Homepage/MY BESTFRIEND, HIS BOYFRIEND AND I/
XIII
“ ahem! So pwede na ba tayong bumalik sating pinag uusapan kanina?”
Natatawang tanong nya. Bigla naman akong napaisip kung anu ba yong pinag uusapan namin kanina.
“ amm.. Ara late na rin kasi” Sabi ko sabay tingin sa cellphone ko kung anong oras na ba, and halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong oras na!
“ anu ka ba Mariyang...10 pm pa lang naman eh! Maaga pa, right Amanda?”
Napangiwi Ako sa sinambit ni Ara. Tiningnan ko si waray na nanghihingi ng tulong pero Nginisihan lang ako ng jogi.
“ yeah! We could still talk until midnight biday!”
Nangalumbaba Ako sa narinig. Hays, anu pa nga ba ang magagawa ko? Saka anong oras ba nagsasara tong restaurant ng babaitang to?
“ so anu na? Wala ka paring boyfriend hanggang ngayon?”
Tiningnan ko si waray pero ang bakla nakangisi lang sakin. Kanina pa to ngisi ng ngisi e, parang aso naman.
Tiningnan ko Ara na naghihintay sa sasabihin ko, pero wala akong masagot wala naman kasi talaga akong boyfriend, yeah I have one Pero hindi naman totoo dahil sa mata Lang ng nakararami ako girlfriend pero pagkami kami Lang e si waray naman talaga ang tunay na jowa.
Wait! Hindi ko alam Kong may alam ba tong isang to sa aming kalagayan. At dahil wala naman akong kinukwento sa kanya tungkol sa aking mga sekreto ay panigurado akong walang alam ang isang to.
“ anu ka ba Ara, meron akong jowa!”
Sambit ko na nakatingin Kay waray na hanggang tenga ang ngiti. Ngiting paghihiganti.
“ really?!”
Parang di naman makapaniwalang sagot nya Kaya tumingin pa sya Kay waray upang Seguradohing nagsasabi ba ako ng totoo.
Nakuha naman ni waray kong sino ang ipakilala kong Boyfriend kaya naman pinanlakihan nya ako ng mata na may kasamang Pagbabanta.
“ Yup!! And do you want to know who is he?!”
Sagot ko na hindi pinapansin ang tingin ni waray.
“ of course I want to know! So tell me, who's the lucky guy?!”
Excited na sagot nya sakin. Tumingin muna ako Kay waray saka Ibinalik ang paningin Kay Ara.
“ it's Ste... ”
Before I could utter Steven's name, waray just cutted me off
“ she is just fooling you Diarra, so don't you believe in her!”
Naguguluhang napatingin samin si Ara. Palipatlipat lang Yong tingin nya dahil nagtataasan na kami ng kilay ni waray.
“ it's StevenDellaVega Ara!” mabilis kong turan. At dahil Diarra has a sharp hearing, she heard what I said clearly.
“ what?! Really?!”
Gulat na Bulalas nya.
“ yeah!” Marahang sagot ko sabay tango, Dahandahan akong Tumingin sa pwesto ni waray at ayon. Masama parin ang tingin sakin.
“ my gosh I can't believe it Marie. Steven Della Vega? Wow!!”
Di makapaniwalang Sambit ni Ara. Para namang pinapakita nito na hindi ako pwedeng magustohan nong tao.
“ you know him?"
Obvious na tanong ko, of course kilala nya, they have the same world. Business I guess? And maybe because they both famous?
“ of course I know him since college!! He's a close friend of Kyle my husband!”
Mahinang sagot nya at biglang nalungkot nong binanggit nya ang salitang husband at pangalang Kyle!
“ what? May asawa kana? No let me rephrase, nag asawa kana?”
Gulat at nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot.
“ how come? At Bakit hindi namin alam? At Hindi naibalita?”
“ it was a long story to begin with Marie. And it was a secret wedding. Just my family and his family knows about it. Of course both of our close friend also”
Ngumiti sya ng pilit para iparating na okay Lang sya. Pero ramdam kong may kakaiba. May lungkot akong nakikita sa kabila ng pagngiti nya.
“ sorry to interrupt, but you seems not happy about it!”
Waray asked. Tatanungin ko rin Sana sya ng ganon pero naunahan na ako ni jogi..
“ to make a long story short, it was marriage for convenience, he need to marry me so that I could run their business. Because he doesn't want to run it himself”
Pagkukwento nya. bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. I sense that she love really Kyle pero Iwan ko sa lalaking yon. Kilala ko ang mga kaibigan ni Steven Pero wala naman akong alam sa kanila. Except Tyler.
“ indeed love could really make you do stupid decisions in your life!”
I murmured. She looked at me and force a smile.
“ yeah indeed!! But I heard something about Steven”
Natigilan Ako sa sinabi nya. Napatingin Ako sa kanya ng nakakunot ang noo at nagtatanong Kong anu yong narinig nya tungkol Kay Steven. In my peripheral view I saw Waray plaster hisher famous grin.
“ that Steven is a bisexual and he's current girlfriend is a gay. So Hindi ka naman Bakla so I guess it's her!!”
Saad nya at sabay turo Kay waray.
Napa buntunghininga ako at nag iwas ng tingin sa kanya.
“ it's OK! Marie... Kaya ko lang naman nalaman kasi narinig Kong nag uusap sila non! And I know that he introduced you as his girlfriend in public. Don't worry I'll keep it to myself only”
Sabi nya habang nakatingin Kay waray na nakangiti rin na parang sinasabing ililihim nya kung ano man ang natuklasan nya ngayon. Ibinalik nya ang paningin nya sakin at Nginitiian nya ako ng isang totoo at puno ng pagalala na ngiti. I just smiled her back. Saying that I'm OK.
“ at Hindi ko naman alam na ikaw na Gale ang tinutukoy nila kaya nong binanggit mo ang pangalan ni Steven ay doon ko Lang narealized na Ikaw yon!”
Pagpapatuloy nya. Napalunok ako ng laway ng maisip na pinag uusapan Ako ng mga kaibigan ni Steven.
“ammm... It's getting late na girls, we should go na?!”
Napatingin kami Parehos Kay waray.
“I'm sorry about earlier Amanda! I shouldn't have asked! And yeah its getting late and my restaurant will stop it's operation at 12...and nice meeting you again please keep my marriage a secret for the three of us”
Saad ni Diarra sabay tayo sa kanyang upuan.
“ it was fine Diarra. No harm done! And yeah. We could keep your marriage a secret! And it's fancy meeting you too”
Sagot naman ni waray. Tumayo narin ako at ngumiti Kay Ara.
“so see you when I see you?!”
Nakangiting paalam ko sa kanya.
She hugged me and whisper.
“ I will help you steal your bestfriend boyfriend if you want!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at Akma na akong kakalas sa pagkakayakap nya ng bumulong sya ulit.
“ just kidding! Pero baka naman wala ka paring jowa dahil kayo pala nyang si Amanda ang itinadhana.”
Segunda nya na natatawang kumakalas sa pagkakayakap namin.
*********************************************************************************************************
Hello baby loves 💕💓
This chapter is a Lil bit lame.
I don't know what's going on in my mind, Hindi ko na alam Kong saan na papunta tong storyang to. Char*
Pero I'm thinking na maybe I'll just change the plot. Because in the first place I don't know how to put in my planned plot for this story. Chapter 5 palang pero pakiramdam ko nasa sampo na e. But I'll finish this story no matter what. I'm not sure if when. But I can and I will....
Actually it should be a one shot story. But because I have a wonderful imagination before so I made it long and categorize it as a short story😂✌
Note: wrong grammar and spelling is present.
Thank you for reading and I'll appreciate it as a beginner writer if you also vote. Thank you 💓💓
MisssagiiiI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ilove youu
28/09/2025
0bom
16/01/2025
0ganda...
16/07/2024
0Tingnan Lahat