Homepage/Bloody Beautiful/
Hunter's Rendevouz
Sa isang libo at isang beses ay muling bumuntong hininga si Reese.
Muli siyang tumingin sa lalaking kaharap sa mahabang mesa ng mga oras na iyon.
Pinilit niyang hindi mag-isip ng kahit na ano, kailangan niyang i blanko ang sarili.
Malalaman nito ang plano niya.
Plano niyang pagtakas.
Ilang araw na ang nakalipas mula nang ikulong siya ng lalaki. Ivan remained outside her door this past few days, hindi ito ni minsan nagpakita sa kanya matapos ang araw na iyon ang araw na ininom nito ang dugo niya, at nalaman niya ang totoong pakay nito sa kanya.
Ilang araw na nagtalo ang puso at isipan niya if staying with the guy was a good idea.
He saved her for a couple of times at ilang beses na nitong pinatunayan na karapat dapat ito ng pagtitiwala niya. Ngunit sa kabila ng mga ginawa nito ay ang katotohanang, kailangan nitong gawin iyon dahil importante ang bagay na nasa loob niya, hindi niya alam kung saan nito gagamitin ang bagay na iyon, ngunit alam niyang importante dito ang matapos ang kailangan nitong gawin.
Bago paman siya napunta sa sitwasyon na iyon at bago paman siya magdesisyon na lumayo sa lalaki ay ilang gabi pa muna siyang walang naging tulog at ilang araw na nagpaplano.
She had to grab every opportunity na ibibigay sa kanya at marahil ang mga oras na iyon na ang tamang panahon para gawin niya ang pagtakas niya.
"Bilisan mo ang pagkain. Aalis tayo in twenty minutes!" utos ng lalaki sa kanya.
Tumayo na ito mula sa kinauupuan nitong upuan sa harapan niya, saka tinungo ang direksyon ng hagdan.
Bahagya siyang kinabahan nang maalala ang gagawin niya.
Matapos ang halos isang linggo pagkakabilango sa mansyon nito ay ngayon lang uli niya makikita ang labas.
May kailangan daw silang kausapin sa araw na iyon at kung sino man iyon ay wala na siyang pakialam, ang tanging alam niya lang ay tatakas na siya. Lalayo na siya sa lalaki, lalayo na siya sa lahat at sa kaleidoscope.
She wanted a new life away from everyone. Pero, bago iyon ay magpapaalam na muna siya sa kaibigan si Jacque.
That was her plan.
"Let's go!" anunsyo ng lalaki, matapos nitong makababa ng hagdan.
Tumingin lang siya dito at tumayo mula sa kinauupuan niyang sofa sa malawak nitong salas.
Walang ekspresyon ang mukha ng lalaking tumingin sa kanya. His eyes was fixed on her, ngunit ayaw niyang salubungin ang mga mata nitong iyon, ayaw niyang may malaman itong kahit na ano mula sa utak niya.
"Reese!" tawag nito sa kanya, bago paman siya tuluyang makalabas ng dambuhalang pinto ng mansyon nito.
Kaagad na natigilan ang mga paa niya at sumugod ang kakaibang kaba mula sa puso niya.
She got scared at that moment.
Natakot siyang marinig mula dito na nalaman na nito ang plano niya.
"Bakit?" tanong niya sa lalaki. Ginawa niya ang lahat upang hindi nito mapansin ang panginginig niya ng mga oras na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng sa isang iglap ay natawid na nito espasyong pumapagitan sa kanilang dalawa.
Kaagad namang kumilos ang mga paa niya at umatras mula dito, ngunit mabilis nitong nahawakan ang beywang niya at hinila siya nito palapit dito, dahilan upang malanghap niya ang pamilyar at mabango nitong amoy.
Nanatili itong nakatingin sa kanya, habang siya naman ay halos hindi makatingin sa lalaki ng diretso.
Nilusob ng kaba ang buong katawan niya ng mga oras na iyon.
"Malamig sa labas." anito sa kanya, matapos ang halos ilang segundong pagtigil ng kanyang paghinga.
Isang puting coat na gawa sa balat ng isang hayop ang nilagay nito sa katawan niya.
His eyes was still fixed on her, hindi niya alam kung may gusto ba itong sabihin o may plano itong tunawin siya sa mga titig nitong iyon na tumatagos maging sa kaluluwa niya.
"Salamat." aniya sa lalaki.
That one was sincere from her.
Tumingin lang ang lalaki sa kanya bilang pagtugon then he walked towards the Car.
Ilang segundo naman siyang nanatiling nakatayo kung saan siya nito iniwan bago nagdesisyong sumunod dito. Napakahirap ng lalaking basahin.
Hindi niya alam kung sincere ba ito o hindi or if he was just doing all those things for her because he needed her.
Needed her for his plan.
Isang mapait na katotohanan ang kailangan niyang itatak sa kanyang isipan.
She was nothing to him kung hindi lang dahil sa bagay na nasa katawan niya ni hindi siya nito bibigyan ng importansya kung wala ang bagay na iyon sa kanya.
Hindi siya kailangan ng lalaki. Wala siyang halaga sa lalaki.
Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung bakit at kung para saan ang sakit na gumuhit sa puso niya.
Ivan was the only one who could make her feel that way.
May takot na umusbong sa puso at isipan niya.
That fear was growing bigger and bigger inside her. Unti unti siyang nilalamon ng takot na iyon, at sigurado siyang kay Ivan lang niya nararamdaman ang takot na iyon.
She was scared of him. Doon nanggagaling ang takot na iyon. Takot siya sa lalaki. At alam niyang ang takot na iyon ang dahilan kung bakit siya lalayo, at alam niyang iyon ang tama at dapat niyang gawin.
Sa isang pamilyar lumang bahay sa gitna ng bayan huminto ang sasakyan ni Ivan.
Mabilis itong bumaba ng sasakyan at wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
He entered the main door of that house at pagbukas nito ng pintong iyon ay may isa pang pintong sumunod he placed his gaze towards a beeping thing in the wall.
It was confirming Ivan's Identity and that things scan his eyes. Matapos ang ilang segundo ay bumukas na ang pangalawang pinto na gawa sa bakal at tumambad sa kanya ang isang elevator. Natigilan siya, she was never a fan of elevators may takot siya sa maliit na espasyo and elevator is moving up and down.
She prefer walking in stairs even at the office siya lang ang hindi gumagamit ng elevator.
Laging siya lang ang tao sa hagdan while the rest of the employees was enjoying the elevator rides.
"Let's go!" nagulat siya nang hawakan ni Ivan ang kamay niya. His cold hand wrapped her tiny and warm hand.
Muling natigil ang kanyang paghinga. Ni hindi na niya napansin na nasa elevator siya ng mga oras na iyon.
She felt peace and comfort holding a vampire's hand.
Nang maabot na nila ang third floor ng naturang bahay ay kaagad na bumungad sa kanya ang kadiliman.
The long hallway was nothing but darkness.
They've continued walking until they've reached a wooden door, tumingin pa muna si Ivan sa kanya saka nito binuksan ang pinto at literal na napaawang ang mga labi niya ng makita ang mahaba pang daan patungo sa isa pang pinto.
"Anong!" bulalas niya.
It was just a normal house outside, ngunit tila hindi iyon normal sa loob.
"Follow me closely, baka mawala ka!" paalala ni Ivan sa kanya, saka ito nagpatuloy sa paglalakad.
Nagulat pa siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Pakiwari niya ay napunta siya sa isang kakaibang lugar.
"Reese!" Ivan grabbed her hand. Saka nito binuksan ang isa pang pinto at mabilis silang pumasok doon.
At napunta sila sa tapat ng parehong bahay, ngunit may kakaiba na sa hitsura ng bahay na iyon.
Tila mas naging bago ito at maluwang ang bukas ng pinto na kabaliktaran naman ng sarado at halos hindi mabuksang pinto kanina na dinaanan nila at sa mga oras na iyon ay maraming tao ang nakapalibot sa bahay na iyon.
"Nasaan tayo?" tanong niya kay Ivan. Sa mga oras na iyon ay nagsimula nang magtinginan ang mga taong nandoon sa kanya at kay Ivan.
They started whispering things.
May bahid ng pagkadisgusto sa mukha ng mga ito. Tumingin siya kay Ivan, wala sa ekspresyon ng mukha nito ng mga oras na iyon na masaya ito sa lugar kung nasaan sila ng mga oras na iyon.
"Anong ginagawa niya dito?" isang matandang lalaki ang kaagad na nagtanong pagkapasok at pagkapasok pa lang nila sa naturang bahay.
Tama nga siya, everything inside was different ang parehas na bahay na pinasukan nila kanina ay madilim at walang tao kabaliktaran sa maliwanag at maingay na bahay kung saan nandoon siya ngayon.
Ngunit hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari ang mga bagay na iyon. Vampire's ability? Hindi niya alam, hindi siya sigurado.
"I need to talk to you." Inakupa ni Ivan ang natitirang espasyo sa mahabang lamesang nasa harapan nila ng mga oras na iyon. Iniwan siya nitong nakatayo sa dulo dahilan upang balutin ng kaba ang buong sistema niya.
Everyone was looking at her na tila ba may mali sa kanya o may kakaiba sa kanya.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan Bampira! Zaire was no longer here, ibig sabihin hindi ka rin tanggap sa lugar na ito! And her! She was never welcomed here! That thing inside her was evil!" sigaw ng matandang lalaki.
Kaagad na nagsimulang magbulungan ulit ang mga tao sa paligid.
They looked at her as if she had made something na hindi nagustuhan ng mga ito.
"I've been a guardian of that thing inside her for Centuries! I've helped Zaire upang mapangalagaan ang bagay na iyan. He even helped you and this place upang maitago sa mga bampirang kauri ko. Matagal na panahon na akong nagsisilbi sa inyo and yet, you still don't trust me!" sigaw ni Ivan.
Natahimik ang lahat.
"We can't do anything about that stone inside her! That thing can wipe up a whole village o lahat na pwedeng sirain nito! It was never our idea to be involved in that thing. Si Zaire lang ang may gusto sa bagay na iyan. Hindi lang naman para sa amin kundi para na rin mabuhay ang batang iyan!" sagot ng isa pang babae.
Hindi niya alam kung sino ang mga ito, ngunit sigurado siyang alam ng mga ito kung sino siya.
"So? I will just let other beings to take her and used that power inside her to kill all of you here? And all of those human beings like you all outside this dimension, that Zaire made in order for this society to be safe? You are all hunters, and those creatures were after her because of that thing inside her! Hindi pa ba importante iyon para sa inyo? She could kill you all kung mapupunta siya sa ibang kamay. Or you can protect upang hindi siya magamit laban sa inyo!" muling tumahimik ang lahat sa sinabing iyon ni Ivan. So, lahat ng mga taong nasa harapan niya ng mga oras na iyon ay mga hunter na katulad ni Ivan.
At ang lugar kung saan sila nandoon ay sekreto at tago mula sa mga kalaban ng mga ito.
And Ivan was tasked to take care of her by a guy named Zaire. Iyon lang ang mga naintindihan niya ng mga oras na iyon.
"Pero isa lang siyang lalagyan. That thing inside her ay pwedeng magising ng kusa at sirain ang kahit na ano sa paligid nito.
Just like what happened that night! because you also don't even know how to control that thing! At ang babaeng iyan, she was getting weaker dahil malapit na ang oras na tuluyan nang sasakupin ng halimaw na iyan ang buong katawan niya and she will be gone!" sabat ng isa pang lalaking sa tiyantya niya ay kaedad niya lang.
Kaagad naman siyang natigilan sa sinabi nito.
She looked at Ivan. Isang malungkot na tingin ang iginawad nito sa kanya.
Sa mga oras na iyon ay alam na niyang totoo ang sinabi ng lalaki.
Muli niyang narinig ang malakas na pagtibok ng puso niya. She wanted to get rid of the things inside her. Ngunit paano niya iyon gagawin?
Paano niya magagawang makatakas sa bagay na iyon?
"That is why you need to help her!" sagot ni Ivan sa mga ito.
Muling nagkatinginan ang mga taong nasa harapan nila at sa mga oras na iyon ay nagsimula na silang mag-usap patungkol muli sa kanya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang saya mag basa kaya lahat tayo mag bas a ng mga kwento dito
29/12
0I'm okay 😊
28/08/2024
0good story
31/05/2024
0Tingnan Lahat