Homepage/Bloody Beautiful/
Abduct
Tahimik ang buong byahe papuntang tezzara. Reese was looking outside Ivan's car window, habang nagmamaneho ang lalaki. Hindi na sumama sa kanila si Shein, may ibang misyon ang babae o mas tamang sabihing may iba itong pakay kaya lumabas ito ng Palasyo ng kaleidoscope.
Naging tahimik ang buong byahe nila ni Ivan, hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magsalita ng mga oras na iyon na kasama niya ito, tila ba may kung anong pader na nakaharang sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon. Simula ng mangyari ang huling pagkikita nila Zaire at ang matagal nitong pag gising nung napunta sila sa mundo ng mga Fairies ay hindi pa sila muling nagsama na dalawa na dalawa lang talaga sila, laging may ibang tao sa paligid nila at mula ng aminin at tanggapin niya sa sarili niyang may gusto siya sa lalaki ay hindi pa niya nagagawang makasama ito ulit ng dalawa lang sila, marahil ay iyon talaga ang rason kung bakit awkward siya sa lalaki ng mga oras na iyon.
"Would you stop looking at me?" napapitñag siya sa boses ng lalaki na biglang nagsalita, muli niyang binaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan at kunwari ay hindi narinig ang sinabi ng lalaki, ngunit kaagad din siyang natigilan ng mapagtanto niyang huminto na pala ang sasakyan.
"Nandito na tayo?!" bulalas niya. Saka muling tumingin sa lalaki, ngunit kaagad din siyang natigilan nang makita niyang gahibla na lang pala ang layo ng mukha nila sa isa't, isa.
Nanlaki ang mga mata niya, saka inilayo ang mukha niya mula dito, dahilan upang muntik nang mabagok ang ulo niya sa bintana ng sasakyan, mabuti na lang at mabilis din ang kamay nitong nailagay sa likod ng ulo niya.
"What are you doing?" tanong nito, hindi ba dapat siya ang magtanong ng bagay na iyon dito? Ito ang may hawak sa ulo niya at bahagyang nakapatong na sa kanya ng mga oras na iyon.
"Ako dapat ang magtanong niyan." sagot niya lang sa lalaki saka niya iniwas ang tingin niya dito.
Narinig niya itong natawa, hindi niya alam kung para saan ang tawa nitong iyon ngunit hindi niya iyon gusto. "Calm down. I'm not doing anything to you," anito saka sandaling natigilan. Muli siyang napatingin sa lalaki, at nakatingin pa rin ito sa kanya. Maya, maya pa ay yumuko ito at nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman niya ang hininga nito sa may bandang leeg na niya.
"Binabawi ko na ang sinabi 'kong wala akong gagawin. I need to do something before we get out of this car." anito sa kanya. Then she felt his cold tongue touch her bare neck. Kaagad na kumalat sa buong katawan niya ang kakaibang sensasyon na dala ng ginawa nito. Naipikit niya ang mga mata ng mapagtanto niyang tila may kakaiba itong balak na gawin ng mga oras na iyon, ngunit bago pa man siya nakapag reklamo ay naramdaman niyang huminto na ang lalaki sa ginagawa nito at kaagad na muling umayos sa pag-upo nito sa sasakyan.
"I put something on your body. A tracking device." sabi nito, matapos ng ginawa nito. Kaagad niyang inabot ang bahagi ng leeg niyang tinutukoy nito, ngunit wala siyang naramdaman na kahit na ano mula doon.
"Reese. Remember this place is.." natigilan ito bago paman nito matapos ang dapat ay sasabihin nito, pakatapos ay isang malakas na kalapag ang narinig niya mula sa bubong ng sasakyan, then in just a second ay humilaway naman ang pinto ng sasakyan sa tabi niya. Ivan immediately hold her hand, ngunit dalawang kamay ang naramdaman niyang humawak sa kabilang kamay niya.
"Ivan!" sigaw niya. Hindi siya binitawan ng lalaki, ngunit maliit na lang na bahagi ng katawan niya ang nanatili pa rin sa sasakyan. May nakita siya isang lalaking may kulay pulang mga mata ang lumapit sa kanya, at walang kahirap hirap nitong inalis ang kamay ni Ivan mula sa kamay niya. Then she saw the same guy stole something from Ivan's Neck.
Kaagad na napasigaw ang lalaki ng matamaan ng sikat ng araw ang balat nito.
"I have your necklace now, stop fighting. Hindi naman ikaw ang tinungo namin dito." sabi ng lalaking may kulay dugong mga mata. Sigurado siyang bampira din ang lalaki.
"Let her go Alex!" utos ni Ivan sa lalaki, ngunit sa halip na makinig ay ibinaon ng lalaking may pangalang Alex ang mahahaba nitong kuko sa may bandang sikmura ni Ivan. Kaagad na napangiwi ang lalaki dahil doon.
"Who are you to order me? A lowly Vampire! You're always the weak one. I can't believe Zaire likes you!" sabi ng lalaki kay Ivan, that is the last thing she heard dahil isinakay na siya ng mga lalaking may hawak sa kanya sa sasakyan ng mga ito. Then mabilis nilang pinasok ang dambuhalang gate na nasa harapan nila. Kanina pa niya nabasa ang mga letrang nakaukit sa taas ng trangkahan na iyon.
'WELCOME TO TEZZARA'
Hindi niya alam ang mangyayari kay Ivan ng mga oras na iyon, hindi niya magawang gamitin ang kapangyarihan niya ng mga oras na iyon, hindi niya alam kung bakit. But she needs to help Ivan hindi maganda ang kalagayan nito ng mga oras na iyon. Ngunit anong gagawin niya?
"Sino kayo? Pinadala ba kayo ni Zaire?" tanong niya sa mga lalaki.
"Zaire? We are not working for Zaire dear. We are a different story." sagot ng lalaking may pangalang Alex. Kung hindi kasama ni Zaire ang mga ito. Sino ang mga ito? At paano ng mga ito nalaman na pupunta sila ng Tezzara?
Sa isang mansyon ang naging destinasyon ng sasakyan kung saan siya nandoon. The house was century old wala siyang nakitang iba sa dinaanan nila maliban sa matataas na punong kahoy at damo. Tezzara was a different place, walang masyadong matataas at malalaking istraktura doon hindi kagaya ng sa Kaleidoscope kung saan siya nanggaling, ni wala siyang nakitang taong naglalakad sa paligid, mula nang pumasok sila na naturang lugar. The place was covered with dancing trees and strong winds, kakaiba ang hangin sa lugar na iyon kahit na nasa loob ng sasakyan ay kita niya ang pagsayaw ng mga puno na dinaanan nila. Matagal na niyang nadadaan ang naturang bayan, but she never been inside maraming kwento at spekulasyon mula sa Kaleidoscope na hunted daw at maraming ligaw na mga kaluluwa ang gumagala sa lugar kaya kakaiba ang pakiramdam sa tuwing may mapapadaan doon na galing sa bayan niya.
Kung siya pa ang Reese noon ay baka naniniwala pa siya sa mga kwento na iyon, but her story is different now. Sigurado siyang hindi dahil mga kaluluwa kung bakit kakaiba ang Tezzara. She was certain that the place was filled with unfamiliar spells and magic. Mula pa ng pumasok siya doon ay may kakaiba na siyang naramdaman sa lugar, at sigurado siyang dahil doon kung bakit hindi maganda ang timpla ng katawan niya ng mga oras na iyon.
Matapos maabot ng sasakyan kung siya lulan ang dambuhalang main door mansiyon ay kaagad na bumaba ang mga lalaking kasama niya sa sasakyan, pinagbuksan siya ng lalaking may pangalang Alex at inutusan siyang maglakad papasok ng naturang mansyon.
Kakaiba ang dala ng hanging pumapalibot sa paligid, at pakiwari niya ay magkakasakit siya sa kakaibang hangin na iyon, hindi niya alam kung bakit at paano ngunit simula ng malaman niyang may kakaiba siyang kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan ay hindi na siya tinantanan ng masamang pakiramdam, sa paligid, amoy, lasa, at pandinig all her senses was working ten times kesa noong normal pa ang buhay niya. Iba na ang buhay niya ng mga oras na iyon, iba na ang lahat tungkol sa kanya at maging sa mga taong nasa paligid niya.
"Is she the one you are talking about?" natigil ang naglalayag niyang isipan sa sarili niya nang magsalita ang isang lalaki, matapos niyang makapasok sa mansyon. Bahagya niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata niya ng isang lalaki ang biglang sumulpot sa mismong harapan niya at hinawakan ang mukha niya.
"So, this human interests everyone in the dark world?" nagtaka siya sa sinabing iyon ng lalaki. 'Dark World?' Naiwan ang sinabi nitong iyon sa utak niya.
"Yes, Master. And she had the blood of a fairy." natigilan siya sa sinabing iyon ni Alex sa tabi niya. Hindi siya sigurado kung anong ibig sabihin ng lalaki sa sinabi nitong iyon. "Blood of a fairy? Ako?" tanong niya sa sarili. Marahil ay nagkamali ang mga ito sa taong kinuha ng mga ito, dahil sigurado siyang wala siyang dugo ng fairy, iyon ang alam niya.
"Then, we can use her here." anunsyo ng lalaking may hawak pa rin ng mukha niya. He was looking at her with those pair of eyes na tila ba may kakaiba itong nakikita sa kanya. The guy was in his mid 40's, nakaguhit sa mukha nito na hindi ito ordinaryong tao. He was a bit scary kung ipapaliwanag niya, ngunit hindi siya sigurado, kung saan banda ito nakakatakot, everything seems out of ordinary maging ang buong mansiyon kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon.
"How about that Vampire?" tanong nito, matapos halos pagmasdan ang mga mata niya ng ilang segundo. Lumayo na ito sa kanya at ibinigay ang buong atensyon kay Alex na katabi niya.
"He won't get here, but we still need him. That's why hindi ko siya pinatay." tugon ni Alex na kaagad namang iniliwanag ng mukha ng lalaking kausap nito. Samantalang siya ay hindi pa rin tiyak kung ano ang plano ng mga ito sa kanya. Sigurado siyang buhay si Ivan, ngunit hindi niya alam kung nasaan ito ng mga oras na iyon.
Ivan's hand was shaking, kasabay ng walang humpay niyang paghugot ng malalim na buntong hininga. He was waiting for his wound to be healed masyadong malalim ang iniwan na sugat ng sikat ng araw sa kanyang balat. Sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang choice kundi tawagan ang butler niya. He needed his spare necklace para makalabas sa sikat ng araw, 'cause without his necklace hindi niya magagawang makapunta kay Reese, and he can't wait for the sunset to rescue the woman.
"Master!" kaagad na nanlaki ang mga ng matandang lalaki ng makita ang sitwasyon niya sa loob ng kanyang sasakyan.
"I'm okay, kailangan ko lang hintayin na mawala ito." aniya upang maalis ang pangamba ng matandang lalaki. Kaagad nitong ibinigay sa kanya ang isang kahon at mula dun ay dinukot niya ang isa pa niyang kwintas.
Vampires are not the same as humans. Sa maraming aspeto. Katulad na lang ng sikat ng araw. Well, just like old folks, vampires are not designed for the hit of the sun, hindi sila pwedeng ma expose sa init ng sikat ng araw unless they have some protection just like his necklace. Matagal na panahon na niyang pagmamay-ari ang mga kwintas na iyon, it has some spell to create a barrier between vampires and the burning sunlight, but unlike those legends that vampires would turn into ash immediately after being exposed to the sun, hindi siya mamatay o magiging abo sa ilalim ng araw, ngunit ang sikat nito ay nagiging sanhi ng temporaryong pagkawala ng kanyang kapangyarihan and the sunlight can burn their skin, ngunit mabilis lang din gumagaling iyon, but he needs some protection kaya kailangan niya ang kanyang necklace, in order for him to move freely under the sunlight.
"Master. Si Ma'am Reese po?" tanong sa kanya ng lalaking katabi, matapos niya maayos ang necklace na suot. He looked at him, walang bahid ng pangamba sa mukha nito, but he was just concerned about the woman.
"I found her already," sagot niya dito. "I put a much familiar scent to her body." hindi ito sumagot, at sa halip ay pumanaog na ng kanyang sasakyan.
"I need you to be safe, and tell them," tinutukoy niya ang mga pamilya niya na sigurado siya ay nasa mansyon pa rin. "Tell them to go home. I can take care of myself." kaagad namang yumuko ang matanda, tanda ng pagsang-ayon nito sa sinabi niya.
"I will tell them not to worry about you Sir! And Sir, you don't have to worry about them either." sagot ng matanda sa kanya, isang pilyong ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Kilala talaga siya nito, he doesn't want his family in his mansion, his lair was not safe for them. Zaire was everywhere at alam niyang gagawin nito ang lahat matupad lang nito ang gusto nito and he doesn't want his family to be involve sa bagay na siya lang naman ang sangkot. He left them a long time ago for that reason and he doesn't want to get them involved in his life even in his present life, his existence was a threat for his family.
"Mag-iingat kayo Master." iyon ang huling narinig niya mula sa matanda, saka niya binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at walang pagdadalawang isip na pinasok ang bayan ng Tezzara, he was not certain about it. Ngunit isang bagay lang ang alam niyang dahilan kung bakit kailangan ng grupo ni Alex si Reese.
She had the blood of a Fairy. Batid niya iyon the moment they've entered the Kaleidoscope land of Fairies, ngunit hindi pa siya sigurado ng mga oras na iyon sa hinala niya. Ngunit ang pagdukot ni Alex sa Babae ay nangangahulugan na tama ang hinala niya. Reese has the blood of a Fairy, kung paano ay hindi niya alam.
Alex's group was the one capturing Fairies in Tezzara, sila ang dahilan kung bakit walang fairy na pwedeng pumasok sa lugar they do some experiment to them at ang iba naman ay binebenta ng mga ito. Fairies were never welcome in Tezzara not because of the people living inside Terraza but because of Alex's influence all over the town. Masyadong takot ang mga tao sa lalaki at sa grupo nito. He never met their leader, ngunit sigurado siyang mangyayari na iyon sa araw na iyon.
Reese was a different story to him. Reese was his Property and he was hers. At hindi siya papayag na pag eksperimentuhan nila ang babae.
She was too powerful at alam niyang magiging malaking achievement sa grupo ng mga ito kapag nalaman ng mga itong si Zaire ang Ama ng babae.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang saya mag basa kaya lahat tayo mag bas a ng mga kwento dito
29/12
0I'm okay 😊
28/08/2024
0good story
31/05/2024
0Tingnan Lahat