Nagising ako dahil kay Ethan na hinahalikan ako palibot sa pisngi, tumingin ako sa kanya sabay kusot sa mga mata ko nakita ko siyang nakangiti, bat kaya ako ginising neto? " Ethan maaga pa ah, bat moko ginising?" sabi ko habang hindi paren bumabangon sa pagkakahiga ko. " Baby, wake up let's look for sunset", sabi niya ng mahinahon. Ngumiti lang ako sa kanya sabay bangon, bumaba kami sa may sala at wala pa ngang gising maliban sa aming dalawa, naglagay lang ako ng malong sa katawan ko dahil masyadong malamig, lumabas na kami ni Ethan, at umupo sa may buhangin wala pang tao kaya solong solo namin ni Ethan ang lugar, at nakita ko namang unting-unti nang lumalabas ang sunset, ang ganda talaga. " Ang ganda noh?" Sabi ko naman Tumingin saken si Ethan nang nakangiti. "Mas maganda ka" sabi niya naman habang nakaakbay saken. " Alam ko noh" sabi ko naman " Mahal kita Camille" he whispered " Mas mahal kita Ethan" sabi ko naman " I see you as my future, Camille, mamahalin kita hanggang sa dulo, ikaw lang at wala ng iba pa", sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Wala akong nagawa kundi ngumiti sa kanya, at bigla ko nalang sya niyakap. ~ Mataas na ang araw kahit umaga palang kaya naisip naming bumalik na sa loob, nakita naman naming gising na silang lahat habang nag aapply sila ng sunblock Thea at Lara. "Aga niyan ah" sabi ko naman " Syempre sasakay kami ng banana boat " " Kumain na kayo? " Tanong ko naman. " Yes " sagot naman ni Thea " Where's Calvin and Axel?" Ethan asked " Pumunta lang sa may palengke may binili lang" sagot naman ni Thea " Kumain na kayong dalawa, andun oh sa lamesa may niluto kami ni Thea for breakfast nga lang" sabi naman ni Lara " Gutom ka?" Tanong ko naman kay Ethan " Not really" " Anong not really ka jan" sabi ko naman sabay hila papuntang kusina, may nakita kaming fried egg, bacon, toasted bread, nagkatitigan kami ni Ethan alam ko na yung itsura niya sawa na siya sa gantong pagkain, " Let's go outside," aya ko naman Tumango lang siya "Arte naman tong dalawang toh", sabi naman ni Lara " Ilang weeks na kaya ganyan kinakain ko" depensa ko naman habang nakangisi ang mga labi ko. Lumabas kami ni Ethan para pumunta malapit na restaurant, naglakad lang kami, nakasuot naman ako ng short at sando lang, nakshort lang din si Ethan at white tshirt, nang makarating na kami sa Restaurant nag patakeout lang kami ng seafoods at juice, para sa amin na toh lahat baka kase magtampo sila, alam mo naman mga yun. ~ Pagkatapos naming kumain, nagbihis muna ako ng swimsuit para sumama kina Thea at Lara para sumakay sa banana boat, pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako ng dagat at nakita ko namang nakasakay na sina Thea at Lara sa banana boat, sumama na rin sa amin si Axel, pero si ethan at calvin naiwan sa cottage, ayaw daw muna nilang mabasa kaya yun di sumama, halos mabingi ako dahil sa sigaw ni Lara at Thea halos mahulog na kase kami sa sobrang bilis. Nakaka-enjoy naman kasi parang lumulutang ka sa tubig, ang saya talaga, balak pa sana naming magsnorkling pero bukas nalang kapag hindi na masayadong matirik ang araw. Pagkatapos naman naming sumakay sa banana boat napag-isipan naman naming mga babae na tabunan ng buhangin si Axel habang humihiga sa buhangin, HAHAHA ang saya kasi hindi siya makaalis "Hoy, Ethan, Calvin tulungan niyo ako dito" sigaw naman ni Axel, tinatawanan lang namin siya Biglang lumapit sa amin si Ethan at Calvin kaya hinila ko si Ethan papunta sa tubig para naman mabasa siya, nagbasaan kami ng tubisg ni Ethan, hindi lang kami ang naliligo doon pero wala akong pake, nandun di ang mga babaeng lumalandi kay Ethan kahapon. Sabay kaming sumusid sa ilalim ng dagat ni Ethan, pagkatapos naman umahon na kami basang basa ako nakikita naman ni Ethan ang kagandahan ng katawan ko dahil sa two piece na suot ko, nakita ko naman sila Lara sa cottage uminom ng drinks kaya pumunta muna ako para kumuha ng juice habang si Ethan naman umupo muna sa buhangin. Umupo muna ako habang umiinom ng juice nang makita ko si Ethan na may lumapit sa kanyang dalawang babae, aba yung kahapon toh ah di parin nadala saken, " Oh Camille shota mo oh," turo naman ni Lara " Hala ka Camille" pananakot naman ni Thea, tumayo agad ako sa pagkakaupo habang papunta kay Ethan " Anong meron?" Sabi ko naman sa dalawang babae, naku nilalason talaga nila utak ni Ethan, nakikita ko pa mandeng singit kala mo naman ang puti. " Magpapapicture lang kami sa boyfriend mo" sabi naman nung isang babae " If i don't?" "Napakaprotective mo naman Ms, hindi naman namin aagawin boyfriend mo eh, dahh, ang dami kayang lalaki dito noh?" " Madami pala, eh bat sa boyfriend ko kayo nagpapapicture?" Pambabara ko naman, nakita ko naman ang reaksiyon ni Ethan na seryoso pero gusto ng tumawa. " Girl, magpapapicture lang naman eh, mukha kase siyang artista" "Alam ko pero if i say no, no! Can you get it?" " Tara na nga, napakadamot naman" sabi ng babae sabay alis, "Tingin- tingin mo diyan?" tanong ko naman kay Ethan na mukahng matatawa " Nothing" sabi niya naman habang inakbayan ako " Nothing nothing ka diyan tara na nga" sabi ko naman sabay hila sa kanya papunta sa cottage. Umupo naman ako ako sa tabi ni Lara habang si Ethan tumabi kay Axel, kinuha ko ang juice para uminom mukhang ha-highbloodin yata ako sa dalawang babae na yun. " Sa sobrang protective mo kay Ethan Camille pwede ka na maging bodyguard ng presidente ng pilipinas" sabi ni Axel sabay tawa. " Eh? Kung sapakin ko kaya mukha mo" sabi ko naman sabay pakita ng kamao ko " May point naman si Axel Camille noh, Napakaprotective mo magpapapicture lang naman eh" dagdag naman ni Lara " Eh kung kay Calvin yung mangyayari? Ganun din gagawin mo noh" sabi ko naman " Wala kabang tiwala sa akin?" Sabay lingon saken ni Ethan. " Meron pero dun sa dalawang babae wala" Hapon na masyado kaya napag-isipan namin nila Lara at thea na maglaro ng volleyball, kalaban namin sila Ethan, masaya naman ang paglalaro namin, nakakapagod pero nakakaenjoy. Pagkatapos naman nun mga 6;00 pm na kaya pumasok na kami ulit sa loob para magbihis at magpahinga dahil ilang days pa kami dito sa palawan, maglilibot pa kami ng mga isla dito, nakakaexcited naman, dahil ang fresh pa ng hangin dito hindi katulad sa Manila. ~ Gabi na kaya nasa sala kami nagkwekwentuhan, kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin, habang si Thea naman at si Axel patuloy na nagkukulitan, ito talagang dalawa na ito ang magkakatuluyan balang araw, paano eh parang aso at pusa kung magharutan at mag-away. " Thea kailan ka babalik ng Us?" Tanong naman ni Axel habang kumukuha ng chips. " Hoy Axel bat mo naman natanong ha, kakauwi ko palang nga sa Pilipinas pinapabalik mo na agad ako sa Us" pataray namang sabi ni Thea kay Axel " Wala akong pake" suplado namang sabi ni Axel " You're asking me then you will say that you don't care,, then fuck you" nakangisng sabi ni Thea " Fuck you too, don't english english me ha, best english to oy" pagyayabang naman ni Axel habang tinuturo niya ang sarili niya. " Weh?" Sali naman ni Lara Axel smirked. " Yes you don't know because you dont know" sabi naman ni Axel kay Lara, mapapatawa ka na talaga sa mga tukmol na ito habang kami naman ni Ethan tahimik lang na nakikitawa sa kanila. " Hey Axel, can you please stop pretending that you are good at speaking english, your english is bullshit." Sabi naman ni Thea, habang nakangiti kay Axel " hey i'm good at english don't you dare " sabi naman ni Axel, " And what english word you know?" " Fuck you" sabi naman ni Axel Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Axel, fuck you lang talaga alam niya kala ko ba best in english toh. Napansin ko naamang si Ethan ay nilalamig dahil nahawakan ko ang kamy niya at ang lamig talaga. "Are you cold?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang nilalamigan siya para tanga lang " Yes" sabi niya naman sabay tango " But it's okay" dagdag niya pa " Gusto mo magpainit?" Tanong ko naman hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ko pero ba uphala na, tumingin lang sa akin si Ethan kita ko sa mga mata niya kung ano ang ibig kong sabihin. " No, it's okay" sagot niya naman na parang nahihiya. " Gusto mong uminom ng kape?" Tanong ko ulit He just shakes his head, so wala akong nagawa kaya may naisip ako, " Pasok lang ako sa kwarto, sunod ka ha" sabi ko naman, may sasabihin pa sana si Ethan nang bigla akoong umalis na at umakyat sa kwarto namin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super Ganda
27/07/2024
0Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City
15/07/2024
0SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO
10/06/2024
0Tingnan Lahat