XVIII

Napatitig ako sa 11 digit number dito sa screen ng cellphone ko.
I'm trying to memorized it Pero naisip ko na sarili ko ngang number hindi ko memorize ito pa kayang Kay Zach!
Yeah, may number Ako ni Zach dahil nga hiningi ko Kay tita Stephanie diba, Sabi ko pa na tatawagan ko pero di ko naman ginawa kasi hindi ko naman kailangan syang tawagan para ipaalam na darating ako. Dahil alam na nya yon, courtesy of tita Stephanie.
Kaya ko lang naman hiningi para naman may ibang number ding naka save dito sa cellphone ko. Yong mga malalapit lang kasi sakin ang naka save na number dito cp ko dahil wala naman akong mga ka text mate, noon gustong gusto Kong magka text mate kaya lang kalaunan ay naiinis na akong magreply... Panu ba naman e mahal na daw nila ako, anu yon? Instant love? Kahit na nga number ni Tyler wala na ako e, binura ko na kasi, inaamin ko na parang Landian Lang naman talaga yong samin noon, Yong ang sweet sweet nyo sa text pati sa Tawag Pero walang kayo... Ganon kami dati hanggang sa nalaman yon ni Steven at nagalit nga. Hindi ko naman masisi si Steven non dahil nga babaero naman talaga yong kaibigan nilang yon. But I can handle him. Duh sanay na sanay na ako sa mga galawang shokoy ng mga lalaking ganon. Kaya nga wala akong jowa hanggang ngayon e, dahil hindi sila tulad ni pareng Steven...
Hay Steven... Pagkatapos naming kumain kanina sa mcdo ay hinatid nya Lang ako dito at pinuntahan si waray sa opisina nito.
At heto ngat nandito ako nakatunganga saking cellphone. E kung binura ko nalang kaya to, Hindi ko rin naman pwedeng tawagan si Zach, baka sabihin non nilalandi ko sya Samantalang jowa ko yong Pinsan nya. Hanggang ngayon hindi ko parin Alam Kong ano ang dahilan kung Bakit ang init ng dugo nila sa isat isa. Hays ang hirap naman nilang intindihin.
Inilapag ko saglit yong cellphone ko sa may center table dito saming sala at pumunta sa kusina upang uminon ng tubig.
Pabalik na ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita kong umiilaw ito sa ibabaw ng center table Kaya napatakbo naman Ako at Tiningnan kong sino yong tumatawag.
Lumipas ang ilang segundo at heto nakatingin lang Ako saking cellphone dahil hindi ko alam Kong sasagotin ko ba ang tawag kasi naman. Pano nya nalaman yong number ko? At Bakit nya Ako tinatawagan? Don't tell me na may mga mali sa mga dokumento na ibinigay ko sa kanya kanina? At dahil sa iyon ang dahilang iniisip ko kung bat sya tumatawag ay sinagot ko na tawag nya pero ng mapatingin Ako sa screen ng cellphone ko ay wala na pala. Natapos na Pala ang tawag. Haissst!!
Ilang sandali pa ay Tumunog ulit ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni waray ang nakalagay Kaya pinindot ko ang answer botton at sinagot
“ hey waray!!”
Ganda ng pambungad ko noh?!
“Napaka mo talagang babaita ka!”
Sagot nya sa kabilang linya. Nahimigan ko pa ang bigla nyang pagka asar sakin.
“ Bakit ka ba tumawag?”
Tunog pang asar ko pang tanong sa kanya! Sus,,, Di naman magagalit ang isang yan sakin.
“ Bakit Bawal na bang tawagan ang pinaka mamahal Kong kaibigan at kaaway?”
Natawa ako sa sagot nya.
“ o bat ka natawa?!”
“wala...bakit Bawal narin bang tumawa?”
Narinig Kong nag tsk! Sya at segurado akong umiirap na yon ngayon.
“ I called you dahil magpapaalam lang Sana ako... Lalabas kami ni Steven na kaming dalawa Lang hindi ka kasama!”
Napanguso ako sa narinig... Syempre mawawala ba don ang irap...
“ Che waray, at talagang pinaalam mo pa sakin huh... Nang iinggit ka ba?!”
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya. May Gana pa talaga syang pagtawanan Ako no?
“ biday... Kaya nga kaya tinawagan kasi nagpapaalam baka kung saang lupalop ka maghanap samin pag nalaman mong di pa Ako nakauwi e!”
Whatever waray... Wala akong Paki... Bahala kayong mabuking Jan.
“ Okieee... Parang miss na miss ka kasi ni pareng Steven kaya gusto kang suluhin!”
Natatawang pagpayag ko sa kanya. Parang kailangan kasi nilang dalawa na magbawi ng oras para sa isat isa.
“ kaya nga e... Mainggit ka jan bleeeeee!!”
Anong mainggit? Kung alam nya Lang kung anong itsura ng boyfriend nya kanina habang hawak hawak ang kamay kong lumalabas ng building ni Zach. Segurado akong uusok ang ilong nito sa selos.
“ bleeeeee Di naman Ako nagseselos! At kunti nalang e may jowa na rin ako!!!”
“ can't wait for that moment to come biday”
“ at kataposan nyo narin ni Steven kasi ipapaalam ko sa pamilya nyang break na kami Kaya wala na syang karapatang lumapit sakin pati narin sayo bleeeeee!!”
Hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil dalidali ko ng pinindot ang end botton.
Umupo ako sa single sofa. I let a heavy sigh and close my eyes. What now then? Ako Lang magisa dito sa apartment namin ni waray Samantalang Yong dalawa e nagsasaya sa piling ng isat isa.
Bigla ko naman naisip si Zach... Bat kaya napatawag ang isang yon? Tawagan ko Kaya para may kausap naman Ako. Pero baka may ginagawa yon at makadistorbo pa ko. At Kung tatawag naman Ako, ano ang sasabihin ko? Itatanong kong Bat sya napatawag? Parang yon lang e. Pero panu kong Importante yon? Hays... E dapat kung Importante yon e tumawag sya ulit pero wala e. Kaya baka naghahanap lang ng kachika yon.
Biglang kumalam ang tyan ko. Wait anong oras na ba? Wews, 6:30 na Pala ng Gabi at heto Ako nakaupo at naghihintay ng grasya kasi nga dinga Ako marunong magluto. Sa tanda kong to di parin marunong? Well sisihin nyo si waray, Eni espoil ako lagi kaya sya ang nagluluto sakin mula nong college kami, nong highschool naman Ako e, Umaasa lang Ako sa luto ni mama at nong mga ate ko. Ang pamilya namin ni waray ay nandon sa probinsya. Kami Lang ang nandito sa manila, minsan sabay kaming umuuwi Don pag may mga selebrasyon like fiesta.
Napatayo ako ng marinig ang pag tunog ng Bell sa labas it means nandito na Sina waray at Steven. Hays sa wakas makakain na ako.
Inayos ko ang sarili ko at naglakad papunta sa pintuan at walang pasubaling binuksan ito.
My smiled disappeared when I saw Zach standing in front of me now. He is smiling ear to ear.
Bigla akong kinabahan na Iwan. Ang raming tanong na pumapasok sa utak ko pero ni kahit isa wala akong maapuhap na sasabihin sa lalaking nakatayo dito sa harap ko.
“ hey Gale... Di mo manlang ba ako papasukin?!”
Natauhan Ako sa biglang pagsalita nya. Mahina kong ipinilig ang aking ulo para makapag isip ng tamang sasabihin.
Nginitian ako sya at inayang pumasok. Ayaw ko namang masabihan na bastos dahil Lang sa hindi ko sya pinapasok saming tirahan. At isa pa ay Pinsan parin naman sya ng so called boyfriend ko daw. And speaking of that, Sana di sila magkaabotan dito nila waray at Steven dahil pag nagkataon. Patay Ako nito.
“maupo ka muna Zach!”
Pagyaya ko sa kanya. Napapatingin sya sa kabuuan ng aming apartment at tumatango tango.
“ nice place...mag isa ka lang bang umuuwi dito?”
Tanong nya habang umuupo sa sofa kung saan Ako nakaupo kanina. Ako naman ay nakatayo lang.
“ hindi may kasama ako!”
Nangunot noo ang nya. At parang may biglang pumasok na idea sa utak nya.
“ I see, so kailan nyo namang balak magpakasal ni Steven?”
Napatanga Ako sa tanong nya. Nagpanic ang buong sistema ko. Hindi ko alam ang isasagot.
Tumawa sya sa Naging reaksyon ko.
“ ito naman. Hindi pa ba kayo nagpaplanong magpakasal?”
Kagat labi akong Napangiti sabay iling.
Pinanliitan nya Ako ng tingin at nailing iling naring ngumingiti.
“ ah gusto mo ba ng juice? Ipagtitimpla kita!”
Ito Lang ang paraan ko Kong pano makalusot sa usapang to.
Napaatras ako ng bigla syang tumayo at dahandahang lumapit sa pwesto ko. Para naman akong natuod saking kinatatayuan.
“Zach!”
Mahinang usal ko ng kunti kunti nalang at maglalapat na ang mga labi namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam Kong para San yon. Sa takot sa kung anong gagawin nya sakin o dahil sa katotohanang attracted Ako sa kanya.
Hindi ko naman sya matulak dahil bukod sa Pinanglalamigan na ako e nawawalan narin ako ng lakas. Para Na akong nanlalatang gulay na anumang oras e pwedi ng bumigay. Marupok pa naman Ako sa mga bagay na ganito.
Nanigas ako ng bigla nyang sakupin ng dalawa nyang kamay ang mukha ko. Matangkad sya Kaya napatingala Ako sa kanya.
Anu ba talagang Plano ng isang to? Bat nya ginagawa sakin to?
“ gusto kitang agawin sa lalaking yon Gale!!”
Puno ng determinasyong saad nya habang nakatingin saking mga mata.
At kahit nanghihina ako e pinilit kong hawakan ang dalawa nyang kamay na nakahawak aking mukha. Ang liit kaya ng mukha ko kompara sa kamay nyang pagkalaki laki.
Kinakalas ko ang pagkakahawak nya saking mukha pero hindi ko Kaya. Medyo Nasasakal narin ako dahil nga masyado na nyang hinihigpitan.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    AbdullaArshaby

    ilove youu

    28/09/2025

      0
  • avatar
    Fernandes MelgarEduardo

    bom

    16/01/2025

      0
  • avatar
    Kim Jardeliza Lijarso

    ganda...

    16/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata