Homepage/MY BESTFRIEND, HIS BOYFRIEND AND I/
XV
Bitbit ang mga dokumentong pinapaasikaso ni tita Stephanie sakin ay lumabas na ako ng aming apartment at nagbantay ng taxi.
Paglabas ko kanina sa aking kwarto hindi ko na nakita si pareng Steven kaya iniisip kong umalis na ito. Wala rin itong dalang sasakyan kanina kaya seguro nagtaxi rin ito papunta sa opisina ni waray.
Ibinigay ko ang address Kay manong driver ng makaupo na ko sa loob ng taxi.
Medyo may kalayuan pala ang opisina nito at ngayon ko Lang nalaman na isa pala itong abogado. A hot lawyer. Di ko tuloy maiiwasan kong anong hitsura nito sa loob ng court room. I'm sure laglag panty yong mga babaeng lawyer na kalaban nito...dahil kahit na may pagka bad boy ito kung tingan ay nakadagdag naman ito sa kagwapohan nya. Yon nga ang hinahanap ng mga kababaihan e bad boy look pero deep down inside may good side parin.
Pinilig ko ang ulo saking mga iniisip. Napaka landi ko na, Grabe... Pero Hanggang ngayon wala parin akong jowa. Pwedeng pwede naman kasi akong magjowa ayon yan Kay pareng Steven Pero dapat daw munang dumaan sa mga kamay nya. Duh! Iniisip ko palang kung ano anong ipapagawa nila sa manliligaw ko ay nasusuka na ko.
Malapad na ngiti ang ibinungad ko sa receptionist na kaharap ko ngayon. Nandito na ako sa isang Napaka tayog at napakaaliwalas na building kung saan ang opisina ng sadya ko.
Tiningnan ko ang name tag nya
“ hi miss Renelyn, I'm here for Mr. Zachary...”
Naman!! Bat Hindi ko naitanong kung anong Apelyedo ni Zach? Anu nga ba yong middle initial ni Steven? Dahil ang alam ko ay si tita Stephanie at daddy ni Zach ay magkapatid.
“ Atty. Zachary Montez po ba?”
Nagliwanag ang mga mata ko sa tinuran ni miss Renelyn the gorgeous and sexy receptionist.
Tumango ako sa kanya at may tinawagan muna sya bago tumingin sakin ulit.
Minute after...
Biglang may lumapit na isang babae na nakasuot ng ternong maroon na pencil at coat sa loob nito ay isang white t shirt I think? At nakasuot rin ito ng black heels na sa tancha ko nga 3 inches seguro. Ang sexy nitong tingan dahil hapit yong suot nya Kaya kitang kita ang kurba nito.
“ this is miss Danica ma'am, Atty. Montez secretary. And she will lead you to his office.”
Nakangiting pakilala ni miss Renelyn sakin. Nginitiian ko sya at ibinaling ang ngiti ko sa secretarya ni Zach.
“ hi, I'm here to see Atty. Montez”
Ngumiti sya sakin sabay turo sakin ng daan.
“ this way ma'am"
Kumaway Muna Ako Kay miss Renelyn at tumango nalang ito sakin. Sumunod ako sa nauunang sekretarya ni Zach. Hindi ko maiwasang mamangha sa desenyo ng building na ito. It was so refreshing. May pagka environmental pala yong mukhang bad boy na yon. Dahil kahit saan Ako tumingin nakikita ko ay mga halaman na ang gaganda ng mga desenyo parang pinag aaksayahan talaga ng oras para lang disenyohan yon.
Huminto kami sa elevator at may pinindot naman ito kaya bigla nalang ito bumukas, Nagulat Ako ng kunti ng makita ko ang loob nito.
Nag aalangan akong pumasok dahil Nanginginig na ko ng kunti.
“ it is just a painting ma'am!”
Saad ni Danica. Ngumiwi Ako at dahandahang pumasok. Napalunok pa ko ng laway ko ng ilang beses.
Kasi naman. Sino ba naman ang nakapag isip na lagyan ng painting tong loob ng elevator ng mga wild animals na Akala mo talaga buhay na buhay at handa ng ubusin ang lamang loob mo dahil mukhang gutom na gutom na ang mga to?
Mayroong liyon na Nakalabas ang mga pangil at Yong tigre naman ay ganon rin. Meron pang iba pero hindi ko na alam Kong anong mga pangalan non.
“ relax ma'am, ang pananaw ko kung Bakit inilagay ni Atty. Montez ang painting na yan dito para iparating sa mga bisita o kahit na Sinong sumakay dito ay makakaharap nila ang isang galit at gutom na hayop!” nakangising turan nya.
Napangiwi Ako sa narinig. May ganon ba yon? Pinanglalamigan tuloy ako at Pinagpapawisan ng malapot.
Tumunog ang elevator at bumukas ito. Bumungad sa paningin ko ang isang malawak na opisina. Nag iisa lang yata to sa buong floor ng building. Sa labas nito ay nakita ko rin ang mesang ginagamit ni Danica bilang isang secretarya.
Sininyasan ako ni Danica na sumunod sa kanya matapos nyang kumatok at magpaalam na may kasama sya.
Inayos ko yong suot kong pantalon at black t shirt na may nakaimprentang 'whatever' diba pang out of this place Yong outfit ko. Sabado naman pero bat may pasok tong mga to?
Hays... Sumunod nalang ako Kay Danica at kinalma ang sarili. Panu kong bigla akong bulyawan ng isang to? O Di Kaya'y lapain at gawing haponan. Chos***
“ Atty. Montez, miss... ”
Pagpapakilala sana sakin ni Danica ngunit parang di Naalala yong pangalan ko o sadyang hindi lang pina alam sa kanya kong sino ako.
“ Ms. Gale Marie Samonte”
Sabat ko sa likuran. Nakayuko Ako Kaya hindi ko pa nakikita ang kagwapohan ni Zach.
“ you may leave now Dan. And give us something to eat!!”
Malamig na turan ni Zach sa secretarya nya Kaya napatingin narin ako sa kanya. Taliwas sa iniisip ko ay ang nakangiting Zachary Montez ang sumalubong sakin. Nakita kong lumabas na si Danica Kaya lumapit ako sa sofa na itinuro ni Zach at Sininyasan akong Umupo.
Alanganin akong ngumiti sa kanya. At Hindi alam ang sasabihin.
“ Hmmmpp... It's nice to see you again Gale!”
Nakangiti paring saad nya sakin. At dahil naiilang ako ay tumingin muna ako sa ibang direksyon bago sya sagutin.
“ same here. Atty. Montez! ”
Pormal kong sagot... Napakapormal nya kasing tingan sa three piece suit nya. Wala syang salamin na inaakala ko kanina na mabubungaran ko syang nakasuot ng salamin habang inaasikaso ang mga dokumentong nakapatong sa kaniyang lamesa.
“ you're too formal Gale. Just call me by my name.”
Pagkukuntra nya sa sinabi ko.
Ngumiti nalang ako sa kanya sabay tango. Ipinakita ko sa kanya ang bitbit Kong mga dokumento na nakalagay sa long brown envelope.
“ ah Zach. Yong pinapasuyo nga pala ni tita Stephanie!”
Tumayo ako at iniabot sa kanya ang mga dokumento.
Inabot nya naman ito sabay bukas at sinuri ang mga ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ilove youu
28/09/2025
0bom
16/01/2025
0ganda...
16/07/2024
0Tingnan Lahat