Dahil Christmas vacation na namin Lara and I decided to stay at dorm, dahil napag-usapan na namin na dito nalang muna kami magcelebrate ng pasko, nagpaalam na rin ako kay mama at papa pumayag naman sila. I look at my watch and i saw it's already 11:32 am, i'm just lying on my bed since morning because Lara went outside with Calvin, may pupuntahan daw sila alangan namang sumama ako. Biglang nagring ang cellphone ko kaya bumangon ako para kunin sa taas ng lamesa, nakita ko sa screen ang pangalan ni Ethan kaya agad ko itong sinagot. [Hi]... "Oh bakit mahal," sabi ko naman habang nagsusuklay ng buhok ko [ Let's go outside?] "Uhmm sure" [ I'm here na] Nagulat ako sa sinabi ni Ethan kaya sinilip ko ang bintana para tingnan at nakita ko si Ethan nakasandig sa kotse niya, nakasuot siya ng hoody jacket at rip jeans. Habang lumilipad ang buhok niya dahil sa hangin, shit bat lagi niyang pinapatibok ng ganto ang puso ko, ang pogi niya lalo. Kaya nagmadali na akong bumihis ng damit, sumuot na din ako ng jacket dahil napakalamig nga sa labas. Pinagbuksan ako ni Ethan ng pinto ng kotse niya, pumasok na rin ako sa loob saan kaya ako balak dalhin netoh. " San ba tayo pupunta ha?" Tanong ko naman habang inaayos ko ang seatbelt " Airport" he said, he start to drive Nagtaka ako " Airport, ha? anong gagawin natin dun?" I asked him " Susunduin si Thea" he said while looking straight to the road "Si Thea? Uuwi na?" Gulat na gulat ako, ilang taon ko na din hindi nakakasama si Thea simula nang tumira na siya sa Canada, pinsan siya ni Ethan pero mas close pa kami ni Thea kaysa sa kanila dalawa ni Ethan. "Bat gulat na gulat ka?" tanong naman sa'ken ni Ethan. " Why you didn't tell me earlier ha,ede sana nakagawa ako ng banner or ano, kakainis ka" sabi ko sa kanya habang nakangisi ang labi ko He look at me with his pretty eyes, " because i want to suprise you, i know naman you are really excited to see her" "Suprise ka dyan" sabi ko naman habang nakatingin sa cellphone ko He chuckled, " so anong ginagawa mo kanina?" Tanong niya naman " Nakahiga, eh ano pa ba" sagot ko naman " Where's Lara?", tanong niya ulit " Maagang sinundo ni Calvin may pupuntahan daw, alangan namang sumama ako sa kanila, ano ako trial card" sabi ko naman Napatawa nalang si Ethan sa sinabi ko, "Then why you didn't tell me or call me para naman napuntahan kita ng maaga para naman may kasama ka sa dorm" sabi niya with a worried tuned of his voice. "Nahhh, i'm sorry, i thought you're busy doing something thats why i didn't call you, baka kase makaaistorbo pa ako" i said. He look at me again, hinawakan niya ang kamay ko at ang isa niya namang kamay ay nagmamaneho. " Camille, pagdating sayo hindi ako busy okay, mas priority kita than anything else" sabi niya Napangiti ako sa sinabi ni Ethan, nararamdaman kong nakaupo ako sa ulap habang pinapakinggan ang boses niyang mala anghel. Tumango lang ako dahil hindi ko mapaligilang kiligin sa sinasabi niya. " I love you my only Camille" he whispered " i love you too" sabi ko naman. Sana lagi nalang kaming ganto palagay ko malapit na akong mamatay sa sobrang kilig, kahit na ngayon ko lang ito nararanasan kay Ethan kahit na matagal na kaming magkasama. Pakiramadam ko nasa langit ako kapag kasama siya, kausap siya. 𝑖 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑠𝑜 𝑚𝑢𝑐ℎ Nakarating na kami ng Airport ni Ethan, naghihinatay lang kami na lumabas si Thea, at ayun nga nakita ko na siya, habang nakashade alam kung si Thea yun, grabe mukha talaga siyang model, tumakbo ako palapit kay Thea para yakapin siya ng mahigpit. "Theaaaaaa!!!" Sigaw ko naman, wala akong paki kung lahat ng tao sa airport nakatingin saken. " Camillllllle?" Sigaw naman ni Thea, niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na siya. " Sinama ka pala ni Ethan?" tanong niya habang nakaakbay saken "Kamusta kana?" Tanong ko naman sa kanya, " ang ganda mo na lalo ah para kang model" sabi ko naman habang nakangiti kay Thea. "Ako lang toh Camille" she giggles Ngumiti lang ako sa kanya, si Ethan naman lumapit kay Thea para yakapin si Thea. " Ang pogi mo Ethan ah" sabi naman ni Thea kay Ethan habang papalabas kami ng Airport, si Ethan na din ang nagdala ng maleta ni Thea para isakay na sa bagahe. " How's your flight?" Tanong naman ni Ethan " It's fine, naaantok lang ako konti, pero konti lang din" sabi niya naman ng pabiro Pumasok na kami ng kotse sa likod umupo si Thea habang katabi ko naman si Ethan, nagsimula nang umandar ang kotse at kami naman ni Thea patuloy parin sa pag-uusap. " So bat ka pala nakpauwi ha?" i asked thea while looking at her " Si tita Tina kase pinipilit akong umuwi, dito na raw ako magdiwang ng pasko kaya yun, no choice" paliwanag naman niya "Ede mas maganda" sabi ko naman Tahimik lang si Ethan na nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Thea "Camille?" "Umm?" "Do you have boyfriend? If wala may reto ako sayo, yung kaibigan ko mabait yun, may kagwapuhan, at higit sa lahat hindi mabaho ang paa, mabango yun noh minsan nga gusto kong jowain kaso baka batukan ako ni Aver" sabi naman ni Thea Wala lang akong reaksyon sa sinabi niya, kase di ko alam kung pano sasabihin na boyfriend kona si Ethan. " Ano Camille, Game ka?" Tanong niya ulit Nilakihan ko lang ng mata si Thea sabay tingin kay Ethan, para malaman niya na boyfriend ko si Ethan. " Don't say t-ha-t! utal niyang sabi " Thea, Ethan is my boyfriend na" Napahawak si Thea sa bibig niya sa sobrang gulat. "Since when??? Omg!!!! i can't believe this, i thought boy bestfriend mo lang si Ethan tas ano yun nagkaroon ng feelings ha, ano yung rebisco may pasobra dahil special ka, ganun Camille, ha ano Ethan tell me" nagdrama na naman si Thea. "Idiot" Ethan said " Hoy Ethan ha, di mo saken sinasabi na kayo na pala ni Camille, kala ko ba si Astrea girlfriend mo" Nagbago ang reaksyon ko ng marinig ang pangalan ni Astrea, pati ba naman si Thea alam na naging girlfriend ni Ethan si Astrea. " Ayy sorry, joke lang Camille past na pala yun" sabi naman ni Thea habang nagpi-peace sign. Ngumiti lang ako kay Thea, dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. " So may nangyari na sa inyo noh" pangungulit naman ni Thea, bigla kaming nagkatitigan ni Ethan sa sinabi ni Thea, I shaked my head to her. " Thea can you please stop asking so many question" Ethan said " Okay, okay, takot ko lang sayo Ethan noh, malay ko bang nag 3 rounds na kayo" dagdag pa ni Thean, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya " Thea" Ethan looked at Thea with a serious face. " Sorry tao lang" sabi naman ni Thea, habang nagbyabyahe kami papunta sa bahay nila Ethan, nakatulog si Thea, hindi pa rin talaga siya nagbabago madaldal parin siya. Pero naisip ko ang sinabi niya, porket ba magkasintahan kailangang may nangyayari sa kanila, if gusto ni Ethan, choss, ang pervert mo self hayst.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super Ganda
27/07/2024
0Bldg, National Road, Alabang, Muntinlupa City
15/07/2024
0SUBRA GANDA NAGUSTUHAN KO
10/06/2024
0Tingnan Lahat