Homepage/In My War, I Found Love/
13
HIS PoV
"Insan!!" Napalingon ako sa likod nang marinig ko iyon habang naglalakad ako patungo sa mansion.
"Saan ka galing?" Dagling sagot ko sa kaniya. Bigla-bigla nalang kaseng sumusulpot sa kung saan.
"Dyan lang...hehe..nakita mo ba si Mil?" Kamot ulo niyang tanong.
"Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala, Juan?"
"Ewan! Kaya nga nagtatanong ako sa 'yo eh!" Nakangusong aniya.
"Hindi ko nakita si Mil. Ang akala ko nga ay kayo ang magkasama.." mas lalo siyang ngumuso.
"Eh...kami nga..kaso, may mga nakaaliwan akong mga babae sa chismisan! Ayun...nagselos ata..haha! Mahal niyang talaga ako, insan!" Parang tangang aniya.
Napabuntong hininga ako.
"Chismisan? Sigurado kang chismis lang?"
"Ha? O-oo naman! At alam mo ba? May nalaman ako!" Tumaas ang kilay ko.
"Tungkol saan?"
"Tungkol dito! Kayla Sia! Anak ng! Sa tinagal-tagal naming magkakilala no'n hindi ko akalaing ganito ang malalaman ko!" Doon ako naintriga..amp..ambading!
"Anong tungkol sa kaniya?"
"Ang tawag nila sa kaniya ay empress!" Napangiwi ako.
"Alam ko na 'yan, eh!"
"Hindi ko naman tinatanong! Siya! Eto na nga! Tinanong ko kung bakit empress ang tawag sa kaniya! Ang sabi nila ay dahil daw siya ang nagmamay-ari sa Dela Costa-Kutsumi Empire! Anak ng tipaklong! Napakalaki ng empire na iyon hindi ba?!"
Maging ako ay napatanga. That explains why she had this very big place! What the hell? Where did I've gotten myself into?!
Dela Costa-Kutsumi Empire is one of the most respected group of businesses, states or enterprises not only here in the Philippines but also around the world! They have agricultural productions here in Philippines. Group of companies who handles different businesses. At maging different states ay mayroon sila around the world.
So far, iyan pa lang ang nalalaman ko. They're very private. Lahat ng CEOs ng kanilang kompanya maging ang mga kasosyo nila ay nalaman ko kung sino dahil sa minsang pagkakyuryuso ko....pero ang Chairperson ng Empire ay kailan man, hindi ko nalaman. At sigurado akong, ni isa man sa mga kasama ko sa agency ay hindi rin 'yon alam.
Balita ko pa nga ay napakarami nilang natulungan at tinutulungan. Pero kung totoo nga 'yon, bakit parang...hindi si Hangin ang namumunong inaasahan ko?
Bumaling ako kay Jay..
"Sigurado ka ba?" Kunot noong tanong ko pa. Agad naman siyang napatango-tango.
"Oo naman!" Marahang lumapit ako sa kaniya at bumulong.
"Tsh...'yon lang ba nalaman mo?" Ngumisi siya ng pagkalaki-laki.
"Hmm...tila ikay interesadong-interesado sa Empress pinsan kong butihin? Magiging best man na ba ako?" Kung wala lang sa mga bisig ko ang sanggol ay matagal ko na siyang nasapak.
"Sasabihin mo ba o sasabihin ko kay Mil na—"
"O-oo na! Oo na! May isa pa akong nalaman at sigurado akong masisiyahan ka!" Tumaas ang sulok ng labi ko.
Isa ito sa gusto ko sa kaniya at ang pagkakapareho namin.
Pareho kaming chismoso. Kaya naman, marami kaming alam. Hindi naman kami tulad ng mga nanay sa kalye na sinasabi sa iba ang nalalaman namin.
"Spill.." gusto lang namin ng clues upang hindi kami maging clueless.
Laging tatandaan, may dalawang uri ng Chismoso at chismosa. Ang gustong may malaman at ang gustong manira lamang. And we're the first one.
Kaya naman, huwag ugaliing husgahan ang mga Chismoso at chismosa.
"The empress doesn't have an emperor in her side yet! Kaya may chance ka pa insan!!!—ARAY! Ba't mo naman ako binatukan!?"
"Gusto mo ako nalang ang sumigaw para sa 'yo?" Sabi ko na ubod ng sarkasmo.
"Ikaw na nga 'tong...tsk..—o-oh!" biglang gulat na aniya habang ang tingin ay nasa sanggol na dala ko. "Ang aga niyang nagmulat ng mata no? Eh...ang liit pa lang niya eh" ungot ni Jay.
Pero hindi ko siya magawang sagutin dahil biglang pumasok sa isip ko ang babaeng 'yon!
Magdadalawang oras na siyang tulog at hindi ko alam kung bakit! Ang akala ko ay maganda ang naging gising niya dahil wala sa itsura niya na kulang ang tulog niya.
Naalala ko nanaman tuloy ang adobong niluto ko para sa kaniya! Feel na feel ko pa ang pagtitimpla no'n dahil gusto ko ay mapatatawa ko siya sa sarap!
Tsh! Kailan naman kaya niya planong kainin 'yon?!
Napanguso ako. Kasabay no'n ang pagkakaalala ko kung paano ko siyang nakita na iyak ng iyak! Pero bukod sa luha ay wala na akong makitang iba pa sa mukha niya...
Nagsimula siyang magkwento at naging interesado naman ako. Hindi ko lang maintindihan kong bakit niya naisip na hindi pwedeng umibig ang tulad niya! Hindi ba't minahal niya iyong Miyaki niya?!
Saan nanggaling ang mindset na 'yon?!
"Hoy! Ano ba! Ginagawa mo naman akong hangin insan eh!"
"Ano ba kase 'yon?"
"Ang sabi ko! Hindi ba weird na napakaliit naman niya para magmulat agad ng mata?!"
"Anong weird? Gunggong ka ba? Pa'no naging weird 'yon?! Palibhasa wala kang nalalaman sa mga sanggol."
"Ha? At ikaw meron? Gano'n?" Umiling ako at hindi nalang siya pinansin.
Minsan talaga ay ansarap sapakin ng pinsan kong 'yan.
Nang marating ko ang kwarto ni Hangin ay agad kong hinawakan ang seradora ng pinto. Dahan-dahang tinulak iyon at bumungad sa akin ang kulay blue niyang kwarto. Kasabay ng biglang paglabas ng aso niya mula sa kwarto. Halos lahat ay babasagin, buti at hindi niya naisipang gawing babasagin ang kaniyang kama.
Subalit ang halos naiiritang mukha ko ay napalitan ng pag-aalala nang makita ko ang estado niya.
Nakahiga siya ng pahalang at walang unan. Hindi gumagalaw at para bang may pumipigil sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamao at napakabilis ng paghinga. Lumuluha ang kaniyang mga mata. At maya-maya pa'y...bumulong siya.
Dinig na dinig ko iyon...dahil hindi naman siya gaanong kalayo at isa pa sensitive ang hearing ability ko.
"D-don't leave us." Na nasundan ng salita.
"Please.." na sigaw ang tumapos.
"Don't leave me!!" Doon siya biglang napabalikwas ng bangon.
Hingal na hingal. At nakatanga lang. Saka bumuntong hininga.
Agad nagtama ang paningin namin nang iangat niya ang kaniyang ulo.
Mabilis na lumambot ang sestema ko. Mabilis bumalot sa sestema ko ang lungkot.
Anong pinagdaanan mo? Gaano kasakit? Gaano ka pait?
"Anong nangyari sa 'yo?" I was taken a back with her innocent question.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano ang nangyari sa iyo?" Lalong nagumpugan ang kilay niya.
"What do you mean?"
Wala talaga siyang naalala? O, hindi lang niya alam na puno na ng luha ang pagmumukha niya?
"While asleep, you were screaming."
"And?"
"And now that you're awake, you're already crying..." Natigilan siya. Ngayon lang siguro niya narealize.
Pero gano'n pa man...wala pa ring nagbago sa mukha niyang blanko.
"Just had a dream.." iiling-iling na aniya at sa isang iglap ay napunta na siya sa pintuan ng kaniyang banyo. Pero madali akong nakapagsalita na siyang ikinatigil niya.
"A dream? Or a nightmare? They are different miss.." Sabi ko habang wala ang paningin sa kaniya.
Lumingon ako siya sa akin
"A fvcking both!" Sigaw niya bago ko narinig ang malakas na pagkasasalampak ng pinto sa banyo.
Mabuti nalang talaga at hindi niya naisipang gawing babasagin ang pinto ng banyo niya.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga nalang at ilibot ulit ang paningin sa loob ng silid niya.
Ito ang pangatlong beses kong pagpasok sa silid niya. At ngayon ko lang napansin na hindi gaya ng panlabas na ding-ding kung saan maraming nagagandagang patterns na nakaukit. Ang kaniya ay wala ni isa.
Pati study table ay babasagin ngunit tulad ng kwarto ay wala ng pattern.
Pero nang dumapo ang paningin ko sa ding-ding kung saan nakasalampak ang headboard ng kama niya ay may napansin ako.
Unti-unti kong inihakbang ang paa ko at inilapag sa gitna ng kama ang sanggol. Saka ko sinuri ang bagay na nakaukit sa parteng iyon.
Sa unang tingin ay aakalaing walang nakaukit rito dahil sa babaw ng pagkakagawa pero sa katulad kong matalas ang paningin ay madadakip iyon.
Nakikita ng mga mata ko kung paano pinagbuti ng gumawa nito ang color blending upang hindi kaagad mapansin. Kung paano ginawang parang buhay ito gamit ang babasaging asul na pader.
Hindi madaling ilarawan dahil hindi naman ako malupit na artist...pero talagang napakaganda. Kulay blue lang, pero nangingibabaw ang kagandagan.
Ibon. Isang kalapati. Na may bold cursive word. All small letters.
pigeon
Iyan ang nakasulat. Naalala kong iyon ang isa pa niyang pangalan. Ang hinanap noong lalaki sa amin.
Hinawakan ko iyon. I traced the figure until my finger landed on a button.
Napabitaw pa ako roon nang biglang may tumugtog na musika.
I don't know, pero napakasarap sa pandinig ng kantang iyon..o sabihin na nating napakasarap damhin ng boses babaeng kumakanta no'n.
Swabe. Nanghehele. Nakaaantok pero maganda.
It's like a mother, letting her child sleep and rest.
Hanggang sa unti-unti na akong napahiga at kusang sumara ang talukap ng mga mata ko...
Nagising ako nang makapang wala na akong katabi.
Agad akong napabalikwas ng bangon sa kaba at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kamang kanina lang ay kinalalagyan ng sanggol!
Agad kong sinilip ang bawat gilid ng kama. Naisip kong baka nahulog 'yon! Pero hindi ko alam kung hihinga ba ako ng maluwag o iiyak nang makitang wala roon ang sanggol!
Patay...bakit ba kase ako nakatulog! Anak ng tupang itim naman!
Natigilan ako nang mapagtantong wala na ang tunog kanina.
Hindi maaari! Ibig sabihin lang no'n ay may pumasok dito! Hindi naman siguro mawawala ang musikang iyon maging ang sanggol kung walang pumasok rito?!
Teka..'di ba nasa banyo kanina si Hangin?!
Dahil sa naisip ko ay dali-dali akong bumaba sa kama at pumasok sa banyo pero bumagsak ang balikat ko nang makitang walang tao roon!
Napabuntong hininga nalang ako. Sana lang talaga at si Hangin ang kumuha sa anak niya at ang pumasok dito! Dahil pagnagkataon...maaga kong haharapin ang hatol ko!
Hanapin ko nalang kaya sila?
Saan naman ako maghahanap?! Aish! Bahala na nga!
"Pinapatawag ka ng alaga ko...Ginoong Thompson," bahagya pa akong napakislot nang may biglang magsalita sa gilid ko matapos kong makalabas sa silid!
"A-ano?" Sabi ko doon sa matandang babaeng naka Filipiñana na may abaniko pang dala!
Siya 'yong tinatawag ni Hangin na Dragona! At ngayon ay mukha talaga siyang dragon! Masama ang tingin niya sa akin na para bang hindi siya magdadalawang isip na patayin ako.
"Ikaw ba ay Pilipino?" Mataray na aniya.
Alam niyo 'yong ina ni Fae sa Inteng Kabisote?! Gano'n na gano'n siya! Ang kaibahan lang ay ang walang tunong pananalita niya at hindi siya nakagown! O ni make up man lang!
"Ah... I'm Korean-Filipino," alinlangang sagot ko sa kaniya. At kusa na talaga akong umatras nang bigla niya akong pandilatan ng mata!
Anong meron sa gurang na 'to?!
"May dugo kang Pilipino, tama ba?" Halos umirap ako.
"Y-Yes"
"Ngunit bakit hindi ka marunong gumamit ng po at opo bilang paggalang?!" Then she held her forehead. Acting like she's really problematic. "Hindi ko talaga gusto ang mga kabataan ngayon! Imbis na sa kanilang lenggwuahe ay eksperto sila! Kadalasan ay hindi pa alam ang simpleng mga salitang iyan! Matawag lamang na may pinag-aralan ay parati nang naka-englis! Nakahihiya! Anong makukuha ninyo sa pag-eenglis ninyo?!"
Lahhh...hindi lang ako gumamit ng po at opo...pero hindi po ibig sabihin no'n hindi ako eksperto sa lenggwuahe ko! Huhu.
"Ehem....way of communication po kasi iyon," pinagdiinan ko pa ang ikalimang salita ko.
"Way of communication? Tiyak ka ba riyan? Ijo! Para malaman mo! Lahat ng lenggwuahe ay ginagamit upang makipagtalastasan! Ngunit kapag nandirito ka sa iyong bayan! Sa iyong kinalakhan! Gamitin mo, ninyo! Ang inyong salita! Liban sa skwelahan! Dahil doon itinuturo ang mga bagay bagay!" Napayuko ako. Totoo nga naman.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may ideniklarang pambansang lenggwuahe ngunit hindi masyadong ginagamit ng mga edukadong tao. Parating english ang madalas kong nakikitang sinasabi ng halos lahat na politiko, mga negosyante at maging ako.
Mga broadcasters lang ata ang madalas na naririnig kong nagsasalita ng tagalog. At 'yong mga indigenous people.
Nagsimula siyang maglakad papalabas ng mansion kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang.
"Nalalaman mo ba kung bakit ko palaging isinusuot ang pambansang damit naming mga babae?" Umiling naman ako kahit hindi niya nakikita. "Dahil gusto kong iparating sa mga kabataan ngayon ang kahalagahan ng pagsasalita gamit ang ating sariling wika. Maraming pinagtatawanan ako, dahil nakikita mo naman ako...nasa ika-apat na dekada pa lamang ako ng aking buhay at napakaganda pa ng buong katawan ko pero tinatawag nila akong old fashioned, manang at marami pa. Na natigil umano ako sa panahon ng mga ninuno natin. Ang masakit pa roon ay ang madalas nagpapamukha sa akin no'n ay ang mga malilit na nilalang. Mga wala pang muwang. Pero sinasalo ko iyon lahat, dahil gusto kong makipagtalastasan sa mga estudyante ko gamit ang salita natin dito. Natatakot akong, dumating ang panahon at malimutan natin ito."
"H-hindi ko po alam, na mayroong gaya ninyo." Nagulat pa ako nang ngumiti siya ng maliit.
"Si Airsia. Hindi iyan gumagamit ng mga paggalang na salita at minsan pa nga'y umi-englis sa harap ko ngunit pinapapabayaan ko lamang..."
"Bakit po? Ang akala ko po ba ay gusto niyang magsalita ng tagalong lahat ng nakakausap ninyo?"
Doon siya huminto at lumingon sa akin ng malaki ang ngisi sa mukha.
"Dahil sigurado akong hindi niya hahayaang malimutan ng mga magiging anak, pamangkin, apo, apo sa tuhod, at apo niya sa talampakan ang magsalita ng sarili nating wika." Natigilan ako. "Huwag mo sanang masamain ang pangangaral ko sa iyo ijo. Kung totoo ngang asawa ka ni Airsia, kailangan mo iyon. Sige na...pumasok ka na at naroon sa loob ang alaga ko."
Lutang akong pumasok sa loob ng gusaling sinasabi niya. Ibig sabihin, siya ang nagturo kay Hangin ng mga malalalim na salitang talagog?
Ano namang meron dito?
Nagpalinga-linga ako at puro lamang mga walang na selda ang nakikita ko.
Kulungan ba 'to?
"Ijo—"
" WTF?!" Gulat at mahinang singhal ko nang biglang may magsalita sa gilid ko.
I stilled when I saw a man standing beside me. Napahigit ako ng malalim na hininga at dahan-dahang inilagay sa gilid ko ang kamay ko.
I gripped the thing tightly and carefully moved my feet backward.
"Who..are..you?" Seryoso at marahang bungad ko sa taong kaharap ko ngayon.
Duguan ang halos lahat ng parte ng mukha niya at mata lang ang walang latay sa kaniya. Hindi ko makita ang katawan niya dahil balot siya ng itim na tela.
"At..anong nangyari sa 'yo?" Tiim bagang na patuloy ko pa nang hindi siya magsalita.
Napakurap ako nang bigla niyang dambain ang rehas na siyang pumipigil sa kaniya na lumapit sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"D-demonyo...napakademonyo niya! W-wala siyang patawad! L-lumayo ka sa kaniya! H-hindi mo kakayanin ang mga kalaban niya!" Sigaw niya habang panay ang kalampag sa mga rehas.
Nagmistula siyang isang leon na gustong-gustong kumawala upang makakain.
"Sino ang tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ko.
Pero nang akmang lalabas na sa bibig niya ang sagot sa tanong ko ay biglang may nagsalita.
"Tama na iyan. Rin, ipasok ang bihag." Agad na utos niya sa taohang kasama niya. Matapos noon ay bumaling siya sa akin. Agad akong napabitaw sa baril ko dahil doon.
"Ikaw naman. Ihahatid na kita sa alaga ko." Matapos no'n ay nagpamauna na siya.
Bago sumunod ay lumingon pa ako sa selda saka lihim na napabuntong hininga.
Anong ibig sabihin no'n? Sino ang tinutukoy niya?
"Nandito na tayo." Anunsyo niya nang marating namin ang isang malaking pinto.
"Salamat, po.." hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pumasok na agad.
"So what are you trying to say? That I can insult her everytime we're not in front of you?" Tinig ni Hangin ang kaagad na umalingaw-ngaw sa mga tenga ko nang makapasok ako.
Napakurap pa ako nang makitang may apat siyang kaharap na pulos nakataling nilalang. Dalawang babae.. gano'n din ang lalaki.
May nakatayo ring dalawang katao sa harap niya. Pumapagitna sa kanila noong may mga tali, at parang mga bihag.
Anong nangyayari?
Isang babae at lalaking..napakapamilyar ang mukha sa akin. Napangisi ako pero agad ding nawala nang mahagip ko ang tingin ni Mil na prenteng nakaupo sa silyang di kalayuan kay Hangin.
Sinenyasan niya akong pumunta kay hangin na ginawa ko naman kaagad.
"What's wrong?...hmm?" Sabi ko at maging ako ay hindi namalayang niyakap ko pala siya.
Pakakawalan ko na sana siya pero nang makitang mapula ang mukha niya hanggang leeg niya ay nagdesisyon akong huwag nalang.
"Sino ang isang 'to?" Napaangat ako ng ulo dahil narinig kong magtanong iyong lalaki.
"Ehem...hehe....siya si TH.." si Mil ang sumagot.
"Tapos?" Parang babaeng tumaas ang kilay niya.
"A-anong tapos?" Maang-maangan naman ni Mil. Kaya nairita ang lalaki.
"Ang gagong 'to? Sino?!" Turo pa nito sa akin na ikinatuwid ng katawan ko.
Ingat brad....baka magulat ka kapag nalaman mo kung sino ang tinatawag mong gago..
"Ako?" Sabat ko.
"May iba bang itinuro ang daliri ko, HA?!" Pikong aniya.
Tsh..pikon ka pala?
"Wala naman.." naitago ko pa ang ngiti ko nang mahinang matawa si Hangin.
"Ako na sasagot sa tanong mo....asawa ko siya. Siya ang ama ng sanggol na dala ko," napabuntong hininga ako. Lumabas sa bibig na iyon na para bang totoong-totoo.
"See how dumb you are?" Sarkastikong aniya sa babae na ngayon ay iiling-iling na.
"P-pinaglaruan mo 'ko!!" Biglang walang emosyong sigaw nito at sinugod ang kinaroroonan namin.
Handa na sana akong pumunta sa harap pero nauna na si Mil sa akin.
Ang bilis! Pa'no siyang nakarating diyan ng ganoong kadali?!
Kita ko kung paano sila mabilis na nagpang-abot. Ang mga tira nila sa isa't-isa na halos kasing bilis na ng hangin.
P-paano nilang nagagawa 'yan?
Maging ako ay hindi naabot ang ganiyang kakayahan. Pero sila? Kababaeng mga tao!
"Stop! STOP THE BOTH OF YOU! STOP!"
Inis siyang tinignan nong babae ang lalaki.
"IKAW! Ano ba talaga ang relasyon ninyo ha?!" Sigaw na tanong nito.
"I said recall what happened earlier!" Sabat naman ni Hangin.
"I already did! I don't need the relationship between you and your husband! All I care is WHAT are you in my life!!"
"Your life?" Mapang-asar na sabi ni Hangin.
"Jax is my life!" Napayuko ako ng wala sa hulog nang biglang gumalaw ang ulo ni Hangin.
Doon ko nasalubong ang mga berdeng mata niya na walang emosyong nakatingin sa akin.
"L-life raw...what the heck? BWUAHAHAH!!!" Kahit hindi ko gets ay pilit na tumawa nalang din ako kasabay niya.
Nawala ang tingin niya sa akin at doon ko narinig ang pagtunog ng tiyan niya.
Agad siyang tumingala sa akin. Tsh.
"Ayan ang napapala ng mga taong nilutuan na nga, tulog pa ang inuna." Pang-aasar ko pa.
At nagtagumpay ako nang makita ang irita sa mukha niya!
"Amaw ka!" Sigaw niya sa mismong mukha ko.
The next thing I knew ay nagkukumahog na 'kong sundan siya habang kalong-kalong ko ang anak niya.
Pero nang makitang may kasama siya..
KASAMA NIYA SI JAY!!!GRRRRR!!
"The hell?!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
10/12/2024
0this super super nice
29/10/2024
0wow.
10/08/2024
0Tingnan Lahat