XIV

Saturday morning. I'm just here in one corner of my room. May mga inaasikaso akong mga dokumento na inihabilin sakin ni tita Stephanie dahil may business trip ito sa palawan. At dahil ako lang naman ang kaisa isang pinagkakatiwalaan nya sa mga ganitong bagay e inihabilin nya ito bago sya umalis papuntang palawan.
Napahilot Ako ng sintido ko ng makaramdam ako ng pagkahilo at the same time ay gutom. Anong oras na ba?
9: 47 am na pala at Hindi pa Ako nakapag almusal. Wala rin si waray dito sa aming apartment dahil pumasok ito sa kanyang negosyo at may aasikasuhin din daw ito. Magbubukas kasi sya ng isang branch dito lang sa Metro Manila. Hindi ko na alam ang ilang detalye nito dahil hindi naman kami nag uusap tungkol saming trabaho pagnagsama kaming dalawa. Dahil puros bangayan lang alam naming gawin. Kaya heto Ako nag iisa at tahimik na nirereview tong mga dokumentong nakapatong sa aking study table dito sa kwarto ko.
Tumayo ako dahil wala nang pumapasok na salita saking ulo at puros pagkain, pagkain, pagkain.
Itinabi ko nalang ang mga dokumento dahil tataposin ko nalang ito mamaya. Lumabas Ako at Dumiritso sa kusina para maghanap ng makakain. May nakita ako sa lamesa. Inalis ko ang taklob nito sabay biglang kumulo ang tyan ko ng maamoy ang masarap na lasa nito kaya dalidali akong kumuha ng mga kubyertos at kumain. Hays, what can I do without you waray??
Nasa kalagitnaan na ako ng pagrerevise ng ilang dokumento ng makarinig ako ng pagkatok sa labas ng kung sino. Kinusot kusot ko muna ang aking mata at nag inat bago tumayo ulit saking kinauupuan. Dumiritso Ako sa may pintuan sabay bukas nito.
Natigilan Ako ng mabungaran ang isang napakagwapong anghel na bumaba dito sa lupa, kahit na mukha syang pagod at namumungay ang mata marahil sa antok ay hindi ito nakabawas sa kakisigan at kagwapohan nya. Hayssss.... Yong puso ko parang lalabas na at ipagsiksikan ang sarili sa lalaking nakatayo dito sa bungad ng aming pintuan. Ngiting ngiti ito sakin ngunit nabura ang malapad na ngiti ni Steven ng ako ang mabungaran nya sa pintuan. Napairap naman Ako sa kanya. Pantasyang pantasya Ako sa kanya tapos sya...hmmmppp
“ Oyyy... Pareng Steven nakauwi ka na pala?!”
Puno ng sarkasmong tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin pero sinimangutan ko lang sya.
“ yeah!! And where's Amanda?!”
Sagot nya sabay silip sa loob ng aming apartment. Parang hinahanap si waray sa loob. Ako yong nandito si waray ang hinahanap... Natural e sya Kaya ang jowa. Jowa rin naman Ako e sa mata nga lang ng ibang tao.
“ naku naman pareng Steven. Hindi ba kayo nagtatawagan o di Kaya'y nag tetext manlang?”
Nangunot ang noo nya sa sinabi ko.
Niluwagan ko ang pagkabukas ng pintuan at senenyasan syang pumasok. Kahit na nagtataka ay sumunod nalang sya sakin ng pumasok na ako at umupo sa upuan.
“ my cellphone is run out of battery. And as soon as I arrived here in the Philippines ay dito na ako dumiritso!”
Pagpaliwanag nya habang umuupo sa gilid ng sofang inuupuan ko.
“ I see! Wala si waray dito ngayon, pumasok sya sa opisina nya dahil may aasikasuhin daw sya don.”
Sagot ko at ngayon ko Lang napansin na may mga bitbit pala syang paper bag kanina dahil mas inuna ko pang pagpantasyahan sya kesa mapansin yong mga Dala nya. Nakatingin lang Ako sa dala nya ng marinig ko ang sinabi nya.
“ ganon ba?”
Nakita nya segurong nakatingin Ako sa mga bitbit nya Kaya naman itinaas nya ito at pinakita sakin.
“ ito nga Pala. Pasalubong nyong dalawa!!”
Nakangiti nyang Sambit sabay bigay sakin ng ilang paper bag.
At dahil wala akong hiya. Kinuha ko ito at Tiningnan isa isa.
“ thank you Steven! The best ka talaga dahil hindi mo ko kinakalimutan!!”
Malapad na ngiting pagpapasalamat ko sa kanya. Sa tuwing may business trip yan sa ibang bansa ay Lagi nalang akong may ambag na pasalubong mula sa kanya. Minsan nga naiinggit pa si waray dahil mas marami pa daw ang sakin pero ang rason ko nalang sa kanya ay dahil marami naman syang salapi na pambili ng mga pangpasalubong samin ni Steven.
“ you're like a little sister to me Gale so no worries”
Paunti unting nabubura ang malapad na ngiti ko sa kanya at napatilitan ito ng pilit na tawa. Of course I am a little sister to him.
“ yeah... My Big brother!”
Pang aasar ko sa kanya. Napatawa naman sya sa tinawag ko sa kanya. Hays... Steven if you really know, if you can just read my mind ay kanina mo pa sana alam na nakahubad ka na dito saking isipan charot***
“ so anu? Pupuntahan mo si waray sa opisina nya?!"
Tanong ko sa kanya para alisin yong mga Agiw na pumapasok saking isipan.
Tiningnan nya ang oras sa relo nya at tumayo Akala ko aalis na pero Dumiritso sya sa kwarto ni waray na binitbit ang ilang paper bag na marahil ay pasalubong nya rin kay waray. What a very thoughtful boyfriend and kuya to me...
Narinig ko ang paghuni ng cellphone ko saking kwarto kaya dalidali akong naglakad papasok.
Dinampot ko ito na nakapatong saking study table at sinagot...
“no worries Tita, I'll do it po! Just send me his office address and as well as his number para matawagan ko po sya na paparating na ako!!”
Mahabang sagot ko sa Paki usap ni tita Stephanie.
Nag thank you Muna sakin si tita Stephanie bago binaba ang tawag.
Kaya pumasok ako aking sariling banyo...yeah may sariling banyo ang kwarto namin ni waray. Naligo ako mga 20 minutes at nagbihis ng 10 minutes naglagay ng pulbo at liptint mga 5 minutes, so all in all in just 35 minutes ay ready na akong umalis.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    AbdullaArshaby

    ilove youu

    28/09/2025

      0
  • avatar
    Fernandes MelgarEduardo

    bom

    16/01/2025

      0
  • avatar
    Kim Jardeliza Lijarso

    ganda...

    16/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata