Chapter 21

Gumagabi na kaya naisipan naming mag bonfire nalang muna, kase masyadong malamig ang panahon maganda na rin ito para mainitan kami,  katabi ko naman  si Ethan na nakaupo sa buhangin, magkatabi naman si Lara at Calvin, at ang dalawa namang parang pusa at aso na si Thea at Axel ay magkatabi na di habang nag-iihaw ng marshmallow. Mayroon din kaming iniinom na alak pero di naman ganoon katapang, ang saya lang ng araw na ito dahil wala kaming maisip kundi kasiyahan ngayon sana ganito nalang lagi.
" Si Camille parang tanga, nagswimsuit tas di naman maliligo ano ka model" sabi naman naman ni Lara
" Eh ano naman, alangan namang magpajama ako noh" pambabara ko naman
" Eh bat di ka kase naligo?" Tanong naman ni Calvin
"" Di kase yan marunong lumangoy" sagot naman ni Thea.
" Ang tanda mo na Camille, di ka parin marunong lumangoy" dagdag naman ni Axel.
Grabe ha pinaagtutulungan yata ako nila ha.
" Ethan oh"  sumbong ko naman kay Ethan habang nakahawak sa kamay niya
" Ay nagsumbong" sabi naman ni Lara habang iniikot ang marshmallow sa stick.
" Tumigil na kayo" sabi naman ni Ethan, sabay dila ko sa kanila.
" Alam mo Thea bagay kayo ni Axel" sabi ko naman, ship ko sila
Biglang nagkatitigan ang dalawa
" Ito ha? yuck i won't, di ko ipagpapalit si Aver dito sa tukmol na toh" sabi naman ni Thea na kunwaring nasusuka.
" Mas lalo naman ako noh, dami kayang babaeng nagkakarandapa saken noh" depensa naman ni Axel.
" O sigi tumigil na kayo, baka magtusukan pa kayo ng stick" sabi naman ni Lara habang patuloy parin sa pag-ihaw ng marshmallow.
" So malapit na kayo maggraduate ah ano balak nyong kuning course? Tanong naman ni Thea habang nakatingin sa marshmallow niya.
"Uhm siguro sabay kami ni Camille kukuha ng Bs accountacy" sabi ni Lara sabay tingin saken, ngumiti lang ako sa kanya ibig sabihin totoo yung sinasabi niya, accountancy talaga kukuwain namin.
" Ikaw Ethan? Tanong ko kay Ethan kase kanina pa siya tahimik,
" Engineering maybe" sagot naman ni Ethan.
Engineer, sa bagay tama naman naman yung work para kanyang eh magaling naman siya sa math.
" Engineer Ethan Bryce Lopez" sabi naman ni Axel na kunwaring may sinusulat sa hanginn
" Ako naman gusto kong maging seaman kase maraming babae kapag seaman" sigaw naman ni Axel
" Walang nagtatanong" inis na sabi naman ni Thea.
" Bat ka galit?"
" Kumukulo talaga dugo ko dito Ethan sa kaibigan mo, jusko po baka mapatay ko to" sabi naman ni Thea habangsasakalin si Axel
" "Thea" pagtitigil naman  ni Ethan.
" ikaw ba babe? Tanong naman ni Lara kay Calvin
" Pilot, pangarap ko talaga yun" sabi naman ni Calvin
" Ako dapat unang sasakay sayo ha" sabi naman ni Lara
Bigla kaming nagtawanan sa sinabi ni Lara, di ko nga din alam bat ako tumatawa, pano ba naman tumatawa sila kay nakitawa nalang ako, si Ethan din naman noh tumatawa, kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko kay Ethan dahil nalalamig talaga ako.
"Hoy, anong nakakatawa dun ha, mga green minded kayo" sabi naman ni Lara na pataray.
Patuloy parin sila sa pagtawa, habang naubos na din ang marshmallow. Kaya naisipan na nilang pumasok sa loob ng beach house para magpahinga pero naiwan naman kami ni Ethan habang nagcucuddle, ang ganda kaseng pagmasdan ang mga bituin habang kasabay ng malamig na simoy ng hangin, di naman ako nalalamigan kase niyayakap naman ako ni Ethan.
" Ethan?"
"Yes?"
"Ang ganda ng mga bituin noh?" Tanong ko naman sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.
" Yes, but you are the most brightest star i've ever seen"
" Ay we, ako ethan aha wag mokong mabola bola, mabilis akong kiligin, kaya make sure na yang pinagsasabi mo totoo" pagbabanta ko naman.
" Kelan ba ako nagloko sayo?"
" Malay ko sayo noh?"
He smiled, habang hinahawakan ang buhok niya
" I'd never cheat on you, and i will never, mahirap kayang makahanap ng babaeng katulad mo"
Ngumingiti nalang ako sa mga pinagsasabi ni Ethan saken.
" Alam mo parang may butterfly ako sa tiyan kapag ganun sinasabi mo saken"
He gave me a wide smile, ang gwapo niya shit.
" Ethan?" I asked again
" Why?"
" Ilan gusto mong anak?"
" bakit? Gusto mo nang magkaanak?
" hindi ha, tinatanong kolang kase advance ako mag-isip, ilan ba?"
" uhmm, 2 kids?"
" dalawa lang? Bat dalawa lang?"
" Ilan ba gusto mo?"
" isang dosena" pagbibiro ko naman.
" We can't"
"At bakit hindi ha, kaya ko yun noh, gusto mo ngayon na natin  simulan gumawa?"
Napatingin sa akin si Ethan habang seryoso ang mukha.
" Camille, are you kidding?"
" ano sa tingin mo?"
" aanuhin mo naman ang isang dosenang anak ha? at tsaka masyadong marami yun" depensa niya naman.
" Eh sabi nila the more, the merrier"
" HAHA camille we can have sex anytime and anywhere pero wag naman yung isang dosenang anak"
Halos malaglag panga ko sa sinabi ni Ethan, we can have sex anytime and anywhere wow, kala ko ba maayos pag iisip nito ang ang pervert din naman pala nitong lalaki natoh.
" Napatahimik ka??" Tanong naman ni Ethan
" Wala na akong masabi"
" Uhm i have something to give for you" sabi naman ni Ethan habang may dinudukot sa bulsa niya na isang maliit na kahon, omg ano yan ring ba? Omg hindi pa ako ready, tas luluhod saken si Ethan tas sasabihin niya, Camille Alisha Selena will you marry me omg!!!
" Ano yan?" Tanong ko naman na parang walang alam
Binuksan niya ang box, at nakita ko ang kumikinang na kwentas na kalahating puso ang design, kala ko naman singsing di pala pero okay narin, mukhang mamahalin at wait nakita ko ang suot ni Ethan na kwentas kapareho sa kwentas na ito, couple!
" Wow, ethan ang ganda!"
" Nagustuhan mo ba?" tanong niya naman
" Oo naman, sobra i love it,, i love you" sabi ko naman sabay yakap sa kanya
Inalis ko na ang pagkakayakap ko kay Ethan at tumalikod na ako para isuot niya sa akin ang kwentas, ang ganda talaga ng necklace hindi ko alam na bibigyan niya ako ng ganito at couple pa kami.
" Bagay ba saken?" sabi ko sabay harap sa kanya
" Of course, you're so pretty!" Sabi niya naman
Nakangiti lang ako habang nagkatititigan kami ni Ethan, pakiramdam ko ang bagal ng ikot ng mundo kapag kasama ko si Ethan, wala na akong ibang gustong makasama kundi siya, nakikita ko ang magagandang mata niya, mga mapupula niyang labi 
papalapit ng papalapit ang mukha namin ni Ethan sa isa't- isa hanggang sa maglapat ang mga labi niya sa labi ko ramdam ko naman ang malalambot niyang labi, pinikit ko ang aking mga mata para mas maramdaman ang bawat siil ng paghalik niya, unti-unting gumapang ang kamay ni Ethan sa bewang ko habang ang mga kamay ko naman ay nakahawak sa buhok niya, patuloy niya parin akong hinahalikan.
" Ethan thank you ha "  sabi ko naman ng mahina, sabay yakap sa kanya, tumingin siya sa mga mata ko at tumayo kaming dalawa para pumasok, pagpasok namin sa sala walang katao-tao at baka tulog na sila Lara, kay dumiretso na kami sa kwarto namin.

Komento sa Aklat (91)

  • avatar
    Chiara Morissette Carullo Castellon

    super Ganda

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Sayson Milani

    Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City

    15/07/2024

      0
  • avatar
    Lucy Almazan Clutario

    SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO

    10/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata