Homepage/MY BESTFRIEND, HIS BOYFRIEND AND I/
Twenty-one
GAIL
Matapos ang nangyaring suntukan ni Steven at Zachary ay heto’t nakaupo kaming tatlo sa sala na hindi nag iimikan, walang nag tatangkang kumibo kahit na sino samin, magkatabi sina Steven at Waray sa upuan samantalang ako naman ay nasa pang isahang upuan, edi ako na ang single. Kung hinahanap niyo si Zach ay ayon na umalis na pinilit ko pa nga kasi baka kung mag suntukan na naman sila ni Steven. Ewan ko sa dalawang mag pinsan na ito bat ang init ng dugo sa isa’t isa.
Nang walang plano ang sino man sa aming tatlo ang magsalita ay napagpasyahan ko na lang na pumasok saking kwarto at matulog may trabaho pako bukas.
Pero bago pako makatayo saking upuan ay narinig ko na ang boses ni Steven na nagpatigil sakin.
“Do you have any relationship with my cousin Gail?!” Kalmado ngunit alam kung may halong hindi ko mabatid kung ano na tanong ni Steven.
Hindi ako makapag salita, parang ang sitwasyon namin e nahuli niya akong nag checheat sa kanya at sa pinsan niya pa talaga.
“For f*ck sake Gail, answer me!!”
Napagitla naman ako sa naging tono ng boses ni Steven, I don’t know bat galit na galit ang isang ito e wala naman akong ginagawa.
“Babe calm down, tinatakot mo si Biday eh, kaya ayan nabahag ang bontot at di makapag salita!”
Pagpapakalma ni Waray sa jowa niyang ano mang oras ay magbubuga na ng apoy.
Huminga ako ng malalim, at tumingin sa direksyon nilang dalawa. I smile and said.
“ Zach is a good man Steven, so if ever na magkaroon nga kami ng relasyon okay lang naman diba?”
Hindi ko alam pero nakita ko pag dilim ng tingin ni Steven sakin, parang may halong poot, galit or what. I can’t find any words to say.
“He’s my cousin and they know that you’re my girlfriend Gail!!” Mahina ngunit may diing sambit ni Steven, hindi na siya nakatingin sakin, he’s thingking I know dahil napapahimas na sya ng sentido nya. At umiigting narin ang halos perpektong panga nya.
“Biday” napatingin ako sa nagsalita, sino ba naman ang tumatawag sakin niyan?
“Okay” sambit ko naman sabay taas ng dalawa kung kamay na parang sumusuko na.
“ Wala naman talagang ibang ibig sabihin yong pagpunta dito ni Zach, In fact di pa nga namin masyadong kilala ang isa’t isa, and hindi ko alam kung bakit at paano siya napunta dito, wala akong binigay na address sa kanya!”
Mahabang paliwanag ko sa dalawa, tumango naman si waray pero si Steven ay parang hindi kombinsedo sa sinabi ko, tiningnan niya ako sa mata, ako naman e hindi maka tingin sa kanya ng diritso, he’s drowning me into his dark world-charrr.
Nag iba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sa itim na itim na mata ni Stven, I felt like I was in the dark and he’s prying on me.
“ahem!!!” Tikhim ni waray.
“selos na ko dito!” saad pa nito.
Inikotan ko siya ng mata.
“may kutsilyo don sa kusina mag laslas kana!” pang aasar ko pa sa kanya.
Pinandilatan niya ako ng mata sabay irap.
“tama na nga yan!” ang referee naming si Steven
“Gail I know what’s the best for you! Kaya please iwasan mo na ang pinsan ko, he ain’t good for you” kung kanina ay tonong parang galit ang boses ngayon naman ay parang boses ng isang boyfriend na naglalambing sa girlfriend nito.
“Remember that he’s my cousin” pahabol pa nito.
“Steven is right biday, I know you already has a crush on him, dahil kapag gwapo automatic na crush mo na kaagad!” segunda ni waray na may halong pang aasar sakin.
“what?!!” nagulat naman kami sa boses ni Steven.
“anong what babe?” pati si waray ay hindi alam kung bakit ganon ang naging reaksyon ng jowa nya eh.
“nothing, Gail has a feelings for Zach already?”
Palipat lipat ang tingin ni Steven saming dalawa ni Biday, dahil walang sino man ang gustong sumagot sa tanong nito, ewan ko jan kay waray gumagawa gawa ng kwento hindi na pinanindigan.
“normal lang naman magka crush kay Zach eh!” ako na ang sumagot, para hindi gumawa pa ng sariling bersyon ng kwento tong si Waray.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Steven at parang may galit na naman sa mga mata nito, ano na naman kaya ang problema nito? Wala naman na akong ginagawa eh.
“Who’s more handsome than me and that assh*le Zach?”
Natulos ako saking inuupuan, parang nawalan na ako nang hininga sa ginagawa ni Steven sakin ngayon, heto lang naman kasi sya nakaharap sakin na nakayukod habang naka hawak sa hawakan ng upuan ang dalawa nyang kamay kaya I’m trap between his chest at sa sandalan nitong upuan at takenote sobrang lapit pa ng mukha nya sakin yan yong ginawa niya habang nagtatanong kung sino ang mas gwapo sakanila ng pinsan nya. Ako naman eh naka tanga lang sa kanya at hindi alam ang gagawin. Titig na titig siya sakin na parang tinatantsa ang magiging sagot ko sa tanong niya. Nang makawala ako sa nakakahipnotismo niyang tingin ay pinilit kong ibaling kay waray ang tingin ko pero ang hayop kung kaibigan ayon at natatawa sa reaksyon ko.
“waray tulong naman inaakit ako dito ng boyfriend mo, kapag ito naagaw ko iyak ka jan mga limang timba ng luha”
ang walang hiya tumawa lang ng malakas. May pa hawak-hawak pa sa tiyan nya, kainis naman pano ako dito makatakas kay pareng Steven akala nya natutuwa ako pwes hindi jan lang sya hanggang gusto niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ilove youu
28/09/2025
0bom
16/01/2025
0ganda...
16/07/2024
0Tingnan Lahat