14

HIS PoV
"Gusto kong ikaw ang magrehistro sa anak ko.." untag ni Hangin sa kabila ng pananahimik namin.
Nandito kami ngayon sa gusaling ayon kay Hangin ay ang tinatawag nilang ikalawang bulwagan. Ito rin 'yong pinagkainan namin kanina.
Ang kaibahan lang ay nasa pinakadulo kami, kasama si Mil at Jay. Malayo sa malaking pintuan at nakapalibot sa bilogang asul na babasagin ding mesa. Hindi gaya kanina na naroon kami sa long table sa gitna.
Katabi ko si Hangin sa kaliwa, sa kanan ko naman ay si Mil. At katabi ni Mil si Jay, may maraming upuang malayo kay Hangin. Hindi nila kami pinagtabing magpinsan dahil baka imbis daw na mag-usap ay mag-away kami.
Pabor naman sa akin 'yon. Hindi pa kase humuhupa ang inis ko sa gago.
Ano ba naman kaseng naisip at lumapit sa gusto ko?! Ayon tuloy at muntik ko pang masapak.
Alam naman niya kung gaano ako ka protektado sa teretoryo ko!—hindi ko pala siya teretoryo.. scratch that.
Lihim akong napabuntong hininga....kung wala ang sanggol ay magang-maga na sana ang mukha niya.
Maging ako ay hindi akalaing gano'n ang inis na mararamdaman ko. Wala naman akong nakitang masama na ginawa nila. Aish!
"Hm...walang problema. May koneksiyon naman ako...kaya ko 'yan. Kailangan ko lang ng mga importanteng detalye." Tumango-tango naman si Hangin habang panay ang subo. Hindi man lang namigay at siya lang talaga ang kumain sa isang platong adobong baboy.
"Ano 'yon?" Sabit niya pagkatapos malunok ang isinubo.
"Una. Sino ang ama ni Flea?" Nagulat pa ako nang tumingin si Hangin sa akin.
Nakanguso niyang itinabingi ang ulo niya kasabay ng pagpasada ng mga mata niya sa kabuuan ko..
"A-ano?" Medyo iritang saad ko.
"Wala kang Asawa?"
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Kunot-noong tanong ko rin pabalik.
"Sagutin mo nalang, ano?" Maangas na aniya. Na para pang tinatakot niya ako!
"Wala...wala akong asawa. Sa tingin mo ba magpapanggap akong asawa mo kung meron?!" Singhal ko sa kaniya!
Saan ba niya ibinato ang common sense niya?!
"Oo o hindi lang ang sagot..dumaldal ka pa. Wala kang nobya?" My whole went still.
"H-hindi ko sigurado...-"
"Ano?!" Eksahederang sawsaw ni Mil. "Hindi pa ba kayo hiwalay no'ng Roshan slash pokpok na 'yon?!"
Sinamaan ko siya ng tingin bago umiling..
"Huwag mo siyang tawaging pokpok..hindi siya ganiyan.." matigas na sagot ko.
Roshan maybe did something wrong...but she's a sweet little angel. She's kind.
"Ha! Sinabi ko na sa'yo! Ilang beses ko na ba 'yon nakitang pumasok sa hotel kasama ang iba't-ibang lalaki?! Hindi mo ba alam ang kasabihang..huwag masyadong maniwala sa mala angel na mukha! Dahil si Satanas ay anghel sa una pero sa huli ay naging masama!"
Maarteng sermon niya. Alam ko..tama siya. She even gave me shots of Roshan with other men...isa 'yon sa dahilan kung bakit kami nagkalabuan.
"Jusko, Thane! Ano ba naman! Hindi mo pa ba narerealize na sobrang gwapo mo para sa hampas lupang gaya niya?!-"
"Language...Mil." Napalingon ako kay Hangin na mukhang malalim ang iniisip nang putulin niya ang sinabi ni Mil.
"What?! What's wrong with that?! I'm just stating the truth! Hampas lupa naman talaga ang nilalang na 'yon!"
"Pero wala ka pa paring karapatang tawagin ang sino man na hampas lupa. You know how much I hate that fvcking word," mahinang sagot naman ni Hangin na nagpatahimik kay Mil.
Ha! I can't believe this! Profanity is okay but saying hampas lupa to anyone is not?! What kind of policy is that?!
Napatingin ako kay Jay. Wala siyang kibo at para bang may iniisip ren.
"Anong iniisip mo?" Alanganin siyang napatingin sa gawi ko.
"Ah..naisip ko lang..bakit kayo nagkakaganiyan sa sempleng tanong ko na sino ang ama ni Flea?"
Facepalm!
'Yon kaagad ang nagawa ko!
Nanlulumong dahan-dahan kong ibinaba ang isang kamay ko dahil ang isa ay ang kumakandong sa sanggol.
Doon ko nakita ang walang emosyong mata ni Hangin at ang napakasamang tingin ni Mil kay Jay.
"Alam mo! Para may pakinabang ka? Magluto ka ng pagkain dahil gutom na ako! At baka ikaw ang makain ko!" Sapok sa kaniya ni Mil.
"Aray!" Angal niya kapagkuwa'y ngumisi ng napakalaki. "Maghuhubad na ba ako, para kainin mo?" Nanlaki ang mga mata ni Mil at walang pasabing ikinulong sa dalawang palad niya ang leeg ni Jay.
"Tama na 'yan. Kami na lang ni Kulog ang magluluto." Biglang offer ni Hangin kaya gulat kaming napatingin sa kaniya!
"R-really?" Pinagsikop pa ni Mil ang mga kamay niya sa harap niya at umasta na parang batang nanghihingi ng pagkain kay Hangin
"'Wag mo 'kong tignan ng ganiyan. Kung gusto mo ng menudo, magluto ka. Huwag kang umasta na para bang hindi ka Chef." Hirit naman ni Hangin at biglang tumayo mula sa pagkakaupo niya at walang pasabing lumakad papunta sa kusina.
"Eh, anong lulutuin mo?!" Pahabol na sigaw pa ni Mil.
"Adobo!" Sigaw rin ni Hangin bilang sagot habang nakatalikod.
Nanlulumong napatingin si Mil sa malaking lamesa.
"Hindi talaga siya nagsasawa sa adobo!" Nakasimangot na aniya.
"M-marunong ba talaga siyang magluto?" Hindi ko mapigilang magtanong.
Bumuntong hininga siya.
"Aba! Oo insan! Mawawala ka sa sarili mo! Mas masarap pa nga ang luto no'n kesa sa luto nating tatlo na pinagsama-sama! 'Yon nga lang madalang siyang magluto ng ibang putahe. Parating adobo, 'di kaya'y sinigang," si Jay na ang sumagot.
"Isang beses, no'ng mga siguro ay 11 years old kami. Bigla siyang nagluto ng isang putahe. Napakasarap no'n! Kaya tinanong ko anong pangalan. Sabi niya ay menudo. Tapos pinagluto ko ulit siya kaya lang ayaw na niya. Sinabihan pa akong kumain nalang sa karenderya, at dahil masunurin ako, sumunod ako sa kaniya. Pero hindi kagaya ng niluto niya ang lasa no'ng nakain ko..." Biglang kwento naman ni Mil.
"Tapos?" Si Jay.
"Tapos..bumalik ako sa kaniya. Sinabi kong lutuan niya ako ulit no'n! Pero ayaw na niya. Kaya sinabi ko na magpapaturo nalang ako sa kaniya. Pero ayaw rin niya!" Maktol niya tapos ay umirap. 'Yong irap na wala na talagang ibang makita sa mata niya, kung hindi ang puting kulay nalang.
"Bakit daw?"
"Dahil tinatamad daw siya! Huhu! Kaya simula no'n sinabi ko sa sarili kong mag-aaral ako ng culinary para malaman ko kung paano 'yon. Kaso, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magaya-gaya ang lasa no'ng sa kaniya."
"T-talaga?" Amazement begins to struck me. 11 years old? Para sa isang rich kid, ang aga naman ata niyang magluto? "Saan siya natutong magluto?" Sabik na tanong ko pa.
"Ay wala! Ang mabuti pa'y sumunod ka na sa kaniya! Baka bigla nalang may tumarak na patalim dito sa mesa!" Napangiwi ako sa sigaw na naman ni Mil.
"Kaya naman na niya siguro 'yon! Sagutin mo na muna ak-"
"Kulog, hindi ba't sabi ko, tayong dalawa ang magluto?"
"Afatay!" Mahinang singhal ni Jay.
Tikom ang bibig na tumingin ako sa likod ko. Doon ko nakasalubong ang madilim na mukha ng Empress.
Hindi mo ba 'yon magagawa ng mag-isa?!.
'Yan ang nasa isip ko..
"Hehe....s-susunod na nga s-sana ako eh. K-kaso itong si Mil kase! Sinusulsulan ako na menudo raw ang lutuin!" Pero iba ang sinabi ng bibig ko. Tsh.
"Hoy! Anong ako?!" Kontra ni Mil pero hindi ko na siya pinansin at nagkukumahog na tumayo na lang.
"Ah..hehe...ibibigay ko ba muna ang sanggol kela Mil?"
"Anong ibibigay? Dadalhin mo 'yan. Halika na." Blankong saad aniya bago tumalikod ulit.
"Hindi ka ba makapagluto ng ikaw lang?" Sabi ko eksakong pagkasarado niya ng pinto.
And as expected...blue na naman ang kulay ng buong silid. May napakalaking Island counter sa gitna at babasagin rin.
Hindi ko 'to napansin kanina dahil sa sobrang excitement. O mas tamang sabihin na wala talaga akong napansin dahil do'n.
Matapos tignan ang napakagarang kitchen niya ay tumingin ako sa kaniya. Pero imbis na sagutin ako ay pumunta siya sa isang napakalaking 2 doors refrigerator!
Hinawakan niya ang isang hawakan no'n at hinila ng walang kahirap-hirap hanggang sa mabuksan iyon. Matapos ay ang isa naman ang binuksan niya.
Wtf?!
A-ang daming laman! Sa kanan ay ang mga inumin. Sari-saring inumin! Beers, wine, vodka's, Pepsi, coke, sprite, chocolate drinks, and even yakult! Habang sa kaliwa naman ay mga pagkain itlog, vegetables, fruits at iba pa.
"You see...." Sabi niya tapos ay dahan-dahang humarap. "My left arm is not yet healed. I need a company and since we have something to talk, I appointed you here with me."
Nakonsensiya naman ako. Oo nga pala, may benda pa siya. Hindi lang kita dahil sa malaking manggas ng t-shirt na suot niya.
"Ano namang pag-uusapan natin?"
"Things...that maybe can make the both of us shock, happy, sad..I don't know. Let's just see."
"Ano bang gagawin ko rito?"
"Tutulong.." Napapikit ako. Nakakasimot ng pasensiya 'tong babaeng 'to!
"Ano ngang gagawin ko para makatulong?" May pagtitimping sagot ko.
"Hm? Ah, 'yon ba? Alagaan mo ang sanggol. At maghintay kung kelan kita kakailanganin." Sabit niya saka nagsimulang kunin ang mga rekados. Nakasimangot ako.
Una niyang binitbit ang tuyo, suka, kalamansi, bawang at mantika. Inilagay niya iyon sa island counter saka niya binuksan ang isa pang kabinet at kinuha roon ang isang napakakapal na sangkalan.
"Hindi ba dapat nakabitin 'yang sangkalan?" Hindi siya lumingon bagkos ay nagpatuloy lang at binuksan ang isa pang kabinet at kumuha ng kutsilyo.
"Isa pa'yan! Hindi ba dapat nakalambitin lang din 'yang mga kutsilyo?" Pero umiling nalang ako nang hindi parin niya ako pansinin.
Bumuntong hininga siya saka pumunta sa isang sulok. Nagsuot siya ng PPE! Kita kong may pinindot siya na parang doorbell doon dahilan upang otomatikong bumukas ang isang pintong puro puti lamang ang naroon!
Bahagya pa akong nanginig dahil sa usok nitong kay lamig.
Teka..freezer ba 'yon?!
Hindi nagtagal ay lumabas siya mula roon. May dala na siyang karne ng manok! At otomatikong sumara ang pinto nang pindutin niya uli ang button.
Agad akong lumapit nang senyasan niya ako.
"Kunin mo.." nang makuha ko ang manok ay kaagad siyang naghubad ng suit at parang wala lang na isinampay iyon sa isang bakal na nakahalang sa ere. Hindi nababasa ang sahig dahil may foam iyon sa ilalim na parang rug na oma-absorb ng tubig galing sa suit.
Hindi rin siya nahirapan sa paghubad dahil mukhang magaling sa endurance ang katawan niya. Ni hindi nga siya ngumiwi eh.
Ha! Amazing!
Kinuha niya ang manok saka inilagay sa nakalapag na sangkalan. Tapos ay tinadtad iyon gamit ang kutsilyo.
"A-anong gagawin mo?" Usal ko nang makitang inilagay niya ang karne sa isang topper ware.
"Magmamarenate.." tapos linagyan niya iyon ng suka.
"Freezer 'yong pinasukan mo hindi ba??"
"Hm," tango niya.
Tinignan ko ulit ang manok para masiguradong tama ako.
"Eh bakit hindi nababalot 'yan ng ice?!" Turo ko sa karne.
"Dahil ang wala pang ice ang kinuha 'ko.." saka niya nilagyan ng tuyo.
"Ano?" Napabuntong hininga pa siya bago inilapag ang hawak-hawak na wala ng laman na tuyo.
"Nagmamadali tayo. Gutom pa ako at hindi mo nakuha ang lasang gusto ko. 'Wag kang mag-alala. Malinis pa sa'yo 'yong freezer namin, kahit hindi hugasan makakain pa rin." Saka siya nagpatuloy sa paglalagay ng asin..paminta..at ewan ano pa 'yong iba...may sigubuyas ren pala. Dahon at bunga.
"Ah...kaya pala naubos mo eh, ano?" Sarkastikong sagot ko.
"Hm..hindi ko naman sinabing hindi masarap. Sanay lang talaga ako sa luto kong mala five stars."
"Ang Hangin mo!" Nakasimangot na sabi ko pa. "Ba't mo kinain kung gano'n eh hindi naman pala 'yon ang nakasanayan mo?!" Iritang sigaw ko!
"Huwag kang sumigaw. Hindi mo magugustohan kapag nagising 'yang hawak mo."
"Tsh.. Chef ka rin ba?" Tanong ko nang makita kung gaano kabilis niyang natapos ang paghihiwa ng bawang.
Ganiyan ang galawan ni Mil eh. Malupit sa kusina. Ang kaibahan lang eh, si Mil kapag gutom, si Jay ang pinagluluto. Itong si Hangin, kapag gutom siya ang nagluluto.
Tama ba?
Tsh.
"Hindi."
"Kung gano'n, paano ka nakakapagluto ng ganiyan? Para kang si Mil."
"May nagturo lang sa akin..." Walang emosyong aniya.
"Kung sin-"
"Wala na siya. Kaya huwag mo nang tanungin kung sino.." natahimik ako.
Hindi ko naman tatanungin eh!
No'ng akmang aalis siya sa pwesto ay nagsalita ako.
"Sa'n ka pupunta?" Nakakunot noong tumingin siya sa akin.
"Kukuha ng Palayok...." saka niya ipinagpatuloy ang naudlot niyang paghihiwa.
"Palyok, what??" Tumango siya saka tumalikod na. "Ano 'yon?!"
"Hindi ka pala pwedeng maging Chef kung gano'n.." I huffed..
"How dare-hoy! Masarap ang luto ko kaya naman masasabi kong over qualified pa ako!" Taas noong pagyayabang ko.
"Oo, pero hindi mo alam kung ano ang Palayok.."
"Baket?! 'Yon ba ang basehan?!" Isinara niya ang kabinet at may bagay na bilog na ewan! Parang antik! Siyang pinakita sa akin!
Marahan niyang iwinagayway iyon sa harap ko..
"Eto..eto ang palayok. Hindi ito ang basehan pero importanteng malaman 'to ng mga tagalutong Pilipino."
"Y-yan?! Hell, kasya ba lahat ng 'yan diyan?!" Ngumiwi siya. Isinalang ang Palayok.
"Hinay-hinay...baka marinig ka ni Dragona. Ma-lecture-an ka pa," tapos ay ginisa niya ang bawang at hindi ko alam kung ano pa 'yon.
Bawang lang kase ginigisa ko eh, okay na!
"Ha?! Anong mali sa sinabi ko?!" Doon siya tumingin uli sa akin habang papunta uli sa counter at kinuha ang karne kasama ng tubig at tuyo. Inilagay sa palayok ang karne tapos ay sumunod na inilagay ang tuyo saka sinundan ng tubig. Tapos ay nilagyan ng maraming sibuyas.
Tapos no'n ay humarap siyang muli sa akin.
Humalukip-kip pa siya at pinagkrus ang mga paa.
"Ang palayok ay ginagamit ng ng mga Pilipino noong wala pa ang mga kaldero. Hanggang ngayon ay may gumagamit pa rin nito. Katulad nalang namin. Mas maganda kasi ito dahil mas nanonuot sa karne ang lasa. Ano bang ginamit mo kanina?" I suddenly found myself scratching the back of my neck.
A-ano nga ba 'yon?
"H-hindi ko na..ata..maalala?" Matunog na napangisi siya.
"Gumamit kang hindi alam ang gamit na ginagamit mo?" Umiling siya. Ngumuso naman ako at inilibot nalang ang paningin.
"Buti hindi nababasag 'tong mga gamit mo, ano?" I said. Diverting the stupid topic.
"Buti nakaya mong humalik sa akin kahit alam mong may shota ka, ano?" Agad akong natigilan at napalingon sa kaniya.
"How sure are you na kami pa?" She shrugged.
"I am not sure" pinangunotan ko siya ng noo.
"What?"
"Because I am certain. Hindi pa napuputol ang ugnayan ninyo, tama ba ako?" Hindi ako sumagot.
Ngumisi siya.
"Then you're hurting, am I right?" Tumingin ako sa mga mata niya.
"How did you know?"
"Your eyes are saying it all, mister. Hindi mo ba alam kung gaano kalungkot ang mga mata mo?" Lumunok ako.
"I-I...Ah..fvck!" I frustratingly said.
"Okay lang 'yan...just dump that bitch and be my child's father instead..." Hindi iyon pakiusap. Utos, utos ang nangingibabaw sa tuno ng pananalita niya.
"Me?" Turo ko sa sarili ko.
"Yes. You. That's my condition. You'll leave after I tour you to my property. Right?" Tumabingi pa ang ulo niya kapagkuway parang batang pinaling-paling iyon.
Ang kaibahan lang ay...creepy siya at ang mga bata ay cute.
"When will you tour me?" Ngumisi siya.
"Tomorrow, whole day."
"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman. Kung gusto mo ay wala pang kainan."
"G-gano'n kalaki 'tong property mo?!"
"Hm. Kung titignan mo sa mapa ay magmumukha itong isang syudad." Mayabang na aniya.
"Ang yabang ah?" Ngising sabi ko.
"Mayabang nga.." tapos ay ginawaran niya iyon ng isang marahan ngunit nakakikilabot na tawa. "Ano? Papayag ka ba?"
Ako naman ang ngumisi.
Akala yata nito ay nalimutan ko na..
"But how about my condition? Why did you lied?" Pero taliwas sa inaasahan kong matitigilan siya ay ngumisi lang ulit siya.
"I'll tell you, of course...just..say yes..then we're done."
"Okay...yes, I'll be your child's father." Mapanuyang tinignan niya ako sa mata.
"Even if it is considered cheating to your girl?"
"It's not cheating.."
"Then what?"
"It's equality.." marahan siyang bumuntong hininga.
"What the hell? In what way?" Frowning, she said.
"She cheated first, many times. Now I'll cheat. And that makes our equality."
"Oh..okay..then that's good. At least, alam kong hindi ka gano'n ka-martir."
"What? Sino ba kasing may sabing martir ako?"
"Wala...naman," saka niya pinatay ang kalan ng hindi man lang iniinspeksyon kung luto na at bumaling sa pwesto ko.
Dahan-dahang lumakad siya papunta sa akin at walang sabi-sabing kinuha ang anak niya mula sa akin.
"The reason why I chose to lie is that..." Pambibitin niya habang naglalakad patungo sa veranda ng kitchen.
Tsh... ground floor na nga may veranda pa?
Naiiling na sumunod nalang ako sa kaniya.
"I don't own this child.." I stilled.
Literal na napako ang mga paa ko satinatapakan ko.
"C-can you repeat what you just said?" Lumingon siya sa akin.
"Pumantay ka sa akin.." utos niya na ginawa ko naman kaagad..
"Anong nangyari? Paanong?"
"I was driving my way to Mil's house. After almost a decade, that day will be our best reunion. At least that's what I thought." Pagsisimula niya habang ang tingin ang nakapako sa mga naglalakihang puno na siyang nagbibigay lilim sa amin.
"Tapos?" She sighed.
"Pero may isa pang lugar na gustong puntahan ang sestema ko. And in my way there, I was..just.. disappointed like, what the hell happened?" Hindi ko man maintindihan ang gusto niyang iparating ay nanahimik ako.
"Huminto ako... silently mourning about my place who became a fvcking horrific forest. After that, I decided to go. But when I saw a white thing across me, I stepped unto the break as fast as I could. I moved out. And then I heard faint but pointed sound. Uwahhh... Uwahh that's all I hear. Akala ko nga ay t'yanak pa. Until my gaze landed on the thing I saw earlier. Nanginginig ang sestema ko habang lumalapit sa bagay na 'yon. Panay ang sambit ko ng mahabagin, and to tell you the truth, that was only the third time I lost my chill and it's like, nervousness was eating me at that time. And when I decided to know what it is... It's a baby. Pikit ang mata, may pusod pa, putlang-putla at noon ko lang napansin na basa pala ang lampin na nakapulupot sa kaniya. No'ng siniyasat ko iyon, may nakaborda pa. Airflea. Doon ko kinuha ang pangalan niya, since kalapit lang din ng pangalan ko. I immediately carried the child and lended my ear to her chest. Nakahinga pa ako ng maluwag nang malamang normal pa ang tibok ng puso niya. "
"N-no traces of her mother?" Tumingin siya sa akin. Masamang tingin, pero hindi naman ako nasindak.
"That mother, she's useless. I want to be Flea's mother, I will take care of her the way her mother didn't. That's why I lie-no, I need to lie for the sake of the child." She firmly said.
"P-paano kung dinukot lang ang sanggol mula sa ina? O 'di kaya'y nabitawan? M-maraming posibleng dahilan. Pa'no mo nasabing walang kwenta ang ina niya? Paano kung ngayon halos mamatay na iyon sa kaiisip sa anak niya?"
"At paano kung taliwas sa iniisip mo ang iniisip niya? Masyadong liblib ang lugar na iyon para pumunta roon ang ina at bitawan ang sanggol. Kung dinukot ang sanggol, bakit inilagay sa kalsada? Kung dudukot ka ba, ilalagay mo sa kalsada? Kung dudukot ka ba, at gusto mong patayin nalang ang dinukot mo, ilalagay mo sa may taong madaling makakita? But all in all, useless ang nanay niya. Kung ako ang nasa lugar niya ay lalagyan ko ng tracker ang anak ko para sigurado ako kung nasaan na." Nanlaki ang mata ko.
"Anong tracker naman?!"
"Tracker device, hindi mo ba alam 'yon? Kadalasang nakatago iyon sa kwentas, hikaw, maging sa balat."
"Nasisiraan ka na ba?! Huwag mong sabihing lalagyan mo si Flea niyan?!" Umiling siya.
"Hindi ko na lalagyan.."
"Bakit? Hindi ba-" pinutol niya ako
"Dahil nilagyan ko na"
"Ano?!-"
"Airsia...tapos na ba ang niluluto ninyo?" Napalingon kami sa pinto nang may magsalita.
"Bakit?" Sagot ni Hangin.
"They're..here.." halos pabulong na sabi ni Dragona.
"What? Ano namang kailangan niya?!" Biglang singhal ni Hangin.
Sino ba?
"Go..ako na ang maghahain. H-hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang bruha."

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Diana Marie Borja Longalong

    good

    10/12/2024

      0
  • avatar
    Jimwel Pano

    this super super nice

    29/10/2024

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata