16

Her Pov
Panay ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Tanaw ko ang parehong likod nila ni Jay.
Ngayon ko lang napansin, halos pareho sila. Parehong malaki ang katawan at hindi halata kung sino ang naggy-gym at sino ang hindi. Ngunit tumaliwas lamang sa paraan ng paglalakad.
Jay's walking carefree and with sound while Thane's walking carefully without any sound. Kung susumahin ay masasabi mo kaagad kung sino ang mas delekado sa kanilang dalawa sa pagtingin lamang ng kanilang postora.
But my eyes clearly focuses on him.
Ewan ko ba, hindi ko mapigilang isipin kung tama nga ba 'tong ginagawa ko.
Tama lang naman siguro 'to. Alam kong agent siya pero wala naman siyang makikitang kakaiba sa lugar na ito liban sa kulungang nandoon sa ika anim na bulwagan, sa artificial sun at shield ng lugar.
Ibabalik ko rin naman siya—sila sa pinanggalingan nila. Positibo akong hindi sila magiging sabit sa plano ko.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Mil habang naglalakad kami patungo sa taniman.
Tapos ko nang ipakita sa kanila ang mga bulwagan.
Matapos ko kasing palayasin ang ama't kapatid ko ay napikon ako at inutusan ko nalang sila Mil na sumabay sa akin sa pagkain. Nabored ako kaya hinila ko si Kulog para i-tour nalang siya at marelax ako.
Kaya lang ay dinarag din niya ang pinsan niya, that's why kaming apat ang magkasama.
"Ngayon, how will you get away from that spoken marriage you just said back there?" Lumingon ako sakaniya.
"I'll send you three back.." mahinang sagot ko.
"A-ano? Bakit? Ngayon lang tayo ulit nagkita! Sia naman! Bakit ganiyan!?" Pabulong na singhal niya.
"Ayoko ng sabit, Mil. May mga plano ako. At hindi ko kakayaning dalhin ang maraming nakasabit sa pakpak ko." Umirap siya at nanginginig na nagpakawala ng hininga.
"Sabit? Iyon din ang tingin mo sa akin?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Wala akong choice." Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil rin ako.
"You're unbelievable! This is unbelievable! Damn.."
"I have plans. Dapat talaga dadaragin kita kaso... something came up..and it changed the damn plan." Tiim bagang ko ring tugon. Tumango-tango siya.
"Pa'no 'yan? Hindi pa rehestrado ang anak mo hindi ba?" I nodded.
"Sasabihan ko si Kulog."
"Why? Pwede namang ikaw nalang."
"Hindi pa pwede....I have to be extra careful now that Flea's with me." Sarkastikong natawa siya.
"Eh, bakit ba kase hindi mo nalang ibigay sa tunay na ama niya?!" Umiling ako...
"Hindi...hindi ganoon ka dali.."
"Ay..wala! Wala. Pero napakadaling gumawa ano?! At si TH pa talaga? Anong pumasok sa isip ninyong pareho?! May nobyang manloloko ang gagong 'yan! Hindi mo ba naisip na pwede kang maging kabit?!"
"Tumahimik ka na nga.... Hindi mo alam ang lahat okay?" Mapait siyang ngumiti.
"Of course! Kailan ko ba nalaman lahat sa iyo? Ganiyan ka naman eh! Parating ikaw ng ikaw lang ang nakakaalam! Ni sa 'kin ay wala kang tiwala! Feeling mo tatraydorin ka ng lahat kapag may pinagsabihan ka!"..tapos ay nagpamauna nang lumakad. Napapikit ako.
"Mil..." Habol ko sa kaniya.
"Ano?" Taas kilay na sagot niya.
"Pambihira. Tigilan mo nga 'yang tamputampuhan mo! Nagmumukha tayong magshota eh!" Doon siya natawa. Nakahinga naman ako ng maluwag .
"Okay...eto nalang. May gusto ka pa kay Miyaki? Grabeh 'yong mga pinagsasasabi mo kanina. Para talagang hindi ka ngumawa no'ng pinagtabuyan ka niya!" Ngumiwi ako.
"Bata pa ako no'n."
Sa totoo'y maging ako ay nalilito sasariling ugali ko. Madalas hindi ko napipigilan ang sarili ko..at minsan naman ay hindi ko maintindihan ang mga galaw ko.
Kanina..umiyak ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon kay Miyaki o ano.
Sa dami ng sakit na hindi makalabas sa pagkatao ko...nalilito na ako kung anong sakit ang dahilan ng bawat pagpatak ng luha ko.
"So wala na talaga?" Dahan-dahang umiling ako...
"Hindi ako sigurado. Kanina, may maliit pa rin sa akin na gustong pagbigyan ang gusto niya..."
"Hm..." Tango niya pa. "Pero, totoo ba talagang, habol lang ng mama ni Miyaki sa iyo ay ang posisyon mo? Eh, si Miyaki? Sa tingin mo, totoo ang pinakita niyang sakit?" Parang reporter na aniya.
"Dapat talaga ay nag broadcaster ka, at hindi nag chef.." ngumuso siya.
"Ano ba! Sagutin mo nalang! Ngayon na nga lang ako makakapagtanong sa 'yo eh." Napabuga ako ng hangin.
"Oo na..oo na.. totoo iyon. Nalaman ko namang pinilit lang ni Tita na puntahan ako ni Miyaki noon dahil sinabi ni Dragona. Totoo rin ang sakit na pinakita niya..hindi nagsisinungaling ang mga mata. Pero alam kong, nalilito lang rin siya...katulad no'ng unang makita ko siya sa mismong kinabukasan ng pagdating natin dito." Kumurap-kurap siya kaya gulat akong napatingin sa kaniya.
"H-hindi ka nangalay? Napakarami ng sinabi mo ah," napangiw ako ng wala sa oras.
"Hindi." Naiiling na tumingin siyang muli sa unahan kung saan...panay ang kwentuhan ng dalawa sa aming harapan.
"Hm...paano ka nga ba napunta sa pagiging empress? Hindi ba't gustong-gusto ni Anastasia ang posisyong iyan? Mabuti at hindi sa kaniya ibinigay."
"I have been running it for a while now...I was 20 when I started. No..I was just 20 when my Granddads bugged me about it."
"Really? So wala talaga sa plano mo na maghandle ng empire?" I shrugged.
"Meron naman...isa 'yon sa pinaghirapan ni mommy... Kahit pa ibigay ni Papà kay Anesthesia ang empire...nasa last will and testament ni Grandma Renai at ni Mom na ako ang magmamana ng buong empire, because I am the only legal daughter. " I said after a while made a sigh.
Grandma Renai is my father's mom. Grandma Renai and Granddad Rensor, her husband, was very friend by my grandparents in Dela Costa side, which is the side of my mother, Airyah and Lorion Dela Costa.
Dela Costa and Kutsumi empires are very well known in their generation. They wanted to have a heiress as fast as they can..dahil hindi nila gustong mamatay ng hindi nakikita ang apo nila. And that child was me..the carrier of all the burden.
"Sa'n ka nga ba pumunta? Ilang taong gulang ka lang no'ng nawala ka ah?" Tumango ako.
"I was thirteen. Dad...he won't have me the privilege to join school abroad. We faught words because of that. And I ran out...hindi ko alam ang pupuntahan ko no'n dahil sa sama ng loob ko. But then I accidentally bumped into a soft thing. It was a man's stomach—" she huffed.
"Sus! Akala ko naman forever mo na ang nabangga mo!" I sighed...
"Hindi nalang kaya ako magkwento—"
"No! No! You..you finish that!"  I pursed my lips..
" Ayun na nga...I bumped into someone. Ang naalala ko lang ay ang pagkukwento ko sa kaniya kung gaano ko kagustong magkaroon ng degree of medicine. Kaya tinanong niya ako kung gusto ko raw bang maging doktor, 'yong nagtatrabaho sa mga hospital."
"Tapos? Anong sagot mo?" She asked.
Our eyes are bluntly starring at our surrounding..but our ears are for us..to listen.
"Bakit mo gustong maging doktor?" Tanong niya. Siya ang nakabangga ko kanina.
Nandito kami sa playground. Nakasakay ako sa swing habang siya naman ang nagtutulak no'n sa likod ko.
Hindi ko malilimutan kung gaano kalambot ang tyan niya. He's handsome...but with white hairs, pareho sila nila graddads. He's also wearing tux and probably isang business man.
"Hindi ko gustong maging doktor..pero gusto kong pag-aralan ang mga pinag-aaralan nila dahil...gusto kong sumagip ng buhay."
"Hm..hindi ko masyadong naintindihan iyon ah? Pero, bakit ayaw mong maging doktor o magwork sa hospital??..." Umiling ako at tumingin sa araw na papalubog na.
Hindi ko trip doon, maraming ala-alang rumaragasa kapag tumuntong ako sa kahit saang hospital sa mundo.
"Hindi naman kasi lahat ng sumasagip ng buhay ay doktor. Hindi rin lahat ng doktor ay nasa hospital." Narinig ko pa ang marahan niyang pagtawa.
Napangiti rin ako ng maliit. Kung sana ay ganito si dad, hindi sana mawawala si mom.
"You're such a wisdom, child." Tumatawang aniya. I smirked.
"I'm not, but my mentor is."
"And who's that mentor, hm?" Tanong niya habang patuloy sa pag uugoy sa akin.
"She's my mom. The one who's always supporting me. Giving me water when I feel thirsty. Dressing me up when I am dirty. Scolding me after I did something terrible that day. She's that, angel..with a black wings."
"Ano pa?"
"She's my tough yet caring mentor. She's my kind yet scary mother. And she's brave yet soft when it comes to my father."
"Your mother is brilliant.. isn't she?" I nodded..
"She is.."
"And your father is very fortunate to have you both. A brilliant mother and a genius child." I can't see him but I can feel he's smile. So I turned around causing him to stop what his doing.
"Unfortunately...I loathed him." He gasped. Shock was all over his light feature face.
"What? Why?" I sighen sadly.
"He...he has second family. He..he doesn't have any care about us, mom and me.." Kita ko ang pagkakyuryuso ng mga mata niya pero tumango lamang siya na para bang naintindihan kaagad ang ibig kong sabihin.
"Okay..but why are you running anyway?"
" I want a degree in medicine but my father won't allow me to..we faught words..and then I walked out," he suddenly sit in front of me.
Making me wander more of his features.
"And why is that?"
"He wanted me to study Business Management, in the future. So I ran."
"But? Your mother? Why'd she agree on that?" I pursed my lips and shook my head while facing down.
"She..." I gulped.. hesitation was eating me in the moment. "She's
... she's gone. Long time ago, when I was just, 5." I looked at his face. God, his face is about to cry any moment. "Don't pity me please. I don't need that."
Tsk.. tsk..hindi ako parating nagsasalita ng englis pero dahil englishero tong kausap ko, napipilitan ako.
Kumurap siya at tumayo. Kapagkuwa'y umiwas ng tingin.
"What do you need then?" Mahinang aniya.
Tsk..nagpipigil ba 'to ng luha?
"Will you help me if I tell you?"
"Of course...I will. In fact I've decided to offer you my help.." Tumango ako. Sana hindi siya magsisi.
" I need a scholarship. I wanna study in europe. In cambridge, specifically." Mukha naman siyang mayaman, siguro afford niya namang pag-aralin ako.
"W-well..." Mukhang gulat pa siya.
Move Air..move. My system whispered.
"I have 98% grade in every subject I took in school. If I want, I can make it all to 99. Well, except in math. That subject is hard as fvck.. If you can't give me a scholarship, please refer me to your comrades. I really wanna study medicine. Kahit hindi na ako maging surgeon..degree at kaalaman lang ang gusto ko na hindi ibibigay ng ama ko."
"Gustong gusto mo talagang maging doctor.." I glared.
"I said I wanna have a degree of medicine, but I don't wanna be a doctor or a surgeon."
"Yeah.. yeah...when will you go?"
"Now." Nanlaki ang mga mata niya.
"N-now? As in now? Eh, ilang taon ka lang ah?" Umismid ako.
"I'm thirteen. And I can take acceleration exam. You bet?" He laughed.
"This child. Wala ka bang..maiiwan dito?"
"Well..aside from Mil and M—"
Miyaki. I need to talk to him.
"What? You're hesitant now?" Ngising aniya. I cleared my throat.
Damn, Air. You idiot!
"I..maybe I'll call you if I am already sure. Give me your phone number, please."
"Tapos ipinagtabuyan ka ni Miyaki?" Tumango ako.
"Yeah..at Sinundan niya ako four years later para sabihing pangarap ko ang nag udyok sa kaniya na ipagtabuyan ako. The funny thing is, hindi naman niya alam ang pangarap ko.." hindi makapaniwalang umiling siya.
"Wow....kung gano'n, naniniwala na akong  hindi ka talaga niya gano'n ka mahal." Umiling ako.
"In the first place, hindi namin minahal ang isa't-isa.."
"Weh? Eh ano 'yong sinabi niyang umiyak ka raw no'ng nag walk out siya?! Ha? Kailan iyon?!" Nagkibit balikat ako.
"Kanina... no'ng umalis ako sa ikalawang bulwagan." Madrama siyang huminga.
"Pero bakit?! Kung hindi mo siya mahal, bakit ka nga ba umiyak?!"
"Hindi ko alam..I just felt the pain, so I cried." She sighed. Habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"S-siguro dahil 'yon sa mga sakit na hindi mo nailabas, lalo na no'ng nalaman mo ang betrayal nila.."
"Siguro..."
"Teka.." bigla siyang umurong kaya wala akong nagawa kung hindi ang huminto rin.
"Ba't ka huminto?"
"Kung tama ako, sumunod sa iyo si TH hindi ba!!?" Tumango ako.
"Naabotan niya ako, umiiyak." OA siyang napasinghap. Napangiwi naman ako.
"Tapos?"
"Anong tapos?"
"Anong ginawa niya?!"
"Niyakap niya ako at—"
"Oh my gosh!!! OH MY! GO—!" Naputol ang paghehesterikal niya nang biglang sumigaw si Jay.
"Sia!! Sia!! Ang laki naman nito! Pwede bang pumitas ng mga prutas?!" Tukoy niya sa malawak na taniman ng prutas na nasa harapan namin. Kaya tinanguan ko nalang.
Lumaki naman kaagad ang ngiti nito at parang batang tumakbo sa farm.
Napailing nalang ako at pumunta sa gawi ni Kulog dahil tumatakbo na rin si Mil at sumisigaw ng, "Yahooooo!!!!! Ang sarap ng strawberry!!!" Paulit ulit habang kumikembot at tumatakbo.
"Nasaan tayo ngayon?" Tanong ni Kulog eksaktong nakaapak ako sa lupang kapantay ng tinatapakan niya.
"North east..." Ramdam kong napatingin siya sa gawi ko. Habang ako ay nakatanaw lang sa mga tauhan at nila Mil na nag eenjoy sa paghaharvest ng mga hinog na prutas.
"Nasa..Pilipinas pa rin naman tayo, hindi ba?" Agad akong napalingon sa kaniya.
Hawak niya si Flea ng ang kanan niyang kamay ay nakapulupot sa bata habang ang isa ay nagsisilbing silya nito habang pipikit-pikit itong tumatanaw sa kawalan.
"Ano bang nasa isip mo? Nasa Pilipinas parin tayo,huwag kang mag-alala." Umiling siya..
"Pero, paanong nagyaring may strawberry rito?!"
"Mataas ang lugar kaya malaming. Kapag malamig, nabubuhay ang strawberry.."
"Nasaan pa ba tayong parte ng Pilipinas?" Ngumisi ako.
"Hindi ko sasabihin.." kumunot ang noo niya.
"Bakit?!"
"Para malupet.." umirap siya kaya bahagya akong natawa.
"Alam mo, akala ko talaga hindi mo alam paano ngumiti at tumawa eh.." biglang aniya habang unti-unti umiindak para isayaw ang sanggol.
"Akala ko rin, hindi ka marunong mag-alaga ng mga bata.." nagkibit balikat lang siya saka sinilip ang mukha ni Flea at nginitian ito. Matapos ay tumingin na naman sa farm.
"Iisa lang ba..ang intrance at exit ng lugar mo?" Ginaya ko rin siya at tumanaw na rin sa kawalan.
"Hindi ko lugar ito, pero oo, iisa lang ang intrada at labasan ng lugar na 'to.."
"Hmm..." Tango niya. "May tanong ako.." kapagkuwa'y humarap silang dalawa ng sanggol na hawak niya sa gawi ko.
"Walang pumipigil sa iyo, ginoo.." Natawa pa siya...siguro dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng ginoo.
"Ginoo...napakalalim mong talaga, Airsia.." ngumisi ako.
"Wala pa iyan, sa kalingkingan ng aking ina.." sinabayan ko iyon ng marahang pagtawa kaya napailing siya.
"Kung hindi ka pumatay, iisipin kong isa kang maria clara.." bigla ay napangiwi ako.
"Sa pagsasalita pa nga lang, hindi na ako pasok bilang dalagang pilipina, maria clara pa kaya?" Malakas siyang natawa! 'Yong tipong wala na talaga siyang mata! At mas natawa pa nang sabayan iyon ni Flea! Ako naman ay hindi mapigilang pagpakawala ng ngiti.
Hindi talaga ako nagkamali..
"Asawa't anak ba iyan ng Empress, kanor?" Dinig kong bulong ng isang trabahador ko pero hindi ko nalang binigyang pansin.
Pero mukhang hindi iyon palalagpasin ng konryanong ito dahil liningon  sila ni Kulog at nginitian.
"Bagay po ba kami?" Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway nang sabihin niya iyon!
Mabilis namang ngumiti ang mag-asawa.
Pastilan..
"Ah...oo naman ho, emperor!" Nakangiting sagot ni Mang Kanor kaya halos masapo ko ang noo ko nang marinig iyon ng iba pang tauhan ko.
Mukhang naging interesado kaagad sila nang marinig ang salitang emperor! Tsk..nako naman...
"Emperor? Tama ba ang dinig ko sa iyo Kanor?" Lapit pa ng mga ito. Not minding me in front of them.
"Oo! Asawa ka ng Empress, hindi ba?" Baling na tanong ni Mang Kanor kay Kulog.
Alanganing tumingin naman siya sa akin kaya wala akong nagawa at tinanguan nalang siya. Kaya pilit siyang ngumiti sa mga ito na halos paligiran na siya habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.
"Ah..uho, hehe..asawa ho ako ng Empress ninyo, pero..hindi ho ako emperor" agad naguluhan ang mga trabahador. Bago sabay na napatingin sa akin.
Now..this is great.
"What?"
"Gusto namin ng emperor, hija!" Nakangiting sabi nilang lahat kaya napahilot ako ng sintido.
"Hindi pwede.." agad nanlaki ang mga mata nila at sabay pang napahawak sa dib-dib.
"Hindi ako tatablan ng arteng iyan...tigilan ninyo ako.." nakangiwing singhal ko.
"Pero bakit naman hija? Ngayon na nga lang kami ulit humiling sa iyo, dahil ngayon ka lang naman umuwi rito.." malungkot na saad ni Along Tess..isa sa mga artistahin na may edad na para lang mapagbigyan ko.
"Oo nga naman hija...asawa mo naman siya hindi ba? At saka...may anak na kayo! Nararapat lamang na maging emperor siya!"
"Oo nga! Gusto ko ang binatang ito para sa iyo!"
"Ako rin!"
"Lalo naman ako!!"
"Oy! Hindi ako papahuli dyaan!"
"Aba! Aba! Magpupulong tayo kapag hindi sumang-ayon sa atin ang batang ito!"
"Tama! Kasasabwatin natin ang iba pa!"
"Mag-aaklas tayo!! Bwuahahahahah!!"
Tinakpan ko ang nga tenga ko dahil sa mga nakakarinding palahaw nila. Daig pa nila ang mga bata! Gusto ko silang sigawan ngunit hindi pwede!
Isa iyon sa mahigpit na pangaral sa aking ina...huwag na huwag ko raw sisigawan ang mga mas nakatatanda pa sa akin liban na lamang kung may nagawa itong masama sa akin.
Bumuntong hininga ako at itinaas ang  kanang kamay ko upang makuha ang atensiyon nila.
Hindi naman ako nabigo dahil agad silang tumahimik.
"Hindi siya pwedeng maging emperor.." doon ay umugong na naman ang mga ungol ng pagkakadesmaya..."sa ngayon"
Lahat sila ay natigilan.. kapagkuwa'y unti-unting ngumiti at parang mga tangang bumalik sa kani-kanilang pwesto kanina.
"Wooh! Akala ko may hotspot na para sa 'kin!" Nginitian ko siya ng maliit.
"Paumanhin...sabik lang talaga sila na magkaroon ng emperor muli..." Iiling-iling kong sabi saka muling tinanaw ang mga mukha nila na may masayang ngiti.
"Bakit naman? Nandito ka naman ah?" Takang tanong niya.
"Hindi ako sasapat...kung may kompanya ka, dapat may kasosyo ka.. gano'n ba.."
"Hindi ba nila naging emperor ang ama mo?"
"Hindi ...."
"Teka nga...bakit ba Empress ang tawag sa iyo? Ano kayo?"
"Hapon ang angkan ko...may lahing hapon, kaya..hindi maiiwasang sundin ang sinaunang kultura ng mga hapon..kahit hindi naman namin alam kung paano magsalita ng hapon."
"Hindi ko na naman maintindihan!" Nakangusong aniya.
Natawa naman ako saka tumingin nalang sa halos papalubog nang araw.
"Bukas..ihahatid ko na kayo...pwede bang, ikaw na lang ang magrehistro kay Flea?"
"B-bukas? Agad?!" Eksahederong sigaw niya. Kaya napatingin ako sa kaniya..
"Hm...ano? Kaya mo bang irehistro si Flea?" Tumingin siya sa mga mata ko.
Ayon na naman ang dagat ng kalungkutang mayroon ang mga mata niya..kaya napaiwas ako ng tingin at napunta iyon sa maninipis na labi niya.
"I'll miss you.." malungkot na aniya.
"I will never miss you.." sagot ko naman na ikinatawa niya.
"Ouch! Pero Seryoso..bukas magkakahiwalay tayo..pero, kung bukas..hindi tayo magkahiwalay.."
"Ano?" Kunot noong saad ko nang putulin niya ang sasabihin niya.
Ngumisi siya. 'Yong killer smirk...kaya mas lalong nagtaka ako.
"Hindi na ako lalayo sa'yo..."

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Diana Marie Borja Longalong

    good

    10/12/2024

      0
  • avatar
    Jimwel Pano

    this super super nice

    29/10/2024

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata