Nakalabas na ako ng hospital, habang si Ethan naman tatlong buwan ng comatose, hindi ako makakain ng maayos, hindi na ako makaligo sa isang araw, lagi nalang akong puyat, pakiramdam ko may sakit ako na hindi na kayang gamutin. Pero na ganun tiniis ko paren dahil kakatake ko lang ng exam for scholarship sa Canada, pangarap ko kasi yun na makapag-aral sa Canada kaya kahit na masakit para saken ang nangyari kay Ethan, tiniis ko nalang para kay Ethan, nagbabakasali akong makapasa dun at ako na bahala kay Ethan para magsabi. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin, biglang nagbago ang buhay ko nang dahil sa nangyari kay Ethan, sa tingin ko wala ng saysay para para ayusin ang sarili, para maging masaya. Namiss ko na si Ethan, namiss kona halik niya, namiss ko na mga yakap niya, hanggang kailan ba sya magigising? Napanghihinaan na ako ng loob, wala na akong pake sa taong nakapaligid sa akin, wala na pati akong balak makipag-usap kung kanino, kahit kay Lara. Wala ng kulay ang buhay ko, hindi na ako nakakaramdam ng saya, parati pati akong nasa hospital para bantayan si Ethan, paano kung magising siya tapos wala ako sa tabi niya kaya ako nalang lagi ang nagbabantay sa kanya. ~ Nasa dorm ako ngayon, kakagising kolang dahil late na akong natulog kagabi dahil sa hospital ako galing, maliligo na ako para pumunta ng hospital, pero tumingin muna ako sa salamin para tingnan ang mukha ko, makapal na eyebags, pimples, dark skin, messy hair, pale lips at sabi pa ni Lara pumapayat na daw ako, wala akong pake, aanuhin ko naman ang magandang katawan kung hindi pa gumigising si Ethan. Dumiretso na ako sa cr dala ang tuwalya ko, binuksan ko na ang shower, at hinubad ang damit ko, bigla-bigla nalang ako umiyak, hindi ko na kaya, hinding-hindi na. Naramdaman ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako pang alis dahil pupunta ako ng hospital, paglabas ko sa kwarto ko nakita ko naman si Lara na naglalagay ng skin care sa mukha. " Oh san ka Camille?" " San paba?" " Magpahinga ka muna Camille, tingnan mo ang sarili mo oh, matutuwa ba niyan si Ethan, kung magigising siya matutuwa ba siya ha? " Pagod na ako" sabay patak ng mga luha ko, lumapit naman sa akin si Lara para yakapin ako. " Miss ko na siya, miss ko na siya Lara, tatlong buwan na siyang di nagigising, kailan pa ba siya magigising, parang mauuna pa akong mamatay kaysa kay Ethan kakaintay sa kanya, bakit Lara, bakit?? " Camille, naiintindihan kita" " No lara, you never understand me, never, nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko,? Tatanungin mo ako bakit di ako kumakain, di ko inaayos sarili, do you think kaya ko pang asikasuhin sarili ko matapos nang mangyari kay Ethan ha? San ako nagkulang, hirap na hirap na ako" sabi ko kay lara habang pinipigilan ko umiyak " Camille, sorry alam ko naman yun eh, naiintindihan kita, nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap" sabi ni lara sabay yakap sa akin " Sorry Lara, sige aalis na ako babalik din agad ako" sabi ko naman sabay punas ng luha " Bumalik ka agad Camille at magpahinga ka" sabi niya naman, ngumiti lang ako sa kanya sabay labas ng dorm. ~ Bago ako pumunta ng hospital bumili muna ako ng paborito kong milktea dahil hindi na rin ako nakatikim nito simula nang macomatose si Ethan, habang naghihintay naman ako nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa isang table, kaya nilapitan ko para malaman kung sino. " Ace" " Camille?, how are you?" " I'm not okay" " Uhmm i know, nalaman ko ang nangyari kay Ethan, mula ngayon di parin siya nagigising, Camille?" " Uhm?" " Sorry pala ha nung nahalikan kita, lasing lang ako nun" sabi niya naman na parang nahihiya " Past is past Ace" " parang tamlay mo yata, Camille wag kang mawawalan ng pag-asa." " Yes, nakakatamlay talaga, kaya nga ako dito para lumakas naman ako eh, tatlong buwan na kasing tulog si Ethan" " Camille, I know na magigising na si Ethan, kaya lakasan mo lang ang loob mo" "Sino palang kasama mo dito Ace?" " Wala, may hinihintay lang" " Ahhhhh" sabi ko naman Nilalakasan ko naman talaga, pero nakakapanghina kailan pa ako maghihintay na magising siya, gusto ko ng marinig boses niya, bigla nalang pumatak ang luha ko, bigla namang tumunog ang cellphone ko, nakita ko sa screen ang name ni Lara kay sinagot ko agad "Camille?" " Bakit? " " Nasan ka? Pumunta kana ngayon sa hospital gising na daw si Ethan tumawag sa akin si Axel" Hindi na ako nakasagot dahil sa sobrang tawa ko, gising na si Ethan, unti-unting pumatak ang mga luha ko. " Bakit Camille, What's the problem?" " Ace i need to go, bye" binilisan ko ang pagsakay sa taxi dahil ito na ang pinakakahintay ko gising na si Ethan. Pagkatapos nag tatlong buwan gising na siya, hindi ko alam kung anong una kong sasabihin kay Ethan, ang saya saya ko, sa wakas maririnig ko na ulit ang boses niya, mayayakap niya na ako, miss na miss ko na siya, alam kong kay tagal ko itong hinintay pero nagpapasalamat parin ako sa panginoon dahil dininig ang panalangin ko. Dahil sa sobrang saya ko di ko na tuloy nakuha milktea ko, pero okay lang pwede pa naman akong bumili niyan, tumingin muna ako sa cellphone ko para manalamin kung ano ang itsura ko at baka makita ako ni Ethan baka sabihin nun pinapabayaan kona sarili ko, kaya buti nalang may dala akong suklay kaya nagsuklay muna ako habang nagmamaneho si manong. " Nandito na po tayo ma'am" sabi naman ni Manong Agad akong lumabas sa may taxi at binigay ang bayad, tumakbo ako ng mabilis hanggang sa kaya ko, kahit hingal na hingal na ako, pagdating ko nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako, nakita ko si Lara at Calvin na nakaupo sa gilid at si Tita Tina na kausap ang doctor at si Thea naman ay nakaharang kay Ethan kaya di ko masyadong makita habang si Axel kausap si Ethan, " Camille nandiyan kana pala" sabi naman ni Lara, di ko napigilang umiyak na makita kona ang kabuuang mukha ni Ethan, gising na gising siya, pinunasan ko ang mga luha ko habang papalapit kay Ethan. " Mahal?" mahinahon kong sabi " Camille?" Balik naman ni Ethan. Niyakap ko si Ethan ng sobrang higpit, habang patuloy na pumapatak ang luha ko, matagal ko itong hinintay ko ngayon nayayakap kona siya. " Ethan i miss you so much" nanginginig kong boses " Camille! " bulong niya naman sa tenga ko, tumingin ako sa mga mata niya na namumula na pinipigilan niya lang umiyak, nilapit ko ang mga labi ko sa labi niya, at yun ngayon ko ulit naramdaman ang malalambot niyang labi. Siya lang ang gusto kong makasama kaya walang silbi ang buhay ko kung wala siya, niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko sobrang namiss ko talaga siya. ~ Tatlong linggo na ang nakakalipas nang magising si Ethan, maayos na rin ang kalalagayahn niya kaya bumalik na sa dati ang lahat, naaayos ko na din ang sarili ko na dati di na ako nakakahilamos dahil nga sa pagka comatose ni Ethan, nakuwi na din si Thea sa Us, hinatid namin siya ni Ethan kasama si Lara at Axel, panibagong chapter ulit ng buhay namin, tuloy bigla- bigla ko nalang namimiss si Thea. Masaya naman ang relasyon namin ni Ethan, ganun din sila Lara at Calvin, at tsaka pala si Axel may girlfriend na si Mara, sa kabilang university siya nag-aaral kasing kaedad lang naman, maganda naman siya kaya yun, pinakilala agad sa amin ni Axel kaya yun naging kaclose na rin namin ni Lara. Hanggang sa nabalitaan nalang namin na three months na palang nasa USA si Astrea, nakakausap ko din siya through call, ganun din sila ni Ethan hindi na ako nagseselos dahil ma boyfriend na rin na foreigner si Astrea dun sa USA kaya masaya ako sa kanya kahit na dati may sama ako ng loob sa kanya pero pinatawad na namin ang isa't-isa. Sabi nga nila kung sino pa yung madalas mong kaaway, sa huli sila rin yung nagiging kaibigan mo. What a life?haha At yung pangako pala sa akin ni Ethan na ipapakilala niya ako sa daddy niya as a girlfriend nangyari na, medyo nabigla si Tito pero pumayag naman sa relasyon namin, at pati ang parents ko okay naman kay Ethan dahil matagal na nilang kilala si Ethan at alam nilang mapagkakatiwalaan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super Ganda
27/07/2024
0Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City
15/07/2024
0SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO
10/06/2024
0Tingnan Lahat