Unti- unti kong minulat ang aking mga mata, ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko mabigat na parang may nakalagay sa ulo ko, bumangon ako ng kaunti pagkakahiga tapos kinapa ko ang ulo ko, may nakalagay na tela sa ulo ko, at may mga bandage ang braso ko, pagtingin ko sa paligid puro puting kulay lang ang nakikita ko. Nasan kaya si Ethan, nang papatayo na ako para hanapin si Ethan biglang bumukas ang pinto, nakita ko si Lara at Calvin na may dalang prutas. " Gising kana pala Camille" sabi naman ni Lara, nilagay naman ni Calvin ang prutas sa taas ng lamesa. " Nagugutom kaba?" Tanong ni Calvin " Hindi " mahinahon kong sabi habang nakahawak ako sa ulo ko " Where's Ethan?" Tanong ko habang nakatingin kay Lara, iba na ang reaksyon ni Lara nang tanungin ko si Ethan " Magpahinga ka muna Camille, may masakit pa ba sa katawan mo?" " Nasaan si Ethan Lara??!" Nagkatitigan lang sila ni Calvin ayaw talaga nila akong sagutin, ano bang nangyayari bakit di nila masagot kung nasaan si Ethan " Putangina Lara , Calvin!!, hindi niyo ba talaga ako sasagutin ha, ilang beses ko bang itatanong sa inyo kung nasaan si Ethan, pero di niyo sinasagot ha?! " Sigaw ko naman sa kanila habang tuluyan nang pumatak ang mga luha ko, lumapit sa akin si Lara at umupo, hinawakan niya ang mga kamay ko. " Camille, nasa ICU si Ethan, malakas ang pagkabangga niyo at buti nalang talaga dinala agad kayo ng nakabungguan niyo at kung hindi naubusan na ng dugo si Ethan at pwede niyang ikamatay yun, nasa kulungan na ang nakabunggo sa inyo lasing pala yung nagmamaneho, tinawagan ko na rin ang mama mo para malaman niya ang nagyari sayo, pupunta siya dito mamaya, at si Ethan Camille....." naiiyak na sabi ni Lara " Ano Lara? anong meron kay Ethan?" Nanginginig kong boses " Na comatose si Ethan" umiwas ng tingin sa akin si Lara, halos maguho mundo ko nang malaman ang nangyari kay Ethan, bakit siya pa pwede naman ako nalang, ako nalang sana. " Sabi ng doctor hind nila alam kung kailan magigising si Ethan", Patuloy ang pagpatak ng luha ko, wala na akong maisip kundi si Ethan gusto ko siyang yakapin, lapitan, ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon, bakit siya pa, bakit!!! Tumayo ako para puntahan si Ethan pero pinigilan ako ni Lara, " Camille hindi ka pa magaling magpahinga ka muna" " Wala akong pake Lara, kailangan kong makita si Ethan, gusto ko siyang yakapin, kaya putanginang sugat toh" sabi ko sabay tanggal ng bandage. " Camille" sigaw naman ni Calvin " Hindi niyo alam ang nararamdaman ko, ang bigat sobrang nasasaktan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit si Ethan pa pwede naman ako, ako nalang!" Sigaw ko naman sa kanila, halos mabasa na ang damit ko sa daming luha na pumapatak. " Camille hindi mo kasalanan, wag mong sisihin sarili mo " " Tumabi ka lara, kailangan kong makita si Ethan " Pinipigilan talaga nila akong lumabas " Lara, Calvin please wag niyo na akong pakialaman, i need to see Ethan now, what the fuck can't you understand that?" Naginginig kong boses. " Camille pero sabi ng doc--" hindi natapos ni Lara ang sasabihin niya Bumukas ang pinto at nakita ko si Mama na nakatayo na namumula ang mata. " Camille" "Ma" lumapit ako kay mama para yakapin siya, si mama nalang ang malalapitan ko para gumaan naman ang pakiramdam ko. " Okay kalang ba? " " Ma, si Ethan gusto kong makita, kailangan ko siyang makita ma, please pagbigyan niyo na ako ma " sabi ko naman habang patuloy na umiiyak sa balikat ni mama. Tumango sa akin si Mama at inalalayan akong lumabas para pumunta kay Ethan, nakita ko naman sa labas ng kwarto ni Ethan si Thea at ang mommy niya, lumapit sa akin si Thea para yakapin ako, hindi niya na mapigilang umiyak. Pagkatapos naman lumapit ako sa mommy ni Ethan nakita ko na hawak hawak niya ang photo album na binigay sa akin ni Ethan bago kami maaksidente. " Tita " nanginginig kong boses, niyakap ko si tita tina, at umiyak ulit ako sa balikat niya " Sorry po, sorry po" wala akong masabi kundi magsorry dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari kay Ethan ito. Hinawakan ni tita Tina ang pisgi ko namumula ang mata sapagkat pinipigilan niyang umiyak, habang ako naman paga na ang mata sa kakaiyak. " Camille, it's not your fault kaya wag mong sisihin sarili mo, pumasok kana sa loob because Ethan needs you now " sabi niya sabay ngiti, tumango lang ako, binigay saken ni tita tina ang photo album na niregalo sa akin ni Ethan at dahan-dahan pumasok sa kwarto ni Ethan. Nakita ko naman na nakaupo sa tabi niya si Axel, nanginginig ako habang papasok, tumayo si Axel tas ngumiti, lumabas muna siya, para ako naman ang magbantay kay Ethan, nilagay ko sa lamesa ang photo album at umupo sa tabi niya, di ko napigilang umiyak dahil sa nakikita kong sitwasyon ni Ethan, may tali ang ulo niya, at may oxygen siya, hinawakan ko ang kamay niya. " Mahal, Ethan, please gumising kana, sabi mo diba di mo ako paiiyakin pero ngayon tingnan mo umiiyak ako dahil sayo daya mo, gising kana mahal, di ba ipakikilala mo pa ako sa daddy mo, diba?? please " nanginginig na ako boses ko, hinalikan ko si Ethan sa noo. Pinagmamasdan ko lang si Ethan sa sitwasyon niya, sana ko nalang hindi siya mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganto, pasko pa naman kaso bat nangyari sa amin toh, wala akong marinig kundi pagpatak ng bawat luha ko, ang pag-iyak ko ang bumabalot sa kwarto ni Ethan. Kagabi ang saya saya pa namin tapos ngayon bakit, bakit?? mahal na mahal kita Ethan kaya hihintayin kita sa pag gising mo, ikaw ang buhay ko, sumasaya ako dahil sayo, buo ang araw ko kapag kasama kita, kaya pangako hindi kita pababayaan, hinding- hindi. Wala akong maisip ngayon kundi ang masasayang araw na kasama ko si Ethan, kahit na sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa amin alam kong gigising si Ethan. Kahit na anong mangyari sa kanya siya lang ang lalaking mamahalin ko, siya lang ang lalaking makakahawak ng katawan ko, siya lang ang lalaking bubuo ng pangarap ko, si Ethan lang.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super Ganda
27/07/2024
0Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City
15/07/2024
0SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO
10/06/2024
0Tingnan Lahat