logo text

Strange feeling

"I will drink your blood and I will be yours forever." muling naalala ni Reese ang mga salitang iyon mula kay Ivan.
The promise of forever for the both of them was made when she was a child. But, she couldn't remember any of it.
All of it was unfamiliar to her.
Everything was unclear inside her head.
"Zaire, erase your memory." Iyon ang sinabi ni Ivan sa kanya. After he let her see his memories of her almost twenty years ago. And after that Zaire erase her memory, ngunit hindi niya maintindihan ang bahagi na iyon.
Why would he erase her memory? At bakit nagpanggap itong patay na at nagtago ng ilang taon? And now, he would showed up himself at nagpakilalang ito ang totoong ama niya.
May kakaiba sa lahat ng mga nangyayari, ngunit hindi niya malaman kung saan at kung ano ang bagay na iyon.
"Reese!" awtomatiko siyang napabangon mula sa pagkakahiga sa kama niya, nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Ivan sa labas ng kwarto kung saan siya natutulog sa palasyo ng Kaleidoscope.
She immediately reached for the door at binuksan iyon.
Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ng lalaki.
"Bakit?" tanong niya dito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makatingin dito ng diretso ng mga oras na iyon. Mula noong malaman niya ang tungkol sa pangakong ginawa nila noon ay tila mas naging awkward na sa kanya halos lahat ng bagay. And she would often felt unfamiliar feelings inside her heart sa tuwing nakikita niya ito.
May mga araw na ginusto niyang sana ay maalala niya ang mga alaala niya tungkol dito, and why she chose him to be her Guardian.
"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." utos nito. Saka ibinigay sa kanya ang isang kahon.
Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang isang kulay lilang damit.
It was a dress, ngunit hindi niya alam kung saan ang tungo nila sa araw na iyon. At iyon din ang unang beses na may pupuntahan silang dalawa matapos ang halos tatlong araw nang magising ito.
"Where are we going?" tanong niya sa lalaki. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
Is he reading her mind?
"Basta magbihis ka na lang, bilisan mo." utos nitong muli. Minsan talaga hindi siya sigurado kung ano ang posisyon niya sa buhay ng lalaki.
Pinoprotektahan ba siya nito? O, utusan siya nito na kailangan gawin lahat ng gusto nito?
Matapos niya makapag bihis ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Napaigtad pa siya sa gulat dahil sa kay Ivan na nakasandal sa gilid ng pinto.
He was just standing there at tila ba inip ng naghihintay sa kanya.
Awtomatiko siyang muling napabuntong hininga.
Minsan talaga hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ng lalaki.
"Ivan! Let's go?" mula sa paglalayag ng isipan niya sa lalaki ay isang babae ang biglang sumulpot sa likuran ng lalaki.
Nakapaskil sa mga labi nito ang malapad nitong ngiti na tila ba sinakop na rin pati ang ngiting para dapat ay sa kanya.
Nakasuot ito ng mahaba nitong kulay puting damit, at kulang na lang ay umangkla na ang kamay Ivan na nasa tabi nito.
"Let's go!" anunsyo ni Ivan. Saka ito naglakad. Habang siya naman ay tila Personal Assistant lang ng dalawang nakasunod sa mga ito.
Sana ay pinasama lang naman ng mga ito si Shien, para hindi siya magmukhang third wheel sa mga ito.
Hindi niya tiyak kung saan sila pupunta sa araw na iyon, ngunit naalala niya ang sinabi ng Reyna na pwede silang lumabas ng palasyo kung gusto nila.
They are safe within the boundaries of the Fairies world. Panatag ang reyna na hindi mapupuntahan ng kung sino man o ni Zaire ang lugar na iyon.
Ngunit hindi panatag ang puso at isipan niya sa pananatili nila sa lugar na iyon, ayaw niyang may madamay dahil sa kanya and the entire Fairies world are a peaceful place.
Hindi niya kakayanin kung may mangyaring hindi maganda sa lugar na iyon, dahil sa existence niya.
The place had been a great refuge sa kanilang dalawa ni Ivan.
"Masaya akong makakalabas kayo ngayong araw ng palasyo. Marami din ang gustong makilala kayong dalawa." nakangiting sabi ng reyna sa kanila.
Dumaan sila dito upang magpaalam. May plano pala talagang mamasyal si Ivan sa lugar.
Sa sitwasyon nila ng mga oras na iyon at sa panganib na pwedeng mangyari sa buhay nila ay may gana pa talaga ang lalaking mamasyal?
"Maraming salamat mahal na reyna. Babalik po kami mamaya!" ang prinsesa ang nagsalita.
May spokesperson na rin pala ang lalaki, hindi man lang ito nagsalita o anuman.
Hindi man lang ito marunong magpasalamat.
"Sige, pero pwede bang makausap ka muna sandali Reese?" tanong ng reyna sa kanya. Kaagad naman siyang natigilan at napatingin kay Ivan, hindi niya alam pero tila kailangan niya ng pahintulot dito. Tumango ang lalaki, narinig nito ang laman ng utak niya.
"Masaya akong makakalabas ka ng palasyo sa araw na ito. Sabihin mo Reese, masaya kaba?" matapos na makalabas sila Ivan sa malawak na bulwagan ng palasyo ay kaagad na siyang kinausap ng reyna.
"Bakit niyo po tinanong?" balik na tanong niya sa reyna. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-akyat ng gilid na bahagi ng mga labi nito.
She smiled.
" You are an interesting human. Pero, gusto ko lang malaman mo na hindi kita dinala dito dahil diyan sa kapangyarihang meron ka. I brought you two here because that's what I want. I was hoping na maniwala ka sa bagay na iyon. I know, it's been tough for you these past few days. You can rest here, for as long as you want." anito sa kanya. Naramdaman pala nitong wala siyang masyadong tiwala sa mga ito.
Hindi niya mapigilan ang sariling hindi magduda, kagaya nga ng sinabi nito.
She's been through tough times and situations these past few weeks at mahirap para sa kanya ang magtiwala ng ganun kadali.
"I'll try not to think negative things about all of this. About all that was happening, and I am sorry for not trusting you fully, kagaya nga ng sinabi ninyo. I've been through tough things lately at para sa akin, sapat ng rasun iyon upang mahirapan akong magtiwala. I don't even know everything about my past, masyadong magulo ang mga bagay sa utak ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." mahabang lintanya niya. Saka niya pinuno ng hangin ang dibdib niya.
"You are a tough human being. Kaya alam kong kakayanin mo. Kahit na ang mga susunod pang mangyayari sa iyo. And always remember we are here for you, we all want you to win your battle. We all wanted you to know everything about your past and how you would control that thing or power inside you. Dahil sa totoo lang, humans would be in great danger if some wicked people control that power inside you. At syempre maging kami ay madadamay. I am not saying this for our sake only. I am saying this for the sake of those humans. Na hindi man lang na nag-eexist ang mga katulad natin sa paligid nila." sagot nito. Sa pagkakataong iyon ay nararamdaman niyang totoo ang mga sinabi nito.
The Kaleidoscope world of Fairies ay walang hari. But, only a queen at napagtanto niya sa mga oras na iyon kung bakit.
Their Queen Golde was a brave and smart woman.
Hindi naman nito magagawang patatagin ang lugar na iyon kung hindi ito matalino at matapang, sa mga oras na iyon ay nagpasalamat siyang nasa presensya siya ng isang magaling na reyna.
"I will do my best upang hindi gamitin sa hindi maganda ang kapangyarihang nandito sa loob ko. I will promise you that." pangako niya sa babae. ngumiti naman ito bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Matapos niyang makipag-usap sa reyna ay nagpasya na rin siyang maglibot sa mga tindahan na nakalagak sa labas ng palasyo.
Ilang linggo na siyang nakakulong sa palasyo na iyon, dahil kay Ivan na matagal na nagising mula sa pagkakatulog nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya natatanong si Ivan, kung ano ang dahilan ng matagal na paggising nito. Sigurado siyang merong rasun ang nangyari iyon dito o, baka nag-iisip lang siya ng iba, iba. He was a vampire, hindi rin naman niya ganoon ito kilala at mas lalong wala naman siyang masyadong alam tungkol sa mga bampira.
"Ikaw iyong isa sa mga bisita ni Reyna Golde. Gusto, mo bang tumingin sa mga paninda ko? Kahit anong mo, ibibigay ko sa'yo. Minsan lang magkaroon ng bisitang ibang nilalang dito!" nagulat siya ng hilahin siya ng isang babae papasok sa maliit nitong shop.
Kaagad na ibinalandra ng babae ang iba't ibang paninda nito. At hinayaan naman niya ang sarili niyang matingin tingin doon. Karamihan sa mga paninda nito ay hindi pamilyar sa kanya. Ang iba naman ay namangha siya dahil sa pagkakagawa at sa mahikang inilagay doon.
Meron itong salamin na nagpapa-iba, iba ng kulay ng buhok at kulay ng damit. May iilang mga bagay din gumagalaw ng kusa. May iilang mga bote doon na merong nakalagay na nga likidong iba, iba ang kulay.
May mga pangalan ang mga iyon sa paanan ng bawat bote. Sigurado siyang mga potion ang mga iyon.
She used to play a magical games before kaya medyo pamilyar sa kanya ang mga pangalan ng mga potions na iyon.
"Ano? May nagustuhan ka ba?" tanong sa kanya ng babae, matapos niyang malibot ang buong shop nito. Mapakla ang naging ngiti niya.
Gusto niyang sabihin ditong gusto niya lahat, ngunit natakot siyang baka hindi ito maniwala o baka sabihin nitong nagsisinungaling siya. Pero, totoo iyon she likes everything in her shop, tila may bahagi siya na gustong gamitin ang mga iyon at matuto ng tinatawag na mahika. But, she had a lot going on in her life sa mga oras na iyon and discovering magic was not a good idea for her. Kung pwede lang na makabalik siya doon, pagkatapos ng lahat ay gagawin niya. Masyado siyang fan ng mga ganung bagay and using a real potion was something she only dreamed, when she was a child.
"Ahhm. Gusto ko po ito." aniya sa babaeng kaagad namang nasiyahan dahil sa may napili siya. Nagulat siya ng biglang may lumabas na iba't ibang kulay sa likuran nito and then suddenly she flew above her. Umawang ang mga labi niya. Hindi niya alam na malaking bagay pala ang makapili siya ng gusto niya, kahit na hindi naman siya sigurado kung ano ang bagay na napili niyang iyon.
"Masaya ako! Iyan ang isa sa mga pinakamagandang itinitinda ko dito! Ibibigay ko iyan sa iyo! Pero, tandaan mo ang mga bula ng bagay na iyon ay espesyal!" anito sa kanya. Bumaba na ito mula sa paglipad sa itaas niya. Mabuti na lang at mataas ang kisame ng shop nito. Marahil ay ginawa talaga iyong mataas dahil nasa mga fairies ang mga nakatira sa lugar na iyon.
"Bakit po espesyal?" takang tanong niya sa babae. Ngumiti ito saka ibinigay sa kanya ang bubbles na iyon. Isa lang namang normal na bubbles ang napili niyang iyon. Nakalagay ang likido nito sa loob ng isang hugis pusong lalagyan may nakaukit na mga salita sa harapan ng lalagyan na iyon.
Sa bawat bula ay matutuklasan mo kung sino ang iyong tunay na mahal. Tandaan, tandaan kung sinuman ang tinitibok ng puso ay hindi kayang palitan….
Iyon ang nabasa niyang nakasulat sa lalagyan nito. Tumingin siya sa babaeng nagtitinda at kaagad naman itong ngumiti sa kanya at nagsalita.
"Kapag, ginamit mo ang bubbles na ito ay makikita mo ang mukha ng taong mahal mo. Tandaan mo, hindi pwedeng magsinungaling sa bula. Dahil ang tinitibok ng puso ay hindi na maaring palitan." anito sa kanya. Sandali siyang natiglan. Totoo ba ang sinabi ng matanda? Pero, paano nalaman malalaman ng mga bula ang taong mahal niya? Wala naman siyang taong mahal.
Siguradong hindi rin naman niya magagamit ang bagay na iyon o baka wala namang lumabas na mukha dito.
"A, salamat po dito pero…" she was about to return the thing to the woman.
Nang biglang sumulpot si Ivan sa harapan niya. Kaagad niyang ikinubli sa kanyang likuran ang hawak na bote. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng babaeng tindera ng makita nitong tinago niya ang bagay na iyon sa kanyang likuran.
"Anong ginawa mo dito?" kaagad na tanong ni Ivan sa kanya. Tumingin ito sa kanya, mula ulo hanggang paa at tila ba nang-uusig ang mga tingin nitong iyon.
Natigilan siya ng manatili sa kamay niya ang mga mata nito. He knew she was hiding something.
"Putteeek!" sambit ng utak niya. Gusto na niyang lumabas ng shop na iyon. Binabayo ng kaba ang dibdib niya ng mga oras na iyon. Ngunit hindi niya alam kung bakit at kung para saan ang kaba niyang iyon.
Nanlaki ang mga mata niya ng magsimulang humakbang si Ivan, patungo sa kanya.
Ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't isa ng mga oras na iyon.
"Ivan! Let's go!" tila nakahinga siya ng maayos ng tawagin ito ni prinsesa Iahla na nakatayo sa pinto ng shop ng mga oras na iyon. Kaagad naman iyong tinungo ng lalaki.
Nasapo niya ang dibdib, saka siya huminga ng maluwag.
"Bakit ka kasi kinabahan? Wala namang masamang makita niya ang bagay na nasa kamay mo!" tanong ng isang bahagi ng utak niya.
Bakit nga ba siya kinabahan?
"Magagamit mo talaga iyan. Alam kong kailangan mo 'yan." nakangiting sabi ng tinderang nagbigay sa kanya ng bubbles na iyon.
"Reese! Let's go!" nilingon niya si Ivan. At nagpaalam na siya sa babaeng may-ari ng shop. Nakangiti pa rin ito hanggang sa makalabas siya ng shop. Habang hawak, hawak naman pa rin niya ang ibinigay nito.
"Malalaman ang totoong mahal?" tanong niya, habang pinagmamasdan ang boteng hawak. Wala naman siyang totoong mahal. Ngunit, hindi rin ata masama kung gamitin niya ang bagay na iyon kahit isang beses lang.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Angelito Cabong

    ang saya mag basa kaya lahat tayo mag bas a ng mga kwento dito

    29/12

      0
  • avatar
    Kely Añasco Lomocso

    I'm okay 😊

    28/08/2024

      0
  • avatar
    Ch Arm Gerona

    good story

    31/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata