Homepage/MY BESTFRIEND, HIS BOYFRIEND AND I/
X
Bat ba ganito Kong makapag react tong si pareng Steven, kung Hindi ko lang alam na jowa sya ng kaibigan ko at Hindi sya isang bisexual e iisipin ko na kaya hindi nya Ako pinapayagang makipaglandian manlang sa isa sa mga kaibigan nya e dahil nagseselos sya.
" he seems a nice guy Steven, kaya lang hindi mo yon nakikita ay dahil sa parehong mainit ang ulo nyo sa isat isa."
Plain na sagot ko sa kanya. Hindi ko nalang pinansin Yong panunuya nyang turan sakin kasi baka kung anu ano pa ang masabi ko sa kanya at kami pa ang mag aaway imbes na sila ni waray.
" Iwan ko Gale! Basta gusto Lang kitang protektahan sa kanila, I know them better kaya alam ko ang halang ng mga bituka nila!!!"
Napapahilamos sa mukhang sagot ni Steven. Mukha talaga Syang nahihirapan sa aming pinag aawayan at kita ko yong pagkasinsero sa mukha at tunog ng boses nya habang sinasabi nya yon.
" I love you as my little sister, at Hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil sa mga kaibigan at Pinsan ko, na sa una palang ay alam ko na ang mga ugali Pagdating sa mga babae, Zachary, is a plain playboy Gale, I know him since we were kid, kaya sana wag kang gumawa ng bagay na masasaktan ka lang sa huli!"
Gusto Kong maiyak sa mga sinabi nya sakin, all this time na pagpipigil nya Pala sakin na makipaglandian sa mga kaibigan nya at ngayon sana sa Pinsan nya e gusto nya Lang akong protektahan, but I'm too mature already to handle such things like that. A heartbreak. Kahit na alam ko na ang rason nya e parang hindi parin Ako kombinsido.
Nakita ko si waray na hinawakan si Steven sa braso at hihilain nya sana ito ng magsalita ito ulit.
" at wag na wag mong iisipin na kaya kita pinigilan na makipagmabutihan sa isa sa mga kaibigan ko ay dahil girlfriend kita sa mata ng nakararami, that's not it, Gale."
Sininyasan ako ni waray na wag ng magsalita kaya hinila na nya ang jowa nya paalis saming pwesto. Tahimik namang sumunod sa kanya ang huli.
Napasandal ako saking inuupuan at ipinikit ang aking mata.
Kaya lalo akong naiingit Kay waray e, may Steven sya na mahal na mahal sya, at alam Kong hindi sya sasaktan kahit na anong mangyari.
Steven treated me as his little sister, according to him, but I don't think I can treat him as my big brother too, his 4 years older than me and 2 years older than Amanda. See? Kaya nila ako tinatratong parang bata kasi Parehos silang mas matanda sakin.
Napangiti ako habang nakapikit ng maalala ko ang binulong ko kanina Kay Steven na dahilan kung Bakit napatakbo sya sa kusina at uminom ng tubig.
Well, ito Lang naman yong binulong ko sa kanya kanina.
" ayuko manood ng 50 shades freed, dahil gusto Kong panoorin ito ng live na kayong dalawa ni waray ang bida!"
Natapos ko na ang pinapanood Kong movie ng bumalik si waray. Alam Kong nag usap pa ang dalawang to kaya tagalan sya sa pagbalik.
Umupo sya sa Medyo may kahabaang sofa kung saan nakaupo sila ni Steven kanina. Inilapit nya ang sarili nya sa pwesto ko at ikinawit ang kamay saking braso sabay sandal saking balikat.
" biday, wag ka nang magalit samin huh!?"
Nakangusong saad nya sakin. Pinanliitan ko sya ng mata.
" waray di naman Ako galit e, kung totousin e nagpapasamalat pako dahil ganon ka over protective si Steven sakin"
Mahina ngunit sinsero ko ring sagot sa kanya. Totoo naman e, kahit na ganon yong mga sinabi ni Steven alam kong para sa kapakanan ko rin yon.
" Iwan ko sa jan ky Steven! nasobrahan yata ka over protective sayo!!"
Natawa Ako ng mahina dahil nahimigan ko ang munting selos sa tuno nya.
" ganon nga lang talaga seguro sya dahil tinuturing nya akong nakababatang kapatid nya!"
Marahan syang napatango sa tinuran ko.
"he told me na may kapatid nga daw sya na nag aaral sa France ng fashion designer! Kaya ganon sya sayo kasi nakikita nya Yong kapatid nyang bababe sayo lalo nat magkaedad lang daw kayo"
Ako naman ang napatango sa sinabi nya. Napahikab Ako tanda na inaantok na ko.
Tumayo ako at niyaya na Syang matulog hindi naman sya umangal at sumunod nalang sakin.
Magkatabi lang ang kwarto naming dalawa at pader na semento lang rin ang namamagitan.
" diritso Tulog biday, baka bukas ma late ka na naman sa trabaho dahil sa kababasa mo!!"
Habilin nya bago sya pumasok sa kanyang silid. Minsan kasi na lalate Ako sa pagpasok saking trabaho dahil nga minsan madaling araw na ako nakakatulog dahil sa kababasa ng mga nobela.
" OK Lang ma late ako! Girlfriend ako ng anak ng may ari!"
Pang aasar ko sa kanya. Narinig kong umingos sya sa sinabi ko.
Pumasok narin ako saking kwarto at naglinis muna ng katawan bago natulog.
********************************************************************************************************************************************
AUTHOR:
Yey! Another update!!
Hope you enjoy reading
Sorry for having a grammatical errors and wrong spellings.
Please do follow my account
And support my stories babies...
Thank you...
May God bless us all🙏💕I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ilove youu
28/09/2025
0bom
16/01/2025
0ganda...
16/07/2024
0Tingnan Lahat