasok ay nalingonan ko pa sila Mil at Jay na halatang nag-aalala ang mga mukha. Binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti bago pumasok.
Cold and bright. That's the first two things I've noticed the moment my feet landed on the floor of the room. I almost got startled when I tilted my head and found Airsia chained with Flea in her arms. 
May tinutuntungan siyang kahoy na parisukat habang may nakapulupot na kadena sa katawan niya. Sa likod niya ay nakakunekta ang tatlo pang kadena na nakakabit naman sa ding-ding. Nakaslant siya at kapag natanggal ang mga kadena, paniguradong hulog siya sa harapan niyang parang aquarium na puno ng tubig. Tubig na may mga piranha. Wait, nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto.
Piranhas?! What the heck?! Bumalik ang tingin ko kay Hangin at doon lang napagtantong tulog pala siya habang nakatali rin sa dibdib niya si Flea na parang wala lang na nilalaro ang mga buhok ni Hangin na tumatabig sa bandang dibdib nito.
Doon ko lang din nakita so Heno sa tabi ng walang malay na si Hangin. 
"The son of Santiago Empire. What a surprise..." Napabaling bigla ako sa kaliwa nang magsalita ang lola ni Hangin. Nasa gitna siya ng silid at may upuan saka lamesa sa harapan niya. "Come here, young man." 
Sa takot ay mabilis akong sumunod sa kaniya. Iminwestra niya ang upuan. Umupo naman kaagad ako.
"Let's start now, shall we?"

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Diana Marie Borja Longalong

    good

    10/12/2024

      0
  • avatar
    Jimwel Pano

    this super super nice

    29/10/2024

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo