Homepage/When the TRUTH called LIES/
Chapter 21: To Be Dumbfounded
Chapter 21: To Be Dumbfounded
Malinis na ang lahat nang makabalik ako sa bahay. Tila wala lang ang nangyari. Ngunit bakas pa rin sa mukha ng bawat isa sa kanila ang pag-aalala. Lalo na sa akin.
"Gem, anak..ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" Bungad agad ni mama nang makita niya ako.
Hindi ko naman nagawang sumagot dahil sa lahat ng nalaman ko tungkol sa kaniya..sa kanila ni papa.
Blangko akong nakatingin sa kaniya na tila ba sa isang hangin lamang ako nakatingin. Hangin na nararamdaman mo lang, at kahit kailanman ay hindi mo makikita. Ramdam ko namang naka-tingin lang silang lahat sa akin na tila ba naghihintay ng isasagot ko kay mama. Ngunit hindi ko pinagbigyan ang mga bagbag nilang mukha at diwa. Bagkus, naglakad na akong paitaas patungo sa aking silid.
Isa lang ang gusto ko ngayon. Ang matulog, na kahit panandalian sana'y malimutan ko ang mga nalaman ko ngayong araw. Pinatunayan lang ng mga impormasyong nalaman ko ngayon ang naging sagot sa mga katanungan ko kung bakit may munting headquarter dito sa resort namin.
Alam kong may mga ganito sadya ang lahat ng hotel, but ours is different. Sadyang dinesenyo ito na parang kung anomang oras na may sumalakay na kalaban dito ay malalaman mo na agad. Marahil ay matagal na iyong hindi nagagamit at may parte lang doon ang talagang nagpa-function.
Basta! Mahirap ipaliwanang ng utak ko ngayon lahat. Hindi ko mapagtagni-tagni lahat. Tila may kulang pa rin at hindi pa rin napupunan lahat ng patlang sa isip ko. May natitira pa ring walang sagot.
Ilang sandali akong nanatiling nakatingin sa kawalan habang nakapatong ang ulo ko sa paanan ng higaan ko. Napukaw lamang ang nangangapa kong diwa nang biglang may kumatok sa pinto.
"Huwag muna ngayon, pwede?" Mahina kong tugon gamit ang pagod kong boses.
"It's me, Zach." Wala akong naging imik ng ilang sandali.
Oo nga pala. Nandito nga pala s'ya.
Umingay sa paligid ang pag-ikot niya sa hawakan ng pinto. Ramdam ko rin ang paglapit ng kaniyang mga hakbang palapit sa akin ngunit hindi ko ito pinansin, nanatili lamang ang aking atensyon sa chandelier na nakasabit sa kisame ng aking kwarto. Pinapagmasdan ang pag-uumpugan ng mga batong naroon habang nahinang idinuduyan ito ng hangin mula sa nakasiwang na pinto mula sa aking veranda.
"Cry." He said when he finally see his right place beside me. Napatingin naman agad ako sa kanya.
"Why would I cry?"
"Don't tell me your not going to cry?"
"Bakit nga kasi ako iiyak?" Medyo irita kong tanong sa kaniya.
"Dahil sa dami ng nalaman mo? I don't think you can handle it by yourself." Napailing naman ako sa kaniyang tinuran.
"Tss. Do you think na magb-break down ako ngayon? Kaya ka ba nandito?"
He shrugged his shoulder. "Well, just so you know. Nandito lang ako." Napa-iling na lang ako at hindi kumibo.
Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganong posisyon, hanggang sa bumigat na ang talukap-mata ko.
ZACH
Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga nakita ko. Gustuhin ko mang iwasan ang sitwasyon, ngunit sadyang ginugusto ng mga mata kong makita ang lahat.
Should I be scared to her? Kailangan ba? Ngunit walang tumubong kahit na anong takot sa loob ko.
Hindi lang ito ang unang beses kong nakita siyang makipagbuno sa mga lalaki na mas malaki pa sa kaniya. Mas brutal pa nga doon ang una niyang laban na nakita ko.
I watched her as she fell asleep on my shoulder. Hindi ko alam, pero sa tuwing makikita ko ang mukha n'ya, parang ang gaan-gaan sa pakiramdam. Parang nawawala lahat ng iniisip ko. Maybe she's cold sometimes, pero alam mo at mararamdaman mong nag-aalala lang s'ya sa 'yo kaya ganun.
"Sana, kung ano man ang ipinag-lalaban mo ngayon, matapos na. Ayokong nakikitang dumadanak ang dugo sa kamay mo." Itinaas ko ang kanang kamay niyang mas malapit sa akin at binalot ito sa kamay ko. "Itong kamay ko lang ang bagay sa kamay mo. Huwag ka na sanang humawak pa ng armas," with that said... I gently kissed her forehead.
My sleeping beauty.
I'm sorry I guess? I don't know what's the reason, but it feels like... I need to be sorry, I need to give my apology.
Ilang minuto pa ang itinagal ko roon nang napag-desisyonan ko ng lumabas. Agad naman akong sinalubong ng pasukib na tingin ni Chris.
Ok?..What did I do to make him like that?
Agad ko naman siyang sinagot ng mapag-tanong kong tingin. Isinara ko ng marahan ang pintuan ng kwarto ni Gem nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.
"Can we talk?" Chris said in his monotonous cold voice while glaring on me like he's gonna pin me on the wall. Tumango na lang ako sa kaniya ng bahagya saka sumunod sa kan'ya. "Mr. Madrino, what are you planing at?" Napatigil ako sa tinuran ni Chris.
"Are you talking to me?" Inosente ko namang tugon sa kaniya.
"Oh?..C'mon, you can't fool me, dude!" Then he dodged and got my collars. "Umamin ka, anong plano mong gawin sa pamilya ni Gem?"
Hindi ko alam kung talagang masikip ang pagkaka-hawak n'ya sa leeg ko, nanlalabo na ang paningin ko at hindi na maka-hinga. Matagal siyang ganoon ang ginagawa sa akin kaya hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Sobrang sumisikip.
"Pare ko'y!" I heard footsteps getting nearer to my side.
"Fvck! Chris!" Isang malakas na p'wersa ang nakapag-pagaang muli ng pag-hinga ko, at ipinag-papasalamat kong dumating s'ya. "Ano b'ang ginagawa mo?" Mataas na tonong tanong niya sa kaibigan kasama ng pag-pukol niya ng matatalim niyang tingin dito. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"
Umiling naman ang lalaki na tila nadi-dismaya sa ginawang kilos ng babae. "I hope you won't regret this, Gem." Then, he left us dumbfounded.
Agad namang lumambot ang ekspresyon nito nang mabaling ang tingin niya sa akin.
"Ayos ka la--tsk! Curse the stupid question Gem. Of course, he's not!" Galit na pangungusap niya sa sarili niya habang naka-tingin lang sa baba. Ilang sandali pa ang itinagal niyang ganoon bago makuha niya ang sarili niyang salita. "You know," she meet my gaze, "...just rest. Ako na ang bahala kay Chris. Pasensya ka na sa inasal niya."
"Ayos--" hindi na ako naka-salita pa dahil tinalikuran na niya ako kaagad.
Why is everybody turning their backs from me? At sino naman 'yong kaninang tumatawag sa 'kin ng 'pare ko'y?'
Mas dumadami na ang tanong sa isip ko. Ano ba talagang nangyari? At anong rason bakit ako napadpad dito?
Is it because of that accident or?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
09/11/2024
0magan da
15/10/2024
0umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif
03/09/2024
0Tingnan Lahat