Chapter 24

Two weeks na rin ang nakakalipas nang magbakasyon kami sa Beach house nila Ethan sa Palawan, marami kaming masasayang alala na nabuo doon katulad ng pagsakay sa banana boat, snorkling, scuba diving, pagkakaroon ng bon fire, pag laro sa buhangin, paglibot sa island sa Palawan at lalo na yung first time mangyari sa amin ni Ethan, di ko talaga makakalimutan yun dahil doon sumakit ang buong katawan ko at naging bakang ako maglakad, lagi paring tumatatak sa isip ko yun, at dahil pasko na mamaya, naisipan namin ni Ethan na magdinner sa labas bago sumapit ang alas dose.
Wala si Lara sa dorm dahil sinama siya ni Calvin sa bahay nila at napag-isipan nilang magkasama nilang ipagdiriwangang pasko pumayag naman ako dahil kasama ko naman si Ethan mamaya, ngayon namimili ako kung anong susuotin kong bestida, dahil pasko naman ngayon mas nagustuhan kong suotin itong makintab na kulay na bestidang pula na lampas hanggang tuhod, simple lang siya pero maganda at mukhang bagay sa akin.
Regalo pala ito ni Papa sa aking nung Last week, kaya sinuot ko na ito at humarap akosa salamin para tingnan kung magada ba sa akin ang bestida.
Okay naman bagay sa akin at kitang-kita ang hubog at kurba ng aking katawan. Ready na ko sa date namin ni Ethan, narinig ko naman ang sasakyan na tumigil na sa harapan ng dorm namin kaya lumabas na ako ng kwarto, nilock kona ang pinto bago umalis.
Paglabas ko naman nakita ko naman si Ethan na nakasuot ng black pants at nakacoat pa, ang gwapo niya tingnan, di nakakasawa. Tumingin muna ako sa relo ko bago sumakay sa sasakyan, 6;30 pm na pala, malapit na gumabi naisipan naman namin ni Ethan na pagkatapos ng date namin didiretso kami sa bahay ni mama para dun na ulit magdinner.
" You look so gergous,Camille" sabi naman niya
" Alam ko Ethan matagal na noh "
" Are you ready? " Tanong niya
" Yes, Kanina pa nga ako excited" sabi ko naman sabay halik sa pisngi ni Ethan, pumasok na ako sa kotse, sabay si Ethan. At nagsimula na siyang magmaneho, hindi naman tahimik ang byahe namin dahil may background music naman at napaka romantic pa, " Habang Buhay by Zack Tabudlo "
" Alam mo yang kanta na yan? " Tanong ko sa kanya.
" Yes that's one of my favorite song " sabi naman ni Ethan habang nakahawak sa buhok niya ang isang kamay.
" Tingnan mo lang ang aking mga mata, wag kang titingin sa iba, aking sinta ahhhh" kanta naman ni Ethan, habang ako naman masayang pinagmamasdan siya, ang galing niya pala kumanta.
Pagdating namin sa restaurant, nakahinga ako ng maluwag dahil sa damit na aking suot ngayon, buti nalang talaga maayos na bestida ang nakita ko dahil ang lugar kung saan kami nakatayo ay halatang mamahalin
Nalunod ito sa mga kristal. Mga kristal na chandelier na mukhang isang bungkos ng mga bituin sa kisame, mga plorera ng kristal na puno ng lahat ng uri ng mga bulaklak, mga rosas, mga sampaguita, mga lilly's, mga taniman, maliliit na mga mesa na pinalamutian ng maliliit na pastry.
Sa kabila ng presyo, ipinapalagay ko na ang menu ay, puno ito. Napuno ng satsat ang tenga ko mula sa labas nang palabas na ako ng sasakyan ni Ethan.
"Good evening po Ma'am and Sir" Sabi ng hostess at dinala kami sa isang maliit na makintab na mesa na gawa sa kahoy.
Ito ay mga upuan, hindi magkatugma, lahat sila ay natatangi, na natatakpan ng ginto, hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na ito.
Halos puro mga pinta ang nakadikit sa dingding ng restaurant na ito,hindi lang basta basta na painting kundi mamahalin ang mga ito.
Mga babaeng may bulaklak na na nakatayo sa isang kagubatan na may madilim sa likod ng isang puno, mga larawan ng mga babaeng hindi nakangiti.
Napaka elegante ng restaurant na ito.
"Are you okay?" Tanong ni Ethan sa akin habang pinapaupo ako
"Oo, namamangha lang ako sa lugar na ito, hindi ko alam ito at hindi pa ako nakakapunta dito." sagot ko.
"Itong restaurant na ito ay isa sa mga sikat na restaurant dito, kaya sa tingin ko ito ang babagay sa date natin. "
"Ngunit ito ay napakaganda dito at halatang mamahalin ang mga pagkain dito"
"Katulad mo, you deserved this kind of place" sabi ni Ethan sabay ngiti sa akin.
The waiter come closer to us to put some wine in our glass, walang masyadong tao sa restaurant halatang mamahalin talaga dito.
"Hindi ka ba komportable dito?" Tanong niya with a worried facial expression
"Hindi, uhmmm kampante ako dito, nagulat lang ako and you suprise me here, this is my first time to come here" sabi ko na may malawak na ngiti sa labi.
"Oo at sa tingin ko ang gabing ito ang magiging mga hindi malilimutang sandali para sa atin" sabi niya
"Salamat" bulong ko
"I love you" sabi niya sabay inom ng alak.
"Kapag bumalik si daddy dito sa pilipinas dapat makilala mo siya".
" Kilala ko na si Tito noh at tsaka lagi kaya akong sa bahay niyo noon"
" Yes but yung magbestfriend palang tayo nun, papakilala kita as my girlfriend" sabi naman niya, napangiti lang ako sa sinabi niya, alam mo yung feeling na parang sa langit ka lumulutang.
Habang tahimik kaming kumakain ni Ethan may romantic background music kaya hindi masyadong boring, ang sarap pa ng pagkain nila grabe makakarami yata ako ng kakainin kahit na nasa diet ako ngayon pwede naman bukas magdiet eh. Napatigil ako sa pagkain nang may inabot sa akin si Ethan na isang box na may pa ribbon na pula. Halatang regalo at ano naman kaya toh alam naman ni Ethan na hindi ako isang materyalistik na babae e.
" What's that? "
" Open it ",
Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang isang photo album, pagbukas ko sa isang pahina nakita ko ang mga picture namin ni Ethan simula nang baby pa kami hanggang natuto na kami maglakad meron din kaming picture na magkasama, omg di ko mapigilang lumuha kasi dati ko pa ito hinahanap kay mama at baka meron din ako neto pero wala talaga. Nakita ko din ang picture namin ni Ethan nung Elementary plang kami, at nandito din ang picture namin nung sa palawan. Pano siya nagkaroon nito ha? Nagtataka talaga ako.
" San mo naman toh nakuha?" Tanong ko naman habang pinipigilang umiyak sa sobrang saya
" Don't cry baby, kay mommy ko yan hiningi yang mga old photos natin, i think mas maganda ibigay ko sayo ito para sayo dahil alam ko namang matagal mo na itong gustong makita eh" he said
" Eh itong sa Palawan tayo pano ka nagkaroon nito?" tanong ko nang nakataas ang kilay.
" Kay Lara madami diyang nakuhang picture kaya hiningi ko ang iba, did you like it?"
" Oo naman sobra, akin nalang to ha"
" Sure, para sayo talaga yan" sabi niya naman , he winked at me
Sinayaw ako ni Ethan kasabay ang romntikong kanta na sumasabay sa amin nakahawak siya sa bewang ko at nakahawak naman ako sa balikat niya, ang saya sa pakiramdam na ganito lang kami, naririnig ko ang tibok ng puso niya, naaamoy ko ang pabango niya, adikna adik ako dito eh, ang kumikintab niyang mga mata, mapupula niyang labi, hat lalo na ang jaw line niya na lahat ng mga babae ito yung gusto. Pero ngayon napasakin na.
~
Pagkatapos naming magdate pupunta kami sa bahay namin, niyaya kasi ni mama si Ethan na dun na sa bahay kumain kaya ayun pumayag naman si Ethan, masaya ang date namin nakangiti pa rin ako dahil binigay na ni Ethan sa akin ang gustong-gusto kong regalo, nahihiya ako sa kanya kasi wala pa akong nabibigay na regalo sa kanya pero balak ko talagang bigyan siya.
Papaliko na kami sa isang hallway nang may isang mabilis na sasakyang bumangga sa amin, nawalan ako na pandinig, pareho kami ni Ethan na nabannga sa harapan, biglang naramdaman kong may dugo na pumapatak sa ulo ko, kinapa ko naman agad at dugo na ang sakit ng ulo piste, lumingon naman ako kay Ethan nakita ko siyang walang malay at dumudugo ang ilong at ulo niya.
" Ethan " tawag ko sa kanya pero hindi pa siya nagigising, di korin naman maangat ang kamay ko dahil masakit, at hanggang unting-unti nang nandidilim ang paningin ko.
" Eth--- "  at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Komento sa Aklat (91)

  • avatar
    Chiara Morissette Carullo Castellon

    super Ganda

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Sayson Milani

    Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City

    15/07/2024

      0
  • avatar
    Lucy Almazan Clutario

    SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO

    10/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata