XIX

“ please bitawan mo ko Zach, papauwi na si Steven baka maabotan ka pa nya!”
Tumawa sya sabay layo sakin. Hindi ko alam Pero nakaramdam ako ng pagka awa sa kanya. Anu ba talaga ang dahilan ng pag aaway ng dalawang to?
“gusto kitang agawin sa kanya para maging patas na rin kami alam mo yon? Nong nabalitaan kong may girlfriend na sya ay inalam ko na ang Lahat ng tungkol sa Inyo!”
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Inalam ang tungkol samin? Did he mean that he already knows the truth about our relationship. Triple sh*+
“ at ang tanga lang talaga ng lalaking yon at hindi ka pa nya pinapakasalan. It means pwede pa kitang maagaw!”
Napabuga Ako ng hangin ng marinig ang sinabi nya. Hays Akala ko naman ay inalam na nya Lahat.
“ Bakit ba gustong gusto mo kung agawin sa kanya? Para patas na kayo? Bakit anong inagaw sayo ni Steven?”
Tiningnan nya ako ng malagkit. Maya Maya pay umiwas sya ng tingin sakin habang nakangisi.
Parang aso naman to. Asong gwapo...harhar
“ iwan ko sayo Zach... Hindi ko alam Kong anong pinagawayan nyo ni Steven noon pero wag mo Kong dinadamay jan!”
Bumuntung hininga sya
At Kinagat ang labi na parang inaakit ako. Akala naman nito padadala nya ako sa pag ganyan nya.
“hoy!! Tumigil ka nga jan... Baka makalimutan kong jowa ko ang Pinsan mo at papatulan kita jan!”
May tunong Pang aasar ko sa kanya para makuha yong awkwardness o Di Kaya ay tensioness sa pagitan naming dalawa.
Tumawa sya at biglang nagseryso... Okay bipolar lang ang peg ni kuyang Zach.
“ why not? It would be great on my part, Hindi na ako mahihirapan pa na agawin ka sa kanya”
Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa tinuran nya. Iwan, naiinis Ako sa mga lumalabas na salita sa bibig nya.
Gusto ko syang bigwasan kaya kinuyom ko ang dalawang kamao ko at Ipinakita sa kanya yon.
“kung gusto mong gantihan ang Pinsan mo, Pwes Walang damayan. Maggantihan kayong dalawa hanggang sa kaya nyo!”
Lumakas ang tawa nya this time.
“alam mo bang crush na kita mula nong nakita kita nong birthday ni tita Stephanie!?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay pinangmumulahan Ako ng mukha sa mga sandaling ito. Langya talaga ang isang to e. Di ba nito alam na mahina ako Pagdating sa mga bagay na ganito?
At dahil sa Hindi ko alam ang sasabihin ay naglakad ako patungong kusina.
“ at Ako talaga ang nanghingi ng pabor kay tita Stephanie na papuntahin ka nalang sa opisina para makita kita!”
Lumingon Ako sa kanya at pinandilatan sya, Langya naman Pala ang isang to.
“ and BTW... I'd like to drink your juice!!”
Mas lalo ko syang tinapunan ng Masamang tingin Sabay irap... Apaka bastos....
Nang makapasok na ko sa kusina ay Nagpakawala ako ng isang mahabang buntung hininga.
Ano ba ang sadya ng isang yan dito? Kinabahan pa naman Ako sa kung anong gagawin nya sakin kanina. Akala ko hahalikan na nya talaga ako. Sayang yon huh char**
Uminom Ako ng Maraming tubig dahil nga Medyo kumakalam narin ang sikmura ko. At anong oras pa Kaya magpakasaya ang dalawang yon sa piling ng isat isa? Di ba nila alam na may ginugutom sila ditong ako?
Tinimplahan ko muna ng juice yong isang asungot bago bumalik sa sala.
Nakita kong nakatingin sya sa picture frame na nakapatong sa center table namin. Kinabahan ako. Hindi ko alam Kaya Dali Dali akong tumakbo at tinaob ang picture frame naming Tatlo. Yeah Tatlo kami... Ako si Steven at si waray... Pinapagitnaan namin si Steven. O diba kahit sa picture nandon Ako.
Malapad ang ngiti Kong inabot sa kanya ang juice na ginawa ko. Sya naman ay palipatlipat ang tingin sakin at sa picture frame na tinaob ko.
“ ah Zach, baka biglang uminit tong juice kaya inumin mo na!”
Mahina syang tumawa sabay kuha ng juice sa kamay ko.
“ Sino yong kasama nyo sa picture frame?”
Yan na nga ang sinasabi ko eh...
“ ah yon ba? Si Armando... Este Amanda Pala kaibigan ko!”
Di nakatingin sa kanyang sagot ko.
“ is she a he!?”
Biglang Napabalik ang tingin ko sa kanya. Ngumiti Ako ng pilit sabay tango.
Uminom sya ng juice at Inilapag ito sa center table. Kinuha nya ang picture frame at tinitigan ito.
“he has a beauty huh! Hindi mo aakalaing may itlog ang isang to!”
Napatawa ako ng mahina sa komento nya. Maganda naman kasi talaga si waray. Kaya lang my itlog nga.
“ at Hindi naman seguro pumapatol si Steven sa may itlog rin?”
Huh??
“Hahahhahaha Syempre naman hindi! Anu ka ba?”
Langya... Bat naman naisip ng isang to na papatol ang Pinsan nya sa Bakla?
Bakit Di ba?
Syempre kami Lang naman nakakaalam non no! Panu nga kaya Kong alam ng isang to ang totoo at nagpapanggap lang sya na walang alam? Kung alam naman Pala nya e bat ako ang aagawin nya Kay Steven? Bakit Di si waray kasi sya naman ang tunay na jowa?
Hayz... I'm over thinking again... Bahala na nga... Di ko naman kasalanan kong magkabukingan diba? Ginawa ko naman ang makakaya ko para makatulong diba?
“ bat ka nga pala naparito? Para ipaalam lang sakin na aagawin mo ako Kay Steven?”
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko magkatabi lang kasi ang inuupuan namin kaya madali nya Lang maabot ang buhok ko.
“yeah...at alam Ko rin kasing nag iisa ka ngayon!”
Tinaasan ko sya ng kilay
“ at dahil alam mong nag iisa ako Kaya ka pumunta dito para e harass ako? Ganon ba yon?”

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    AbdullaArshaby

    ilove youu

    28/09/2025

      0
  • avatar
    Fernandes MelgarEduardo

    bom

    16/01/2025

      0
  • avatar
    Kim Jardeliza Lijarso

    ganda...

    16/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata