Chapter 20

Nagising na ako dahil sa araw na nagrereflect sa mukha ko, kinusot ko muna ang mata bago bumangon sa pagkakahiga ko, napansin kong wala na sa tabi ko si Ethan, kaya palagay nasa baba na. Tumingin muna ako sa salamin para tingnan ang mukha kong may muta-muta pa, napakagulo ng buhok ko kaya inayos ko lang ng konti at bumaba na ako ng hagdan, nakita ko namang walang tao sa sala kaya umakyat muna ako para tingnan kung nagising naba silang lahat, walang tao sa kwarto nila Lara siguro nasa labas na, tumingin naman ako sa kwarto ni Axel wala na din, hindi ko na nabuksan ang pinto sa kwarto ni Thea dahil sadya na itong nakabukas, nakita ko naman siya na namimili ng swimsuit.
" Anong ginagawa mo Thea?" Tanong ko naman sa kanya sabay upo sa may kama
" Oh you're wake up na pala, by the way i'm thinking what i should wear, this or this" sabi niya habang pinapakita sakin ang swimsuit, two piece na swimsuit yung isa color white yung isa naman black, so maputi naman si Thea kaya sa tingin ko mas mukhang sosyal siya kapag yung black yung suot niya.
" I think this black will suits you" sabi ko naman
" I think too"
" Nasaan pala sila Ethan, bat walang katao tao? tanong ko naman.
" Nandun sila Lara kumakain kasama sina Ethan at yung tukmol na si Axel" sabi niya habang papunta sa C.r para magbihis.
I chuckled, " Ahh so lalabas nako" sabi sabay tayo
" Hoy Camille magbihis ka na din ng swimsuit mo kase wala kang makita sa labas kundi mga nakaswimsuit, bantayan mo yung jowa mo daming nagpapapicture dun parang artista" sigaw naman ni Thea mula sa C.r
Kaya bumalik muna ako sa kwarto namin ni Ethan para magbihis ng swimsuit, madami akong dalang swimsuit noh, ako pa ba ha pinaghandaan ko yata to noh. Napagpasyahan kong suotin muna ay one piece na swimsuit kulay light blue tamang tama para saken, nagsuot din ako ng maong na short para naman hindi sobrang kita ang katawan ko. Tumingin muna ako sa salamin kung bagay ba saken, omg ang sexy ko pala!.
Bumaba na ako ng hagdan habang may dala ng sunblock syempre magpapapahid ako kay Ethan. Nakita ko naman sila na nasa cottage kumakain.
" Hi goodmorning" bati ko naman sa kanila, humalik lang ako sa pisngi ni Ethan, ang hot niya talaga, naksuot lang siyang beach short at naka polo pero di nakabutones ang tatlong butones.
" Aga mo gumising ah" sabi naman ni Lara habang nagbabalat ng hipon, wow puro seafood ah, favorite ko toh
" Saan kayo kumuha ng pagkain?" Tanong ko naman habang umupo ako sa tabi ni Ethan, tahimik lang na kumakain si Calvin, Thea at Axel.
" Nag order kami dun oh" turo naman saken ni Ethan.
" bat di ka kumakain?" Tanong ko naman sa kanya kase puro inom lang siya ng juice eh
" I'm already done" sabi niya
Tumango lang sabay kuha ng hipon, wow ang crispy!, ngayon ulit ako makakakain nito.
" Gusto mo" aya ko naman kay Ethan, tumango lang siya sabay ngiti saken kaya kinuha ko muna ang balat ng hipon sabay subo kay Ethan. Napansin ko namang nakatingin sa amin sina Lara, tapos na silang kumakain kaya pinagmamasdan nalang kami ni Ethan.
" Grabe parang may gumagapang yatang mga langgam saken ah, ng sweet kase dito grabe" pangloloko naman ni Lara
" Dameng chiks oh, puta ang puputi" sabi naman ni Axel habang nakatingin sa mga babaeng nagtatampisaw sa tubig.
" Sege titigan mo hanggang lumuwa yang mata mo" gigil na sabi ni Thea habang pinipingot si Axel,
" Aray ko naman, may gusto kaba saken ha?" sabi naman ni Axel kay Thea
" Yuck, sayo magkakagusto ako never!!" sabi naman ni Thea na kunware nasusuka, tumakbo si Axel papunta sa dagat para magswimming habang sinundan siya ni Thea at Calvin
" Di ka maliligo?" Tanong ko naman kay Lara
" Malamig pa noh" sagot niya naman
" Eh ikaw Tan?" Tanong ko kay Ethan habang ako naman patuloy sa pagkain ng hipon.
" Maybe later" sagot niya naman,
" Goods yan kase nagdala ako ng sunblock, kaya ikaw yung maglalagay sa likod ko di ko kase maabot " sabi ko naman
" Aalis na ako ha, baka kase langgamin ako dito eh" sabay tayo ni Lara para makisali kina thea ,axel at calvin na naglalaro ng volleyball.
Pagkatapos kong kumain iniwan muna namin ni Ethan ang kalat sa cottage sabay pumunta kami sa may upuan sa tabi ng dagat para magpalagay kay Ethan ng sunblock sa likod.
" ang gwapo mo mahal" sabi ko naman kay Ethan, dahil nakashade pa siya kaya mas lalong naging hot siya.
" Alam ko mahal" sagot naman ni Ethan saken habang sinimulan niya nang lagyan ang likod ko ng sunblock, ay pak ang lambot ng palad ha.
" Baba pa" sabi ko naman
Binabaan niya naman, pinikit ko ang mga mata ko para mas maramadaman ko ang bawat pahid niya sa likod ko, ay pota nakikiliti ako, ang sarap naman sa feeling na may boyfriend kang ganto.
" Hi kuyang pogi, pwede magpalagay ng sunblock?" Sabi ng isang babae, kaya napatayo ako sa upuan. Napangisi ang labi ko nang makita ko ang nakabikining dalawang babae na nakatayo sa harapan namin ni Ethan.
"Uhmmm." hindi natuloy ang pagsasalita ni Ethan nang magsalita ako
" Hoy, ang landi ha anong kuyang pogi, alam ko namang pogi si Ethan pero ang landi beh ha, di mo nga ito kilala magpapalagay ka ng sunblock haler" sabi ko naman habang lumipat sa posisyon ni Ethan.
" Girl, hindi naman kami sayo magpapalagay sa kanya naman" sabi ng bruhang babae sabay turo kay ethan at kinindatan pa.
Aba pinapakulo talaga dugo ko netoh ha,, weyt makakatikim toh ng malasuntok nang isang Camille.
"Aba sinagot ako ha" bulong ko sa sarili ko
" Hoy kayong dalawa, kung ako sa inyo maligo nalang kayo sa dagat na walang sunblock dahil kung hindi ako mismo ang tutulak sa inyo sa dagat at hampas ko pa sainyo tong sunblock" pagtataray ko naman ang landi eh.
" Sino kaba?" Tanong naman netong babae
" Ako sino, haler ako lang nam---" di ko natapos ang sasabihin ko nang akbayan ako ni Ethan.
" She's my girlfriend", Ethan said
" Ah ganun ba sorry, and please pakisabi sa girlfriend mo napaka rude niya tara na" sabi naman nung babae na tinarayan pa talaga ako bago umalis, haler sino ako ha, pwes alam niyo na.
" Kuyang pogi" pagloloko ko naman kay Ethan
" Camille" sabi niya naman
" Papayag ka pa ha?" Sabi ko naman habang dinuduro ng sunblock.
"At kaya ka pala nakashades na kunware nakatingin ka sa likod ko pero yung mata mo sa mga babae na nakatingin ha, alam ko nayan Ethan, bulok na yan wag ako" sabi ko naman habang nakangisi ang labi.
" No, i don't" tanggi niya naman sabay hawak sa isang kamay ko, hinawakan niya ako sa pisngi,
" Camille, mayroon na akong ikaw kaya never na akong maghahanap pa ng iba" sabi niya naman sabay halik sa noo ko
Ngumiti lang ako dahil sa narinig ko, alam ko naman yun kaso ayaw ko lang talaga may pumapaligid na mga babae kay Ethan.

Komento sa Aklat (91)

  • avatar
    Chiara Morissette Carullo Castellon

    super Ganda

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Sayson Milani

    Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City

    15/07/2024

      0
  • avatar
    Lucy Almazan Clutario

    SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO

    10/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata