Gumising ako ng maaga dahil exam namin ngayon, another day not just an ordinary day a special day for my love, Ethan. Lumingon ako sa calendar and boom nakita ko ang number 08 na may bilog at may markang nakalagay na, " My love Bday! " Yes, May 08, balak ko siyang sopresahin pagkatapos ng exam namin. Naligo na ako at nagbihis ng uniform namin, and ganun din si Lara nasa dorm din kami kasi pinag-isipan namin ni Lara na manatili nalang kami sa dorm dahil kapag nasa bahay boring. " Nakapagreview ka? " Tanong ni Lara habang kumakagat ng toasted bread na may palamang peanut butter. " Syempre naman noh, wala akong maisasagot kung hindi ako magrereview at kailangan ko talaga dahil graduating na rin tayo, ikaw ba? " " Oo- pero namiss ko si Calvin. " " Babalik din yun noh, OA mo parang hindi kayo magkikita ah, kahapon lang naman siya umalis " napatawa kami dalawa ni lara sa sinabi ko. " Tama na tawanan, tara na at malalate na tayo. " Sabi naman ni Lara kaya dinalian ko na ang pagkain ko ng toasted bread at gatas. Dahil nga birthday ngayon ni Ethan sinabi ko na sa kanya na huwag niya na kaming sunduin at magcocommute nalang kami ni Lara dahil magpapareserve pa ako ng cake sa bakery malapit sa dorm namin. " Tara na! " Nilock na namin ang dorm at naglakad muna papuntang bakery, pumasok kami sa loob nito dalawa kaming namimili ni lara ng cake, hindi ko alam kung anong favorite cake ni Ethan pero i guess favorite niya color yellow kaya i think he'll like this flavor cheese. Balak pati namin umuwi ng maaga ni Lara dahil nga mag-aayos pa kami ng mga design para sa suprise namin. Sinabi na rin namin kay Axel na huwag siyang madaldal at baka papasabugin ko bibig niya kapag nagkita kami. ~School Naglalakad kami ni Lara sa may hallway habang ako naman hawak-hawak 'tong notebook ko na puno ng reviewer. " Oh, tama na yan Camille at baka sa sobrang review mo sumobra din score mo." " Ano kaba, i need to get a high score now." depensa ko naman habang nakafocus padin ang mga mata ko sa notebook. " Si Ethan oh. " Nabigla naman ako sa sinabi ni Lara kaya agad akong nagpanic at hinila si Lara sa may gilid ng hallway upang makapagtago kay Ethan. " Bakit ba tayo nagtatago huh? " Nagtatakang tanong ni Lara. " Ayokong magpakita ngayon kay Ethan, kasi nga diba suprise kunware ignore ignore ganun. " Paliwanag ko naman kay Lara. " What do you mean by ignore? " " Ay pwet ng kabayo! " Napsigaw naman ako nang may magsalita sa likuran namin paglingon ko naman si Ethan. Huh? Pinagloloko yata ako ni Lara! " Babe? " Sabi ko naman habang hindi mapakali. " Tama ba yung narinig ko? " Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ethan bwesit naman kasi 'tong si Lara. " Kase ganun yun babe-uhm. . . Ahhhh ano kase. . ." Nag-iisip ako kung anong isasagot ko sa tanong ni Ethan ayaw ko namang magalit siya sa mismong birthday niya, ang sama ko naman kung ganun diba. Magsasalita na sana ulit ako nang tumunog ang bell, yes thanks lord. " Sige babe, mamaya nalang tayo magkita bye! " " Wai- " hindi na natapos ni Ethan ang sasabihin niya dahil tumakbo na ako ng mabilis at iniwan si Lara. Buti nalang talaga tumunog ang bell kung hindi paniguradong galit saken yun. ETHAN POV Uwian na galing sa school and kanina ko pa hindi nakikita si Camille, or nasasalubong man lang ang weird niya pating kumilos ngayon. Hindi niya ba alam na birthday ko ngayon? I expected pa naman na siya ang unang babati saken pero hindi iniwasan niya ako kanina, at nasaktan talaga ako dun. Pasakay na ako ng kotse ko nang may umakbay saken kaya napalingon ako sa likuran ko. " Happy Birthday Bro! " Axel greeted me with his wide smile kaya napangiti din ako. " Thanks bro, pero- nakita mo ba si Camille? " " Si Camille? " Inulit naman ni Axel ang tinanong ko. " Oo si Camille. . . kanina ko pa siya hindi nakikita eh then until na uwian wala din, she act so weird pati, may problema kaya siya?" " Bat hindi mo nalang puntahan sa dorm nila total pupunta din ako ngayon dun dahil may- " " Ethan! " Lumapit sa amin si Lara siya lang mag-isa at hindi kasama si Camille. " Ethan buti nalang nakita kita at kausap mo pa 'tong baliw na'to. " Tumingin si Lara kay Axel na parang may ipinapahiwatig pero hindi ko malaman kung ano yun. " Si Camille ba Lara kasama mo? Is she okay? " " Ay yun nga dapat ang sasabihin ko eh, si Camille sumasakit ang tiyan kaya ayun nasa dorm nakahiga, umuwi siya ng maaga dahil sobrang sakit talaga ng tiyan niya tapos sabi niya wag ko daw ipaalam sayo pero ito ako nandito sinasabi ko sayo kaya tara na pumunta na tayo ng dorm. " Parang tanga din 'tong si Lara, may paaction pa magkwento ang drama. " Let's go " sabi ko naman sa kanila at agadkong binuksan ang pinto ng kotse ko at sumakay narin sila dalawa. And i know now kaya pala hindi nagpapakita saken si Camille dahil sumasakit pala tiyan niya, god pinag-alala niya ako sobra. CAMILLE POV Nandito ako ngayon sa dorm, nag-aayos ng mga design para sa suprise ko kay bebeluvs Ethan. Hindi ako nagluto ng mga handa, inorder ko lang 'to sa may restaurant kasi nga diba yung huling luto ko ang panget ng lasa pero sabi ni Ethan masarap daw kaya ayun hindi ko talaga makalimutan yun. Nagtext na saken si Lara sabi niya 5 minutes na dito na sila, kaya kinuha ko na ang cake sa box at sinindahan tapos pinatay ang ilaw para suprise ayan ready na ako. Nandito ako sa may gilid ng lamesa hawak hawak 'tong cake habang wala akong makita kundi kandila lang talaga sa cake. Narinig kong paparating na sila kaya umayos na ako ng tayo at nang bumukas na ang pinto at biglang lumiwanag na. . . . " SUPRISE!! " " Happy Birthday to you, happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. . . Happy birthday to you. " Lumapit na ako kay Ethan para iblow niya na ang cake. " Wish " sigaw naman naming tatlo nila Lara, Axel kay Ethan habang ang mukha ni Ethan ay gulat na gulat nga sa nangyari wala talaga siyag alam na isusuprise ko siya, baliw alangan namang alam niya suprise nga diba, bobo. Ethan smiled at me first, so shocked that he really couldn't believe it because I ignored him before, he closed his eyes slowly, I don't know what he asked for, I took a box, where I worked for that, i hive my best. I will do that because I will only give him a gift now so I want that to be the most memorable gift he will receive. He opened his eyes. " Happy Birthday Babe, sorry kanina ha- " I never finished what I was going to say when Ethan kissed me on the lips, I felt his soft lips that I every day longed to taste, joke. Syempre hinalikan ko din siya pabalik at pagkatapos naman ay kinalas niya na ang mga labi niya saken napahawak naman siya sa bewang ko. " Ayieee " hiyaw naman nila Lara at Axel kaya napangiti lang kaming dalawa. Inabot ko sa kanya ang maliit na kahon na may ribbon. " What's this? " He asked, ngumuso lang ako para sinyasang buksan niya. Nang mabuksan niya ngumiti siya saken, hindi basta bastang ngiti kundi ang pinakamatamis niyang ngiti na ngayon ko lang nakita, niregaluhan ko siya ng isang singsing kung saan couple kami, kasi nung una niregaluhan niya ako ng kuwentas couple kami kaya ito naisipan kong ring nalang, hindi basta bastang ring kundi isang ring na may nakatatak ng name namin. " Happy Birthday, love! " Binati ko siya si Ethan habang kaya lumingon siya saken ay ngumiti niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit muntikan na nga akong masakal eh. " Nagustuhan mo ba? " " Yes, i really really love this, thank you so much love kahit na hindi ka nagpakita saken kanina. " Ginulo ni Ethan ang buhok ko, kaya napatawa naman ako. Makita ko lang siyang nakangiti masaya na din ako. " Part lang ng suprise namin yun kaya sorry ha, i love you, i love you, i loveeeeee youuuuuuuu!! " Hinalikan ko si Ethan sa pisngi ng matagal tapos napansin ko naman na nakatingin lang sa amin sina Axel at Lara habang may hawak ng hotdog na may marshmallow ma nakatuhog sa stick. " Alalahanin mo Camille, nandito pa kami ha." Wika naman ni Lara sabay tango ng tango lang si Axel. " Pasensya na ha, nadala lang kami kaya kumain na tayo. " Sabay-sabay naman kaming napahiyaw dahil kakain na pero nauna nang kainin nila Lara at Axel ying hotdog, hayst favorite ko pa naman yun. " Camille? " Tinawag ako ni Ethan kaya lumapit muna ako sa kanya. " Yes love? " Lumapit siya saken at niyakap ulit ako ng mahigpit, kaya niyakap ko din siya. Habang ngumingiti na parang tanga. " Thank you so much for this love, sobrang saya ko kasi nag effort kang gawin ito at isuprise ako, kahit na kakatapos palang ng exam mo nagawa mo paring isingit ito, i love you. " He whispered to my ear making my heart flutter. " Mahal na mahal kita kaya ko ginawa ito, i want to make you happy in your speacial day. " " Camille, basta kasama kita special na para saken yun. " He kissed me on my forehead, wala akong ibang maramdaman kundi saya, ang saya ko, ang saya saya. " I can't imagine a world in which i don't adore you, Camille my love. " Ethan said giving me a warm smile. Hi my Luxian's so i tried to give you some special chapters so this is it, I hope that somehow I made you guys happy and excited about the story of Ethan and Camille.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super Ganda
27/07/2024
0Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City
15/07/2024
0SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO
10/06/2024
0Tingnan Lahat