21

HER PoV
"Sino?! Sabihin mo!!" Inis na singhal ko sa taong kaharap ko.
Nandito kami sa labas ng bahay ko. Siya nakatali sa isang puno ang katawan habang ako ay nakatayo sa kaniyang harapan.
Gusto ko ng sariwang hangin habang pinapaamin 'tong kumag na 'to! Umaga pa lang kase, mga alas dyes. Dahil pagkaalis na pagkaalis nila Kulog ay siya namang panghihiram ko ng selpon sa isa sa mga nurse at sinimulang tawagan ang mga galamay ko. Kung sana ay tinawagan ko sila..hindi sana ako makakatulog ng limang buwan. Tsk. Tanga.
Paniguradong walang nakakaalam na may helicopter na naglanding sa rooftop ng hospital. Isa ba naman sa may-ari ng hospital ang kasabwat mo?
Ngumisi ito sa kabila ng bugbog saradong pagmumukha.
"Ha! Ang tigas namang talaga!" Singhal ko na naman nang manatili lang ganoon ang kaniyang mukha.
Sa inis ko ay kinuha ko ang kahoy sa gilid ko at walang pagdadalawang isip na isinalpok iyon sa pagmumukha niya na ikinaagik nito.
Umugong ang tawanan sa paligid na nanggagaling sa mga tauhan ko. Hindi ko sila pinansin at nakangising nilapitan lang ang lalaki.
Ito 'yong isa sa nanloob ng bahay ni Mil. Ang tinutukoy na anak noong lalaking namuno sa paglusob sa akin.
Tinadyakan ko ang dibdib niya at mas idiniin pa ang paa ko na ikinasuka niya ng dugo.
"Ano? Ha?! Hindi mo na kaya? Nasa ikalawang estasyon pa nga lang tayo eh! Kung ako sa 'yo magsalita ka na kung ayaw mong patayin ko ang ama mo katulad ng ginawa ko sa pinsan at sa tiyo mo..." Pagbabanta ko pa.
"Hm...h-ha-ha! Ha-ha-ha! Kanang kamay siya ni...HA-H-HA-HA!!" Mas lalong nagtagis ang mga bagang ko. At hindi na napigilang paulanan siya ng suntok.
Inawat naman ako kaagad ng mga tauhan ko pero huli na, tulog na.
"Ligpitin niyo 'to..." Tanging sabi ko at walang ano-ano'y iniwan sila.
Kukunin ko si Air...
Hindi ako dumeretso sa gate nang makarating ako bagkos ay pumunta ako sa north-east border. Ayaw kong makita ako ni Dragona sa ganitong sitwasyon, papuputokan na naman ako no'n habang ang balang gamit eh, sermon.
May lagusan dito na paniguradong ginagamit ni Air kapag naglalakad-lakad siya. Ito rin kasi ang ginamit no'ng pinaka unang aso ko.
Yumuko ako at umastang nakaupo sunod ay pinindot ko ang isang button na nakatago sa halaman. May magnetic field ang lagusan pero nakakonekta lang ito sa collar niya kaya siya lang ang mahihila nito. Hindi rin naman ganoon ka lakihan ang lagusan dahil noon ay sa kapatid ko ito nakakonekta, ngayon ay sa aso ko na. Bracelet nga lang iyong sa kapatid ko. Iyong unang aso ko naman ay panay sunod lang sa kapatid ko.
Trained din naman siya sa ganito kaya alam kong darating 'yon.
Maya-maya pa'y may mahinang tunog na akong naririnig. Senyales na paparating na ang hinihintay ko. Wala pang dalawampong segundo ay may natanaw na akong ginto na nagmamadaling tumakbo sa gawi ko.
Tumayo at umatras ako ng bahagya tapos ay ibinuka ko ang mga braso ko, agad naman siyang tumalon sa akin. Parang kiti-kiting hindi mapakali at panay ang kahol.
Hindi niya ako dinidilaan dahil ilam-beses ko na siyang nasaktan dahil diyan. Ayokong dinidilaan niya ako kahit wala naman siyang amoy. Kalaunan ay nakontento siya sa ganito.
Dahil sa kalikutan ay nasagi tuloy niya ang sugat ko sa dibdib, hilom na kasi ang iba ko pang mga sugat, kaya wala sa sariling nabitawan ko siya. Nasasaktang ungol ang umalingaw-ngaw kaagad sa paligid.
Napangiwi pa ako nang nanatili siyang nakatihaya at panay ungol lang...
"Arte..." Bulong ko. Saka ko hinila ang collar niya at umupo kapantay niya. "May gagawin tayo..." Ngisi ko.
Kaagad naman itong sumunod sa akin at nang marating namin ang sasakyan ko ay hindi ko na siya pinagbuksan at dumeretso nalang sa driver's seat. Sa sobrang talino kase niya ay nalaman niya pa kung paano ang pagbukas ng pinto ng sasakyan.
Iyon nga lang ay hindi niya alam paano isara kaya ako pa rin ang nagsasara.
Hapon na nang makarating kami sa isang burol, kaagad siyang nagtatatakbo at pinaghahabol ang mga paru-paru.
Habang busy siya sa paglalaro ay umupo naman ako sa ilalim ng isang puno na malapit sa pangpang. At nakangiting tumanaw sa kawalan...
The City's skyline is the landscape you can see from where I am. Napapalibutan ako ng mga kulay berdeng halaman.
Maya-maya'y naalala ko kung ano ang ginagawa ko rito. Dahilan upang mapawi ang ngiti ko.
I sighed. Bago tumingala sa bughaw na kalangitan. Hinayaang tumulo ang mga luhang kailan man ay hindi makakapawi sa sakit na araw-araw kong dinadamdam.
"How are you? Are you okay there? Ako hindi ako okay..mom. It's been nineteen years, at hanggang ngayon...hindi ko pa rin nakikita ang hustisyang hinahanap ko para maging malaya ako. You know, I always have a poem for you, here's the nineteenth, mommy..." Para akong batang walang muwang na hikbi ng hikbi. Dinaig ko pa siguro si Flea.
"The sky is bright but the sun is gentle. Fresh air is sweeping. Calm breeze is what I am feeling. My surrounding is perfect for I am mourning, again." Pagsisimula ko pa habang pinipigilan ang paghikbi ko.
Gusto kong alayan siya ng magandang tula...kaya hangga't kaya ko ay pipigilan kong humikbi.
"Nineteen years had passed. Yet I am still here, can't let go of the past. You left us too fast. Like a spell a witch can cast." Panay ang punas ko ng luha ko kasabay ng mga paghikbi ko.
"Mom, why didn't you fight? Why did you took a sudden flight? Now you're out of our sight. Making me miss you every night." Naramdaman ko ang balahibo ng aso ko sa gilid ko kaya humahagulhol na niyakap ko ito.
"I thought you're a fighter. But no, you left us hanging in the air! I thought you'd see me tougher? But how? You have left sooner. Please give me a sign. Where will I start in this chaotic sentence of mine? How will I construct different lines? Just to get a wonderful ending that will shine?" Walang ginawa ang aso ko kung hindi ang maupo habang umiiyak ako sa katawan niya.
It's always like this everytime this day comes. Kahit pa gaano kaganda ang panahon, babasagin at babasagin ko iyon gamit ang kalungkutang mayroon ang sestema ko ngayon.
Hindi ito ang pinakaunang aso ko. Marami akong naging aso, pero iisa lang ang ipinangalan ko, isa pa, parepareho rin naman sila ng kulay.
Isa ang namatay dahil sa katandaan, siya iyong bugbog na bugbog sa stress ko. Siya ang parating sumasalo lahat ng pagkabugnot ko sa katawan. Pero tinatanggap niya lahat, kahit ang mga sigaw ko na para bang siya parati ang dahilan ng pagiging meserable ko. Namatay siya bago ako lumipad papuntang Europe. Halos 8 years old na siya no'n, at sobrang sakit no'n.
Pagdating ko ay nakapulot naman ako ng katulad ng aso kong namatay, tuta pa nga lang. Sobrang nipis niya pero nang kupkupin ko ay naging malago ang katawan at naging maganda ang mga balahibo niya. Kaya lang, apat na taon matapos no'n, may nakita siya sa labas ng bahay. Hinabol niya, nasagasaan siya. Iyak ako ng iyak pero hindi man lang bumaba ang driver ng truck. Tumatawa pa siyang tumingin sa akin. Alam niyo kung anong ginawa ng trese anyos na ako?? Hinugot ko ang kutsilyo ko sa bulsa at ibinaba ang itim na sumbrero ko bago kinatok ang truck at umakyat, saka ko walang takot na ginilitan sa leeg ang lalaking 'yon! Tapos tumakbo ako daladala ang walang buhay na aso ko. Inilibing ko siya sa bakuran ko, ngayon, ay may puno nang nasisilungan ako roon.
Sumunod naman noong dise-syete ako. Iyon din ang taon nang pagpunta ni Miyaki sa akin. May binigay siyang tuta. Tinanggap ko at nagpasalamat kahit hindi kami okay. Mamahalin iyon kaya mamahalin din ang pagkain dahil may trabaho na ako no'n kaya nabuhay talaga ng matagal. Anim na taon ang lumipas, eksaktong paggraduate ko, namatay siya..sa sakit...hindi ko alam kung ano, hindi ko na inalam...wala na rin namang silbi. Mabubuhay ba siya kung malalaman ko? Hindi. Kaya napagdesesyonan kong kumuha nalang ng bagong tuta, binili ko ang aso ko ngayon.
Natigil ako nang may maramdamang kaluskos sa paligid. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang unti-unti na ring natutuyo. Pinakiramdaman ko ang paligid at nang may marinig na kaluskos sa may likod ko ay liningon ko ito agad.
Ngunit wala akong nakitang ano man. Napabuntong hininga na lang ako nang doon ay deretsong tumakbo si Air.
Anong meron?
Sumunod ako sa kaniya para sana malaman kung ano ang naamoy niya.
Pero kaagad napatigil ang mga paa ko sa paghakbang nang may marinig—
"Lord! Lord! Huhu!" Napakunot noo ako at sumabay kay Air sa pagtuklas kung sino ang nagsasalita.
Hanggang sa marating namin ang likod ng isang puno. Dahan-dahan kong ipinilig ang ulo ko at ganoon na lang ang pagngiwi ko nang mapagtanto kung sino ito.
Anong ginagawa niya rito?
Agad kong hinawakan ang leash ni Air para huminto siya.
Napatingin ako bigla sa hawak ng lalaki...a-at talagang dala-dala niya pa 'yan?!
Bahagya pang kumurba ang labi ko nang mapatingin siya sa bata na akmang iiyak na. At nang umiyak ito'y..jusko, pumalahaw din siya. Tuloy ay napatigil ang bata sa pag-iyak.
Ikaw ba naman makarinig ng gano'ng iyak?
Takang-taka ang bata habang kumukurap-kurap ang magagandang mata. Wala itong suot na kahit ano maliban sa pajama at maliit na puting sando.
Talaga ngang lumaki siya...tumubo na rin ang buhok niya, bakit ngayon ko lang 'to napagtuunan ng pansin?
"Oh? Ba't tumahimik ka bigla? Dapat hindi ka na umiyak eh! Mahuhuli tayo nito! Magunggong na naman ako!" Nakalabing aniya habang hinaharap ang bata. Pabulong lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko..dahil malapit na malapit lang ako sa kanila.
Napangiwi na naman ako nang ngumuso ang bata at "hmm?" Lang ang sinagot nito.
Nako..delekado 'to, mukhang magmamana pa sa kaniya ang anak ko.
"Tsk...anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan pang nanlaki ang mata niya at nagslowmo sa pagpihit paharap sa akin na nasa may gilid lang niya.
"H-hi?" Imbis ay sagot niya habang may alanganing ngisi sa mukha na nakatingala sa akin.
Kahit natatawa ay pilit kong pinatigas ang mukha ko. I took a step back and gestured him to come.
Pumunta ako sa pwesto ko kanina at umupong muli roon habang hilahila si Air.
Tanaw ko pa rin ang lungsod, 'yong nga lang ay may kasama nang sunset.
"Bakit ka nga napunta rito?" Tanong ko kaagad nang maramdaman siya sa likod ko. Hindi ko na kinuha si Flea dahil sa kalikutan niya, baka masagi pa ang sugat ko.
"A-ah...h-hinanap kasi k-kita," utal-utal na aniya. Nagsalubong naman ang kilay ko.
" At bakit mo naman ako hinahanap?" Matunog na napangisi ako. " Huwag mong sabihing namimiss mo ako?" Ang inaasahan ko ay tatawa siya at sasakyan ang biro ko pero mukhang wala siya sa mood ngayon.
"Pumunta ang mga lolo mo sa hospital.." Sa gulat ay marahas akong mapalingon sa kaniya, napaatras pa siya.
"A-ano?" Seryoso niya akong tinignan at napabuntong hininga.
"Nalaman nilang nawawala ka..hindi ko naman alam na sila pala ang tinawagan ng kapatid mo.."
"Kapatid? Sinong kapatid?!" Napakamot siya sa ulo.
" Nasa amin ako nang tumawag bigla si Mil. Nawawala ka raw, I panicked. Tapos pagdating ko ro'n ay sumulpot ang boss ko. Hindi ko alam na kapatid mo pala siya. Nag-usap kami sandali kung saan ka pwedeng pumunta. Pero nang malaman niya kung anong araw ngayon ay lumayas siya habang may tinatawagan sa telepono! Tapos hinila ako ni Mil sa rooftop..nag-usap kami tungkol sa 'yo pero may staff na biglang pumunta sa amin, saying kailangan naming pumunta sa room mo. Dali-dali naman kami dahil akala namin bumalik ka kaso, dalawang mga matatandang lalaki ang naabutan namin. Nakakatakot sila, Hangin. Tapos, sinabi kong asawa mo ako...k-kaso sinamaan nila ako ng tingin at pinalayas, huwag daw akong magpapakita hangga't hindi kita nadadala sa kanila." Napailing ako.
" Tsk..mga matatandang 'yon talaga!" Napakagat labi ako bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Oh, eh, paano mo ako natunton?"
Pumunta siya sa gawi ko at umupo sa tabi ko. Bago ako seryosong nilingon. Kung hindi ako nagkakamali ay pangalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganito. Noong nasa bahay kami ni Mil at nataranta siya dahil sa pag-iyak ni Flea..at ngayon.
"Hindi kita hinanap. Nagkataon lang talaga na dito rin ako pumupunta kapag gusto kong mag-isip ng malalalim. Kaso, naabutan kita..tumutula, umiiyak. Tsh."
"Bakit hindi mo 'ko hinanap?" Kunot-noong tanong ko.
Wala akong mabasa sa mga mata niya.
"Hindi ako nag-alala nang mabalitaan kong nawawala ka. Nakasurvive ka nga sa bala na nasa puso mo, eh. Pero..alam mo ba kung gaano ako nagpanic?" Seryoso pa ring aniya pero ngayon ay nang-aakusa na.
Maang akong napatingin sa kaniya.
"Anong pinagsasasabi mo?" Ngumisi siya at ibinaling ang tingin sa kawalan.
"Hindi mo ba alam ang salitang takot, Hangin?" Napakunot noo ako, pero bago pa man ako makasagot ay nagsalita ulit siya. " Sa bawat paghinga natin sa mundo, may taong sumasaya para sa'tin. Sa bawat sakit natin, may taong nasasaktan natin. Sa bawat paglaya natin, may tao o bagay na magpapalaya sa atin. At sa bawat hakbang natin palayo, may taong gustong sumama bago pa tayo maglaho. Lahat sila takot. Takot na ano mang oras ay malulungkot tayo, na lumala ang sakit na iniinda natin, na hindi na tayo bumalik sa kanila at takot na baka mawala tayo sa piling nila. Naiintindihan mo?"
Wala sa sariling napaawang ang labi ko.
" Anong pinupunto mo?" Tugon ko habang unti-unting iniintindi ang sinabi niya.
Lumingon siya sa 'kin at binigyan ako ng ngiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya, hindi tulad ng nakasanayan.
" Na may mga taong takot na mawala ka. Kaya sana, bago ka lumayas ay magsabi ka kung saan ang pupuntahan mo." I smirked.
" Walang taong takot mawala ang isang tulad ko. Kung meron man, si Mil lang. Siya lang naman ang may pake sa akin, si Tita Meriedan? Hindi 'yon, mabait lang talaga 'yon sa 'kin dahil anak ako ng matalik niyang kaibigan. Pero hindi niya ako gustong maging kaibigan ng anak niya." Seryoso niya akong tinignan sa mga mata.
"Paano kung mali ka?" Nagkibit balikat ako.
"Edi mali...hindi naman ako perpekto para hindi magkamali." Ngiwi ko.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Paano kung may pakealam naman pala sila sa 'yo? Akala mo lang wala? Anong gagawin mo?"
" Hindi ko alam...saka ano ba, kung may pakealam sila sa akin, dapat noon pa nila ipinakita." Tumingin ako sa tanawin sa harap. " Tatanungin kita, hahayaan ba nilang sumabak ako sa napakabigat na gawain kahit apat na taong gulang pa lang ako? Hahayaan ba nilang mawala ang kaisa-isang taong nagmahal sa akin ng totoo sa murang edad ko, kung may pakealam sila sa akin? Napakarami ng sakit at hirap na dinanas ko, Thane. Mapapisikal man o emosyonal. Kung may pakealam sila sa akin, hindi ako ganito ngayon."
" Ano ka ba ngayon?"
" Ngayon? Ako ang pinalaki nilang tao pero utak demonyo. Ngayon, wala na akong pakealam kung may mamatay sa kamay ko. Basta ba sinaktan nila ako at mali sila. Walang habas ko silang papatayin. Wala akong takot sa kahit ano at sino." Saka ko siya walang emosyong tinignan. " At ang may pamilyang tao, hindi ganito. Kung pamilya ako, hindi ako magiging demonyo.."
"May pamilya ka, paano mo nasasabi 'yan?" Pagak na tumawa ako saka nilaro-laro ang kamay ni Flea.
" Hindi porke't kadugo mo, pamilya mo." I sighed. Ayon na naman ang emosyong pilit kong pinipigilan. " Sa buong buhay ko, dalawang tao lang ang itinuring kong pamilya..at ang isa sa k-kanila, wala na..." Sinalubong ko ang tingin niya, "naiintindihan mo?"
Marahan siyang umiling. Tumango ako at mabilis na tumayo. Mahirap talaga akong intindihin. Pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi. Bakit hindi mo itinuturing na pamilya ang mga kadugo mo?"
" Dahil ang pamilya...nagmamahalan, pero sa kanila, ni kailanman ay hindi ko naranasang makaramdam ng pagmamahal..." Sabi ko ng hindi lumilingon. " Halika na..wala akong balak umiyak na naman."
I shook my hand. The one he's holding, para sana umalis na..pero mukhang wala pa siyang balak.
" Ilang beses ka na bang umiyak sa buhay mo, Hangin?" Tanong na naman niya kaya wala akong nagawa kung hindi lingunin siya.
" Maraming beses na. Karamihan ay ako lang mag-isa." Wala akong balak idagdag ang huling linya, kaso minsan may sariling utak talaga ang bibig ko.
" Bakit?" I sighed. Hahaba na naman 'to panigurado.
Umupo ako muli at kinuha si Flea sa kaniya bago sumagot na ngayon ay tulog na.
"Dahil ayaw kong may makakita." Aware ako sa tingin niya sa akin. 'Yon nga lang, wala pa rin iyong emosyon maliban sa kaseryosohan.
Hindi naman ako naiilang, sanay akong makasalamuha ng mga ganitong ekspresyon.
"Dahil takot kang makita ka nilang nasa mahinang estado, gano'n ba?" I smiled. Can I say it? I'm loving this side of him, heck.
"I'm never afraid about them seeing me helpless. But I don't want them to take advantage of my vulnerability." Nawala lang ang ngiti ko nang tumingin siya sa akin ng malungkot ang mga mata. "Bakit ba napakatransparent mga mata mo?" Hindi ko mapigilang magtanong.
And it looks like he was taken a back with it.
Bahagya pa akong natawa nang unti-unti pang nanlaki ang mata niya. Matapos ay makailang beses kumurap.
"H-hindi ko alam. Ikaw? Bakit blanko ang mga mata mo..parati?"
"It's where my demons hide..." Nakangiti pa ring sabi ko.
"Y-your demons?" Tumango ako at tumayo pero nasa kaniya pa rin ang tingin.
"Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko 'to sa 'yo. Just take this message Thane..." Huminga ako bg malalim. " Don't get too close, it's dark inside. It's where my demons hide, it's where my demons hide." Natatawang kanta ko pa.
(A/N:
Sound track: Demons by Imagine Dragons)
"If I get too close, would you kill me?" Natigilan ako..
"I won't. I won't hesitate to kill you." Kita ko ang paglunok niya. Pero maya-maya'y ngumisi siya..sa unang pagkakataon ngayon, ngumisi siya.
"This is why I like you.."
"Tell me why?" He stared at me adoringly.
"You're damn straight forward, you don't trust anyone.." Ngumisi ako.
" And?"
" I will make you trust me." Ngisi rin niya.
" It's a challenge then?" Nakakalokong sabi ko.
" If it is, then challenge accepted!"

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Diana Marie Borja Longalong

    good

    10/12/2024

      0
  • avatar
    Jimwel Pano

    this super super nice

    29/10/2024

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata